webnovel

Red & Rex (Ang Kasunduan RAINDOW DIARIES

Gremme_Lyn_Sy · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
5 Chs

Chapter 04

Chapter 4

__________________________________

RED' s POV

Medyo maayos na ang pakiramdam ko mula ng makapahinga at makainom ako ng gamot. Kasalukuyan pa akong nakahiga at nagsisimula ng makaramdam ng pangangalay at pag-iinit ng likod, kaya napagpasyahan ko na tumagilid na ng higa . Bahagya pa akong nagulat ng makitang may katabi ako sa higaan.

Oo nga pala. Iba na ang pansamantala kong sitwasyon ngayon.

Natitig ako sa maamo at gwapo niyang mukha. Hindi halatang may sapak ang isang ito kapag ganitong mahimbing siya. Mukhang anghel at payapang payapa sa kaniyang pagtulog.

"Gwapo ka sana kaya lang minsan masama tabas ng dila mo. Pero salamat sa pag-sundo mo sa'kin kahapon." wika ko kahit tulog at hindi naman niya naririnig.

Nagpasya na akong bumangon para maligo at makapag-luto ng almusal. Sabado ngayon at wala naman akong pasok sa school at nandito naman ang trabaho ko. Pero pakiramdam ko ay parang may gagawin akong hindi ko matandaan. Maaalala ko rin siguro 'yon mamaya.

Pumasok na ako sa loob ng bathroom at tumapat sa shower.

Ang sarap sa pakiramdam . Sa ngayon ay masasabi kong mas mainam na ang ganitong sitwasyon kaysa pumasok ako gabi-gabi sa trabaho na iba't ibang lalake ang makakatabi ko sa kama.

May pagkakataon ako para makabalik at makabisita sa pamilya ko. Malamang ay miss na miss na nila ako. Ilang taon na rin mula ng iwan ko sila at hindi na makita. Nawalan ako ng mahal sa buhay ay ni hindi ko manlang nagawang sumilip kahit saglit.

Sa isiping iyon ay binalot ako ng sobrang kalungkutan. Pakiramdam ko ay ang sama kong anak at ate.

*toktok*

"Red." napitlag pa ako ng marinig ang boses ni Rex sa labas.

Gising na agad?

Pinatay ko na ang shower at binalot ng tuwalya ang basa ko pang katawan. Ano naman kaya ang kailangan ng lalakeng ito?

Binuksan ko na ang pinto at bumungad sa akin ang itsura nitong may magulong buhok at pupungas pungas pa ,pati ang hubad nitong katawan na tanging boxer lang ang suot. Ngunit kahit may takip ang bagay na iyon ay hindi nito maitatanggi ang katotohanang may malaki siyang kasangga sa buhay. Napalunok ako sa isiping 'yon at sinalakay ng kakaibang init na hindi ko mawari.

"Red."

"A-ahhh...Y-yes? B-bakit?"

"I need to pee. "

"Ahh..nakikita ko nga.. I mean...sure. Sorry." pinagsasasabi mo Red? Nakakahiya ka talaga paminsan minsan. Talandi ka rin eh.. Agad naman akong nag-iwas ng tingin at lumabas na ng bathroom.

Dali-dali naman akong kumuha ng damit para makapag palit na at makapag-luto ng agahan.

Bakit kasi hindi ko pa iginayak kanina?

Nakapag suot na ako ng panty at short ng marinig ko ang pag-unlock ng doorknob. Nagmamadali kong kinuha ang bra para maisuot na din ngunit sa kasamaang palad, ang towel na bumabalot sa aking kahubaran ay lumuwag at dirediretsong nahulog. Huli na para pulutin at itapis muli dahil tuluyan na siyang nakalabas sa bathroom.

Agad ko namang iniharang ang anomang bagay na nadampot ng aking kamay at itinakip sa itaas na bahagi ng katawan.

"Wag kang titingin! Takpan mo yang mata mo!" sigaw ko ng saktong humarap na siya sa gawi ko.

Siguro ay nakuha niya ang ibig kong sabihin kaya dali-dali naman siyang tumalikod. Ngayon ay ang matipuno niyang likod at matatambok na pisnge ng kanyang puwet ang aking kaharap. Parang ang sarap pisilin ng bagay na 'yon.

"Red. Bilisan mo na dyan. Huwag mo na kong pantasyahin."

"Kapal mo! Bakit naman kita papantasyahin no! Marami na 'kong nakitang ganyan no! Pare-pareho lang naman ang itsura niyan!" angil ko sa kaniya habang sinusuot ang bra.

"So tinitignan mo nga ang puwet ko." natatawa niyang sagot. Napahiya naman ako at napakagat labi.

Pahamak talaga 'tong bibig na ito kahit kailan.

"Okay na! Nakabihis na ko" sabay pulot ko ng tuwalyang nahulog kanina.

Pag-angat ko naman ng ulo ay syang mas ikinabigla ko.

Nakaharap na siya sa'kin habang ang dalawang kamay ay nasa baywang niya at animo'y modelong pumorma pa para ipakita ang matipuno niyang katawan na may anim na naglalakihang pandesal at maging ang bagay na nasa pagitan ng mga hita niya ay nakikipagpaligsahan ng palakihan.

"Enjoying the view?" nakangisi siya na tila ba pinagpaparangalan pa na gifted siya.

Ramdam ko ang muling pag-iinit ng aking pisnge at paniguradong namumula na ang mga ito.

"H-hindi n-no! Ano namang nakaka enjoy d'yan sa katawan mo eh nakakita na rin ako ng ganyan. Mas maganda at malaki pa d'yan!" sabay lakad ko na nilagpasan siya para tunguhin ang pinto palabas.

"So nalalakihan ka. " nang-iinis pa rin ang tono niya. Bwiset talagang lalake na 'to!

"Hindi no! Assuming ka lang!" at binirahan ko na siya ng layas. Pero sa totoo lang ay siya pa lang ang nakitaan ko ng ganoon at mas nahihiwagaan ako kung ano'ng itsura nito kapag nagalit na't lumabas na ang tunay na anyo.

Ano ka ba Red! Ang landi mo! Magluto ka na nga! Gutom lang 'yan.

Pumunta na ako sa kusina niya at nagsimula ng pakelaman ang mga gamit at kung anomang pwedeng iluto.

"Hindi ba siya marunong mag-grocery? Puro processed food ang mga ito. Ano'ng sustansiya naman ang makukuha ng katawan niya kung puro ganito ang kakainin niya? Tsk. Ay teka. Bakit ba ako nangingielam eh bahay niya 'to? " kumuha na lang ako ng itlog at hotdog na nakita ko doon ,tamang tama dahil may nakita akong monay sa lamesa. Okay na siguro ito at malamang na kumakain naman siya nito dahil nasa fridge niya.

"Ay malaking hotdog! Ano bang ginagawa mo riyan? Bakit ka nanggugulat?!" muntik ko ng mabitawan ang mga hawak ko dahil sa gulat. Pagkasara kasi ng fridge niya ay bigla na lang sumulpot si Rex na nakapameywang na naman at mukhang pinagmamasdan ang ginagawa ko, pero nakadamit naman na siya ng mas matino.

Gumuhit ang ngisi sa labi nito na tila ba nang-aasar na naman. Umarko naman ang isang kilay ko dahil hindi ko makuha ang ibig sabihin ng ngisi niyang iyon.

"Ano na naman ang nginingisi mo d'yan Mister Vergara? Nababaliw ka na. " sabay talikod ko sa kaniya dahil hindi ko matagalan ang mga tingin niyang parang nang-aakit.

"Ako pa nga ang baliw? Sino kaya sa ating dalawa ang kumakausap sa refrigerator? At talagang partner pa talaga ang kinuha mo ah, dalawang itlog at isang jumbo hotdog. Ano yan, ipapalaman mo sa malambot na monay?"

Saglit kong pinagmasdan ang mga kinuha kong ulam at ngayon ko lang narealize ang sinasabi niya. Muli ,ang pag-iinit ng aking pisnge ay nagsisimula na.

Lintek talagang lalaki ito!

"Alam mo ang manyak mo no?" kunwari ay inis kong sabi para makabawi sa hiyang nararamdaman ko.

"Hindi naman." ramdaman ko ang paglapit niya sa direksiyon ko. Sinalakay ako ng kaba na halos hindi ko na marinig ang paligid at tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig. Ano 'to? Hindi ito ang kaba na may kinatatakutan. Parang excited na hindi ko maintindihan.

"Paborito mo ba ang hotdog at itlog Miss Austria? Mukhang namimiss mo ng kumain ng mga 'yan." ilang lunok pa ang ginawa ko ngunit hindi mawala ang kaba lalo na ng maramdaman kong dumikit ang katawan niya sa aking likuran. Itinukod pa niya ang dalawang kamay sa sink kaya naharangan na ang pwede kong daanan.

"A-ano ba yang mga sinasabi mo? D-doon ka nga. H-hindi ako makakilos ng maayos sa'yo. Landi mo." sabay harap ko sakanya para itulak sana ngunit para akong nagtulak ng pader na hindi manlang natinag sa kaniyang kinatatayuan.

"Ano ba 'tong ginagawa mo Rex?" tanong ko sa kaniya na nakatitig sa mga mata niya. Mas lalong kaba ang naramdaman ko ng makita ang reaksiyon ng mapupungay niyang mata na tila ba nangungusap at may gustong ipahiwatig. Pakiramdam ko ay hindi na ko makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Bahagya pa niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin at halos magkadikit na ang aming mga ilong. Ang natural na mabangong amoy niya ay para bang hinihibang ako at nahihipnotismo na anomang ipagawa niya ay susunod ako.

"Red..." pabulong na bigkas niya sa pangalan ko,parang nang-aakit.

"A-ano?" utal at nangangatal kong tanong sa kaniya na hindi pa rin nagbabawi ng tingin.

"Mamayang gabi na yung event."

Event?

"Oh shit! Hindi ko pa nababasa yung laman ng folder!" ngayon ay alam ko na ang kung ano yung bagay na kanina ko pa iniisip na dapat kong gawin.

"Tsk."

Unti-unti na niyang inilayo ang mukha't katawan niya at naglakad na papuntang dining table. Bakit ko nga ba nakalimutan ang ganoong bagay?

"Sorry. Nakalimutan ko. Mag-luluto lang ako tapos ay babasahin ko na ang mga 'yon..pero yung isang folder baka bukas na lang." tumango naman siya at sinimulan ko ng gawin ang pagluluto na dapat ay tapos na ngayon. Ito kasing lalakeng 'to, puro kamanyakan kay aga-aga pa. At siya pa nga itong nagsabi nung nakaraan na hindi sa katulad kong babae niya gagawin ang makamundong gawain na 'yon pero heto siya at mukhang inaakit pa ako. Buti na lamang at nagagawa ko pang kontrolin ang aking sarili. Mula ng mapasok sa ganitong trabaho ay nasanay na ang katawan ko na iba't ibang lalake ang gumagamit sakin. Kaya may mga pagkakataon na hinahanap na rin ng aking katawan ang mga ganoong gawain.

"Nga pala, lalabas sana ako para bumili ng damit na gagamitin mamaya sa party. Ano bang gayakan mamaya ? Kailangan ba na naka-gown?" tanong ko sa kaniya habang nakaharap ako sa stove .

"Huwag mo ng problemahin ang damit na isusuot mo mamaya, dumating na kagabi yung gagamitin mo, hindi ko na napasukat sa'yo dahil natulog ka na kaagad pagdating natin, hindi na kita ginising." tumango tango na lang ako.

Mamayang gabi na yung party, paano ko kaya haharapin ang magulang niya? At paniguradong nandoon ang lahat ng relatives nila. Mababait kaya ang angkan niya? Baka mamaya may naka-table na kong kamag-anak nila. Sana naman wala. Nakaka-stress. Bakit naman kasi ako pa ang napili ng lalakeng ito? Ang dami-dami namin doon, may mas magaganda pa sa'kin at kayang makipagsabayan sa mga mayayamang kagaya niya, ay bakit ako pa ang kinuha. Dapat si Isay na lang, tutal sa pag-arte arte naman ang kurso niya.

"Kumakain ka ba ng sunog na hotdog at itlog? Ako kasi hindi."

"Ay shit!" dali-dali kong pinatay ang stove. Mukhang napalalim masyado ng pag-iisip ko, ni hindi ko manlang naamoy itong nilulutong masusunog na pala. Ginagawa mo Red?

Nilipat ko na sa plato ang mga 'yon at inihain na .

"Sorry. May iniisip lang. Hindi ko na namalayan na nasusunog na pala. " hindi naman siya sunog talaga. Malapit pa lang.

"Kung iniisip mo ang mga manyayari sa party at ang mga kamag-anak ko ay wag ka masyadong mag-alala. Mababait naman ang mga iyon. At isa pa, wala naman na akong magulang kaya wag kang ma-pressure."

Natigilan ako sa pagkagat ng tinapay ng marinig ang sinabi niya.

"Yes, wala na akong magulang. Ang lola ko na lang ang nakalakihan kong nagpalaki sa'kin kaya mahalaga talaga sa'kin ang araw na'to."

Nakita ko na naman ang lungkot sa mga mata niya. Tila hinaplos naman ang puso ko sa itsura niyang iyon.

"Pareho pala tayo. Ulila na rin ako eh."

__________________________________

ISABELLA'S POV

Ang laki ng lugar na 'to. Nakakatakot makihalubilo. Pakiramdam ko ay lalamunin ako dito ng buhay.

Mga sosyal at mukang mayayaman ang lahat ng nandito, hindi ako sanay sa mga ganitong party.

"Nervous?" napalingon ako sa gawi ng kasama ko. Si Titus. Ngumiti ako at marahang tumango. Naramdaman ko ang mainit niyang palad na humawak sa aking kamay kaya napatingin ako sa gawi niyon.

"Nanlalamig ka. Relax ka lang. Akong bahala sa'yo." nagbigay naman siya ng isang ngiti na para bang pinapahiwatig na kailangan kong mag tiwala sa kaniya. Tumango na lang ako bilang sagot at huminga ng malalim.

Kaya mo yan Isay! Fight!

Pinagbuksan niya ako ng kotse, pahiwatig na kailangan ko ng lumabas.

Parang kinakaldabog ang dibdib ko sa sobrang kaba na nadarama ko ngayon. Nakadalo na rin naman ako ng party ngunit hindi ganito kasosyal at karaming tao. Kadalasan ay mga pool party at stag party lang. Hindi rin kasi kasama sa kontrata ko ang sumama sa mga ganitong event pero napapayag ako ng mokong na ito dahil bukod sa pangungulit niya ay personal akong inimbitahan ng mommy niya.

Si Titus ay isa na sa mga naging customer ko, na masasabi kong naging malapit sa aking loob . Naging magkaibigan din kami at ilang ulit ko ng nakaharap ang pamilya niya. Mababait din ang nanay at tatay niya pati ang dalawang kapatid pa nitong nakababata. Naging malapit na rin ako sa pamilya niya, ngunit hanggang sa ngayon ay tanging kaming dalawa lang ang nakakaalam sa kung ano at saan ako nagtatrabaho.

"Isabella! Hi! Nandiyan na pala kayo!! Grabe! You're so gorgeous!" ang mommy ni Titus na hindi naman masyadong obvious ang pagka excited niya na makita ako.

Kahit may edad na ang mommy ni Titus ,ay mahahalata mo ang angkin nitong kagandahan,mas lalo na siguro noong panahon nito ng kabataan.

"Thank you po tita. Kayo rin po. Lalong gumanda. " niyakap ako nito at nakipag beso-beso pa.

"Sus, ikaw naman. Akala ko nga ay hindi ka makakapunta eh, may gagawin ka raw kasi sabi ni Titus." ang totoo ay hindi talaga sana ako pupunta, kaya lang ay naisip ko na baka magtampo sa akin si Tita dahil siya mismo ang nagkumbida sa akin dito.

"Hindi ko naman po kayo matitiis Tita, sino ba naman ako para tanggihan ang imbitasyon niyo."

Mas lalong lumapad ang ngiti nito at nag-ningning ang mga mata sa sinabi ko.

"Halika at ipakikilala kita sa mga amiga ko. " hinila ako ng mommy ni Titus sa karamihan ng tao. Ni hindi ko na nagawang umangal at tanging pag-ngiti lang ang nakuha kong suporta kay Titus.

"Ladies. I want you to meet my future daughter in law. Isabella."

Future daughter in law?

"Wow! Hija ang ganda-ganda mo! Know what Lorena, mahusay talaga ang taste ng anak mo. Magaling pipili. Maganda at mukhang napalaking maayos ng mga magulang. Mukhang may pinag-aralan." hindi ko alam kung ngiti pa ba ang nakarehistro sa labi ko o nakangiwi na. Para akong nahihiya sa aking sarili sa narining kong sinabi niya, oo nga at maganda ako pero yung katotohanang hindi ako desente ay para akong paulit-ulit na sinasampal.

Gusto ko na lang lamunin ng lupa at maging kamote. Char.

Ang ganda ko naman masyado para maging kamote lang.

"Tita. Baka maniwala po sila." bulong ko kay Tita Lorena.

Ngumiti ito't kumindat pa sakin.

Ano kayang trip ng nanay mo Titus?

"Hindi na nga ako makapag hintay na makita ang mga magiging apo ko sa kanila ng anak ko." kinikilig pang sabi ni Tita Lorena.

Jusko wala nga sa plano ko ang mag-anak, tapos mga apo pa ang gusto?

"Naku Tita, matagal pa po iyon. Bata pa po kami ni Titus."

Pinagsasabi mo d'yan Isabella? Friends nga lang label niyo eh, anong bata bata pa?

"Oo nga naman Lorena, hayaan mo munang enjoyin nila ang isa't isa. Ganoon talaga kapag mga bata pa, maiinit pa masyado." sabay tawanan nila na parang mga kinikiliti. Mukha lang palang sosyal ang mga ito ngunit mahalay din pala magsalita.

"Huy Luisa ang bibig mo! Nawawala na naman ang pagkasosyal mo. Pasensiya ka na Hija at ganito talaga kami magsipag-usap. Masasanay ka din." ngumiti na lang ako bilang sagot sa sinabing iyon ni Tita Lorena.

"Ahhh, excuse me Titas', pwede ko bang hiramin ang date ko ngayong gabi? Ipapakilala ko siya sa mga kaibigan ko. " nakahinga ako ng maluwag ng sumingit si Titus.

"Ahh yes sure. Go ahead. Enjoy the party Isabella."

"Thank you po Tita." inangkla ko na ang isang kamay ko sa braso ni Titus at nilisan na ang umpukan ng mga kaibigan ni Tita.

"Jusko Titus, buti na lang at dumating ka, maloloka ako sa nanay mo at mga amiga niya." tutop ko pa ang dibdib ko na animo'y nakahinga ng maluwag.

"No worries kapag sila ang kaharap mo. Mababait ang mga iyan at masarap kasama kahit na minsan ay puro kaberdehan ang lumalabas sa bibig. "

"Mukha naman silang sosyalin pero tama ka, mahalay nga silang mag-usap." natatawa kong sagot.

"Hindi na 'yon nakakabigla. Halos pareho lang naman kayo ng mga naging kapalaran."

Natigilan ako.

Halos pareho lang kami ng mga naging kapalaran...ibig ba niyang sabihin...

"Titus..."

"Oh nandyan na pala si Titus! "

"Halika ipakikilala kita sa mga kaibigan ko at mga date nila." hindi ko na naituloy ang itatanong ko sa kaniya dahil hinila niya na ako sa umpukan ng ilang kalalakihan at kababaihan na nandoon sa isang malaking table,marahil ito ang mga kaibigang sinasabi niya.

Ngunit halos malaglag ang panga ko ng makita kung sino ang nasa lamesang iyon. Pinagsisihan ko na umalis pa ako sa umpukan nila Tita.

Bigla ay sinalakay ako ng kakaibang takot at kaba. Gusto ko ng umalis at tumakbo palayo ngunit ang mga paa ko ay napako na sa aking kinatatayuan, dahilan para mahinto rin si Titus at mapalingon sa akin na may pagtataka.

"Titus....siya 'yon. "

Ang lalakeng halos tapusin na ang buhay ko...paano...paano siya nakalaya?

__________________________________

REX' s POV

"Ready?" tanong ko kay Red nang makarating kami sa lugar na pagdarausan ng birthday ni Lola.

Tumango lang siya bilang sagot ngunit ang paningin ay nasa labas kung saan nandoon ang mga bisitang imbitado sa selebrasyon.

"Kinakabahan ka ba?" tanong kong muli sa kaniya dahilan para lumingon na siya sa aking gawi.

"Hindi naman," at saka ngumiti ng kay tamis.

Aaminin ko sa aking sarili na kakaiba ang ganda ni Red ngayong gabi. Bagay na bagay ang puting dress na binili ni Christopher para sa kaniya. Maging ang ayos nito sa kaniyang buhok at ang mga alahas na suot ay tumugma sa kaniyang kasuotan. Simple lang ang make up niya ngunit mas lalong lumabas ang ganda kumpara sa ayos niya ng una kaming magkakilala. Sa itsura niya ngayon ay hindi mo aakalaing isa siyang magdalena.

"Ahhh...hindi pa ba tayo bababa at pupunta roon?"

"Yes..wait.." bumaba ako para pagbuksan siya ng pinto at alalayan pagbaba.

Nakakahiya, nahuli niya akong nakatulala sa kaniya. Hindi ko kasi talaga akalain na may igaganda pa pala siya lalo.

"Let's go." anyaya ko sa kaniya matapos kong isara at i-lock ang sasakyan.

Ginagap naman niya muli ang kamay kong aalalay sa kaniya. Nang maramdaman ang paglapat ng kaniyang palad sa aking kamay ay napalingon ako at napatitig ng saglit sa kaniya.

Ang bibig niya'y makakapagsinungaling ngunit ang kamay niyang nanlalamig at nanginginig ay hindi.

"Relax...nandito lang ako sa tabi mo, hindi kita papabayaan, aalalayan kita hanggang sa matapos ang gabing ito." bumuntong hininga muna siya bago tumango at ngumiti.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga sinabi kong iyon ngunit sa tingin ko naman ay nakatulong upang pahupain ang kabang nararamdaman niya.

"Hijo! Finally!" si Tita Mercedes na bigla na lang sumulpot sa aming harapan. Nakipag beso ako sa kaniya at binati rin siya.

Naramdaman ko ang marahang pagpisil ni Red sa aking kamay ,dahilan para mapalingon ako sa gawi niya.

Nandoon ang kaniyang tingin na may takot at pag-aalala.

Bahagya ko ring pinisil ang kamay niya para ipaalala na kasama niya ako.

"Tita, this is my fiancé, Red Austria."

Nagbaling naman ng tingin si Tita kay Red na ngayon ay nakangiti na, ngiting hindi mo mababakasan ng takot at kaba, kahit ang totoo'y parang yelo na sa lamig ang kamay niya.

"Oh hi! Finally ay ipinakilala ka na rin sa amin ni butchokoy! Naku matutuwa ang Lola Estella mo nyan! Halika na kayo rito at kanina pa naghihintay ang Lola niyo."

Matutuwa na sana ako kay Tita Mercedes kung hindi niya lang ako tinawag sa bansag nila sa akin.

"Butchokoy pala ah." bulong ni Red na tatawa tawa.

Pinisil ko ng mas madiin ang kamay niya dahilan para mapa-aray siya ngunit hindi pa rin niya mapigilan ang mahina ngunit mapanuksong tawa niya.

"Kung gusto mong bawiin ko ang sinabi ko kanina ay wag kang titigil sa panunukso mo at sisiguraduhin kong mag-isa kang uuwi mamaya."

Bulong ko sa kaniya na may pagbabanta.

"Sorry...hindi ko lang kasi akalain na may ganoon ka palang pet name..butchokoy." muli ay natawa na naman siya sa sarili niyang kalokohan. Napapailing na lang ako sa ginagawa niya. Okay na rin iyan para kahit papaano ay kumalma siya.

"Mommy! Nandito na si Rex at ang fiancé niya." sa wakas ay nagkita na ulit kami.

"Lola! " sinugod ko siya agad ng yakap na siyang ginantihan din niya ng mas mahigpit at may pananabik.

"Apo ko, miss na miss kita!" nanginginig ang boses niya na tila ba maiiyak. Kahit ako ay ganun din, miss na miss ko na rin ang nag-iisa ko na lang na magulang.

"Me too Lola. Pasensiya ka na at ngayon lang ulit ako nakadalaw." naka wheelchair na ang lola dahil hirap na rin itong maglakad mag-isa lalo na at may karamdaman siyang iniinda na dahilan kung bakit may taning na ang buhay niya. Ang ulo niya ay may wig na siyang tumatakip sa nakalbo na nitong ulo resulta ng makailang ulit na pag-chemo therapy.

"Balita ko ay kasama mo daw ang fiancé mo."

Shit! Oo nga pala!

Nilingon ang direksiyon ni Red ngunit wala siya sa kinatatayuan niya kanina.

Nasaan na kaya iyon?

Umalis ba siya?

Hindi ko naman sinasadyang makalimutan siya. Nasabik lang ako ng sobra sa aking Lola.

__________________________________

END OF CHAPTER 4

Author's note:

Hi readers! Kung mapapansin niyo mula sa chapter 1 ,ay may mga pinuputol akong point of view ng mga kaibigan ng ating bida na si Red. Ito ay sa kadahilanang pagbibigay pinto sa mga susunod nating istorya para sa kanila. Magkakaroon pa rin naman sila ng konting point of view dito ngunit hindi sa ibang mga eksena at sitwasyon na. Yun lang naman.

Nga pala guys. Baka naman pwedeng makahingi ng support. Pa-follow naman po ako .

Sa lahat po ng magpa-follow, pa leave na lang po ng comment sa story at mag special mention po ako sa ibang chapter nito. Thank you ng marami!!

Love yah!!