webnovel

Justice and Love

After a week, maraming nangyari sa loob ng isang linggo na iyon pero hindi pa din sya gumigising.

Hindi ako natatakot na humarap sa konseho kung alam ko naman ang gagawin ko.

She still in coma—not waking up. Sinabi sa akin ni Iris na dumadalaw lang sila Michelle dito pag wala ako.

Isang linggo na din ng mawalan ako ng anak. Araw-araw pinagdadasal ko na sana bumalik ang oras pero alam kong hindi na mangyayari yon.

Inilipat namin sa isang malaking kwarto sa loob ng bulwagan ang katawan ni Kharis dahil mag lilitis na at hindi sya pwedeng maiwan mag-isa.

"You may all seat down." anunsyo ni Christian— head council.

May binigay ang mga tauhan dito at sa iba pang myembro ng konseho.

"Anak kayo ng mga nasa konseho pero ganito ang nangyari." unang namutawi sa bibig ni Jane.

She's irritating the hell out of me. "As if you can sacrifice your life..." Iris whispered.

"Quite!"

Tumahimik ang bulwagan dahil sa boses ni Christian. "This case is treason." yan ang bulong nito.