webnovel

Prologue

Puno ng pag-sisisi, galit at sakit ang nararamdaman ko ngayon. Nakahilata akong nakaluhod sa sahig at nakatali sa kadina ang paa at kamay ko sa likod.

Sa harap ay nakaupo ang babaeng tinuring Kong tunay at Parang kapatid na si Reya at nakaupo sa kandungan ng taong asawa kong kinasal lang kahapon.

Nasa probinsya kami, may kalayuan sa bayan dahil ito sana ang honeymoon namin dahil gusto daw ma enjoy ni Ranz ang mahanging simoy at malapit ito sa dagat. Pero di ko akalain na ganito ang mangyayari sa buhay ko.

Nakayuko lang ang ulo ko at tinitiis ang sakit na nararamdaman ko sa loob ng aking bibig. Sugatan ang paa at kamay Kong nakatali dahil sa hiwa ng kutsilyo, nakakalat ang dugo sa loob Ng kwarto, kahit na Ang mga gamit na dinala ko ay nabasag.

"Nakaka-awa ka.....pero dahil nga huling araw mo naman to, may sasabihin kami sayu" bag squat sya sa harap ko at hinawakan ang baba ko para tumingin sa kanya

Mas lalo akong nainis sa ngisi nyang natutuwa habang nakikita akong nahihirapan

Ang sakit!

Daosdos na dumadalos ang luha ko sa muka, lalo na at nakikita ko ang nakakainis na ngisi ni Ranz sa muka nya na nakaupo sa upuan sa harap ko.

Nagagawa nya pang uminom Ng wine! Hayop sya!

Gusto ko mag-wala gusto ko silang gantihan, pero paano? Huli na Ang lahat! Masyado akong nagpadala sa emosyon ko, masyado akong nagtiwala kaya bagsak akong sinaksak sa likod ko.

Napapikit ako sa sakit at umiyak nanaman

Mama....Papa...Sorry

"Alam moba na ang taong nag pa rape sa kapatid mong baliw. Ay ako"

Nanlaki ang Mata Kong tumingin sa kanya, agad Kong naalala ang nakakaawang sinapit Ng kapatid Kong bangkay ng malaman namin na na rape sya, muli ay mas lalo akong umiyak at pinuno ng sobrang galit ang kalooban ko

"Ah, meron pa pala" tumawa sya at umupo ulit sa kandungan ni Ranz

"Alam moba na lason ang dahilan Kong bakit namatay si Tita at Tito?......dahil kami din ang may gawa nun"

"At yung kapatid mong si Mariz! Tsk...…..masyado syang nakakainit ng ulo, nainis ako Kaya sinama kona" pinatingin nya ako sa kanya gamit ang paa nyang iniangat ang baba ko

Nanlisik ang masamang tingin ko sa kanilang dalawa sa mga sinabi nila sakin,

Mama…

Papa.....

Sorry,

Sorry talaga….

Ang mga kapatid ko…..

Pasensya na….Wala nang magagawa si Ate,

"Pero wag ka mag-alala. Makakasama mo nadin sila" tumayo sila at nagbihis ng damit at binato sakin ang damit nilang hinubad na may dugo. Binuhusan nila ng gasolin Ang boong kwarto at pinaligo iyun sa katawan ko. Wala na akong maramdaman na iba, Wala nadin akong maisip na kailangan gawin. Wala nanaman akong magagawa e, huli na ang lahat.

Dito na matatapos ang buhay ko.

Ni Wala nadin akong maramdaman na kahit ano ng makita ko Ang sasakyan sa labas Ng bahay, laman nito sina Reya at iba naming kasama.

Mga taong akala kodin ay kaibigan ko. Na akala ko din ay maaasahan ko, kasabwat pala silang lahat ni Golden sa ganitong plano!

"Oh By the way" huminto sya malapit sa may pinto at nilingon ako

"Aalagaan ko ang Leinston group, thanks for the wealth Summer. Hahahahahahahahahahahaha"

Sinindihan nila ang apoy at nagsimulang lumiyab ang paligid ko, pinikit ko nalang ang mga Mata ko.

Kung Sana....

Kung Sana ay may magagawa pa ako.

Babaguhin ko ang ganitong tadhana ko.

*BOOOM*