webnovel

Reason To Stay [MR Series #4] (Taglish)

MysteryRomance#4 Xyria Haimeni Melendes and Veil Ace Gomez are friend's. They are known each other because of the party. Well, then. Veil is a heart broken man and he can't move on to his first love. He's always drunk at night and go home at the middle of the night. Sometimes he's actually want to suicide because of his first love. He got mad at her but he's still loving her. One time. Xyria Haimeni. Are joyful and careless girl found his friend in the bar. Are the two friends are going to a lovers? You'll see it soon.

ItsMeJulie · Historia
Sin suficientes valoraciones
41 Chs

Chapter 24

"Mali ang paghawak mo! Ipantay mo naman Rico!" Rinig kong sigaw ni Krisha kaya naman napalingon ako sa kanila at tinignan ang pagkakahawak ni Rico sa espada.

"Sorry boss! Na distract lang po" Umayos na siya at pinunasan ang pawis nya bago tapatan ng espada si Ken.

"Wag kasing patingin-tingin sa iba, unahin nyo ang practice bago isipin ang iba!" Sigaw na naman nya kaya naman nagsimula na silang mag seryoso at itinuloy ang kanilang ginagawa.

Naramdaman kong nilapitan ako ni Krisha at umupo sa tabi ko, hindi alam ang sasabihin at nangangapa.

"Ok ka lang?" Tanong niya.

Lumingon ako sa kaniya at nginitian siya. "Siguro," at pinanood sina Ken at Rico na naglalaban.

"Si Ace yan no?" Hindi ako nagsalita at nanatiling tahimik. "I see, iba talaga kapag naging kaibigan mo. Minsan ang labo, mag kaibigan kayo pero may isa o parehas kayo na may itinatago sa isa't isa." Sabay tawa nya kaya nilingon ko siya nang pagtataka.

"Manhid ka rin e no, para kayong tangang dalawa. Bakit hindi kayo mag usap at hindi puro iyak ang ginagawa nyo?" Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Subukan nyo munang mag tanong sa isa't isa. Hindi yung nangangapa kayo tapos mag-aaway o magkaka sakitan kayo dahil hindi nyo sinasabi ang nararamdaman nyo sa isa't isa." Dagdag nya pa.

"Halata naman na mahal pa niya e, saan ako lulugar?" Tanong ko naman.

"Kaya nga uso ang mag tanong diba? Wag nga kayong ganyan, walang mangyayari kung nag-iiwasan kayo. Dyan kana nga, ayusin ninyo ang problema nyo." Tumayo na siya upang asikasuhin ang trainers na kakatapos lang.

It's already 5 pm at tumayo na ako para makapag paalam. Humingi na rin ako ng pasensya dahil hindi ako nakapag train at nakisama sa kanila. Bumalik ako sa condo ni Ace at binuksan iyon gamit ang spare key niya na nasa akin.

Pagkabukas ko ay lumapit ako sa kaniya at agad na niyakap siya. "I'm so sorry, mapapatawad mo pa kaya ako sa lahat ng nagawa ko sainyong dalawa ni Lia?" Deretsong sambit ko at ramdam ko ang gulat niya.

"Apology accepted, you don't need to explain your side, Xy." Niyakap nya ako pabalik at mas mahigpit pa doon.

"Thank you,"

****

Nakita ko nalang ang sarili ko na nag-iinom kasama si Lia sa may balcony habang si Ace ay kausap ang boyfriend ni Lia na si Jerome Lee sa loob.

"Best friends tayo, kaya wag ka nang mag sorry diyan. Inom pa tayo," Pumasok siya sa loob at kumuha ng beer in can doon sa may ref ni Ace bago lumabas ulit.

"Hapunan naba natin to?" Takang tanong ko at may mga chips pang nakapatong sa lamesa.

"Pwede na, mag-open ka lang sa akin. Makikinig ako"

Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa akin. Sa maikling panahon ay hindi ko akalain na ganito ang magiging daan ko para bumangon. Napakahirap at hanggang umabot kami nang alas otso ay panay lang ang kwentuhan namin hanggang umabot sa pagiging broken hearted ko sa kaibigan ko.

"Ang sakit pa din." Pag-amin ko kay Lia sabay inom ng alak. "Feeling ko nga, kaunti na lang ay sasabog na ako. Alam mo yon?" Tanong ko pa at natawa nang maramdamang tinatamaan na ako ng alak.

"Dahil dumating yung impaktang ex nya diba?" Tumango ako at uminom ulit bago kumuha ng asul na potato chips at kinain iyon. "Sis, ang tagal ko nang sinasabi na may gusto rin yan sa'yo. Ayaw lang umamin-"

"Kase mahal nya pa." Pagtatapos ko at tinignan ang kaibigan kong lasing na rin. "Talo ako don," Sabay halakhak ko na parang nababaliw na.

"Paano mo naman nasabi kung ikaw na yung matagal na gusto?" Biglaang sambit nya kaya nagulat ako panandalian.

"Kung ako yung matagal na niyang gusto, bakit siya may ex ngayon?" Sarkastikong sambit ko at napahawak na sa ulo ko.

"Parehas lang naman kayong duwag e. Ayon ang hindi ko alam kung bakit nagka girlfriend siya, dahil ayaw niyang sabihin sa akin." Iiling iling na sagot nya at pilit na binubuksan ang can.

"Sige kunwari maniniwala ako sayo na gusto niya ako, pero dapat ba akong matuwa don?"

"Of course, eh parehas niyo lang naman gusto ang isa't isa. In-denial pa rin kayo hanggang ngayon! Ako ang nai-stress sa inyo."

"Gusto lang naman niya ako e, pero iba yung mahal niya pa. Kahit na sabihin mong ex na yon Lia kung ako lang naman yung gusto at hindi ang mahal ay talo pa rin ako!" Sigaw ko bigla at ibinagsak ang bwisit na can kasabay nang paghilo ko.

Nakarinig ako ng kalampag papalapit sa amin kaya idinilat ko ang mata ko. "Bakit kayo nagsisigawan? Rinig namin kayo sa loob." Sambit ni Jerome kaya napaiwas ako ng tingin nang kasama pala niya si Veil.

Narinig nya kaya yung mga pinagsasabi ko?

Makakalimutan din naman niya yon, hangga't wala akong nakikitang patunay na gusto niya ako ay hindi ako naniniwala. Mahirap nang umasa sa taong walang kasiguraduhan.

"Love, nag-uusap lang kami. Diba Xyria?" Halatang lasing na muntikan pang matumba kung hindi siya sinalo ng boyfriend niya.

"Umuwi na kayo Lia, masyado nang madilim." Tinapik niya sa balikat si Jerome.

"Yun na nga ang balak ko," Tumawa ito bago buhatin ni Jerome si Lia nang bridal style.

"Ingat, love birds!" Sigaw ko sa kanila bago ko narinig ang pagsara ng pinto.

Ilang minutong katahimikan bago siya nagsalita. "Narinig ko lahat xy," Biglang sabi nya kaya tumingin ako sa kaniya at nginisihan.

"So?" Sambit ko habang nakatingin sa kanya.

"Totoo ba?" Dahan dahan na tanong nya at para bang kinukumpirma.

"Sasabihin ko ba kung hindi ha?!" Tumayo ako ng ayos at tinuro sya. "Manhid ka, hindi mo man lang makita o naramdaman na may gusto ako sayo!"

Nagsisimula na naman akong maiyak. "Xy, you're just drunk-"

"No!" Sigaw ko sa kanya na ikinagulat nya lalo na nang mapa upo ako sa sahig kaya agad niya akong nilapitan.

"Stand up,"

"No, listen to me! I like you okay?!" I confessed at naramdaman kong natigilan siya. "But I didn't know what should I do, I just always kept it in my mind! And I am always scared what would you react if I confessed to you. I just don't want our friendship will end because of my f**king feelings to you!" Turo ko sa dibdib nya.

"Ang sakit sakit na Ace!" Iyak ko sa harap niya. "Araw-araw halos mabaliw ako kakaisip sayo at hindi ka matanggal doon. At araw-araw na nasasaktan ako sa tuwing umiiyak ka dahil sa ex girlfriend mo na yan!"

"I'm so sorry, If I ignore your feelings xy."

"What?" Gulat na sambit ko at tumingin sa kanya pero iniwas nya iyon habang nakatingin sa malayo ng magsalita sya.

"I just don't want to hurt you while I'm broken and still not moving on,"