"Good morning people," Bati ni Clark at agad na umupo sa sofa kasama si Ken, Reign at Rico.
"Where's baby blair, by the way?" Tanong ni Rico at mukhang naging close ang unang anak nila na babae.
"Natutulog pa nang mahimbing, gigising din iyon mamaya." Sambit ni Nicole habang ako ay nasa lamess at naka upo. Pinapanood ko lamang silang mag-usap.
Maya maya pa ay dumating na si Irish, Krisha, Chloe and Desiree nang sabay sabay.
"Training room," Awtoridad na sambit ni Irish kaya naman nagsi sunuran na kami.
"Hoy," Kulbit sa akin ni Clark at tinaasan ko sya nang kilay habang naglalakad kami.
"Ano, nami-miss mo naba agad girlfriend mo?"
"Hindi ko nga sya girlfriend!" Inis na sambit nito at sinabunot pa ang buhok bago ako lagpasan.
Natawa ako doon at sumeryoso din nang makarating kami. Maraming mga weapons ang nandoon at iba't ibang klase. May pana at arrow na din doon at may mga bomba na hindi maaring gamitin sapagkat nasa bahay pa rin kami.
"Ako ang magiging Leader nyo sa training at dahil hindi pwede si Desiree ay ako muna ang papalit sa inyo. Kinakailangan ko nang pakikisama ninyo, naiintindihan nyo ba ako?" Seryosong sambit ni Krisha habang nanonood lamang sina Desiree, Chloe, Irish at Nicole.
"Yes Ma'am!" Sambit namin at nakapwesto na din kami ng Mirror bago ito ngumisi.
"Kumuha na kayo ng mga armas," Sumunod naman kami at dahil mas gusto ko ang malayuan ay pana ang aking pinili bago ngumisi at naghanda.
***
"Time's up, Now rest. Pumasok na lang kayo sa loob kapag nagugutom na kayo. Breakfast breakfast din kapag may time." Natawa ang lahat except sa akin at agad na tumayo ngunit nahilo ako bigla kaya na out of balance ako.
"Be careful," Nangunot ang noo ko nang si Ken ang sumalo sa akin kaya agad kong inalis ang pagkakahawak nya.
"Don't touch me," Maarteng sambit ko at inirapan sya.
"Arte mo naman, buti nga at may concern pa sayo yung tao-"
"-So?" Napatigil ito sa pagsasalita at tiningnan ako nang may galit sa mata. "Anong pakielam ko, dapat ba akong magpasalamat?" Sarkastikong tanong ko sa kanya habang naka upo sya sa damuhan at ako ang naka tayo.
Tumayo ito at humalukipkip ko naman siyang tiningnan habang nakataas ang isang kilay ko sa kanya. "Dapat pala ay hindi kana lang sinalo, hindi mo deserve ang respeto sa isang tulad mo," At umalis na ito.
So what? As if naman may pakielam ako kay Ken na sumalo sa akin.
Tumingin ako kay Clark na umiiling iling na lang bago pumasok sa loob. Napabuntong hininga ako bago pumasok na din sa loob.
***
Pagkatapos kumain ay busog na busog na kaming lahat at halos isa o dalawa lang ang nagkikibuan. Alam kong galit sila sa ginawa kong pag trato kay Rico pero anong pakielam ko?
Nakarinig ako nang mga yapak kaya naman napalingon ako doon. "Blair!" Sigaw ko kaya ramdam ko ang paglingon nila kay blair.
"Ate Xy!" Tumakbo ito papalapit sa akin at akmang yayakap pero lumayo ako dahil pawis ako at galing training.
"How are you, bby?" Mahilig ako sa mga bata at tina trato ko talaga sila nang tama. Parang gusto ko na din tuloy magka anak! pero hindi sa fiancé ko.
"I'm fine po, where's mommy?" Paghahanap sa ina nya na saktong pumasok na din at nakita ang panganay nila.
"Baby, let's go to the bathroom and brush your teeth bago ka mag breakfast,"
"Okay Mommy," She pouted at tumakbo papuntang banyo. Sinamahan naman sya ng Daddy nya hanggang mawala sila sa paningin ko.
Ang ganda at ang saya nang pamilya nila. Gusto ko din nang ganoon kung sakaling su-swertehin sa mapapangasawa ko. Hindi ko maiwasang mainggit dahil parang wala silang problema, masaya at kunteto na sa simpleng buhay.
Hindi tulad namin na parang walang love sa pamilya at pressure din ang mararamdaman ko. Tulad na lang ngayon ay ayaw ko magpakasal ngunit pinipilit nila ako.
Tama bang ipagkasundo nila ang mga anak nila sa taong hindi naman nila kilala?
Kung ako ang magiging magulang ay hindi ko ipagkakasundo ang anak ko sa iba. Mas mabuting iparamdam ko yung pagmamahal at kalayaan sa kanya. Hahayaan ko na rin syang mag desisyon sa buhay para maging masaya man lang sya. Dahil may karapatan din ang anak sa gusto nilang gawin.
I wish, my family still feel the love and concern.
Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko at text iyon galing kay Veil Ace.
"Come outside, alone." Kumunot man ang noo ko ay nagpaalam na ako sa kanila bago lumabas nang mansyon.
Nakita ko ang sasakyan niyang nakaparada sa harap at hinihintay ako. Pinagbuksan naman nya agad ako nang pinto at pumasok doon kahit nagtataka kung bakit nya ako pinuntahan.
He was wearing a black pants, white blouse and red neck tie with a black coat. It suits him well and his hair was fixed by a gel at mamahaling relo din ang suot. Halatang businessman ang datingan nang kaibigan ko na ito.
"Bakit ka nandito, akala ko ba ay busy ka?" Takang tanong ko at sinuot ang jacket dahil sa lamig ng Aircon.
Napansin nya iyon kaya naman hininaan ito at bumuntong hininga. "I just want to see you,"