webnovel

Chapter 5

"Number?"

"12 po" sagot ko sa mananahi

August na at malapit na ang intramurals namin kaya isa-isa ng nag pasukat ang mga players sa mananahi para sa jersey. Isa kong Badminton player, duo kami kaya kailangan ng number. Pag-katapos kong sukatan lumabas na ko sa room at hinintay si Jenny.

"Hi!"

"Shit!" Napatalon ako sa gulat at tumingin sa kaliwa "ano ba bakit ka nang gugulat ha!"

"Hindi kita ginulat, nagulat ka lang talaga" Ano daw? Ano bang nasinghot nitong lalaking toh "player ka?"

"Halata ba?" Sabay irap

"Napaka taray mo talaga hahahha" napa tingin ako sa kanya ng masama, mataray daw pero mukang tuwang-tuwa naman sakin. "Anyway anong sports mo?"

"Badminton"

"Whoa, Duo or single?"

"In a relationship"

"Sana all" napatingin ako sakanya at napatawa habang umiiling

"Wow!! Napatawa rin kita sa wakas hahahha" napairap ako kasi mukang tuwang-tuwa talaga siya sakin. "Pero di nga, may boyfriend ka na?"

"Duo" sagot ko nalang, hindi naman kami close para sabihin ko kung may boyfriend ba ko o wala, wala na siyang pake dun

"Oh? Anong number mo?"

"12" sagot ko sakanya "ikaw?"

"Huh? Ako?" Ang slow naman nito

"Anong number mo"

"Ikaw ah~~ dapat matagal mo ng sinabi na gusto mo ko,oh ito number ko 091234—" binato ko siya ng panyo

"Tanga number kasi ng jersey!"

"Hahahaha ito naman, nag bibiro lang eh galet na galet?"

"Ang?!" Narinig kong tawag ng mananahi mula sa room sa apelyedo niya.

"Shit tawag na ko, bye!" Pag papaalam ni Ethan

"Hoy yung panyo ko!" Sigaw ko kaso huli na ang lahat dahil nasa loob na siya ng room "Aish!"

"Annie tara na!" Nakita ko si Jenny na kakalabas lang ng room, valleyball player siya.

Pinuntahan namin sila Lea at Chellesy sa classroom namin na gumagawa ng banners para sa mga players

"Tangina" napamura ko ng makita ang muka ko na nasa isang malaking tarpulin

"Bakit Annie, hindi mo ba nagustuhan?" Tanong ni Lea sakin, gusto ko sanang sabihin na ayoko ng may pa-tarpulin pa kaso anong magagawa ko? Sayang naman ang effort at pera nila kung ipapatapon ko lang.

"Ah h-hindi okay lang naman, basta wag niyo lang akong ichi-cheer pag laban ko na"

"Bakit?"

"Hindi ako makaka pag focus sa laro eh"

"Sana mayabang ang maka-laban mo" singit ni Chellesy

"Bakit naman?"

"Kasi naalala ko yung sinasabi mo na kapag mabait yung kalaban mo naaawa ka" natatawang sagot niya

"Oo nga hahaha naalala ko nung last year, dapat mag i-smash kana kaso hindi mo ginawa kasi sabi mo nakakaawa yung kalaban pero sa huli nanalo ka pa din" sabi naman ni Lea

Totoo yun mas naawa pa ko kasi umiyak yung kalaban ko nung natalo siya

"Pero naalala ko nung pinanglaban ka sa ibang school tapos napaka yabang ng kalaban mo hahahha walang binatbat natalo mo agad"

Kasi naman napaka yabang nung kalaban naiinis ako kapag ganun

Two weeks nalang intrams na kaya nandito lahat ng players sa gym para mag meeting at mag training, kakatapos lang ng meeting kanina kaya busy na ang lahat sa pag te-training. Malawak ang gym namin sa totoo lang tatlong court ang nandito, court para sa valleyball,badminton at basketball.

Nasa mag ka bilang dulo ang badminton court at basketball court at nasa gitna naman ang valleyball court.

"Break!" Anunsyo ng ka-duo ko sa badminton, kami ang nag lalaban ngayon para maka pag practice ng husto. Tinanguan ko naman siya at pumunta na sa duffel bag ko para kumuha ng tubig.

Nakita ko si Jenny na kumakaway mula sa valleyball court kaya pinuntahan ko siya matapos kong ibalik ang tubig sa duffel bag ko.

"Oh tapos na kayo?" Salubong niya sakin sasagutin ko na sana ng biglang

"Shit!" Napatilapon ako dahil sa lakas ng impact ng pag tama sakin ng bola

"Oh my goodness!" rinig kong tili ni Jenny

"Annie!!!" Hindi pa din ako nakaka tayo dahil sa gulat "Annie okay ka lang?"

"E-Ethan?"

"May masakit ba sayo? Okay ka lang ba? Kaya mo bang tumayo?" Sunod sunod na tanong niya pero hindi ko na yon pinansin dahil naka bawi na ko mula sa pag kakagulat.

Marahan ko siyang tinulak at mag-isa kong tumayo, napa pikit ako ng maramdaman ang sakit sa pwet at sa kanang braso ko

"Aish" napa iling ako ng makitang may pasa ang kanang braso ko

"Okay ka lang?" Kahit nag tataka ako dahil mukang nag aalala si Ethan ipinag sa walang bahala ko iyon at tumingin sa paligid

"Tangina sino yon?!" Umalingawngaw ang sigaw ko sa buong gym "sino yung nag bato ng—!"

"Ako" napatingin ako sa isang babae na naka cycling, malamang valleyball player siya "hindi ko sinsadya" sambit niya sabay ngisi at talikod

"Hoy! Hindi ka man lang mang hihingi ng sorry kupal ka!!!!!" Hahabulin ko pa sana ang babae kaso hinawakan ako ni Ethan "ano ba?!"

"Tama na, pumunta ka muna sa clinic" seryoso naman siya ngayon, tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa

Mukang hindi pa sila tapos mag training

Tumalikod ako at nag simula ng mag lakad pa labas ng gym

"Saan ka pupunta?" Tanong nanaman ni Ethan

"Diba sabi mo pumunta kong clinic!" Inis na sambit ko

"B-bakit ka galet?"

"Aish!" Nag martsa na ko palabas dun, masyado na naming naaagaw ang atensyon ng mga tao at hindi yun maganda sa pakiramdam.

Ng maka upo ako sa kama sa clinic tsaka ko lang naramdaman ang pagod at sakit ng katawan ko

"Anong nangyari?" Tanong ng nurse sakin

"May bobong bola na tumama sa braso ko" sandaling napatitig sakin ang nurse at nag simula ng gamutin ang pasa ko gamit ang yelo

"Ah nurse ako na po" biglang dumating si Jenny, ipinaubaya naman ng nurse kay Jenny ang pag gagamot sakin at dinaluhan niya ang ibang estudyante na nag sasakit-sakitan para lang maka tulog dito sa clinic tss.

"Sino yung babaeng yun?" Tanong ko kay Jenny

"A-ah ka-team ko siya"

"Pangalan"

"Annie sabi niya hindi naman daw niya sinasadya kaya wag—"

"Pangalan"

"Yasmin Dela Fuenta" mabilis na sagot niya

"Bagay sakanya yung pangalan niya"

"H-huh?"

"Yasmin Walang kwenta"

"Dela Fuenta,Annie hindi walang kwenta"

"Pake mo eh gusto ko walang kwenta eh" napairap nalang siya,nakita kong dalawa ang dala niyang duffel bag, ang isa ay akin "thanks"

Sinukbit ko yun sa kaliwang balikat ko at nag simula ng mag lakad palabas sa clinic, sumunod naman sakin si Jenny. Nang makarating na kami sa second floor..

"Kung sineswerte ka nga naman" napangisi ako ng makita kong makaka sulubong ko si Yasmin Walang kwenta—este Dela Fuenta kaya kinuha ko ang tubigan ko mula sa dufful bag.

"Itulak mo ko" bulong ko kay Jenny ng makitang papalapit na yung Yasmin samin

"H-huh?" Naguhuluhang tanong niya, binuksan ko na yung tubigan

"Itutulak mo ko o ikaw itutulak ko sa hagdan mamaya?"

Potek tinulak agad ako ng gaga

"Omaygosh, hindi ko sinasadya" panggagaya ko sa sinabi niya sakin kanina gamit ang pinaka nakaka-inis na boses na alam ko, mas na satisfy pa ko dahil nakita kong unti-unting kumakalat ang tubig sa mukang kakapalit niya lang na damit.

"OMG!!!!" takte nakaka rindi ang tili ng babaeng toh para namang asido ang tinapon ko sa kanya kung makapag inarte siya

Lalagpasan ko na sana siya kaso..

"Mag sorry ka"