webnovel

Chapter 3

Nag daan ang ilang araw,linggo at buwan pero walang nangyari, hindi na ulit kami naka-pag usap ni Jonathan, sinusundan ko parin siya pagka pasok and then boom hindi ko na siya makikita pero minsan nakikita ko naman siya sa cafeteria o minsan sa hallway na nag lalakad.

"Oy bakit parang malungkot ka?" Tanong ni Chellesy sakin

Kanina pa kasi ako naka tunganga, wala kaming teacher ngayon nasa meeting sila, usually kapag walang teacher kumakain ako, nakiki pag daldalan o di kaya'y nakikipag laro ng truth or dare pero ngayon parang wala ko sa mood.

"Kilala mo si Jonathan diba?" Tanong ko kay Chellesy

"Oh? Yung chinese?"

"Oo"

"Teka! Crush mo parin ba yun?" Gulat na tanong niya

"Tss"

"Grabe Annie! Crush mo parin yun? It's been 3 years! Mag move-on ka na" Tinitigan ko lang siya ng masama "speaking of Jonathan na balik mo na ba sakanya yung survey form?"

Survey form?

Oh shit oo nga!! Omaygosh may dahilan na ko para makita siya ulit!!! Takte bakit di ko agad yun naisip?

Hinalukay ko agad ang bag ko tapos nilabas ang survey form na hindi ko pa pala nasasagutan

Name:

Age:

Birthdate:

Are you in a relationship?

What do you prefer, open relationship or serious relationship?

What are your types?

Ayan ang mga tanong sa survey form

"Ang weird" medyo pabulong na sabi sakin ni Chellesy na hindi ko alam na naka tingin din pala sa survey form na sinasagutan ko

"Bakit?"

"Mag-kaiba kasi ang questions natin sa survey form" kunot noong sabi niya

"Bakit ano bang mga tanong sayo?"

"Basta about drugs"

"Hahahaha muka ka daw kasing high kaya siguro yun yung mga tanong sa form mo hahahha" inirapan niya lang naman ako.

Matapos kong sagutan ang form pumunta na agad ako sa senior high building.Medyo kinakabahan ako papunta sa room nila dala ang survey form ko

ng makarating ako sumilip muna ko sa glass ng door nila at nakita ko naman na walang teacher kaya kumatok na ko

"Yes?" May lalaking nag bukas. sapag kakaalam ko Ethan ang pangalan nito, medyo sikat siya sa school dahil varsity siya at may itsura din, ang amo din ng muka niya. Kung hindi ko lang alam ang apelyido nito mapag kakamalan ko ng mag kapatid sila ni Jonathan medyo mag kamuka kasi sila pero syempre mas better pa rin ang baby Jonathan ko.

"Hi good after noon po nandyan po ba si Jonathan?"

"Grabe ang galang mo naman may pa 'po' ka pa hahahaha" nawawala ang mata niya pag tumatawa, I wonder kung ganun din si Jonathan. Siguro mas cute si Jonathan tumawa hihi.Napangiti ako dahil sa iniimagine "anyway I'm Ethan"

Nag lahad siya ng kamay kaya tinanggap ko iyon

"I'm Annie, ahm so andiyan ba si Jonathan?"

"Bakit?"

"Ah ibibigay ko kasi sakanya tong survey form" ipinakita ko sakanya ang form na dala ko

"Oh ako nalang mag bibigay" kukunin na sana ni Ethan ang form sa kamay ko kaso..

"Ethan" tawag ni Jonathan sakanya

"Bro andiyan ka na pala may nag hahanap sayo"

sabat tingin sakin ni Ethan

Unti unti akong tumingin sa likod ko at nakita ko nga dun si Jonathan ngumiti ako ng malapad sabay pakita ng survey na hawak ko

"Hi! Ito na yung form, nasagutan ko na" sabi ko habang ngumingiti ng matamis pero tiningnan niya lang ako

Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa sabay tingin ng masama sakin at hinatak ang form sa kamay ko.

Nagulat ako sa inasta niya lalo na ng nilagpasan niya ko at tumama pa ang balikat niya sa balikat ko

"Ah pasensya na, badmood lang siya ngayon" sabi ni Ethan na nasa tabi ko na pala "by the way anong grade mo na?"

"H-huh?" Sagot ko na medyo gulat padin

"Anong grade kana? Muka kang bata"

"B-bata? Ako mukang bata para sayo?!"

"A-ah wag ka naman magalit sinasabi ko lang eh" tiningnan ko siya ng masama sabay irap at nag walk out na ko "Hey! Anong grade at section mo?!" Dinig kong sigaw ni Ethan habang nag lalakad na ko palayo.

"Grade 8 ka ba?!!!" Sigaw niya pa kaya napatigil na ko upang harapin siya at tingnan ng masama

"Muka ba kong grade 8?!" Sigaw ko pabalik upang marinig niya dahil medyo malayo na ako

"Oo! Hahahahha" letche, inirapan ko nalang siya at nag pa tuloy na muli sa pag lalakad

Isa lang ang nasa isip ko habang nag lalakad pabalik ng room

He's fucking rude

Hindi ko inakalang ganun siya! Pero teka sabi ni Ethan kanina badmood lang daw si Jonathan kaya siya ganun. Siguro may nangyaring masama, pero kahit na! Napaka rude niya takte siya porket alam na niyang crush ko siya ganun na siya aasta?

Ha! Ang kapal ng muka!!!!!! Kala mo gwapo letche hindi naman.

Breaktime namin ngayon at nandito ako sa cafeteria kasama sila Chellesy,Jenny,Charlene at Lea.

Habang naka pila para kunin ang order ko napatingin ako sa kaliwa at nakita ko don si Jonathan, hindi siya nakatingin sakin dahil pumipili pa siya ng pagkain na bibilhin pero naramdaman niya ata ang titig ko sakanya kaya lumingon siya sa gawi ko.

Nagulat ako ng tingnan niya ko ng masama

Potek anong problema nito

Syempre dahil ako si Annie Chiu aba'y tinitigan ko din siya ng mas masama pa sa titig niya. Dumaan ang ilang linggo at ganun palagi, tuwing nag kakasalubong kami ni Jonathan sa hallway o di kaya'y nakikita ang isa't-isa nag tititigan kami ng masama. Ewan ko ba kung anong problema ng lalaking yun, dapat nga maging thankful pa siya kasi ang isang Annie Chiu ang nag kaka gusto sakanya. Napaka choosy porket mukang yummy!

Yummy kaya talaga siya?

Nanlaki ang mata ko sa mga naiisip

"Hay potek kang brain cells ka anong nangyayari sayo" bulong ko sa sarili sabay alog ng ulo

"Hoy anong nangyayari sayo?" malapit na kami sa room ng bigla akong tinanong ni Jenny

"Huh?" Sige self mag patay malisya ka pa

"Kanina kasi nag tititigan kayo ng masama nung lalaking naka salubong natin, tapos ngayon naman kinakausap mo yang sarili mo" tumigil siya sa pag lalakad at humarap sakin "sabihin mo nga sakin nag da-drugs ka ba?!"

"Gago! Letche ka para kang tanga"

"Hahahha joke lang pero sino ba kasi yung lalaking katitigan mo ng masama? Ex-fling mo?" Curious na tanong ni Jenny

"Hay sana nga naging ka-fling ko yun"

"So ano nga? Chika mo na!"

"Si Jonathan Co yun, ewan ko lagi niya kong tinitingnan ng masama tuwing nag kikita kami matapos kong sabihin sakanya na gusto ko siya, at syempre di ako papatalo kaya tinititigan ko din siya ng masama"

"Gaga ka talaga hahaha" maya-maya pa nanlaki ang mga mata niya kaya kumunot ang noo ko "t-teka"

"Bakit?"

"T-tama ba yung narinig ko?" Nanlalaking mata na tanong niya "umamin ka sa crush mo???!!!!"

"Oo bakit?"

"Ow my goodness ilabas mo si Annie Chiu!!!!!" Sigaw niya habang naka hawak sa mga balikat ko at inaalog-alog pa ko "freaaaakk!!don't tell me you already want a serious relationship kaya ka umamin?!"

"Gaga, serious relationship ka diyan!"

"Bakit ka ba kasi umamin? Paano? Kailaaan?"

So ayun nga sa sobrang kulit ni Jenny hindi pa kami nakaka pasok sa room pinilit niya kong ikwento kung pano ko umamin kay Jonathan kingina

"Hahahaha ow my goodness ang isang Annie Chiu ni-reject hahahaha" kanina pa siya ganyan potek pinag sisisihan ko tuloy na nag kwento pa ko sa kanya "masakit ba?"

Nagulat ako sa tanong niya

"Sa pride oo masakit syempre, pero sa puso hindi, duuuhh"

"Sabagay hahahaha"

"Anong next subject?"

"Science"

Nag katitigan kami at sabay na ngumiti

"Arat cutting" "mag gupit tayo" sabay na sabi namin

Kaya dali dali kaming umakyat sa taas kaso

"Oh Chiu, Dela Cruz san kayo pupunta mag uumpisa na ang klase natin" tawag ng teacher namin sa mga apelyido namin

Takte wrong timing naman oh

"Ah sir pinapatawag po kami ni Ma'am Jesica sa Guidance" palusot ko

Shet maniwala ka please

"Ah ganun ba?, sige pumunta na kayo" sabi niya sabay pasok sa classroom, palihim naman kaming nag apir ni Jenny at dali-daling pumunta sa faculty para tingnan ang schedule ni ma'am Jesica

Siya ang nag iisang teacher na close namin as in cloooose at ang plano namin ay maki seat in sa klase niya

Napangiti ako ng palihim ng makita kung saan ang klase ni ma'am ngayon

"Section one, senior" basa ko sa naka sulat