webnovel

CHAPTER 01

DANAH'S POV

Ako nga pala si Danah Richelle Ramilo, turning 16 years old this year and 3rd year highschool in Winton high.

i have boy bestfriend simula Bata ay magkaibigan na kami at the same time may lihim akong pagtingin sa kanya pero Hindi nya iyon alam.

At siya si Axier justine Vasquez, sya ay 16 years old bali 1 year Yung age Gap namin.

tulad ko 3rd year highschool na si Justine syempre sa Winton high din sya.

sabay din kami pumapasok, umuwi dahil magkatabi Lang naman Ang bahay namin.

Super close talaga kami non.

Kaya ayun sa sobrang close na fall ako....

E..Sino ba namang hindi mafa-fall Kay justine e. gwapo, matalino, may pagkabad boy, matangkad, magalang, mabait at perfect na yata sya e, sikat sya sa Winton high dahil sa kanyang galing Lalo na sa pagsayaw.

Dating varsity ng tennis si Justine kaya lalo siya sumikat sa winton high pero itinigil niya dahil nakakapagod daw.

Haystt...Kaya dami Kong kaagaw e.

Masyadong ginagalingan....

At kung Hindi lang alam ng mga ka schoolmates namin na magbesfriend kami ni justine ay baka patay nako dahil sa dami ng mga fans ni Justine Kasi akala nila magjowa kami nung una dahil sa closeness namin pero totoo naman magbesfriend lang kami, matalik na kaibigan ang turing sakin ni justine pero ako lang tong higit pa don ang nararamdaman para sa kanya.

Pero wag kayong ano, syempre sikat din ako pero hindi naman Yung sikat na sikat hindi katulad ni Justine.

sikat ako dahil may angking Ganda rin naman ako, talino, at magaling din akong sumayaw pero minsan lang ako sumayaw dahil nahihiya ako pero maraming humanga sakin at isa na don yung taong gusto ko.

Oh diba pakganern, kaya tuwang tuwa na naman ang beshy niyo. HAHA..

So ngayon nagbabike kami papasok sa Winton high ni Justine.

Pero hindi sa pagmamayabang mayaman naman kami ni Justine pero hindi sobrang yaman.

Ngunit sa kabila non ay mas pinili naming magbike.

ayaw namin mag kotse at tyaka mga bata pa kami noh.

Wala pa kaming eighteen.

Pero minsan hindi kami nagb-bike Kasi gusto din naming mag commute o maglakad.

"Hoy! Justine hintayin mo nga ako!" Inis na sigaw ko dito habang pumipidal para pilit kaming magkasabay sa pagb-bike.

Tinawanan ako nito.

"Ikaw yung mabagal e..bilisan mo kasi. Parang pagong." Pang aasar nito sakin.

"Bwisit ka! Justine ano ba!?" Sigaw ko habang nakatutok sa kanya habang nagpipidal.

Dahil sa kanya ako nakatingin ay hindi ko napansin yung kuting sa daan.

Kaya nataranta ako at agad na niliko yung manibela para hindi ko masagasaan yung kuting kaya naman tumumba ako kasama nung bike ko.

"AHHH!" sigaw ko ng matumba.

Nakita kong natigilan si justine at lumingon kaya agad akong nag iyak iyakan na parang nasaktan.

"Huhu..aray.." iyak ko.

Nagmadaling bumalik si justine papunta sakin.

Agad nitong ibinaba ang bike ng makarating sakin at yumukod at inuluhod ang isang tuhod para ipang tungkod.

"Are you okay?" Nag aalalang tanong niya sakin.

"Ano sa tingin mo!?" Mataray na sagot ko kay justine.

"Sorry.." sorry niya sakin.

Nakita ko ang pagkaguilty sa mata nito.

"Huhu..kasalanan mo to e! Aray ko..ang sakit!" Ngawa ko ng malakas.

Nakita Kong nataranta ito dahil sa pagngawa ko.

"Sshh..sorry na..sorry na danah.." pagpapatahan sakin ni justine.

Gusto ko ng tumawa ng malakas pero pinigilan ko at umiyak ulit.

"Huhu..kasalanan moto Justine.. Ang sakit.." atungal ko ulit.

"Sshh..Oo na, it's my fault..sorry..stop crying please..." Pagpapatahan niya ulit sakin.

Tumigil ako sa pag iyak iyakan at ngumiti dito.

Ngumiti to sakin pabalik Kaya nagkatitigan kami habang nakatitig sa isa't isa.

At dahil don ay agad ko tong binatukan dahil tyans ko na yun.

HAHAHA..

Nakita ko ang gulat at pag igik nito dahil sa ginawa ko.

Kaya tumawa ako ng tumawa.

AHAHAHA..hanep sa reaksyon.

"You!" Gigil na sabi nito habang namumula sa gigil sakin at bago pa makabawi sakin si justine ay lumayo na ako dito at tumakbo.

"HAHA..bye bye! Pa dala na lang bike ko!" Sigaw ko habang tumatakbo palayo.

Ang sama ng tingin sakin ni justine.

"DANAH!!" Gigil na sigaw ni justine sakin habang patuloy ako sa pagtakbo.

•••••

Nasa gate na kami ng Winton high at pinark na namin Yung bike namin.

Hinintay ko pang makarating si justine kanina dahil iniwan ko siya habang dala niya yung bike ko at bike niya.

Nang makarating si justine ay sinamaan ako nito ng tingin pero tinawanan ko lang to at pumasok na kami sa loob.

sabay naming binaybay ang hall way papuntang room namin ni justine pataas, parehas kami ng section.

Section A yan ang section namin...

Ewan ko ba lagi kaming parehas ng section baka destiny talaga kami...

Ayiee hehe....

Pansin ko ang mga tinginan at bulungan Halos kadapapasok kami Ganyan..

Mga tilian, mga tawag sa pangalan namin pero lamang talaga Yung Kay Justine.

Nang makapasok kami ni Justine sa room ay agad kaming umupo nasa magkabilang dulo kami ng gitna ng room parang magkatabi na kami kaso may space nga lang sa gitna..

"Psst..bakla..." tawag ko kay Justine ng makaupo kami dahil Wala panaman Yung teacher namin.

"Diba Sabi kong wag mo akong tatawaging bakla." inis na Sabi nito..

HAHAHA...

Kyut talaga ni Justine pagnaiinis.

"ok, lang yun bakla wag ka nang mahiya...mag laro tayo ng pakganern kasama sila ash mamaya." pang Aasar ko pa.

"Wag ka ngang makulit Dan sinabi ng Hindi ako bakla paulit ulit ka!" inis na giit nito.

"Panong makulit?" pang aasar ko ulit

"Ewan ko Sayo" bagot na sagot ni Justine

"Uy bakla, uy Barbie Sabi Kona e Sabi Kona Barbie"kanta ko pa

"Takteng bakla yan! ayaw mo tumigil."pikon na talagang Sabi niya.

Pikon na sya hahaha..

"Ey..ey..ow..uy..Barbie Sabi Kona e.. Sabi Kona Barbie.." kanta ko pa ulit

HAHAHA....

"ISA." May pagbabanta na tono niya.

(*⌒▽⌒*)

"Uy..barbie Sabi Kona..sabi kona barbie.." patuloy ko pa.

"Teka! gusto mo lang yata halikan kita ulit Noh,hahaha dapat nagsabi kana lang Dan Hindi Yung Ina asar mo pa ako bakla, San mo ba gusto sa lips haha"Alahh sya Pina alala takte..

Natigil ako dahil sa sinabi niya, agad na nawala ang saya sa mukha ko at napalitan ng pagkahiya dahil sa sinabi ni Justine.

(>_<)

Takte naman e..

Bwisit tong Justine nato ah!!

"Ano natahimik ka noh!!" Tudyo niya pa sakin.

hoy anong natahimik!

"Hoy wag makapal! at wag na wag kang mangarap dahil hindi ko gusto mag pa kiss Sayo..baho kaya hininga mo! walangjong baklang to!! bwisit ka hampasin kita ng walo e." naiinis na saad ko sakanya

Pero pwede ba kahit Isa lang kiss....charot!

(≧∇≦)b

Bwisit ang rupok mo self!!!!...

"E bakit ka namula haha....wag ako Dan. pakipot pa pwede naman." nakangiti nitong Sabi Yung nang Aasar na ngiti

"Talaga pwede" mabilis kong saad,. Ay putek nayan ang rupok....

Takte ka self..

"T-talaga p-pwede gusto mo sapukin kita at sinong namumula.. me, ako kapal mo!" Napalakas at nagkanda utal Kong Sabi.

Takte muntik na yun buti na lang may brain ka self..

"E, bakit ka sumigaw?Tsk..sus kunyari ka pa dan, oh eto na oh.. hiya ka pa."Sabi nito sabay nguso ng nakapikit...

Ay putek ka ngumuso pa talagang nang aasar bwisit na toh.

Self wag ngayon pigilan mo yang karupukan mo malilintikan ka talaga...

Para Hindi na sya ngumuso ay kumuha ako ng notebook at pinalo sa bibig nya...

HAHAHA....Ayan kala mo ahh pasalamat ka nakisama Yung karupukan ko...

Napadilat si Justine dahil sa ginawa ko at tinanggal ang kanyang pagkakanguso...

"Anong akala mo sakin hah!!" Mayabang na Sabi ko sakanya.

magsasalita pa Sana sya ng dumating si Ms.cruz, ang aming adviser teacher at aming music & art subject..

Napaayos kaming lahat at nagsibalik ang iba sa kanya kanyang upuan.

"Good morning class." bati ni ms.cruz sa aming lahat.

"Good morning ms.cruz" balik bati naming lahat kay ms.cruz.

"So may announcement ako tungkol sa gaganaping festival sa ating paaralan magkakaroon tayo ng mga palaro at Iba pangginagawa kapag piesta mga 2 linggo bago Ito ganapin, inaasahan Kong tutulong kayo at makikisaya, magkakaroon din ng isang malaking salo salo lahat ng mga istudyante at mga guro Kung Baga magkakaroon ng buddle fight at may magtatanghal din para maging masaya at Iba pa.

ayun lang at maraming salamat." mahabang anunsyo ni ms.cruz

At nagdiscuss na si ms.cruz

~DISCUSS

~DISCUSS~

~DISCUSS~

*DISMISSED!!!!*

-Mr.buenavista-/*science subject*

~DISCUSS~

~DISCUSS~

~DISCUSS~

*DISMISSED!!!*

*Kringggggg*/ BREAK TIME

"Justine, alikana baka nandon na sila ash." bwisit to Kaylangan pang tawagin

"Tsk..nagmamadali." masungit na Sabi ni Justine

"Sungit ah.." pansin ko sa kanya.

"Pake mo!?" Masungit niyang sagot.

"Panong pake.." pabalang na sabi ko sa kanya.

"Tsk.."

Ang sungit kanina nakikipagbiroan tas ngayon masungit

bipolar amp..

Nang makarating sa cafeteria ay

Agad kaming naupo Nung makarating kami sa favorite spot namin nila Justine ....

Naabutan naming nag aaway ang mag jowa na si jam (James rabs Montreal) at ash (arashi czy Fernandez) habang naglalandian naman si aleng (Alysa Maine balana at cj (crayver jai Danvers) na magjowa rin at syempre hindi papahuli si chacha (Dana kean delacion) at denz (denzel dark Martinez) na nag eml diba magkakapartner, Sana ol, sana ol may jowa pero ang magjowa sa tropa ay si ash at jam and Leng at cj m.u yata si chacha at denz e kami eto..pakipot pa Kasi tong si Justine ayaw pa akong jowain..at si unis(Zinea yunie jones) Isa Rin sa walang jowa hahaha..mataray kasi pero mataray din naman si chacha pero may denz siya.

Kami tuloy yung walang jowa sa mag kakatropa ano bayan...

"Hey guys! watzup." bati ko Kaya naman napatigil silang lahat.

"Oh Dan and Justine andito na pala kayo" si aleng.

"Ay Wala pa kami dito aleng..geh tuloy nyo na maglandian." pangbabara ko kay leng.

"Inggit ka lang samin ng baby ko e palibhasa walang jowa hmp." Nakangusong sabi ni aleng.

Pwee.. ako inggit duh...

"Hindi ako inggit, to Charot Lang." Napaka ano Neto porket may jowa

"Hindi ako naniniwala." Rinig Kong inis na Sabi ni ash Kay jam.

hayst Ito nanaman sila..

"Promise hon. Hindi talaga ako ng bababae kaya wag kanang magalit." paliwanag ni jam Kay ash

"Kanina pa ba sila nag aaway?" Tanong ko kila chacha.

Tumango lang sila sakin.

"Pano jam? Paano ako hindi magkakaganto? E Nakita ko jam. nakita ko!! At hindi ako bulag at Tanga para magkunyari na wala akong nakita.. alam mo yan." naiiyak na pasigaw na sabi ni ash kaya naman lumapit ako sa kanya para hagudin Yung likod nya at umawat sa kanila.

"Tama na, ash..tumigil na kayo pag usapan niyo to ng maayos. Wag dito." Awat ko.

"Hindi Dan e, bat ako titigil? E hindi niya nga maamin yung totoo sakin.

At tyaka bakit pa kami lilipat ng lugar, gusto kong mag usap kami kahit saan pa, wala akong pake. Nakita ko siya, Dan! Nakita ko sila..satingin mo praning ako kaya ako ganto? Hindi dahil Hindi ako magkakaganto kung hindi ko siya nahuli o nakita.

Hindi ako yung babaeng mananahimik kapag alam kong sinasaktan at niloloko na ko." Umiiyak na wika ni ash sakin at dahil sa mga sinabi niya kaya hindi ako nakapagsalita.

"Hon, Hindi ko nga babae yon, ilang beses ko ba sasabihin sayo..bakit ba ayaw mo maniwala at tsaka sya Yung lumalapit sakin hindi ako, Wala akong ginawa sa kanya.

At hon Alam mo paulit ulit na tayo dito Kaya tama na. Maraming nanonood satin oh.." Paliwanag ni jam Kay ash..

Lagi na lang silang nag aaway ni jam at ang dahilan ay babae.

"Pake ko sakanila Kung nanonood sila satin! Kasalanan ko ba kung mga chismosa sila!" Sigaw ni ash na ikinatahimik ni jam.

"At Wow ahh talagang sila ang lumalapit sayo e, bakit Hindi ka umiwas Alam mo nang may girlfriend ka, ginusto mo rin kasi no! kunyari kapa haysst lalaki nga naman grabe jam grabe... Grabe ka na...nahuli na kita tinatanggi mo paring bwisit ka at ano nag sasawa kana dahil paulit ulit ako. Ganon ba?!" umiiyak na Sabi ni ash

"No, hon. Hindi ganon. I didn't mean it like that." Nagmamadaling Sagot ni jam kay ash.

"Hindi! Wag ka ng magsalita! Ayoko ng marinig ang paliwanag mo!" Sigaw ni ash kay jam at tinalikuran ito at humarap samin nila unis.

"Guys sorry, kayo na muna kumain nawalan na ako ng gana..geh bye" mugto ang matang paalam saamin ni ash sabay alis ng cafeteria.

Kaya kami nila aleng ay agad na sinundan si ash habang sila Justine naiwan sa cafeteria para kay jam.