webnovel

Chapter 82

Editor: LiberReverieGroup

"Ayos lang ang lahat, tara na." Sagot ni Yan Xun.

Tumango si Chu Qiao at mabilis na tumingin sa likod niya. "Nasaan ang pangkat ng Southwest Emissary Garrison? Bakit hindi sila nakahabol?"

Halatang hindi gagamitin ni Yan Xun ang istoryang nagsakripisyo sila para sa bansa nila para linlangin siya kaya ngumiti siya at sumagot, "Huwag kang mag-alala, darating din sila. Mauna na tayong umalis."

"Sige." Walang kahit isang pagdududa na sinundan niya si Yan Xun tungo sa Chi Shui.

May bilis na ginawa ng pangkat ang pagtawid nila sa ilog. Kahit na mayroon lamang isang tulay, karamihan sa tauhan at mga kabayo ay nakatawid na sa loob lang ng isang oras. Nakatayo sa tabi ni Yan Xun si Chu Qiao at pinagmamasdan ang nangyayaring pagtawid sa ilog habang nilalamon ng apoy ang syudad ng Zhen Huang. Bigla, napabuntong-hininga siya sa kaginhawaan. "Walong taon na din. Sa wakas ay nakalabas na tayo."

Bumuntong-hininga si Yan Xun at ipinalupot ang kamay sa braso ni Chu Qiao. "AhChu, naging mahirap ito sayo." Emosyonal ang boses niyang saad.

Iniling ni Chu Qiao ang kanyang ulo at masayang kuminang ang kanyang mata. "Hindi, ikaw ang nagbigay ng halaga sa buhay ko, ang nagbigay ng motibasyon sakin para mabuhay. Nitong mga taon na ito, umasa tayo sa isa't-isa, tinulungan ang isa't-isa, inalagaan ang isa't-isa, pinerpekto ang plano ng isa't-isa, at itinama ang pagkakamali ng isa't-isa. Ito mismo ang dahilan kung bakit nakakaligtas tayo bawat araw sa masamang palasyong iyon. Wala tayong utang sa isa't-isa."

"Oo, wala tayong utang sa isa't-isa. Dati pa ay nakagapos na tayo, ang kapalaran natin ay nakatali pareho." Nagpakita ng malambot na ngiti si Yan Xun.

"Talaga," marahang tumango si Chu Qiao, "ang kapalaran natin ay matagal nang naging isa."

"Kamahalan, nakatawid na lahat ng sundalo sa ilog. Makakaalis na tayo." Lumapit si AhJing at nag-ulat.

"Yan Xun!" sigaw ni Chu Qiao, "Hindi ba natin hihintayin ang Southwest Emissary Garrison?"

Iniling ni Yan Xun ang kanyang ulo. "Huwag matakot, hahabol sila sa atin."

"Kung tatanggalin ang nakalutang na tulay, paano sila tatawid ng ilog?"

Nakaisip na ng dahilan si Yan Xun. Mabagal siyang nagpaliwanag, "Hindi na natin kailangan isipin ang manunugis na pwersa ng imperyo. Maaari silang bumaba sa opisyal na landas sa Xi Ma Liang para makatagpo tayo."

Tumango si Chu Qiao. "Oh, ganoon ba. Tara na."

Nang nakalakad na ng ilang hakbang, biglang napakunot ang babae. Hinawakan niya ang kanyang bewang at biglang nasindak. "Saan napunta ang sagisag ng pamumuno sa Da Tong na binigay mo sa akin? Nawala ito!"

Napasimangot si Yan Xun. Napakahalaga ng sagisag ng pamumuno na iyon kaya nabalisa din siya. "Paano nangyari iyon? Hindi mo ba ito lagi dinadala? subukan mong isipin kung saan mo nawala ito."

Taas-babang hinanapan ni Chu Qiao ang sarili ng dalawang beses ngunit hindi ito nakita. Bigla, napahampas siya sa kanyang noo. "Napakatanga ko! Naiwan ko ito sa lalagyan na upuan sa kabayo. Pupunta ako at kukunin ito ngayon."

Mabilis na hinawakan ni Yan Xun ang kanyang braso dahil sa hindi malaman na dahilan ay biglang nagkaroon siya ng nakakabahalang kaba. "Hayaan mong may ibang pumunta. Maghintay ka nalang dito." Dagdag niya.

"Maraming kabayo, paano nila malalaman kung ano ang akin? Huwag kang mag-alala, babalik ako agad." Bago pa man siya mapigilan ni Yan Xun, tumalon na siya sa nakalutang na tulay. Hindi man lang mauuga ng kanyang magaan at mahinang katawan ay nakalutang na tulay. Pagkatapos ng isang minuto ay narating na niya ang kabilang parte. Inutusan ni Yan Xun na magsindi ng apoy para lang makita na nahanap na ni Chu Qiao ang kanyang kabayo at dinala sa tabing ilog. Tumigil siya na parang may pinag-iisipan.

Nagulat si Yan Xun at sumigaw, "AhChu, nakita mo na ba? Bilisan mo!"

Inangat ng babae ang kanyang ulo. Ang kanyang mukha ay kasing puti ng papel ngunit ang kanyang tingin ay puno ng determinasyon habang matatag na nakatingin kay Yan Xun.

Sa isang iglap, para bang tinamaan ng kidlat, tinulak sa tabi ni Yan Xun si AhJing at tumakbo na parang baliw patungo sa tulay. Halos sa parehong oras, inilabas ni Chu Qiao ang kanyang sandata at walang pagdadalawang-isip na hinampas ang tulay. Bumagsak ang nakalutang na tulay at lumutang pababa sa ilog kasabay sa agos.

"AhChu! Anong ginagawa mo?" galit na sigaw ni Yan Xun.

Nakatayo ang dalaga sa tabi ng malakas na agos, ang kanyang tingin ay nakawaksi kay Yan Xun na puno ng paniniwala. "Yan Xun, kakasabi mo lang sakin, iisa na ang kapalaran natin! Kapahamakan o kasaganahan, magkasama tayo doon. Kaya hindi lang ako uupo at panoorin kang gumawa ng pagkakamali!" Sagot niya

Nang masabi iyon, tinangkang tumalon ni Yan Xun sa ilog ngunit hinila ito pabalik ni AhJing at ng iba. "AhChu! Huwag kang maging tanga! Bumalik ka na!" sigaw niya.

"Yan Xun, ang dahilan sa iyong popularidad at ang rason para masabik ang mga sibilyan sa pagbabalik mo ay dahil sa mabuting pamumuno ni Old Master Yan! Walang kahit sino ang nakakontrol sa Yan Bei dahil sa matagal na impluwensiya ng pangalan niya! Yan Xun, hindi ko maatim na tumayo nalang at panoorin kang sirain ang pundasyon na ito at isagawa ang iyong pagkatalo!"

Lubos ang galit ni Yan Xun at kompleto nang nawala ang kanyang karaniwang pagkahinahon. Galit siyang sumigaw, "AhChu! Bumalik ka na agad! Gagawa kami ng tulay na tali. Saluhin mo ito diyan at bumalik kaagad! Isa itong utos!"

Iniling ni Chu Qiao ang kanyang ulo. Tahimik siyang sumakay sa kabayo niya bago lumingon at sinabi, "Nakagawa ka ng pagkakamali kaya kailangan ko itong itama! Yan Xun, magkikita tayo sa Xi Ma Liang. Kung hindi ako bumalik pagkatapos ng dalawang araw, dalhin mo muna ang mga sundalo pabalik sa Yan Bei! Dadalhin ko ang mga sundalo ng Southwest Emissary Garrison tungo sa Yan Bei Highlands para makipagtagpo." Nang masabi iyon at may marahas na sigaw, inilabas niya ang kanyang pamalo at hinampas ang kabayo tapos ay nawala sa madilim na madamong kapatagan. Ang 5000 kabayo na nawalan ng kanilang mga sakay ay nakasunod sa kanyang likuran at tumungo sa marilag na syudad.

"AhChu..." ang nagngangalit na tubig ng ilog ay humampas sa dalampasigan na gumagawa ng malalaking tilamsik na bumabasa sa roba ni Yan Xun. Sa ilalim ng walang hanggang madilim na kalangitan, ang tanging natira nalang ay ang alingawngaw ng kanyang galit na sigaw.

Ang mundong ito ay hindi isang amusement park, at walang pagpipilian para makapagsimula ulit. Ang tanging magagawa nalang natin ay baluktutin ang ating kapalaran bago kompletong mabuo ang sakuna. Yan Xun, ang katwiran sa likod ng ginawa ko ngayon ay maaaring ilang taon muna bago mo maintindihan. Hindi ako naging maawain; sadyang ayaw ko lang na mabulag ka ng paghihiganti! Hintayin mo ako, dadalhin ko pabalik ang mga sundalong ito para sa pagkikita natin muli!

"Giddyup!"

"Commander, inabandona na tayo!" ang basag na mga sundalo ay nagsikalat lang sa gitna ng kumpol ng mga tao. Napapalibutan sila ng kalaban. Ang pangharap nila ay naharangan na at ang kanilang tatakasan ay naputol na ng kalaban. Ang mga sundalong ito na malayo sa kanilang tahanan ay kompleto nang naabanduna. Sa buong mundo, walang lugar para mauwian nila.

"Bakit? Bakit inabandona tayo?"

"Patayin! HAHAHA! Patayin silang lahat! Ang ipinahayag ay nandito na! Halika at sabay tayong bumaba sa impyerno!"

...

Niyakap ng impyerno ang buong capital at ang bawat direksyon ay hindi madadaanan ng mga sundalong ito. Bumaba sila tungo sa nakakabaliw na desperasyon dahil naiwan sila na walang pormasyon, walang istratehiya, at makakaasa nalang sa kanilang sariling lakas para labanan ito. Ang mga tagapagtanggol ng royal capital ay makakahinga na rin ng maluwag matapos gipitin ng mga rebelde buong gabi at walang awang gumanti gamit ang lahat ng maaaring paraan. Sa makikita ng mata, mayroong tumpok ng katawan at ilog ng dugo. Dosena ng imperial na sundalo ang papalibutan ang isa, pinuputol ang kanilang katawan kahit pagkatapos mamatay, inilalabas ng kompleto ang kanilang galit.

Umupo lang sa kanyang kabayo si Zhao Qi habang pinapanood ang kanyang kapatid na hindi niya masyadong binigyan ng pansin. Ang batang Zhao Yang ay naliligo ng dugo at puro dugo din ang kanyang magandang mukha. Kahit ganoon, nagpatuloy sa paglakas ang kayang sandata at hinarap ang labanan na may hindi mapapantayang pagkahinahon.

"Seventh Brother, nasisira na ang kalaban."

"Sige, oras na rin." Tumango si Zhao Qi. Ngunit noon din, nang magbibigay na dapat siya ng utos, isang malaking dagundong ang nanggaling sa hindi kalayuan. Mula sa hilagang-kanluran na gate, mukhang mayroong libong ulap na kulog ang sabay-sabay na dumadagundong. Ang buong syudad ng Zhen Huang ay nag-umpisa nanaman manginig. Lahat ay tinigil ang kanilang ginagawa para tignan ang pinanggagalingan ng ingay.

BOOM!

BOOM! BOOM!

BOOM! BOOM! BOOM!

Ang ingay ay nagdala ng ginaw pababa sa likod ng lahat. Parang bang hinaharap nila ang galit ng buong kosmos. Lahat ay tumingala para tumingin sa malayong kalangitan. Isang sandata ng mandirigma ng Yan Bei ang nakabaon pa rin sa balikat ng imperyal na sundalo ngunit nakalimutan niya itong hugutin! Isang imperyal na gwardya ang nakalagay ang espada sa leeg ng sundalo ng Yan Bei ngunit nakalimutan niya ihampas ito pababa para tapusin ang kanyang kalaban!

Sa nakakabinging silakbo, malakas na bumukas ang kanlurang gate at 5000 kabayo ang nagsipasukan na parang baha, agad na nagdadala ng kalso sa dami ng mga sundalo. Ang tagapagtanggol ng capital ay agad na naalala ang taktikang ginamit ni Yan Xun nang pinatay niya ang ika-16 na kampo. Ang kanilang mga mukha ay namutla at ang mga tuhod ay nabaluktot. Sa oras na ito, isang pandigmang bandila na itim na bakal na agila ang nakaplanta sa gate ng syudad. Isang mahina ngunit matatag na pambabaeng pigura ang nakatayo sa ilalim ng bandila at sa malaking alab ay sumigaw siya, "Mandirigma ng Yan Bei! Hindi kayo tinalikdan! Makinig kayo sa akin! Sundin niyo ako! Sundan niyo ako! Iuuwi ko kayo!"

Isang segundo, dalawang segundo, tatlong segundo... pagkatapos ng maikling sandali, isang nanlalamon na alon ng kagalakan ang narinig!

"Bumalik sa Yan Bei! Bumalik sa Yan Bei! Bumalik sa Yan Bei!" ang mga lalaki na desperado ay hinawakan ang sanga ng pag-asa na ito at parang baha silang nagkumpol tungo sa kanlurang gate!

"Seventh Brother, Fourthteenth Brother, sino iyon?" nakatingin si Zhao Yang kay Chu Qiao at nagdalawang-isip na magsalita. Patuloy na nakaupo sa kabayo niya si Zhao Qi at napasingkit sa pigurang nasa ilalim ng palipad-lipad ng dakilang bandila at ibinuka ang kanyang bibig, "Kayong dalawa, tandaan niyo itong mabuti. Ang babaeng iyan ang magiging pinaka malaking banta sa imperyo ng Xia! Kung gusto natin buuin mula ang imperyo, siya ang magiging pinaka balakid!"

Sumiklab mula ang apoy ng digmaan. Ngayon, sa watchtower sa hilagang-kanlurang parte ng capital, naalala ng buong imperyo ng Xia ang pangalan niya. walong taon ang nakakalipas, pumasok siya sa palasyo bilang alipin, ngunit ngayon, pinangunahan niya ang pwersa ng Yan Bei palayo sa imperyo at tungo sa lupain lagpas sa syudad ng Zhen Huang.

Hindi pa alam ni Chu Qiao na ang galaw na ito mismo ang nagligtas sa Yan Bei sa isang malaking pagkatalo at binuhay muli ang dignidad ng gobyerno ng Yan Bei. Sa parehong oras, ginawa niya ang kauna-unahan niyang kapangyarihan sa militar sa magulong kapanahunan na ito.

Ang buong natira sa Southwest Emissary Garrison ay pinangako ang kanilang walang hanggang katapatan sa parang marupok at mahinang babae. Simula ngayon, susundan nila ang kampanya ng pinunong ito sa buong kontinente ng West Meng at dumikit sa kanilang pangako habang buhay. Kahit gaano kahirap ang sitwasyon, mananatili silang tapat at totoo kay Chu Qiao sa buong buhay nila.

Ang mahinang babaeng ito, dahil dito, ay hindi alam na tinapak na niya ang kanyang unang yabag sa landas para matawag siya ng mga tao sa hinaharap na "Princess Xiuli"...

Kalendaryo ng imperyo, sa taong 755 ng ika-20 ng Mayo, ay isang hindi makakalimutang araw. Ang capital ng imperyo ng Xia na syudad ng Zhen Huang ay nawasak ng impyerno at kalahati sa syudad ay inabandona. Ang simbolo ng imperyo na palasyo ng Sheng Jin ay wasak na wasak. Ang maharlikang royal garrison ay nabawasan ng halos 80% ng kanilang lakas, na may total na lagpas 170,000 na patay. Sa loob nito, 30,000 ay mula sa direktang laban sa Southwest Emissary Garrison, habang 70,000 ay masasabing pinatay ni Yan Xun. Ang natitira at inilagak sa anarkiyang sagupaan ng mga sibilyan at pagpatay sa kakampi mula sa gulo.