webnovel

PRIDE of Friendship

"Sa pag ibig walang tama o mali, walang kasariang pinipili kapag mahal mo ipaglaban mo. LOVE IS LOVE!"

lyniar · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
94 Chs

Chapter 5: Senior/Fairy of the Newbie

Pumunta si Barbie sa library at doon ng tago para hindi makita ni Thew.

"Sighh…buti nalang di nya ko na kita. Sino ba kasi ang isang yon?" Ang sambit ni Barbie na nag lalakad patalikod kaya hindi nya namalayan na may nayapakan syang paa ng isang lalaki pero tumili ito na parang babae "so—sorry hindi ko…" napahinto siya sa pag sasalita dahil pag tunghay nya nakita nyang isang gwapong lalaki pala yung tumili at hindi isang babae kaya sa isip-isip nya "eh? nyare? Barbie sya? I mean oo my name is Barbie pero binabae sya?"

"Miss!!!" Ang sigaw naman nung lalaki kay Barbie dahil nakatapak parin ang paa nito sa kaniya.

"Ay, sorry po…"

"Ang sakit ha, nakakaloka ka. Si Thew ba yung pinagtataguan mo?"

"Sorry po pero kilala nyo po yung lalaking humahabol sakin?"

"Oo naman sino ba namang hindi makakakilala sa ace player na yon?" Habang sinasabi nya yon parang kinikilig pa ito.

"O—Okay?" pabulong bulong pa sya "kinikilig ba sya?"

"Ahem… ikaw ba yung newbie?"

"Newbie? Ahm…transfer student ako oo."

"Haysss… ilang taon ka na ba? Newbie ang tawag sa mga gaya mo."

"Ahhh… kaya pala yun ang tawag sakin nung iba pero hindi ko naman sila kilala."

Iniabot naman nung lalaki yung kanang kamay nya at nag pakilala "ako nga pala si Jeremiah but you can call me Jemie."

Nakipag kamay rin naman si Barbie sa kaniya at nakipag kilala rin "ohh… Hello I'm Barbie ahm…you can call Barbie?"

"Silly, your name is unique well alam ko namang may kapareho kang name pero kapag pala kaharap yung nag sabi ng name na Barbie nakaka amaze."

"Eh? Ayoko nga po ng name ko eh kasi hindi naman ako Barbie. A…Ano…"

"Don't bother I know nasa itsura mo naman na hindi ka nga yung Barbie na doll na alam ng lahat na binibihisan girly-girly, right?"

"Pa—Paano…"

"I'm a gay so I know what you feel. Mahirap para sakin ang mag tago dahil ayaw ng daddy ko sa mga beki."

"Eh? But that's not fair it's a free country we can do what we want."

Jemie pats Barbie's head "I lilke you."

Napaatras naman si Barbie "you…"

"Hahaha…silly I like you hindi for romance I like you to become my friend."

"Frie—nd?"

"Aha, hindi talaga ko pala kaibigan pero I like you kasi naiitindihan mo ang nararamdaman ko pero quiet ka lang ha? Hindi kasi alam dito sa school na ano ko you know."

"Ohhh… Okay I get it na. Nga pala, may klase pa kasi ako pero tininatamad ako pumasok makikita ko kasi ang bwiset na si Kenny."

"Si Kenny?"

"Um. Kilala nyo rin sya?"

"Oo naman silang dalawa ni Thew ang heartthrob dito sa AGA."

"Heartthrob? Tsss…hindi naman sila mga gwapo."

"Eh, syempre hindi kayo talo ano ka nga kasi eh pero sa ibang kababaihan dine patay na patay sila dun sa dalawa."

"Eh ikaw?"

"Ahem…ikaw ha. Pero like ko si Thew pero hindi kami talo kasi malayo ko syang kamaganak."

"Ohhh…sorry about that."

"Hahahaha…it's okay nga pala I'm your senior if you want I will be your tutor marami kang hinahabol na classes right?"

"No need ako ng bahala sa babaeng ito." Ang bungad na sambit ni Kenny at hinila nya si Barbie papalabas ng library.

"Bitawan mo ko!!!"

"Manahimik ka!"

Habang papalabas naman ng library yung dalawa nag smirked si Jemie "huh! Mukhang magiging maganda ang taong ito para sayo Kenny."

Samantala nag pumiglas naman si Barbie sa pagkakahawak sa kaniya ni Kenny "ano ba?! epal ka talaga kahit kailan!"

"Did you know what you're doing? Gusto mong isumbong kita sa nanay mo?"

"Huh! Ano bang trip mo? Wala akong ginagawang masama at ayoko ring ma issue sayo kaya wag mo nga kong lapitan! Bwiset!"

Papaalis na sana si Barbie pero pinigilan sya ni Kenny hinawakan nito ang kamay nya "you can't escape!"

"Ano? Bitawan mo nga kong baliw ka! Una hindi kita gusto! Pangalawa wala akong pakialam sayo! Pangatlo bwiset ka! Bitaw!"

"Huh! Same here! Pero ginagawa ko lang ito dahil napag utusan lang ako ni dad."

Nag pumiglas naman si Barbie sa pag kakahawak sa kaniya ni Kenny "hayaan mo hindi ko sasabihin kay tito kaya wag mo na kong gambalain pa!"

Lumapit si Kenny kay Barbie at hinawaka nya ang pisnge nito na para bang may binabalak sya "nakikita mo yang mga babaeng yan?" ang sabi ni Kenny at napatingin nga si Barbie at nakita nyang pati ang kaklase nilang si Ellaine ay naroroon na rin sa paligid nila kasama pa ang tatlong alipores nito.

"Ano naman ngayon? Bitawan mo nga ko!"

Pero hindi sya binitawan ni Kenny lalo pa syang ginalit nito "a---anong ginagawa mo?"

"Gusto mong malaman?"

Umarte si Kenny na hinahalikan nya si Barbie sa pisnge kaya naman nanggagalaiti na sa galit ang mga kababaihang nakakakita sa kanila.

"Lumayo ka nga!!!" Ang pa galit na sambit ni Barbie at tinulak nya si Kenny "wag mo kong simulan dahil hindi mo ko kaya!" dagdag nya pa.

"Oh really? Tignan natin kung gugustuhin mo paring mag aral dito. Huh!" ang sagot ni Kenny na para bang may ibang meaning ang sinabi nyang yon tapos iniwan nya si Barbie mag isa.

"BALIW KA!!!" Ang sigaw naman ni Barbie pero matapos makaalis ni Kenny nilapitan sya ng mga babae at itinulak pa sya ni Ellaine.

"SINO KA BA?!" Ang galit na galit na sigaw ni Ellaine kay Barbie na napaupo sa sahig sa sobrang lakas ng pagkakatulak sakanya. "girls, ipagkalat nyo na ang newbie na ito ay isang prostitute." Dagdag pa nito.

Tatayo na sana si Barbie pero itinulak sya ng alipores ni Ellaine "sumosobra na kayo!!!!"

Lumapit naman si Ellaine kay Barbie at sinampal nya ito "ang gaya among malande hindi tumatagal sa Academy na ito! Girls alam nyo ng gagawin sa isang yan!"

Papalapit na kay Barbie yung mga babaeng kapanalig ni Ellaine at bigla nalang may inilabas silang gunting na para bang may binabalak silang gawin sa buhok at damit ni Barbie "tama na yan!!!" ang sabi ni Jemie.

"Se—Senior…" ang sabi nung mga kababaihan at nag tatakbo sila papalayo tapos tinulungan namang tumayo ni Jemie si Barbie.

"Ayos ka lang?"

"Um. Salamat po."

"Wala yon inaasahan ko ng mangyayare ito."

Naupo naman si Barbie sa bench na malapit sa kanila ni Jemie "ano bang ginawa ko bakit galit na galit ang mga yon sakin?"

Napansin naman ni Jemie na nagkaroon ng sugat si Barbie sa kamay dahil sa pagkakatulak dito ni Ellaine kanina "sandali lang lemme see your right hand."

"Hmm?" ang reaction ni Barbie at tsaka nya lang na pansin na nag ka sugat sya sa kamay "pag pasensyahan mo na ang mga babaeng yon lalo na si Ellaine patay na patay kasi sya kay Kenny simula pa nung mga bata sila." Habang sinasabi naman ni Jemie ang linyang iyon tinatalian naman nya ng panyo nya ang kamay ni Barbie.

"Hindi nyo na kailangang gawin nya maliit lang naman yung sugat."

"It's okay para maiwasan na din na dumumi halika sa clinic linisin natin yan hindi ba takot ka sa dugo?"

"Eh? Paano nyo po nalaman?"

"Syempre alam kong lahat dito sa AGA bilang ako ang student council president dito."

"Wow…"

"Yeah…kaya halika na ako ng bahala mag sabi sa teacher mo kung bakit hindi ka makakaattend ng class mo."

"Um. Salamat po."

"Wala yon simula ngayon ako na ang fairy mo."

"Hmm?"

"Yes mabait ka kasing bata pero kapag wala ako mag ingat ka kay Ellaine dahil simula ngayon hindi na magiging biro ang pang araw-araw mo dito sa AGA."

"Hindi ko po kayo ma gets."

"Maraming magagalit sayo ngayon na kababaihan dahil nakita nilang hinalikan ka ni Kenny."

"Pero hindi naman nya po ako hinalikan."

At naisip ni Barbie yung sinabi sakaniya ni Kenny "oh? alam mo na?"

"Bwiset na yon! Ginamit nya ko para magalit sila Ellaine sakin."

"Yah… noon pa man kapag may nag tatanggakang lumapit kay Kenny unang-una na nagagalit ay si Ellaine kaya pinahihirapan nila ito hannggang sa mag drop out yung estudaynateng babae dito sa AGA."

"What? No way hinding hindi nila ako mapapatalsik dito sila ang susuko at hindi ako!"

"That's my girl and don't worry I'm here lang na naka bantay sayo." He pats Barbie's head.

"Ehe…salamat po."

Nakita naman ni Thew si Barbie na kasama si Jemie na papunta sa clinic kaya lumapit ito sa kanila "babe, anong nangyare sayo?" aniya at nakita nyang may taling panyo ang kamay ni Barbie. "sinong may gawa nyan sayo?" dagdag pa nito at hawak nya ang kamay ni Barbie na may taling panyo.

Nag pumiglas naman si Barbie sa pagkakahawak sa kaniya ni Thew "I'm okay and please don't call me babe my name is Barbie."

"Pfft…" Ang reaction ni Jemie at nakita naman yon ni Thew.

"Hoy, bakit mo sya kasama?"

Jemie smirked at inakbayan nya si Barbie "anong pakialam mo?"

"Hoy!!! Bitawan mo nga sya."

"Oh, are you mad?"

"Jemie!!!"

"Hahaha…kumalma ka nga bilang SC President ng AGA responsibilidad ko sya kinuyog lang naman sya ng mga fans ni Kenny kaya nasugatan si Barbs."

"Ano?!"

"Ano na ngayon ang gagawin mo my dear Matthew?"

"AHHHHHH…humanda sila sakin!!!"

Susugod na sana si Thew kila Ellaine pero pinigilan sya ni Barbie "don't do anything."

Kinilig naman si Thew dahil hinawakan sya ni Barbie ang kamay niya kaya naman hinigpitan nya ang hawak dito "kahit anong sabihin mo my lady gagawin ko."

Nasusuka suka kunwari si Jemie dahil ngayon nya lang nakita ang pinsan nyang naging cheesy "nakakadiri ka Thew hindi bagay sayo."

Nag pumiglas naman si Barbie sa pagkakawahak sa kaniya ni Thew at pumasok sa clinic.

"My lady!!!"

Hinarangan naman ni Jemie si Thew "tantanan mo na nga sya newbie lang si Barbie dito sa AGA wag nyo syang pag tripan ni Kenny."

Nag bago naman ang mood ni Thew ng marinig niya si Kenny "si Kenny ba ang may kagagawan kung bakit nasakatan si Barbie?"

"Ano naman ngayon? Mag aaway na naman kayo gaya dati katulad nung kay Samantha?"

Hindi naman naka kibo si Thew sa sinabing iyon ni Jemie sa kaniya "wag nyong igaya si Barbie sa babaeng minsan nyo na ring pinagawayan ni Kenny. Tandaan mo matalik kayong mag kaibigan ni Kenny."

"Huh! Kailan ko naging matalik na kaibigan ang traidor na yon?"

"Bahala ka kung anong gusto mo pero wag nyo naman sanang igaya si Barbie kay Samantha na piniling umalis dito dahil sa inyo ni Kenny. Nangangalhati na ang taon at matatapos na kayo sa pagiging grade 8 malapit na rin akong mawala dito sa AGA wag naman sana kayong maging sakit sa ulo."

Like it ? Add to library! ♡(˃͈ દ ˂͈ ༶ )

lyniarcreators' thoughts