webnovel

PRIDE of Friendship

"Sa pag ibig walang tama o mali, walang kasariang pinipili kapag mahal mo ipaglaban mo. LOVE IS LOVE!"

lyniar · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
94 Chs

Chapter 25: Jerlon and Flora

Kinabukasan ng mag tatanghali nag punta sa isang fast food restaurant sila Unice at Barbie.

"A—Ang dami mo naman atang inorder na pagkain Unice tayo lang namang dalawa dine."

"Don't worry mauubos rin natin yan let's enjoy the food bukas may pasok na naman tayo sa school nakakatamad nga eh iniisip ko palang na uubusan na ko ng lakas."

"Ah… He…He… sabagay nakakapagod nga ang dami ko pang isipin tapos may bago pang tao sa bahay. Nakakabaliw na."

"Hmm? Sino ang bisita nyo ni Kenny?"

"Ahh... baka kilala mo ang sabi Jerlon daw yung name eh ewan ko hindi ko sya feel pakiramdam ko parati nya kong pinagmamasdan."

"Ohhh… Si kuya Jerlon ba? Hahaha… ganun lang talaga yun dahil siguro kay Flora. Hahahaha… sure ako na gulat ka kay Flora no?"

"Um. Grabe siya dun pa talaga dinala sa kwarto ko yung Flora na yon? Na gulat talaga ko at mamatay matay na ko sa takot."

"Hahahaha… really? Don't worry hindi ka naman nag iisa dahil lahat kami nila Kenny at Thew kahit si Gaile eh nararamdaman kung ano ang naramdaman mo."

"Yah… grabe talaga hindi nga ko nakatulog mag damage nung nakita ko si Flora."

"Hahahaha… naalala ko tuloy nung una naming nakita si Flora nilagnat kasi kami nun. Hahahaha… it brings back the old memories."

"It seems like you guys are pretty close."

"Oo halos sabay-sabay kasi kaming lumaki yun nga lang na iba ako ng school sa kanila."

"Oo nga, ikaw lang ang hindi nila kasama kung pati si Gaile eh kababata mo rin pala."

"Oo simula kasi nung nag high school ako dun ako ipinasok ni Mommy kung san sya nagtuturo. Isa kasing guro ang nanay ko."

"Ohhh… yun pala ang dahilan."

"Yah… By the way napansin ko na gabi na umuwi sa kanila si Thew galing ba sya sa inyo?"

"Oo, sakto nga na nag sisigaw ako nung nakita ko si Flora kaya ayun narinig nya kaya naman pumasok sya sa bahay namin naiwan kasi nila Kenny na bukas ang gate at pintuan ng bahay."

"Ahhh…tapos nagka kwentuhan?"

"Um. Close rin pala yung Jerlon kay Thew kaya yun parang nag shot silang tatlo nila Kenny."

"Ano? Nag shot? Anak ng! Kabata bata pa nung dalawa si kuya Jerlon talaga inaya pa."

"Hmm? Bakit first time ba nila na uminom?"

"Oo. Bakit parang hindi ka naniniwala?"

"Ah… eh… kasi parang hindi naman sila baguhan lalo na si Thew."

"Really?"

"Aha… parang pro nga eh."

"Wow! Lagot sya kay tita."

Ang nakaraan kagabi…

Kumakatok ng kumakatok si Kenny sa kwarto ni Barbie gang sa napag pasyahan na nila na kuhanin ang duplicate ng susi dahil walang nag sasalita sa loob.

"Bie!!!" Ang bungad ni Kenny at Thew at nakita nilang nakatayong parang statue lang sa may pinto ng cr si Barbie.

"Hey, you okay?" Ang nag aalalang sambit ni Thew kay Barbie.

"Ma—May… AHAS!!! AHHHHHHH!!!" sa sobrang takot nya napatakbo sya at nag pa buhat kay Kenny.

"Ah…B—B…" Na uutal namang sambit ni Kenny dahil nagulat talaga syang bigla nalang lumundag sa kaniya si Barbie at walang kibo nalang si Thew sa pangyayareng iyon. Habang kinukuha naman ni Jerlon si Flora na isang 2years old golden python.

"Mabait si Flora isa syang golden python kaya wag kang matakot." Ang sabi naman ni Jerlon habang papalapit kay Barbie na hawak na hawak kay Kenny.

"AHHHH!!! Wag kang lalapit… Ken-Ken ilayo mo ko dito."

"O—Oo…" at inilabas nya nga ng kwarto si Barbie habang buhat nya ito.

Pagkalabas naman nung dalawa kinausap ni Jerlon si Thew na susunod na sana dun kila Barbie "kailan pa yan?"

"Anong pinag sasabi mo?"

Inilagay naman ni Jerlon si Flora sa balikat ni Thew "HOY!!! Alisin mo si Flora!!!"

"Oh bakit? Namiss ka nya wag kang maarte."

"Kuya Jerlon!!!"

"Hahaha…" tumawa sya pero bigla namang naging seryoso "sabihin mo okay na kayo ni Kenny?"

"Ano?! Anong klaseng tanong yan? Bakit pumuti na ba ang uwak? Naging itim na ba ang tagak?"

"What the heck are you talking about? Para ka ng si Unice kung mag salita ah. Kamusta nga pala sya? Tska si Gaile?"

Iniaangat naman ni Thew si Flora at ibinigay kay Jerlon "kung gusto mo silang kamustahin pumunta ka sa kanila. Dyan ka na!"

"Sandali lang…"

"Kung sasabihin mo kung ayos na kami ni Kenny pwes nagkakamali ka nandito lang ako dahil kay Barbie." Then he walked away.

Jerlon sighed "tignan mo ang mga batang yon iniwan lang talaga ko dine samanatalang nung mga uhugin pa sila ni ayaw akong tantanan."

(Snake sound…)

"Yah, I think the two ain't change at all mukhang magkaka gusto na naman sila sa iisang babae. Pero sa tingin ko this time tabla ang magiging laban."

(Snake sound…)

***

Maghahapunan na at wala parin si Barbie kaya naman hindi mapakali itong si Kenny dahil kanina nya pa ito tinatawagan at walang sumasagot kahit itong si Unice ay ganoon rin.

"Hoy! Kung ika'y na uupo nahihilo ako sayong lintek ka! Nanonood ako dine ng tv tapos padaan daan ka dyan? Gusto mong batuhin kita ng tsinelas?" Ang sabi naman ni Jerlon at huminto naman sa harapan ng tv si Kenny. "HOY!!!"

"Kuya, kung ikaw nalang kaya ang tumawag kay Barbie?"

"Hindi ka ba talaga!!!" umaakmang kukunin na yung tsinelas nya pero biglang lumapit sa kaniya si Kenny.

"Sige na bro, ikaw na ang tumawag kay Barbie." Hinawakan nya pa ang braso ni Jerlon para mag makaawa pero tinabig lang sya nito.

"Tantanan mo nga ko!"

"Bro!!!"

"Heh! Una sa lahat wala akong number ni Barbie. Pangalawa, wala akong load at pangatlo bakit ka ba nag kakaganyan?"

"Ha? Ah… Eh… A—Ano kasi…"

"Tigilan mo nga yang ganyan mong mannerism na kapag kinakabahan eh na uutal mukha kalang tanga!"

"Wow, nakakahiya naman sayo parang hindi ka rin ganito ha?"

Jerlon smirked at binatukan nya si Kenny "kuya!!!"

"Heh! Kapag hindi mo ko tinantanan sa kakaganyan mo hindi lang kutos ang aabutin mo. Bwiset!"

"Ehhh… kasi naman mag aalas siete na wala pa sya."

"Eh ano naman? Kasama nya si Unice at kilala mo si Unice mabait yon at mapagkakatiwalaan."

"Andun na nga ko pero bakit hindi man lang sila mag text o tumawag? Parehas pang mga sarado ang phone nila."

"Tsss… Ano bang problema mo? Tatay ka ba nila?"

"Ano?!"

"Umaasta ka na namang ganyan kaya ka na i-issue eh."

"Wala akong pakilam. Ang importante dapat makauwi na dito si Barbie!"

"Sabihin mo nga nag aalala ka ba dahil sinabi ng daddy mo o dahil yun ang sinasabi ng puso mo?"

Namula namang bigla ang mukah ni Kenny "a—anong pinagsasabi mo? Wala akong gusto kay Barbie. Ang akin lang baka masaktan na naman sya at ayokong makita na naman syang na iyak."

Jerlon sighed and he whisper "wala na, tinamaan na ang lintek na ito." And he thoughts "mukhang magiging dejavu na naman ang lahat sa pagitan nila ni Thew. Mukhang hindi na talaga sila magkaka ayos kapag ang isa sa kanila ay umamin na ng kanilang feelings kay Barbie."

Samantala,

"Talaga? Pwede akong mag sleepover dito?" Ang sabi ni Barbie na kanina pa pala na sa kwarto ni Unice.

"Oo naman kaso nga lang hindi pwede ngayon dahil may pasok tayo pero okay sana kung half day ka bukas kasi ako 1pm pa ang pasok ko eh."

"Oh? Kami rin eh. Tsaka okay lang naman na hindi ako umattend ng morning class ko kasi nga newbie ako at iba pa ang klase ko sa kanila kaya yun adjust-adjust muna ang hirap maging transfer student. Nakakapagod!"

"Uy, sorry hindi kita matulungan magkaiba kasi tayo ng school eh."

"No, its okay lang makakahabol naman na ko tsaka ilang exam nalang din naman ako habol na habol ko na mga kaklase ko."

"Matalino ka siguro no?"

"Ha? Nako, hindi naman pero I like sports."

"Talaga? Anong sports mo?"

"Softball."

"Woah!!! Ang astig nun pero sa pagkakaalam ko walang softball sa AGA ah."

"Meron na ngayon at si Barbie ang kauna-unahang miyembro dun." Ang bungad naman ni Thew na may dalang slices ng cake.

"Thew?" Anila.

"Here, mag mirienda muna kayo."

"Paanong… andito ka?" Ang tanong ni Unice.

"Shunga! Magkapitbahay lang tayo tonta!"

"Ay, oo nga pala."

"Mag kapitbahay kayo?"

"Aha…" Ang reaction naman nung dalawa kay Barbie.

"As in magkapalit lang sa kanila yung bahay na kadikit ng bahay namin. Right Thew?"

"Yeah."

"Ohhh… kaya pala."

"At mag kadikit lang ang kwarto namin kaya siguro nakaradar yang si Thew."

"Eh? Sorry maingay ba kami Bro?"

"Hi—Hindi naman kahit naman wala ka dito maingay yang si Unice, kanta kasi yan ng kanta."

"Hoy Marithew! Maka ano ka ah…"

"Mari…Ano? Thew?"

"Ah… yun ba? Yun kasi ang…" hindi naman nya na tapos ang sinasabi dahil sinubuan sya ni Thew ng malaking tipak ng cake.

"Ha…Ha… Ha… ayan kumain ka lang pagkabusog ka couz."

"Mmm…Mmm.."

"Pa—Parang ang laki naman ata ng ibinigay mo sa kaniya."

"Hahaha… hindi ganyan talaga yang kumain di ba?" he rise his eyebrow na para bang nang gigil "my favorite cousin? Ha…Ha…Ha…"

"Mmm…Mmm…" Hindi naman sya makapagsalita sa dahil halos yung cake slice na dinala sa kanila ni Thew ay isinubo sa kaniya nito.

"O—Okay… sige…"

"Sige ikaw kumain ka na rin."

"Ha? Ah…Ahm… hindi kasi ako mahilig sa cake."

Nagkatinginan naman yung mag pinsan dahil nalaman nilang hindi pala mahilig sa cake si Barbie "oo hindi kasi ako into sweets ayos na ang saging sakin for dessert."

"Sa—Saging?"

"Um. Noon kasi kinailangan kong kumain ng kumain ng saging kasi bumaba ang potassium level ko kaya ayun parating may uwi sakin si Mommy nun na saging pagkagaling nya sa work. Tapos yun hindi ko na namamalayan na parati na kong nakain ng saging kumbaga naging part na ng katawan ko yung saging. Hehe…"

"Oh… ganun pala. Ha…Ha…"

Siniko naman ni Unice si Thew "wag ka nga alam ko yang iniisip mo." Ang pabulong nyang sambit sa pinsan.

"Wag mo nga akong dinadamay sa imagination mo Unicesabell!"

Napatingin naman sa kanila si Barbie at sinabing "anong pinaguusapan nyo?"

"No—Nothing…Hahahaha…" Anila at nag yayapakan pa ng paa ng bawat isa.

Hi geysh... mehehehe... ٩(˘◡˘)۶

.

.

Sorry kung hindi na po ko nakakapag update daily sobrang busy lang po kaya for the meantime intay-intay nalang po kayo ng update ko di ko rin po alam kung anong araw ako makakapag update eh. Sorry po. Hope you geysh understand. ಥ‿ಥ

.

.

But don’t forget to read my other Tagalog Novels. Thankies and Godbless po. (‘’,)

.

.

• Ms. Hoodie

• Chasing Her Smile

lyniarcreators' thoughts