webnovel

PRIDE of Friendship

"Sa pag ibig walang tama o mali, walang kasariang pinipili kapag mahal mo ipaglaban mo. LOVE IS LOVE!"

lyniar · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
94 Chs

Chapter 23: Ken- Ken “Barbie’s New Bff”

Gabi na at hindi pa rin makatulog si Kenny kaya naman bumaba sya para kumuha ng gatas at pagbaba niya nakita nya si Barbie na natutulog sa sofa ng sala...

"Anong ginagawa nito dito?" Pinagmasdan nya ang natutulog na si Barbie "ano bang meron sayo at parati ka nalang inaalala ng nakararami? Na pati si Thew ay nakuha mo rin ang atensyon."He want to touch her but bago pa man yon mangyare na gising si Barbie.

"Are you staring at me?"

Napatayo naman sa gulat si Kenny.

"A— Anong, kanina ka pa ba gising?"

Bumangon naman si Barbie "Bakit kasalanan na ba ang matulog sa sofa?"

"Ba—Bakit ka kasi dyan natutulog? May kwarto ka naman ah."

"Hindi ako maka tulog. Ikaw? Bakit ka nandito?"

"Pakialam mo? Bahay namin ito kaya gagawin ko ang gusto ko."

Napansin nya namang biglang na lungkot si Barbie.

"A— Ayos ka lang ba? Ba— Bakit parang..."

Hindi naman na nya na tuloy ang gusto nyang sabihin dahil bigla nalang umiyak si Barbie out of the blue.

"Bakit ganun?!"

"A— Ang alin? At bakit ka ba naiyak? Wala kong ginawa sayo tumahan ka nga baka mag sumbong ka pa kay daddy."

"Si Mommy, bakit kailangan nya pa kong iwan? Hindi ko naman kailangan ng magagarang gamit bakit kailangan nya pang mangibang bansa?"

"Ha? Hi— Hindi kita maintindihan."

Humagulgol na sa pag iyak niya itong si Barbie habang sinasabi nyang "si mommy kasi nag text sabi niya mag abroad daw sya. Kaya pano na ko?"

Napangiti naman si Kenny ng palihim habang pinagmamasdan nyang parang bata si Barbie na nag tatantrums at inagawan ng laruan ng kalaro nya "ngayon ko lang syang nakitang well behave sa harapan ko parang gusto ko syang halik-halikan ang cute niya."

Nagulat naman syang bigla nalang syang hinawakan ni Barbie sa kamay at nag mamakaawang tawagan si Bruce para kumbinsihing pabalikin na ng Pinas ang nanay nya "sige na ayaw kasing mag reply o sumagot si Tito Bruce sa mga tawag o text ko."

Naisip naman ni Kenny ang mga sinabi sa kaniya ng Daddy nya na wag na wag sasabihin kay Barbie ang mga nalalaman nito at sya na rin muna ang bahala dito "wa— wala kasi akong load."

"Load? Meron akong load eto gamitin mo yung cellphone ko."

"Ha? Ah... eh... kasi ano hindi rin na sagot si Daddy sakin alam mo naman yun di ba at sayo lang sya nag tetext o tawag kaya bakit ako? Bahala ka dyan."

He pretend that he ain't care but deep inside ramdam nya ang nararamdaman ni Barbie dahil simula pa nung una ni hindi nya man lang nakita ang nanay niya.

Lumaki si Kenny na ang kinilala nya lang na nanay at tatay ay si Bruce kahit na noon nya pa ito tinatanong sa Daddy niya kung bakit wala syang kinalakihang ina.

"Ang sama mo!" Ang pagalit na sambit ni Barbie kaya naman mag wa-walked out na sana sya ng pinigilan naman syang bigla ni Kenny.

"Sandali lang..."

"Bitawan mo ko! Hindi tayo bati!"

"Bati? Ano ka bata?"

Nag pumiglas naman si Barbie at niyapakan nya pa ang paa ni Kenny "arayyyy!!!"

"Bwiset ka talaga! Bagay lang yan sayo!!!"

"Teka lang!!! Magluluto ako!!! Wala ka bang gustong kainin?"

"Wala!"

"Kahit sabihin kong steak? Ayaw ka parin?"

Napalunok naman si Barbie at sinabi nya sa sarili nya "Bie, kumalma ka para namang hindi ka nakakakain ng steak wag kang patay gutom!"

"Meron nga din pala akong pinabili kay ate Chinachay na Korean icecream ang sarap nun." Ang pang aasar na sambit pa ni Kenny dahil alam nyang mahilig sa ganoon si Barbie dahil fan na fan ito ng Kpop.

Lumingon naman si Barbie "Cough... anong flavor ng icecream?"

"Pffft... honeydew at iba't iba pang flavor. Hindi ba honeydew ang favorite flavor mo?"

"Cough... yung steak well done gusto ko. Ayokong pinag hihintay ako ng matagal bilisan mo!!!" At nag tungo na sya sa kusina.

"Ibang klase! Kung hindi ka lang binilin ni Daddy sakin eh nako."

"Ano pang hinihintay mo diyan?! Bilis!"

"Tsss! Oo na!"

"."

Makalipas ang isang oras at kalahating minuto naka kain na rin sa wakas si Barbie ng steak.

"So, ayos ba?" Ang sabi ni Kenny.

"Um. Ang sarappppp..."

Ngiting ngiti naman si Kenny na proud na proud sa sarili nya dahil firstime nyang nagluto at si Barbie pa ang una nyang ipinag luto.

"Cough... wag kang ano diyan masarap kasi gutom ako at stress pero maalat."

Kenny smirked "talaga lang ha kaya pala mangangalhati na yang steak mo."

"Hi— Hindi no! Maalat talaga pwe!"

Hinati naman ni Kenny ang steak nya at ibinigay nya ang kalahati kay Barbie "Hmm?"

"Sayo na para naman lumaganap ang happy hormones sa katawan mo hindi kasi ako sanay makita kang malungkot. Mas okay kung parati kang galit I mean parati mo kong inaangasan. Hindi kasi ako sanay na naiyak ka."

Natulala naman si Barbie sa sinabing iyon ni Kenny "don't get me wrong pero ayokong nakakakita ng babaeng naiyak pakiramdam ko kasi may ginawa akong kasalan na hindi ko alam kung ano."

Simula pagkabata ni Kenny hindi sya madalas nakikipag usap sa mga babae maliban kay Gaile at kay Unice dahil kasabay nyang lumaki ang mga ito kasama si Thew. Maliban sa kanila hindi talaga sya nakikipag usap sa ibang babae dahil iniisip nya parin kung bakit sya iniwanan ng nanay nya.

"Bakla ka ba?"

"Ba— Bakla? Ako?! Hi— Hindi no!"

"Hahahaha... kinabahan ka ba? Alam mo okay ka naman pala mukhang magkakasundo naman pala tayo."

"Hmmm?"

"Simula ngayon bff's tayo kaya may sasabihin ako sayo."

Sa isip-isip ko Kenny "bff? May sasabihin sya sakin? Teka lang... hindi kaya mag coconfess na sya sakin? Pero..."

"I'm lesbian."

"A— Ano? Lesbian? Cough... Cough... Cough..."

"Ayos ka lang ba? Eto uminom ka muna." Binigay nya yung iniinum nyang juice na nasa can at kinuha naman iyon ni Kenny at ininom.

"Teka lang, di... dito sya uminom tapos ako..." Kenny's thought and he blushed.

Lumapit naman sa kaniya si Barbie at hinawakan ang forehead nya "Huy... bakit ang init mo okay ka lang ba? Namumula ka."

"O— Okay lang ako!!!" At na itulak nya ng di sinasadya si Barbie kaya naman dali-dali nya rin itong tinulungang makatayo. "So—Sorry hindi ko sinasadya."

"It's okay but are you okay? O ganyan ka ba kapag may lumalapit sayo na girl?"

"Ha? Wha— What do you mean?"

"Para kasing nahihiya ka."

"A— Ako? Hahaha... bakit naman ako mahihiya sayo? Tsaka hindi naman ito ang unang pagkakataon na hinawakan mo ko at lumapit ka sakin kanina nga lang di ba naka yakap ka sakin sa motor kaya paano mo naman na sabing nahihiya ako sayo? At sayo pa talaga? Huh!"

Binatukan naman sya ni Barbie "OA ha? Daming sinabi? Oo na! Clingy na kung Clingy! Asar!" At bumalik naman na sya sa pag pagkakaupo nya at bumalik sa pagkain.

Napalunok naman si Kenny dahil sa kaba nya "cough... ikaw? Parati ka bang ganyan?"

"Hmm? Anong ganyan?"

"Ahm... yung ganyan..."

"Ano ngang ganyan? Suspense ka buset!"

"Yung... parati kang nag bibigay ng inumin mo sa iba."

"Ha? Ahhh... hindi no! Ngayon lang hindi kasi talaga ako mahilig mag share gusto ko pag sakin na sakin na. Wala ng bawian."

Napangiti naman at na shy si Kenny "so... territorial ka pala?"

"Ginawa mo naman akong aso pero siguro sabi din nila sakin yun dati eh. Ang pinaka ayoko kasi yung nahawakan ko na kukunin pa ng iba parang ikaw kapag hinawakan kita gusto ko akin ka na."

Hindi naman makapag salita si Kenny sa sinabing iyon ni Barbie at lalo pa syang na mula "hoy! Ano? Ayos ka lang ba? Anong nangyayare sayo?"

At hindi na nga kinaya ni Kenny nahimatay na sya. Hindi nya nga lang alam kung dahil ba yon mainit sa kusina o dahil kinikilig sya sa sinabing iyon sa kaniya ni Barbie. Pero alam naman nyang ginawa lang syang example nito pero magka ganoon pa man tuwang tuwa sya dahil close na sila ni Barbie.

***

Umaga na at busy ang mga ka SK Member ni Kenny dahil weekend kailangan nilang magkaroon ng feeding program at tuwing ikalawang linggo ng buwan ng Sabado at Linggo nila iyon ginagawa sa iba't iba nilang karatig na baranggay. Ngunit wala pa si Kenny sa baranggay hall kung saan ang kanilang meeting place.

"Wala pa ba si Chairman?" Ang tanong ni Juni kay Lloyd na busy mag check ng mga dalahin nila sa van.

"Wala pa nga eh nauna pa nga sa kaniya si Thew."

"Si Thew? Nandito?"

"Oo, hindi mo ba nakita? Nandun sa loob kausap mga konsehal."

"Eh? Si Thew? Pero hindi ba lagi syang hindi na sama sa mga ganire?"

"Hindi ko alam pero baka nag bago na sya."

"Baka kamo may pinag awayan na naman sila ni Kenny kaya gusto nyang asarin ito."

May bigla namang pumalo sa kanyang butt "Unice!!!"

"Oh, may problema ka?"

Umaakmang gaganti sana si Juni kay Unice pero pinigilan sya ni Lloyd "sige patulan mo alalahanin mo malakas kapit niyan konsehal Daddy nya."

Juni smirked "bwiset!"

"Ano, tapos na ba yan? Ready na ba ang lahat? Bakit tayo lang ang nandito na nag aayos?" Sabi ni Unice na kararating lang at hindi naman talaga tumulong na maghakot ng gamit nila at mga pagkain sa van na kanilang sasakyan.

"Huh! Nag aayos? Eh kararating mo nga lang!" Ang na iinis namang sambit ni Juni.

Pre, chill." Sabi naman ni Lloyd.

"Kanina pa kaya ako di lang ako nalabas dine di ba no Lloyd?"

"Ha?"

"Wag ka ngang ano diyan kahit malapit ka lang sa baranggay hall hindi ka naman talaga na dating agad at darating ka lang pag alam mong tapos na kami dine. Wag ako Unice!"

"Heh! Wag ka ngang epal Juni si Lloyd ang kausap ko."

"Ah... eh... wag naman kayong mag away..."

"Away? Sinong nag aaway?" Ang sabi ni Kenny na ngiting ngiti.

"A— Anong meron sa isang yan?" Ang pa gulat na sambit ni Juni dahil hindi pa nila uli nakikitang naka ngiti si Kenny simula nung nahalal itong SK Chairman.

Bigla namang parang may hangin na dumampi sa mga buhok ni Kenny na para bang may pa slow motion habang papalapit sya dun sa tatlo.

"Bakit parang may pa wind effect ang entrance nireng si Kenny?" Ang sabi ni Unice.

At natulala silang tatlo kay Kenny.

"Anyare naman senio?" Aniya.

"Ikaw, ano ang nangyayari sayo bro bakit parang blooming ka." Ang sabi naman ni Lloyd at sinangayunan naman sya nung dalawa.

Napahawi naman sa buhok nya itong si Kenny na para bang gwapong gwapo sa sarili.

"Hoy! Tigilan mo nga yan nakakadiri ka Chairman." Ang prangkang sambit naman ni Unice.

"Hoy! Maka hoy ka ah. Ikaw ang Chairman ng SK?"

"Ehe... ang akin lang kasi..."

"Yan kasi epal lagi." Ang sabi naman ni Juni na para bang nang aasar pa.

"Ano? Baka ikaw ang epal."

"Tigel! Kapag kayo hindi tumigil kayo nalang dalawa ang mag aasikaso ng lahat hindi kami sasama sa inyo!"

"So— Sorry Chairman." Sabay sambit nung dalawa.

"Lagi nalang kayong nag aaway! Lloyd tawagin mong lahat ng SK Members sabihin mo sumakay na sa van at siguraduhin nilang katabi nila ang partner nila para mabilis tayong makapag simula kapag nakarating sa kabilang baranggay."

"Yes Chairman."

"At kayong dalawa sumakay na kayo at kayo rin ang mag partner mamaya."

"Ano?! No way!" Anila.

"Sige kapag hindi kayo sumunod sa sinabi ko one week kayong mag co-community service dito sa baranggay natin. Sinasabi ko sa inyo wag nyo kong subukang dalawa."

"Ikaw kasi epal!" Ang sabi ni Unice kay Juni at ganoon rin ito sa kaniya.

"Hindi ba talaga kayo..."

Pandalas naman yung dalawa sa pag sakay sa van para di na sila ma sermonan ni Kenny.

"Ang kukulit daig pa limang taong gulang na bata." Dagdag pa ni Kenny at naka salubong nya si Thew at nagkatitigan sila na para bang gusto nilang sapakin ang isa't isa.

"Cough... Cha— Chairman may nag hahanap sayo." Ang sabi ng isa s SK Member na si Jimuel.

"Hmm? Sino?"

"Yow!" Ang bungad naman ni Barbie at napatingin naman sa kaniya ang lahat bumaba pa nga ang ibang nasa van para lang ma silayan sya.

"Wow, sino sya? Ang ganda nya." Sabi ng ibang naroroon.

"Sya si Barbie ang secret lover ni Chairman." alAng sabi naman ni Juni sa mga ka SK Member nila.

"Talaga? Si Chairman may gf?"

"Pero hindi ba usap-usapan na naiwas sya sa mga babae?"

"Mag msi tigil nga kayo ano namang tingin nyo sakin lalaki?" Ang sabi naman ni Unice.

"Ay, babae ka? Ano babaeng unggoy?" Ang panunuksong sambit ni Juni at sinabunutan naman siya ni Unice kaya nag ka gulo na habang kausap naman ni Kenny at Thew si Barbie.

"Anak nang! Awatin nyo ang dalawang yan." Ang sabi naman ni Lloyd.

Samantala hindi naman makapaniwala sila Kenny at Thew na sasama sa kanila si Barbie.

"Oo nga mga brad kaya nga nakiki blue shirt din ako senio para naman kunwari SK Member din ako."

"Pero, hindi ba may kailangan ka pang sagutang module?" Ang tanong naman ni Thew.

"Ayos lang, natapos ko naman na yung iba at weekend naman di ba Bro?" Napatingin naman sya kay Kenny na may kasamang ngiti at napansin naman yon ni Thew.

Kaya sa isip-isip nya "Anong nangyayari? Bakit parang hindi ata galit si Barbs kay Kenny?"

"So, ano? Pwede ba kong sumama?"

"O— Oo naman pero wag kang aalis sa tabi ko alam mo namang responsabilidad kita." Ang seryosong sambit naman ni Kenny kaya hinila nya si Barbie tabi nya.

Thew smirked "Huh! Hindi na kailangan..." hinila rin naman nya si Barbie sa tabi nya pero hindi ito binibitawan ni Kenny. "Dahil ako ng bahala sa kaniya."

"Ano? Ikaw? Nag papatawa ka? Sakin sya binilin ng nanay nya at ni daddy kaya ako lang ang magiging reponsable para sa kaniya!"

At nag simula naman na nilang pag agawan si Barbie.

Kaya naman napatigil sa pag sasabunutan nila itong sila Juni at Unice "reponsobilidad? Bakit buntis ba yung girl?" Sabi ni Jimuel na narinig ang usapan nila Kenny.

"Tungaw! Bata pa ni Barbie para maging ina tsaka matino sila Chairman at Thew." Ang sabi naman ni Lloyd at kinalas ang kamay nila Juni at Unice sa buhok ng bawat isa "tigil nyo na yan kung ayaw nyo sumbong namin kayo kay Chairman."

Nagulat naman si Lloyd ng tawagin sya ni Barbie "ikaw na lalaki na pumapagitna sa dalawang nag sasabunutan."

"A— Ako?"

"May iba pa ba bukod sayo?"

"Ah... Eh..."

"Ikaw dalhin mo sakin yang babae."

"Ha? Si... Si Unice?"

Nagulat naman si Unice kaya nag tataka naman sya dahil hindi nya kilala si Barbie "Oo dalhin mo sya dine."

"O— Okay."

Bumulong naman sya kay Unice "sumama ka nalang bago pa uminit ang ulo nya."

"Ha? Pero sino ba kasi yang babaeng yan? Hindi ko sya kilala bakit nya ko tinatawag?"

"Sya si Barbie, pero hindi ko rin alam kung bakit nya tayo pinapalapit."

"O— Okay..."

Nag pumiglas naman si Barbie dun sa pagkakahawak sa kaniya nung dalawa at hinawakan ang kamay ni Unice "sya, sya ang gusto kong maging partner."

"Ano?!" Ang pagulat na sambit nila Kenny at Thew at polite na nakipag kilala si Barbie kay Unice.

"Ah... eh... kasi may ibinigay na sakin na partner si Chairman.... Tska ako nga pala si Unice."

"Ohhh... I see, pero ayos lang yon right Ken- Ken?"

"Ke— Ken? Ken?" Pagulat na sambit nila Thew na gulat na gulat.

Tinignan naman ni Barbie ng paawa face nya itong si Kenny para pumayag ito sa kagustuhan nya "it's okay Lloyd ikaw na ang partner ni Juni."

"O—Opo Chairman."

Masaya naman si Juni dahil hindi na nya magiging partner si Unice.

Inakbayan naman ni Barbie si Kenny "thankies Ken- Ken."

Hinala naman sya nito sa isang gilid "itigil mo yang kaka Ken-Ken mo nakakahiya!"

Barbie trying to be cute "but you said last night were bff na and you're responsible to me."

Sa isip-isip ni Kenny "ang cute niya..." bigla namang dumugo ang ilong nya.

"Hey, you okay? Na dugo ang ilong mo."

"Hmm? I— I'm okay." Then he left Barbie and sumakay na sya sa unahan ng van at sumunod na rin naman si Barbie na hinila na si Unice para sumakay.

"A... Anong nangyare?" Ang sabi nila Juni at Lloyd na parang lutang sa mga nangyare kasama si Thew na nakatulala lang din.