Kararating lang nila Kenny at Barbie sa bahay…
Sa galit ni Kenny hinila nya si Barbie dahil hindi sya nito pinapansin kanina pa at na iirita na sya "ano bang problema mong babae ka?!"
Hinawakan ni Barbie ang kamay ni Kenny at kinurot nya ito para bitawan sya "ano ba? ang sakit ha!"
"Tigilan mo ko Kenny! Kung ayaw mong mag halo ang balat sa tinalupan."
"Huh! Bakit naiinis ka dahil sinabi ko kay Thew na magkasama tayo sa bahay? Dapat nga mag pasalamat ka pa sakin kung sa iba yan magiging proud pa sila."
Ang sama naman ng tingin ni Barbie kay Kenny habang papalapit ito dito "ano bang gusto mong mangyare? Hindi ba naiinis ka sakin tapos ayaw mong may makakaalam na mag kasama tayo sa iisang bahay, ano ngayon sa tingin mo ang GINAGAWA MO?!!!!"
Ang lapit na nila sa isa't isa at galit na galit na itong si Barbie at tahimik lang naman itong si Kenny at na palunok sa sobrang kaba nya "cough… umalis ka nga sa harapan ko."
Tinulak ni Kenny si Barbie "AHHHHH…Bwiset ka talaga!!!"
At pa tabog-tabog si Barbie na tumaas sa hagdan papunta sa kwarto nya at ng makarating sya ibinagsak nya ang pintuan "Hoy! Baka masira yang pinto!"
"KA BANG!" inulit naman ni Barbie ang pa bagsak na pag sarado nya ng pinto.
"Haysss…kainis talaga sya. Ate Chinchay!!!"
Lumapit naman agad si Chinchay kay Kenny "Sir?"
"Anong hapunan?"
"Adobong baboy po at Kalamares po gaya ng sinabi ni Ma'am Barbs sakin."
"Ano? Bakit walang gulay?"
"Ah…eh… kasi po ayaw ni Ma'am Barbie ng gulay."
"Huh! Sya na ba ngayon ang boss dito?"
"Ah… Ahm…hindi naman po ibinilin po kasi sakin ng daddy nyo na tatanungin ko si Ma'am Barbs kung ano ang gustong kainin nito."
"Hayyyysss... Bwiset! Wala na ba akong karapatan sa bahay na ito?"
"Eh…Sir… wag na po kayong magalit hayaan nyo mag luluto po ako ng paborito nyong adobong sitaw."
"Hindi na kung ano nalang nandiyan ang kakainin ko pero pwede po ba sa susunod magluluto rin kayo ng gulay?"
"Opo Sir."
"Sige na po maaari na kayong umuwi."
"Sigurado ba kayo?"
"Um."
"Sir, payo lang bilang ilang taon na rin naman akong nandito at nakita ko na kayong nag binata dito sa bahay na ito at nakita ko na rin kung paano kayo nag matured…sana lang wag na kayong laging maging bugnutin lalo na sa harap ni Ma'am Barbs. Mabait na bata po sya sa tingin ko nga mag kakasundo kayo kapag sinubukan nyo lang syang kaibiganin."
"Ah…Si—Sige ho."
"Sya sige aalis na ko babalik nalang ako sa umaga mag ingat kayo dito wag nyo kalilimutang i-lock ang mga pinto delikado ang panahon ngayon."
"Sige ho."
"."
Kinagabihan biglang umulan at malakas ang kidlat at kulog bumaba si Barbie para uminom at kumain kahit des oras na ng gabi.
"Ano kayang pwedeng makain dito sa ref? Bwiset kasing Kenny yon nag tiis ako ng gutom para lang di ko sya makita dine sa baba."
Nang makakuha sya ng pagkain at ng inilagay nya sa microwave biglang nag brownout kaya nag titili sya "AHHHHHH…"
Narinig naman ni Kenny yung tili ni Barbie kaya dali-dali syang bumangon at na pansin nyang madilim "hmm? Walang kuryente?"
Binuksan nya naman ang flashlight ng cellphone nya at lumabas ng kwarto para pumunta sa kwarto ni Barbie, kumatok sya at nakita nyang bukas ang pinto pero walang tao sa loob "nasan na yon?"
Bumaba sya ng hagdan at hinanap si Barbie sa sala pero wala rin ito roon kaya nag punta na sya ng kusina at nakita nya ng sinagan ng flashlight si Barbie na naka lupagi sa sahig "pa—patay!!!" ang pagulat na sambit ni Kenny kaya na pa atras ito sa takot.
"Sira ulo! Hindi pa ko patay! Na dulas lang ako gunggong!"
"Eh?"
"Lumapit ka at tulungan mo kong tumayo! Kung ayaw mong isumbong kita kay tito."
"Aysss…epal ka rin eh."
Lumapit nga itong si Kenny at tinulungang tumayo si Barbie "ano? kaya mo ba?"
"I thinik I sprained my left ankle."
"Tsk… ano ba kasing ginagawa mo at wala kang dalang flashlight man lang."
"Can you just help me muna na makatayo bago mo ko sermonan?"
Kenny smirked then she princess carry her "wag kang malikot."
"Humph… ngayon lang ito kaya wag kang assuming diyan.
"Haysss…tulungan ka't hindi ang dami mo paring say! Hawakan mo nalang yung phone ko para makita ko ang daan papunta sa sala."
"Humph."
At si Barbie na nga ang humawak ng phone ni Kenny habang buhat-buhat sya nito na pansin nya namang pangkaraniwan lang ang wallpaper sa phone ni Kenny at isa lang itong cartoon na aso.
Tapos biglang kumulog ng ibaba na ni Kenny si Barbie sa sofa "AHHHH…"
Napayakap si Barbie kay Kenny kaya hindi sya na bitawan nito "pffft…takot ka sa kulog?"
"Si—Sino ako? Hinde no! Na gulat lang ako wag ka nga!"
At bigla na namang kumulog kaya lalo namang napahigpit ang yakap ni Barbie kay Kenny "ngayon, sino ang hindi takot sa kulog?"
"Ahhhhh... oo na takot ako sa kulog kaya wag mo muna ko bitawan."
Kenny sighed "fine, pero pwede ba maupo muna tayo ang bigat mo eh."
"Si—Sinong mabigat? Baka ikaw."
At lalo namang kumulog ng pagkalakas "tignan mo pati ang kalangitan nagagalit kasi nag sisinungaling ka."
"Haysss….oo na mabigat na kung mabigat pero wag mo kong iwan."
"Tsk…Oo na may choice ba ko? Sa pag kakahawak mo nga sakin para kang tuko."
"Eiii…ngayon lang ito kung gusto mo babayaran nalang kita."
"Sira! Ano ko call boy? Manahimik ka na nga lang diyan."
At dahan-dahan namang na upo si Kenny habang buhat niya si Barbie na ang higpit ng hawak sa kaniya at nanginginig pa nga ito sa takot.
"Ano? Ganito nalang tayo buong mag damag?" Ang sabi ni Kenny ng ilang minuto na nyang kalong sa lap nya itong si Barbie.
Kahit madilim kita ni Kenny sa liwanag ng kaniyang flashlight ang takot na expression ng mukha ni Barbie habang yakap sya.
"Nakatulog na sya sa sobrang takot…"
Kinabukasan, tulog pa yung dalawa ng makarating si Chinchay…
"Pfft… ang mga batang ito talaga…"
Nang maka alis naman si Chinchay bigla namang na gising si Barbie at na pansin nyang sa sala pala sya naka tulog at nakita nyang may kamay sa bewang nya kaya pag tunghay nya laking gulat nya na katabi nya pala si Kenny at naka kalong pa sya sa lap nito.
"AHHHHHHHH…" Pandalas sya ng tayo pero na out balance sya dahil nalimutan nyang may sprained akle sya kaya muntik ng tumama ang ulo nya sa lamisita buti nalang na salo agad ni Kenny ang ulo nya.
"Ano bang ginagawa mo?!"
"I---Ikaw…"
Inalalayan naman siya ni Kenny na umupong muli "kagabi lang para kang batang paslit na takot na takot sa kulog ngayon para ka na namang amazona."
"Humph!"
"Aba't ikaw pa talaga ang may ganang magalit dyan? Ako na nga ang nag kanda ngalay-ngalay ang dito ko dahil sayo. Tapos…"
Kinuha ni Barbie ang phone ni Kenny at nag picture sila "okay, send ko mo kay tito para hindi ka na nya pagalitan. Kwits na tayo kaya sige na adios!"
Wala namang naging kibo si Kenny at natulala lang habang si Barbie naman ay tumayo na at pa pilay-pilay sa kaniyang pag lalakad.
***
Pagkababa ni Barbie ng jeep dali-dali na syang nag lakad kahit pa pilay-pilay sya at nakita naman sya ni Kenny na kararating lang din lulan ng kaniyag motor.
"Hoy babae."
Hindi naman pinansin ni Barbie si Kenny at nag patuloy lang sa paglalakad…"
"Aba't!!!"
Hinabol naman ni Kenny si Barbie "tigil.:"
"Ano ba? Umalis ka dyan pinag titinginan na nila tayo."
At dahil nga sa ginawa ni Barbie kahapon sa pag ka huli kay Sir Baysan trending sya sa buong campus tapos kinukulit pa sya ni Kenny.
Nag bend si Kenny para i-piggy back nya si Barbie pero hindi sya pinansin nito at nag patuloy na naman sa pag lalakad "Barbie!!!"
Habang nag lalakad ng pa pilay-pilay si Barbie sa isip-isip nya "tinawag nya ko sa pangalan ko? Huh! Nu bang nakain ng isang yon at masayado syang epal ngayong umaga."
"Ms. Newbie totoo bang ikaw nga ang nag pa kulong sa isang pervy sage?" Ang tanong ng isang lalaki na mula sa journalism club at ang iba pa nitong miyembro kaya lalong dumami naman ang mga estudyante na curious kung ano yung pinagkakaguluhan.
Hindi naman na sagot si Barbie at nag patuloy sa pag lalakad kahit masakit na talaga ang kanyang ankle.
"Sandali lang Ms. Newbie." Anila kay Barbie pero hindi sila pinapansin nito.
Napahinto naman si Barbie dahil nakaharang sa kaniyang dinaraanan sila Ellaine at ang mga alipores nito.
"Dumating na pala ang hero." Ang sabi ni Ellaine na para bang may ibang ibig sabihin ang kaniyang pagkakasabi.
"Wala ko sa mood maki pag away sa inyo." At nag patuloy sya sa pag lalakad.
"Huh! HOY!!!!" Ang pa galit na sambit ni Ellaine at balak nya sanang sabunutan si Barbie mula sa likod pero may biglang pumigil sa kaniya "Ke—Kenny… The---Thew?"
At yung dalawa nga ang pumigil kay Ellaine kaya kinagulat naman iyon ng mga nandoroon lalo na nitong si Ellaine.
Nagkairingan naman sila Kenny at Thew na hinabol si Barbie…
"Bie, anong nangyare?" Ang tanong naman ni Thew.
"Oh, ikaw pala."
Kenny smirked at sa isip-isip nya "oh, ikaw pala? Huh! Kapag ako ka usap galit na galit pero pag kay Thew mas mabilis pa sa alas kwatro ang pag iba ng mood nya."
Inalalayan ni Thew si Barbie "gusto mo bang buhatin nalang kita?"
"Hmm? Hindi na tignan mo yung mga tingin sakin ng mga kababaihan parang sinusumpa na nila ko."
"Wag kang mag alala andito naman ako."
"Huh!" Ang reaction naman ni Kenny pero hindi naman sya pinansin nung dalawa.
Napansin naman ni Kenny na nakahawak na sa bewang ni Barbie itong si Thew kaya naki alalay rin naman sya.
"Haysss…anong ginawa mo? Bitaw!" Ang pa bulong na sambit naman ni Barbie kay Kenny.
"Umayos ka, kung ayaw mong ipagkalat ko na magkatabi tayong natulog ka gabi."
"Ikaw!!!"
Ang sama naman ng tingin ni Thew kay Kenny at tinatanggal nya ang hawak nito kay Barbie "ako na kay Barbie."
"Hinde, ako na bilang ako naman ang nangangalaga sa kaniya hindi ba at may practice ka pa?"
"Huh! Hindi porket mag kasama kayo sa bahay eh hahayaan na kitang maging malapit kay Barbie."
"Talaga lang ha? Kahit hindi ko sya kasama sa bahay magiging malapit talaga kami sa isa't isa dahil bff's ang mga magulang namin."
"Huh! Edi wow! Mas na una ko naman syang naging kaibigan kesa sayo ikaw pa nga ang nag papahirap sa kaniya kaya sya na bubully dito sa campus."
"Huh! Ako lang? mas maraming kababaihan ang into you kaya…
"ENOUGH!" Ang pa galit na sigaw ni Barbie.
Natememe naman yung dalawa at bumitaw si Barbie dun sa dalawa "tantanan nyo nga ko! Kaya ko ang sarili ko! Bwiset na mga to!"
At iniwan na nga nya yung dalawa "kahit kailan epal ka!" Ang pa galit na sambit ni Thew.
"Huh! Ikaw yon at hindi ako!"
Thew smirked "wala akong panahon makipag away sayo… BIE!!! INTAYIN MO KO!!!" At hinabol nya nga si Barbie.
"Bie? Huh! Close? Sya itong epal eh feeling close. Tsss!" Ang pabulong bulong na sambit ni Kenny at sumunod na rin dun sa dalawa.
Samantala gigil na gigil naman itong si Ellaine kay Barbie na nag lulupasay pa dahil selos na selos sya "ahhhhh!!! Sino ba ang newbie na yon bakit sobrang mag care sila Kenny at Thew sa kaniya!!! Nakakainis na!!!"
"Girl, chill may alas pa tayo si Yveth." Ang sabi ni Hannah.
Napa hinto naman sa kaniyang pag tantrums itong si Ellaine sa sinabing iyon ni Hannah sa kaniya at para bang nagkaroon sya ng hope para mailayo ang Kenny nya kay Barbie na isang newbie lang naman sa Academy.
Like it ? Add to library! And don’t forget to vote to cheer me up. Char! •᷄ɞ•᷅