webnovel

Chapter 5

Seven years ago.

Parehong nakakunot ang mga noo naming magkakambal habang papalapit sa tila aso't pusa na sa Kevin at Miggy.

"Pare, shuta, akin na." Rinig naming saad ni Miggy kay Kevin. Tila naglalaro ito ng basketball, nasa likod ni Kevin si Miggy pilit ina-abot ang papel na hawak ni Kevin sa dalawa nitong mga kamay na nakataas upang wag ma-agaw ni Miggy. Nakatingala si Kevin habang binabasa ang nakasulat sa papel

"My first love, kay tagal kong tinago ang nararamdaman ko para sa'yo, ngayon lang ako naglakas ng loob dahil natatakot akong iwasan mo at layuan. Shuta, kinikilig ako, Miggy boy. Binata ka na." Kahit di namin alam ang pinag-aagawan ng dalawa ay natawa pa rin kami sa reaksyon ni Kevin habang kinakantyawan si Miggy.

"Hayop ka. Kakasuhan kitang shutangina ka! Invading someone's privacy yang ginagawa mo."

"The simple act of invading someone's privacy is not a criminal offense, though certain methods of such an invasion may be considered criminal. In most cases, invasion of privacy is considered a civil rights violation, and is therefore addressed in civil court proceedings." Napalingon ang dalawa sa gawi namin ni Justine ng marinig ang sinabi ng kakambal ko, nakaawang ang mga bibig habang nakatitig kay Justine. Natawa ako sa reaksyon ng dalawa. 'Di ko alam kung humahanga ba sila kay Justine o parte ito ng pangangantiyaw nila. Napalakas ang tawa ko ng magtinginan ang dalawa sabay nagturuan.

"Idol talaga!"

"Hanep!"

"Aminin mo, di mo alam yun?" Saad ni Kevin kay Miggy.

"Bobo ba tayo pre?" Saad naman ni Miggy.

"Ikaw lang naman bobo sa atin."

"Sige nga ulitin mo nga sinabi niya, kung naintindihan mo?"

"Invading someone's privacy is not a criminal offense, o! Ano?" Pagmamayabang ni Kevin. "Ikaw may naiintindihan ka?"

"Mukha ka raw criminal, pakialamero. Akin na nga yan." Saad ni Miggy sabay hablut sa papel na hawak ni Kevin na pinag-aagawan nila.

"Ano ba kasi yang pinag-aagawan niyo ha?" Tanong ko sa dalawa.

"Love letter ni Miggy para kay-" Di na natapos ni Kevin ang sasabihin ng pansakan ni Miggy ng papel ang bunganga nito sabay takip ng palad niya sa bibig nito.

"Anong love letter?"

"Na late ako noong isang araw, pinapagawa akong letter ni Ma'am Manliguez- Aray!"

Napabitaw si Miggy kay Kevin ng sabunutan siya nito. Binuga ni Kevin ang papel sa pagmumukha ni Miggy. Sobrang tawa namin ni Justine.

"Kadiri kayo!" Saad ko.

Maya-maya dumating na sina Adrianne, Jeric, Nathan at Gabby.

Uwian na pero nasa loob ba rin ka mi ng campus, nasa ground kami. Inukupa namin ang isa sa mga sementadong lamesa na may tig dalawang mahabang upuan na gawa rin sa semento sa magkabilang gilid nito

Ngayon ko ipapakilala si Iñigo sa tropa ko. He texted me five minutes ago na kakatapos lang ng kanyang klase and probably be here after another five minutes. Malapit lang ang school nito sa school namin, pwede nga lang rin lakarin.

Magkatabi kaming naupo ni Gabby, pinagitnaan kami ni Justine at Nathan habang magkatabi naman sa kabilang upuan at pinagitnaan nina Jeric at Adrianne sina Kevin at Miggy.

Napangiti ako ng masilayan si Iñigo ilang metro ang layo mula sa kinaroroonan namin. He's with someone, isang lalaking kasing tangkad niya at kasing hubog at laki ng kanyang katawan. Kung nakatalikod man ang dalawa ay mahihirapan kang makilala kung sino si Iñigo sa kanila.

Napalingon lahat sa gawi ni Iñigo ng sinundan nila ang tingin ko. Ang kanina'y nakangisi nilang mga mukha ay napalitan ng seryoso. They are always like that. Too possessive and too protective.

"Tangina, may back-up pa nga." Saad ni Kevin.

"Wala pa nga naduduwag na." Saad naman ni Jeric.

"Ano bang nagustuhan mo dyan, hamak na mas guapo naman ako." Saad ni Adrianne. I rolled my eyes when I heard him say. He courted me when we were in grade eight. None of the squad know, even Justine. Di ko siya sinagot kahit crush ko pa siya noon. Ayoko kong magkajowa ng chickboy at higit sa lahat ng kaibigan.

"Will you please, keep your mouth shut, guys." I said. Buti naman at sumunod sila.

Ilang saglit lang ay nasa harapan na namin si Iñigo at ang kasama nito. Nasa kanya at sa kasama nito ang atensyon naming lahat.

Binalak kong tumayo upang tumabi kay Iñigo ngunit kay agap ng kamay ni Justine sa paghawak sa palapulsuhan ko upang panatilihin ako sa aking pwesto. "Upo." He commanded. Nakangusong nilingon ko si Justine ngunit ang tingin nito ay nasa kay Iñigo lamang, kay riin at kay diin.

"Hi." He smiled and greeted us. "I know everyone here already knows me but still I want to introduce myself properly. " Nalipat ang tingin ko kay Iñigo, "I'm Lukas Iñigo Vergara," napa titig si Iñigo sa akin, sabay ngiti." Jazlyn boyfriend. " Napakagat labi ako upang pigilan ang sariling mapangiti. Ramdam ng puso na sobrang proud niya na jowa niya ko with the way he stared at my both eyes.

"E di, wow-Aray! Kabayo!" Sinipa ko ang binti ni Miggy sa ilalim ng lamesa. Nalipat ang mata ko sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin. "Sore na nga." Parang tanga talaga pati ekspresyon ng mukha.

"And this is Zoreen, my cousin."

"Hello." Isa-isa niya kaming kinamayan.

"Yung kamay ko tol." Reklamo ni Nathan dahil kay tagal nitong binitiwan ang kamay nito.

"Ay sorry, I was starstruck, kamukhang-kamukha mo kasi idolo kong si Theo James." Saad nito sabay bitaw sa kamay ni Nathan. "Nice to meet you all, pero mauna na ko. May sadya lang talaga ako dito sa school niyo." Tapos ay binalingan nito si Iñigo. "Mauna ka na umuwi insan, kay Ivan nalang ako sasakay."

"Upo ka, Love."

"Wala ng space dito." Saad ni Kevin at nagkasabay pa ang apat na paghiwalayin ang mga hita. "Dyan ba Justine." Mariin kong tiningnan si Kevin ngunit iniiwas nito ang mata sa akin.

"Wala rin, masikip na." Saad naman ni Justine kahit ang kuwang pa.

"Dito ka na lang, Love. Kakandong nalang ako sa'yo."

"Usog, Miggy! Tangina!" Saad ni Adrianne sabay tulak kay Miggy. "Dito ka, Go." Tinapik ni Adrianne ang space sa tabi niya.

"Usog, Kevin, laki ng itlog mo." Saad naman ni Miggy sabay tulak kay Kevin. Umusog naman si Kevin.

Napalingon kami kay Iñigo ng tumunog ang cellphone nito. Kinapa niya to at kinuha mula sa bulsa, tinignan nito ang screen. Nanlaki ang mga mata nito ng mapagsino. "Sandali lang ha, sagutin ko lang si Daddy." Pagkasabi ay agad nitong sinagot ang cellphone. "Hi, Dad!" Saad nito sa kabilang linya at bahagyang humakbang palayo sa amin.

"Ano yung Go? Iñigo?" Tanong ni Miggy.

"Hindi, Tyonggo.- Aray! Kabayo nga." Sigaw ni Adrianne. Natawa ang lahat ngunit agad ring tumahimik at pinigilan ang tawa nang isa-isa ko silang pinukulan ng nakamamatay na tingin.

Ilang sandali lang ay bumalik na si Iñigo. Umupo ito sa tabi ni Adrianne.

"How long have you two been together?"

"Two weeks." Ako ang sumagot.

"Di pa yan pagmamahal, masyadong maaga pa." Komento ni Jeric. Nagiwas ito ng tingin ng nilingon ko.

"How long did you court her?"

"Isang buwan." Ako pa rin ang sumagot kahit ang kinakausap naman ni Justine ay si Iñigo.

"Bakit ako halos isang taon, basted pa rin. Shuta. Dapat pa la isang buw-" Di na nito natapos ang sinabi ng muli ay sinipa ko.

"Nino?" Tanong ni Nathan.

"Wala, kababata ko. Di niyo kilala."

"Marunong ka pa lang manligaw-"

"Guys, stop. Be serious, may bisita tayo." Sita ni Justine sa kanila. Natahimik ang mga gago. "At Jazlyn, hindi ikaw tinatanong ko. Pipi ba to jowa mo?"

"Bal naman. Hindi na nga sasagot." Muli ay binalingan ni Justine si Iñigo.

"Isang buwan? Kay swerte mo naman."

"Oo nga."

"Oo."

"Swerte nga."

Adlib ng mga yawa na nasa harapan namin maliban sa Lalab ko.

"Sobra. Sobrang swerte ko." Napatigil ang lahat ng magsalita si Iñigo. Mula kay Justine ay nalipat ang tingin niya sa akin. "Sobrang swerte ko, hindi dahil sa kay bilis niya kong sinagot. Hindi dahil hindi niya ako pinahirapan kung hindi dahil sa kay raming mas kamahal-mahal, mas karapat dapat at mas kanais-nais na mahalin ay ako ang napili niyang bigyan ng pagkakataong maramdaman kung paano ang mahalin niya. Oo, sobrang swerte ko lang, no, hindi swerte but the right word is blessed because she's a blessing." Dam, naluluha ako. Ramdam na ramdam ng puso ko ang bawat salitang binigkas niya habang nakatitig sa mga mata ko. Lalo na ng hawakan ni Gabby ang isa kong kamay, marahil ay nararamdaman din nito ang sinceridad ni Iñigo. "And I can't afford to lose that chance. The chance and the trust that she gives me." Nilipat nito ang tingin kay Justine."And I hope bigyan mo rin ako ng pagkakataon na ipakita na karapat-dapat ako sa pagmamahal ng kapatid mo. Matagal ko na siyang mahal. Kay tagal kong hinintay ang araw na to kaya asahan mong di ko sasayangin ang tsansang ito. Sana ay pagkatiwalaan mo ko na di ko kailanman sasaktan kapatid mo."

"And if it happens?" Seryosong tanong ni Justine. Mariing tinitigan si Iñigo, walang takot na sinalubong ni Iñigo ang mga titig ni Justine.

"Malabo. Mamamatay muna ako, bago mangyari 'yon."

'Di ko alam ngunit nakaramdam ako ng kaba sa dibdib nang sabihin niya ang mga salitang iyon.