webnovel

Pinky Promise (chingniii)

What if kailangan mong magpanggap bilang kakambal mo. Ang malala pa pati sa boyfriend nito. Matatagalan mo ba? Makakaya mo bang hindi mafall? Ehh, paano kung yung boyfriend ng kakambal mo ay ang childhood sweetheart mong matagal mo nang hinihintay dahil sa "Pinky Promise" nyo? Tunghanayan ang istorya ni Laine.

chingniii · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
11 Chs

Chapter 6

Chapter 6

Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Sobrang liwanag na ahh? Anong oras na ba? Kinapa kapa ko ang cellphone ko sa gilid ko, nang makapa ko na ay tinignan ko agad ang oras. O.o!? 11 na?!

Napabalikwas ako ng bangon sa nakita ko. Tanghali na, nakalimutan kong nangako ako kay mommy na pupunta akong hospital. Natatarantang pumasok ako ng banyo para maligo. Mga 10minutes lang ay tapos na akong maligo.

Pinili kong damit ay plain white at nag jumper pants ako, nagsalamin nalang din ako. Tinapon na Ate Akie yung dati kong salamin, pero pinalitan nya naman ng pangnerd glass kesa daw yung panglola ang ginaganit ko ihh.

Tumingin ako sa salamin. Napangiti ako dahil Laine na Laine na ulit ako. Masaya lang. Nakalabas nako ng kwarto ng mapansin kong naka tsenelas lang pala ako.

"Hahaha, ang loka ko." napatawa akong bumalik sa loob. Naghanap ako ng na pwedeng masuot ng biglang may malaglag na notebook.

"Ha? Ano kaya to?" pinulot ko ito at binuklat.

'My Diary' ito ang nakalagay sa unahang page.

Diary pala ni Liane, nilagay ko iyon sa string bag ko. Mamaya sa hospital ko babasahin, makakatulong iyon sa akin.

Sinuot ko yung biniling sneakers ni Ate Akie. Binitbit ko na ang string bag at ang cellphone ko tsaka lumabas ng kwarto.

Bumaba na ako, dumaretso ako ng Dining.

"Ohh? Ayos na ayos ka ahh. Saan ka pupunta?" bungad sa akin ni Ate Akie. Umupo ako sa tabi nya at nagsandok ng pagkain.

"Pupunta ko ng hospital." maikling sagot ko. Tumango naman sya sa akin.

"Ahh. Wag mong kakalimutan. Lunes na bukas, may pasok si Liane. Ibig sabihin may pasok ka." paalala nya na tinanguan ko naman.

Pagkatapos kumain ay hinatid ako ni Mang Mario isa sa mga driver nila Mommy. Sa byahe ay nakasilip ako sa bintana. Hanggang sa pumasok sa isip yung nangyare kahapon.

**

'My Angel' napatulala ako.

"Hey. Babe naman ihh. Halika na nga." hinila nya ko papunta sa sofa.

"So anong gusto mong gawin natin?" humarap sya sa akin tsaka ako tinanung. Napaatras naman ako sa sobrang lapit.

"Hmm?? Movie Marathon?" sagot ko naman. Wala akong alam sa ganto.

"Oo nga, Rence. Movie Marathon tayo." sabat ni Ate Akie upang maagaw ang pansin nito.

Lumingon sya kay Ate Akie, kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para lumayo sa kanya.

"Ahm, pwede din." pagpayag nya at nilingon ako. Kumunot ang noo nya ng makita akong malayo sa kanya.

"Bakit ang layo mo? Ayaw mo ba kong katabi?" nakasimangot nyang sabi tsaka ako nilapitan. Agad akong umiling.

"H-Hindi ahh." sagot ko habang ginagala ang mata ko. Nakita ko yung mga CD, agad akong lumapit doon.

"A-Ahm. Rence, anong gusto mong panoorin natin?" tanong ko. Habang naghahanap ng maganda.

"Babe naman. Nagkaamnesia kaba?" natawa nyang sabi sa akin. Natigilan ako sa sinabi nya.

"Babe diba hindi na mga nagana yan? Kaya nga Hard Drive ko ang ginagamit natin ihh." natawa nyang sabi. Nagkunwari akong napakamot sa ulo.

"Hehe, sabi ko nga ihh." sabi ko naman. Agad kong isinaoli ang mga CD.

"Pero Babe, hindi ko dala ang Hard Drive ko." nakasimangot nyang sabi, napakamot naman ako sa ulo.

"Paano yan?" tanong ko. Bigla syang ngumiti sa akin.

"Kung ipagluto mo nalang kaya ako?" suhestyon niya, na ikinangiti ko.

"Sige ba." masayang sabi ko.

I love cooking and baking. Syempre tinuruan ako ni Lola.

Nagpunta kaming dalawa ng kitchen, hinanda ko yung mga kailangan ko para sa pagluluto ng-- wait! Hindi ko pa sya natatanong.

"Anong gusto mong lutuin ko?" tanong ko sa kanya. Nagkunot naman sya ng noo.

"Ikaw bahala kung anong kaya mo." nakangisi nyang sabi.

Tumango ako at naghanap ako ng mga ingredients sa pagluluto ng Chicken Carry, tutal mag lulunch na naman. Ay, lunch na pala.

Naglabas din ako ng ingredients pang bake ng chocolate cupcakes.

Nanunuod lamang sa akin si Rence.

Nagbalat at naghiwa muna ako, bago ko inumpisahang lutuin ang chicken carry. Nang nakita kong malambot na ang manok ay sinunod ko na ang carrots. Favorite ko ang carrots kaya hindi maiwasang isubo ko ang isang hiwa ng carrots.

"Babe naman. Hindi ka rabbit." narinig kong tawa ni Rence, nginitian ko nalang sya at nagpatuloy sa pagluluto.

"Masaya ka naman atang magluto." sabi ni Rence. Hindi nalang ako umimik at nagpatuloy sa pagluluto.

Tahimik akong magluto kasi nasanay ako na naka earphone, nagluluto habang nakikinig ng KPOP music.

"Alam mo, Liane." pag uumpisa nya.

Tinuloy ko naman ang binibake ko, para mailagay ko na din sa oven.

"Never kita nakitang nagluto at nagbake. Ngayon lang. Kasi ayaw mong nagluluto at nagbebake. Lagi mong sinasabing may cook naman kayo, so bakit kailangan mo pang matutong magluto. Ikaw ba talaga si Liane?"

**

Nanlamig ako sa naalala ko. Paulit-ulit iyon sa isip ko. Kagabi pa.

"Ma'am Laine, nandito na po tayo." nabalik ako sa reality nang magsalita si Mang Mario. Tumango naman ako.

Bababa na sana ako ng maalala kong hindi ko nga pala alam kung anong room ni Liane.

"Mang Mario, ano nga po palang room ni Liane?" tanong ko.

"Room 1022 po." sagot nito. Lumabas na ako.

"Salamat po, Salamat po sa paghatid." sabi ko. Pagkasara ko ng pinto ay akala kong aalis na ito pero hindi pala.

Pumasok ako ng hospital at hinanap ang room 1022. Nang makita ay sinigurado ko munang si Liane ang naka-admit sa room na iyon bago ako pumasok.

"Hi po." bati ko kay Mommy pagkapasok. Nagulat naman sya ng makita ako.

"Akala ko hindi kana pupunta. Ikaw muna dito, uuwi muna ako." paalam ni Mommy, tsaka umalis. Naiwan akong mag-isa na nagbababtay kay Liane.

Tinignan ko ito at hinawakan ang kamay. Hindi ko na naman maiwasang mapaiyak.

"Liane, sorry. Sorry kung hindi mo ko nakasama ng mahabang panahon. Sorry." sabi ko. Ilang minuto akong ganun. Natigil lang ng biglang tumunog ang phone ko.

Kinuha ko ang phone ko tsaka ito sinagot.

"H-Hello?" bungad ko. Iniwasan kong wag pumiyok para hindi mahalatang umiyak ako.

"Babe? Okay ka lang ba?" nanlamig ako sa narinig ko.

"A-Ahh. O-Oo! Okay lang ako." sagot na medyo na uutal.

Naalala ko na naman yung kahapon.

**

"Never kita nakitang nagluto at nagbake. Ngayon lang. Kasi ayaw mong nagluluto at nagbebake. Lagi mong sinasabing may cook naman kayo, so bakit kailangan mo pang matutong magluto. Ikaw ba talaga si Liane?" nanlamig ako sa kinatatayuan ko.

"Hahaha, Rence naman. Joke ba yan? Syempre ako to! Ikaw talaga. Hindi ba pwedeng nag-aral akong maluto para sayo?" pagsisinungaling ko para hindi sya maghinala.

Nang Makita kong okay na ang chicken carry ay agad ko itong isinalin sa isang lalagyan, para maihain na.

"Sabagay. Ang sweet talaga ng babe ko." nakangiting sinabi nya. Inayos ko ang ulam para maiprepare na.

Inilagay na din sa oven ang cupcakes.

"Ako na Babe," kinuha nya sa akin yung ulam para maihain na sa dining. Nakahinga ako ng maluwag ng mawala sya.

Naglilikom na ko ng kalat ko, nang magsalita si Ate Akie.

"Magkakambal nga kayo, pero magkaiba kayo ng personality."

**

"Babe. Naririnig mo ba ko?" nabalik ako sa sinabi nyang yun.

"H-Ha? Ano nga ulit sabi mo?"

"Sabi ko, kita nalang tayo bukas sa school. Intayin kita sa gate. I love you." hindi ako nakasagot, kaya nagpaalam na agad ako.

"Ahh. Oo, sige. Babay."

Agad kong pinatay ang tawag. Ang lakas ng tibok ng puso ko, bakit ganto? Bakit? Dahil ba sa Iloveyou nya? No, Laine. Guni-guni mo lang yun.

Dinistract ko nalang ang sarili ko, tinignan ko ang laman ng string bag ko. Nakita ko ang notebook na may information na bigay ni Ate Akie at yung diary ni Liane. Kinuha ko ang Diary.

Binuklat ko ito.

'Dear Diary,

Grade7 ako ng maging kaklase ko si Steven. Hindi ko sya masyadong kinakausap noon, pero madalas ko syang nakikitang nakatingin sa akin. Naging close kami. Hanggang sa ngayon. Ngayon, ang unang araw na nanliligaw sa akin si Steven. Syempre hindi alam nila Mommy, ang alam nila Bestfriend ko lang si Steven, pero ang totoo may something na sa aming dalawa.

-Lianepot'

'Dear Diary,

Pinagluto ako ni Steven ngayon. Hihi, ang swerte ko talaga sa kanya. Hays, pero wala pa namang isang buwan syang nanliligaw sa akin ihh. Hihi.'

Hindi ko na tinuloy basahin dahil may naramdaman akong kirot sa dibdib ko.

'Laine, anong nangyayare sayo? May sakit ka ba sa puso?! Wag mo sabihing nagseselos ka?!' sigaw ko sa sarili ko.

So Steven pala ang tawag ni Liane kay Rence, edi dapat palang Steven na din ang itawag ko sa kanya.