webnovel

PHOENIX SERIES

***PHOENIX INTERNATIONAL AGENCY SERIES***

jadeatienza · Real
Sin suficientes valoraciones
366 Chs

Smoking

Chapter 13. Smoking

   

    

HINDI RIN nagtagal sa opisina ni Jasel si Vince dahil may duty pa ito. Pero sinigurado naman ng lalaki na pupunta ulit ito bago sila magsara. Palagi pa rin itong pumupunta bago sila magsara. Ngunit hindi tulad dati na umaalis ito bago mag-alas nueve, ngayo'y tinutulungan pa sila nito sa ilang bagay gaya ng pag-aayos ng mga mesa't upuan. Hindi ito umaalis hangga't hindi naka-lock ang shop. Ganoon ang naging set-up nila isang linggo nang nakalipas.

And she was also expecting that he would come tonight. That's why here she was, retouching her light makeup at the washroom. Hinayaan na niya ring nakalugay ang mahaba at medyo dark brown niyang buhok, ang natural na kulay niyon. Kadalasan ay naka-ponytail o french bun ang buhok niya dahil pagkain ang sine-serve nila pero dahil pauwi na rin naman sila niyan, hinayaan na niyang nakalugay ang medyo alun-alon na niyang buhok gawa nang maghapong pagkakatali niyon.

"Blooming si Madam!" bungad ni Mocha nang makabalil siya ng counter. "Mukhang may darating na jowa," tudyo nito.

"Heh! Mag-inventory na nga tayo. Alas otso na kaya. Bawasak ko ang sweldo mo kaka-chika minute mo, sige ka."

"Ay, hindi mabiro! Sabi ko nga, mag-inventory na tayo. At magchikahan."

Which they did. Kalahating oras na ang lumipas nang matapos sila sa ginagawa ngunit wala pa ring Vince ang nagpapakita.

Hanggang sa pumatak ng closing hours ay hindi pa rin ito dumating. Hindi niya napigulang bumusangot kasi hinintay niya talaga ito.

"Miss, hindi pa po ba tayo magsasara?" si Caruso.

"Ako na. May gagawin lang ako. Umuwi na kayo, out n'yo na."

Alanganin ang dalawa na umalis. Pinilit pa niyang umuwi na ang mga ito dahil lagpas na nga naman sa oras ng trabaho. At para makapagpahinga na rin. Wala ang assistant niya kapag closing. Minsan lang ito nagtatagal kapag nababagot daw ito sa apartment.

She locked the door and flipped the open sign to close one. Napabuntong-hininga siya sa matapos niyon.

She locked the glass door and went inside the office. May aasikasuhin siyang mga papeles. But deep inside, she knew she was still waiting for him. Kahit na imposible dahil nagsara na sila.

"What am I doing here?" nadidismayang bulong niya sa sarili. Hindi niya kasi namalayang nakaidlip siya sa opisina at alas onse na nang magising. Makailang-ulit siyang humugot ng malalim na hininga bago napagpasyahang umuwi na.

Bakit pa ba siya maghihintay, eh, hindi naman nito nilinaw kung darating ito? At hindi naman nito obligasyon na puntahan siya gabi-gabi, hindi ba? Gayunpama'y hindi pa rin maipaliwanag ang panghihinayang niya. Ang hirap pala ng ganoon.

Pagkalabas niya mula sa maliit niyang opisina ay saglit siyang natigilan nang mapansing nakatayo si Vince sa gilid ng glass door. Dahil salamin ay kitang-kita niya ang bulto nito. He was still on his doctor's coat with some blood splattered on it. Tahimik na pinanood niya lang nang tinanggal nito iyon at isinabit sa braso nito, at may kinuha sa bulsa. Napansin din niyang bumuga ito at napalingon siya sa kaunting usok na binuga nito.

He was smoking a cigarette.

Tila napansin nito ang paninitig niya kaya pumihit ito at nagtama ang kanilang mga mata. Parang umaliwalas ang hapung-hapong mukha nito nang makita siya. She immediately unlocked the door and opened it. Ito nama'y pinatay ang upos ng sigarilyo sa malapit na trash bin at pumasok na.

"Akala ko umuwi ka na," bungad nito. "Kumain ka na ba?"

"Hindi pa. Mukhang busy ka, ah?" pilit na pinasigla niya ang boses kahit ang totoo'y kinakabahan siya. Lagpas alas onse na ng gabi, dapat nagpapahinga na ito. "K-Kanina ka pa ba sa labas?"

Umiling ito. "Halos kadarating ko lang." But she had a hunch he was standing there for minutes already.

Nakita na nitong sarado ang shop, pero hindi rin ito umalis, bagkus at nanigarilyo pa na para bang kaylalim ng iniisip.

Naglakad siya papasok sa opisina at sumunod naman agad ito.

"Naninigarilyo ka pala," pansin niya. Hindi naman kasi ito naninigarilyo noon.

"Sometimes..." Iba ang tono ng boses nito ngayon. Hindi niya mawari kung ano ba iyon. Parang galit na parang hindi rin.

"Have you eaten, Jase?"

Her heart skipped a bit hearing him uttered her name. But there was something that was really bothering her. Parang mayroong mali kay Vince.

"Did something happen?" Hindi na napigilang tanong niya at iginiya itong maupo sa pang-isahang couch.

Saglit itong natigilan at mataman siyang tiningnan.

"I mean, you look okay but you don't look okay, too."

Ano raw? Ang gulo, ah.

"Akin na iyang coat mo, balikan mo na lang bukas. Lalabhan ko pagkauwi." Akmang kukunin niya iyon mula pagkakasabit sa braso nito pero napalayo siya nang bahagyang nagdainti ang balat nila.

He still had the same effect to her whenever they're having skinships. Accidentally or not.

Lumingon siya rito at napansing mataman pa rin itong nakatitig sa kanya pero nag-iba na ang mukha nito. Parang mas gumaan na kaysa kanina.

Cigarette and his musk scent were mixing together and she might get addicted to his scent. Hindi niya kailanman gusto ang amoy-sigarilyo pero parang nakalalasing ang naaamoy niya kay Vince ngayon. Gusto niya tuloy ibaon ang sarili sa malapad na dibdib nito at samyuhin ang panlalaking amoy nito. Nanlaki ang mga mata niya sa naisip at mabilis na umatras siya, nag-iwas din ng tingin.

"Abala ka pala. S-Sana dumiretso ka na ng uwi," iwas niya sa usapan.

"Bakit nandito ka pa? At mag-isa ka lang." Hindi nito pinansin ang sinabi niya.

"Ano, uuwi na dapat ako pero nakaidlip ako rito," palusot niya.

Muli, ay inamin na naman niya sa sariling isipan kung bakit siya nandoon—Na totoong nakaidlip siya, pero ang talagang dahilan kung bakit ay nagbabaka-sakali siya na darating pa si Vince. At hindi siya nagsisising hindi siya umuwi dahil nandoon na nga ito. Hindi niya napigilang mapangiti sa naisip. She cleared her throat and focused on him.

"I was about to leave. I'm glad I didn't," pagbibigay-alam nito.