webnovel

PHOENIX SERIES

***PHOENIX INTERNATIONAL AGENCY SERIES***

jadeatienza · Real
Sin suficientes valoraciones
366 Chs

Shot

Chapter 24. Shot

   

     

NANG makarating ng mall ay kaagad na tinungo ni Lexin ang parte kung saan makakapamili ng mga gamit-pambata. She was roaming for about twenty minutes and still couldn't decide what to buy when someone approached her. It was the same saleslady from earlier.

"Ano po ba ang hinahanap ninyo, Ma'am?" magalang na tanong nito. Kanina pa nagtatangkang lumapit sa kaniya pero nasabihan na niyang magtitingin-tingin muna siya, pero mukhang napansin nitong hindi siya makapag-desisyon kung ano ang bibilhin kaya lumapit na ito para ma-assist siya.

Saglit siyang natigilan, nag-iisip. At sumagot ng, "Hindi ko pa kasi alam kung ano ang bibilhin ko."

"Para sa babae po ba o lalaki?"

"Babae."

Akmang magsasalita ito nang tumunog ang cellphone niya. "Excuse me," she mouthed to the lady.

Si Kieffer ang tumatawag at sinagot niya iyon nang bahagyang makalayo.

"Nasaan ka?" tanong nito sa kabilang linya.

Sinabi niya ang eksaktong lugar.

"Nasa entrance na ako. Huwag ka nang lumabas, pupuntahan na lang kita riyan."

"Sige, sa harap na lang ako maghihintay."

Shortly after, she noticed him nearing her. Most people had stopped walking or doing something just to glance at him. That's how appealing Kieffer Sandoval was. He was oozing with sex appeal, too. He's not realizing it but he's dominating the place just by his presence.

He smiled widely when he saw her waiting in front of the One-Stop Shop for baby needs.

"Why are you here?" he asked right away. Bahagya pa itong nagbaba ng tingin, sa bandang sinapupunan niya.

"I'll just buying a gift. Nanganak na ang misis ni Engr. Centeno, eh," she informed him. He knew that engineer, sinabi sa kanyang minsan na nitong nakatrabaho para sa expansion ng isang branch ng Sandoval Hotel.

Ngumuso ito.

She had a hint on what was he thinking. "Akala mo buntis na ako, 'no?"

He smiled sheepishly and his cheeks reddened.

"I'm not pregnant. I won't get pregnant."

Bumakas ang kalituhan sa gwapong mukha nito. "Akala ko ba gusto mo nang magpabuntis sa 'kin?"

"Excuse me," sansala ng isang may-katandaang babae sa kanila kaya lumayo sila para makadaan ang ginang na may tulak-tulak ng mini-cart.

Talaga namang sa may entrance pa sila nagkwentuhan. Pumasok na siya sa loob at kaagad itong sumunod.

"Hey, why aren't you answering?"

"Sandali, bibilisan ko na rito nang matapos na."

The saleslady asked her again. Nag-excuse pa muna ito bago nagtanong. Her eyes were obviously feasting over her man's strong physique. Kaya mabilis na lumingkis siya sa kaliwang braso ni Kieffer.

"Ay," bulalas ng saleslady. "C-congrats po."

She just smirked at her. Iniinggit niya ito dahil hanggang tingin lang at kaya nitong gawin kay Kieffer.

"Ano po ba'ng hanap ninyo?"

"Hmm... Can you suggest me some?"

"Pambabae po, hindi ba?" Bahagya nitong tinapunan ng tingin ang tiyan niya-ang sinapupunan. Mukhang iniisip nito na para sa baby nila ni Kieffer ang hanap niya.

The saleslady started listing lots of things.

"We have a complete newborn arrival set, too, Ma'am."

Tumango siya at sumunod dito, tahimik namang nagmamasid si Kieffer habang patuloy sa pag-e-esplika ng saleslady.

"Ano sa tingin mo?" baling niya kay Kieffer.

"How about some nice and comfortable soft socks? You should buy a set."

Tumango siya at bumaling sa saleslady, tiningnan niya ng nameplate nito. "Elay, right?" Tumango ito. "Mayroon ba kayo niyon? Gusto sana namin iyong set."

"Y-yes, Ma'am!"

Iginiya sila nito kung nasaan ang mga inirekomendang medyas. Kinuha niya iyong pastel colors.

"Anything else po?"

"Ano pa ba'ng maganda?" Saglit siyang huminto sa pagsasalita, at may naisip. "Since we've got some socks, do you have a sassy pair of shoes?"

Tumango ito at iginiya naman sila sa bilihan ng mga sapatos. She bought just a pair dahil may gusto pa siyang idagdag. Ngayong nagka-ideya na siya ay ang dami na niyang naisip.

"What else would you like to purchase, baby?" bulong ni Kieffer. Hindi na siya nakalingkis dito mula nang magsimula na siyang mamili. Muntik na nga niyang makalimutang nakasunod nga pala ito.

He snaked his arms around her waist and looked at the bibs she was looking at, too.

"You want these?"

Tumango siya. Ang saleslady at pulang-pula na ang mukha. Nangunot naman ang noo niya.

"Grabe, nakakakilig kayo!"

"Huh?" Akala ko ba, bet mo ang boyfriend ko? She wanted to add. Mukhang nagkamali siya. Baka talaga namang namangha lang ito sa lakas ng dating ni Kieffer at baka nagselos lang siya dahil akala niya'y makikipagharutan ito?

"Sorry po, hindi na ako nakatiis. Ang cute niyo po kasing mag-asawa. Ang sweet pa."

"A-asawa...?"

Tumikhim si Kieffer at nang bumaling siya rito ay ngingiti-ngiti na ito.

"Give us two set of these bibs," anito kay Elay na saleslady. Bumaling ito sa kabilang banda, kung nasaan ang mga bath products. "Give us those, too." At ang dami pa nitong itinuro.

There's some baby teether, as well. Pinatanggal niya sa bibilhin nila iyon dahil hindi pa naman magagamit ng baby sa ngayon. Mga ilang buwan pa. Pero sinabihan siya ni Kieffer na hayaan na't bibilhin pa rin.

Nagtagal pa sila roon at nang matapos ay nagpasalamat sila sa mga umasikaso sa kanila, lalo na sa saleslady.

At ang mga pinamili nila ay tinutulak-tulak na nila gamit ang isang cart ngayon. Paano'y ang dami, hindi yata nila mabubuhat.

"Let's go to the parking first. Ilagay natin ang mga ito sa sasakyan. Then, let's roam around," bulalas nito habang naglalakad. "You want to shop, right?"

Tumango siya't pagkuwa'y gumuso. "Ang dami naman kasi ng mga ito. Parang hindi na kailangang iregalo iyong iba."

"All these baby stuffs will be used. Lalo na iyong mga damit."

"Naisip ko lang kasi na, syempre, nabilhan na ni Engineer ang anak niya ng ilan sa mga ito."

"Just give the things you want to gift them instead."

"At ano'ng gagawin sa mga iba?"

"I'll put these in my penthouse. I have a spare room, I'll turn that one into a nursery." he sounded so normal while saying those things, but his eyes had something in there. Something gleeful.

"Ha? Bakit?"

Saglit itong lumingon sa kaniya at ngumisi. Hindi sumagot hanggang sa makarating sila sa parking. Kinukukit-kulit naman niya ito kung bakit nito itatago ang mga gamit.

"Can you open the door for me, babe?" pakisuyo nito dahil may hawak itong mga gamit.

She did open the shotgun door and asked him again. "Bakit mo nga itatago? Sayang kung mabuburo lang."

"Hindi masasayang ang mga ito. Magagamit ng magiging anak natin."

Napamaang siya rito. The way he uttered those words was really soft and it touched her heart. Para rin itong nakalutang sa ulap.

Pagkuwa'y may naalala. "But I won't get pregnant tho."

Agad na naglaho ang ngiti nito at nangunot ang noo. Puno na ng pagtataka at pagtatanong ang nabalot sa itim at magagadang pares na mga mata nito.

"Nagpa-depo shot ako."

"Why?" bakas naman ngayon ang iritasyon sa boses nito.

"Kasi nga ayaw ko pang magbuntis ngayon."

"Kailan ka nagpa-shot?"

"Dalawang buwan na rin yata."

"Hanggang kailan ang epekto niyan?"

"Hmm... About three to four months."

He groaned, irritation was now more visible.

"Bakit ka ba naiinis?"

"That was why," he uttered, realizing something.

"That was why, ano?"

"That no matter how many times did I cum inside you, it's not making you pregnant."

She pouted. "I thought I made it clear when I said I don't want yet."

"I know," anas nito. "But if I get you pregnant, you can never do anything about it."

"Pipikutin mo ako," komento niya pero hindi siya naiinis. In fact, her heart was ticklish. Kaya pala sa tuwing may nangyayari sa kanila ay panay ang pagsabog nito sa loob niya sa tuwing may pagkakataon.

He sighed his frustration. "Humanda ka mamaya. Paruruhasan kita nang husto hanggang sa mapagod ka," banta nito.

Napalunok siya. Hindi ba dapat ay ito ang humanda dahil sa binabalak niyang gawin sa mall? "U-umuwi na tayo," bigla niya itong niyaya.

"Why? I thought you wanted to go shopping for some clothes?"

"Huwag na pala," agap niya.

"Why? Let's go shopping now. Para pagod ka na pagkatapos mong mamili mamaya at papagurin pa kita lalo pagkauwi natin."

"Pero aantukin na ako kaagad no'n sa sobrang pagod sa pagsa-shopping," katwiran niya. Tumatakbo na sa kaniyang isipan ag mga bagay na gagawn nito sa kanya. She's wondering how would she be punished by him. And it's already making her... so damn damped.

"Kahit inaantok ka na ay hindi kita titigilan. You will be punished overnight, Lexin."

She suddenly wanted to go to the hotel now... and accept his hot and steaming carnal punishments.