webnovel

PHOENIX SERIES

***PHOENIX INTERNATIONAL AGENCY SERIES***

jadeatienza · Real
Sin suficientes valoraciones
366 Chs

Really

Chapter 16. Really

          

               

MAY kasalanan si Nicolea kay Jave. Hindi niya sinabing kinuha niya ang online training ng Arellano International Agency, o AIA. Nasa Terms and Conditions kasi na bawal ipagsabi na trainee siya ng naturang Agency. Sa totoo lang ay hindi siya sigurado sa napasukan lalo pa't ngayong mag-iilang buwan na ay parang nag-iiba na ang mga sinasagutan niyang tanong online. They were also requiring her to attend physical trainings, but she didn't agree for the reason that she's still a student.

Pero may pinirmahan siyang waiver na pagkatapos mag-aral ay babalik siya sa training.

"Ano'ng gusto mong ulam?"

Bumalik ang atensiyon niya kay Jave. Nagmamaneho ito't papunta sila sa mansiyon ng mga dela Costa sa Maynila. She stayed in Manila because she wanted to see him. She booked in a hotel and just like what Jave did in Japan, she always waited for him to finish his classes. Kaya nagkaroon siya ng oras na kumalap ng impormasyon tungkol sa gustong babae ni Sage.

Ang mga magulang naman niya'y tumuloy sa cruising. Nagtaka pa ang mga ito dahil hindi siya sumama, samantalang hilig niya ang pagku-cruise. Sinabi na lang niya na gusto niyang maglagi sa Maynila para humanap ng University na lilipatan kahit pa nga sigurado na siyang sa kaparehong unibersidad ni Jave siya lilipat.

"Kung ano iyong nakahapag."

Ngumuso ito.

"Bakit?" pukaw niya sa atensyon nito.

"Gusto lang kitang ipagluto."

Napakurap-kurap siya. She didn't know he knew how to cook.

"Lumaki akong parating pinapanood si Mama sa pagluluto sa kusina. Minsan ay tinutulungan ko rin siya hanggang sa natuto ako."

"Wow... Sana all," biro niya. "Talaga? Bakit hindi ko alam?"

"You never saw me cook."

"Sabagay. 'Tsaka laging sa labas tayo kumakain."

"Kaya kung may gusto kang kainin, sabihan mo ako. Ipagluluto kita."

"But I'm into diet foods these days."

He groaned. "I should take a short course about cooking."

Hindi niya napigilang matawa. "Sa ating dalawa, feeling ko, ako ang lalaki't ikaw ang babae."

"'Yan ka na naman," naiiling na komento nito, diretso ang tingin sa daan.

"Totoo naman kasi! You're so soft, while I'm the opposite. Sa akin ka nga yata natutong magmura, eh."

"You were so soft when we first met. Maria Clara ka nga noon. Sobrang hinhin." Sa mga Pilipino, kapag mahinhin ang isang babae ay naihahalintulad kay Maria Clara, ang sinaunang dalaga na karakter sa pamosong Noli Me Tangere na isinulat ng pambansang bayaning si Jose Rizal.

"Napasama sa maling tropa, eh." She's pertaining to her bitchy friends before. "Masyado akong nabulag na maganda ang pakikitungo nila sa akin. And I was thirsting to have friends before, too. Kaya 'yon, hindi ko napansin agad ang hindi kagandahang ugali nila."

"You should've just stick with me."

Ngumisi siya. "Hindi ka naman babae."

"You can make me into one. Just like how you always did before. The power of makeup."

Natawa siya nang maalala ang kalokohan niya noon.

"You really don't do pranks now, eh?"

"I learned my lesson."

"I'm glad."

Bumaling siya rito at nakita ang pagtaas ng sulok ng labi nito.

"Hindi na ako magiging barbie," nakangising tanong nito.

Ang lakas ng tawa niya. "Iyan lang ang concern mo, 'no?" biro pa niya.

"Yes, baby," pakikisakay naman nito.

"Hindi na kita gagawing barbie ngayon, 'no! Hindi na yata bagay lalo pa't nagiging lalaki ka na."

Dumaing ito. "Lalaki naman talaga ako."

"I mean, you became manlier."

Lalo itong napangisi.

"Pero maganda pa rin."

Tumabingi ang ngisi nito. "You always say that."

"Eh, sa magandang lalaki ang jowa ko!"

"Right. Gwapong babae naman ang jowa ko," ganti nito.

Muli siyang natawa. Bahala nang pagkamalan siyang baliw sa katatawa, pero kasi, nakakaaliw tingnan ang jowa niya sa tuwing pinapatulan ang mga sinasabi niya.

Nang makarating sa mansiyon ay nakita niyang may bisitang babae ang pinsan ni Jave na si Rexton. Kung hindi siya nagkakamali ay naging magkaklase ang magpinsan dahil may mga back subjects ang nakatatanda.

"Stop staring at my cousin," saway ni Jave. Kahit nakangiti ay hindi umabot iyon sa mga mata nito.

Imbes na batiin ang pinsan nito na nasa hardin ay dumiretso na sila sa loob ng mansiyon. Walang-walang sinabi ang villa nila sa modernong disenyo ng mansiyon ng mga dela Costa. Hindi na niya kailangang manghula para malamang mahahalin at hindi basta-basta ang bawat gamit na nandoon.

"Let's go to the study room."

"Nasaan ba ang kwarto mo?" agap niya. Agad na natakpan ang bibig gamit ang palad. "I mean, tara."

"I won't bring you to my room, Nic. That would be inappropriate."

"Sorry naman. Nasanay lang ako sa Davao rati."

"Magkaibigan lang tayo noon."

"Magkaibigan pa rin naman tayo ngayon, ah?"

"At magka-ibigan."

Napamaang siya. Minsan talaga'y nagugulat siya sa biglaang banat ng binata.

"Why were you staring at Rexton?"

"You don't call him 'Kuya'?"

"Nasanay na ako. Mula noong naging magkaklase kami sa dalawang subjects, hindi ko na siya tinawag na Kuya. And he's cool at it."

"Hindi ba kayo napagkakamalang magkapatid?"

"Magkambal 'kamo."

Ngumuso siya. "Parang hindi naman."

Naningkit ang mga mata nito. Iginiya na muna siya sa loob ng study room at naupo sila sa malaki at malambot na puting sofa.

"Grabe, National Library ba ito?" she exaggerated. Ngumisi lang ito.

Nahagip ng paningin niya ang malaking portrait na nasa pader, malapit sa pinto. The man in yhe portrait looked exactly as his cousin.

"Ang gwapo naman..."

"That's my grandfather."

"Hawig ni Kuya Rexton."

Tumango ito at umupo sa tabi niya.

"Hindi naman kayo mukhang kambal ni Kuya Rex, eh. He's handsome."

Naningkit ulit ang mga mata nito halata ang namumuong selos.

"While you're beautifully handsome."

"Mas gwapo ako sa kanya."

"Mas gwapo siya sa iyo. Pero kakaiba ang kaguwapuhan mo. Parang hindi makabasag-pinggan."

He sighed heavily.

"Ikaw naman ang mahal ko. Huwag ka nang magselos."

"Do you like my cousin?"

"Romantically? No. But as a person, yes."

Tumahimik ito.

"Nagseselos ka talaga."

"I'm sorry."

"Don't be insecure, Jave. Learn to love everything about yourself. Boost your confidence. Kahit sinabi kong mas guwapo siya sa iyo, dapat alam mong higit ka naman sa puso ko."

"Alam ko. Damn, why am I acting as a jealous girlfriend again?"

"Jealous boyfriend," pagtatama niya. May kasalanan din naman siya kung bakit nasanay si Jave sa ganoon. Dahil na rin sa kalokohan niya noon, kung saan inaayusan niya ito at nagpapanggap na girlfriend niya.

She was really immature back then. Now, it was time for her to really grow up.