webnovel

PHOENIX SERIES

***PHOENIX INTERNATIONAL AGENCY SERIES***

jadeatienza · Real
Sin suficientes valoraciones
366 Chs

Gunshots

Prologue. Gunshots

"MANONG!" tarantang sigaw ni Jasel at mabilis na tumakbo papalapit sa driver ng sinakyan niyang taxi na maghahatid sa kaniya sa ospital kung saan nagtatrabaho bilang isang neurosurgeon ang boyfriend niyang si Vincent Ramos.

"Hija, tumakbo k-ka na. Patawarin mo ako kung nadamay ka. Dapat ay hinatid na muna kita bago ko sinunod ang utos sa ak—"

Biglasiyang napatilinangtila may pagsabog siyang narinig,at nanlaki ang mga mata niya pagkatingin sa matandang lalaki dahil nagdurugo na ang kaliwangbalikat nito. Nanginig ang kalamnan niya nang mapagtantong putok ng baril ang narinig niyang tila pagsabog.

"T-takbo..." nanghihinang sambit nito. Napatayo siya at paatras na lumayo sa nakatatandang lalaki; hindi pa rin inaalis ang tingin dito.

Muli ay napatili siya nang isang putok ang umalingawngaw at tumama ang bala ng baril sa ulo nito kung saan tila sumabog at nagkalat ang dugo at utak ng nakatatandang lalaki. She almost threw up seeing how macabre and morbid death it was.

Adrenalinerushed in towards her system. Mabilis na nakatakbo siya't nakapasok sa loob ng taxi; ni hindi na nag-abalang mag-seatbelt. She had a driver's license but she didn't usually drive a car but she managed to start the car engine and stepped in the gas in no time. Subali't hindi pa nakalayo ay umalingawngaw na naman ang isang putok ng baril dahilan upanggumiwang-giwang ang pagtakbo ng sasakyan. Mukhang tumama sa gulong ang bala ng baril. Ilang benagpaputomay nagpaputok pero hindi siya huminto sa pagmamaneho. Ang nasa utak niya ay kailangang makalayo siya sa mga humahabol sa kaniya.

"Ano ba'ng nangyayari?" gulong-gulo na tanong niya sa sarili saka pinunasan ang luhang naglandas sa kaniyang pisngi.

Subali'ttila tumigil ang lahat nang maramdaman niyang bumaon ang bala sa kanyang dibdib at para nasiyang kinakapusan ng hininga. Hindi na rin niya makontrol nang maayos ang sasakyan dahil hindi siya magkandaugaga sa patuloy na pagdurugo sa kanyang dibdib—na tinamaan pala ng bala ng baril.

Ilang segundo pa ay tuluyan na niyang nabitiwan ang manibela at sakadiniinan ang kanyang dibdib. Hindi maipaliwanag na sakit at kirot ang nadama niya sa mga maaaring mangyari lalo pa't ang dami na yatang dugo ang nawala sa kaniya. Ang takot at sindak niya'y hindi mapagsidlan lalo na nang mamataan niya sa rear view mirror ang sasakyang humahabol sa kanya—kung paano binangga ang minamaneho niyang sasakyan at gumiwang-giwang hanggang sa bumangga siya sa isang malaking puno. Isang putok pa ng baril ang tumama sa bandang balikat niya bago humarurot palayo ang sasakyan ng mga ito.

Sa nanghihinang katawan ay pinilit niyang lumabas ngunit hindi na niya kinaya't tuluyan nang bumagsak ang kanyang nagdurugong katawan.

"V-Vince..."