webnovel

PHOENIX SERIES

***PHOENIX INTERNATIONAL AGENCY SERIES***

jadeatienza · Real
Sin suficientes valoraciones
366 Chs

Baka-Sakali

Chapter 14. Baka-Sakali

    

   

NAPAKAGAT-LABI si Jasel nang sabihin ni Vince iyon habang ito nama'y pinasadahan ng dila nito ang pang-ibabang labi. Napaiwas siya ng tingin at napayuko.

"Hindi ka pa ba inaantok?"

Umiling siya. She could stay awake all night just to be with him.

"Do you want to eat?"

It was obvious that he was trying to make their conversation ongoing. Bakit ba kasi tango lang ang sinasagot niya?

Bumuntong-hininga ito.

Nag-angat siya ng tingin para salubungin ang mga titig nito.

"Did you wait for me?"

Halata na nilakasan nito ang loob na tanungin iyon.

"Forget it. Let's go?"

She pouted. "What if I say I was waiting for you?"

"I'm sorry..."

Why was he saying sorry? Mukhang nahalata nito ang pagtataka niya.

"I couldn't make it on time."

She chuckled nervously to lighten up the mood. "Ayos lang, ano ka ba?"

"Sit down first. Baka nangangalay ka na."

Pakiramdam niya ay hindi siya gaanong humihinga dahil sobrang kinakabahan siya. Tama ito, nangangalay na siya katatayo pero hindi siya umupo.

"O, may gusto ka ba'ng puntahan?" he asked, trying to keep uo the conversation.

Umiling siya.

"Gusto mo na ba akong umalis?"

"Hindi!" agap niya. Hindi na siya mananahimik, kanina pa siya ginugulo ng isipan niya.

Bahagyang lumapit siya sa kinatatayuan nito. Pagkuwa'y umamin na matapos nang sandaling katahimikan. Bumuntong-hininga muna siya at nag-angat ng tingin. Kitang-kita niya ang kaseryosohan sa mumha nito, naghihintay sa mga sasabihin niya.

"Ang hirap palang magbaka-sakali, Vince. I can't believe you did that every morning. Pwede namang kunin mo ang number ko para alam mo kung papasok ba ako ng maaga o hindi," magaang dagdag niya matapos amining hinihintay niya talaga ito kaya hindi pa siya umuuwi.

Huli na nang mapagtanto ang sinabi. Did she just lowkey suggest that they should exchange contact numbers? Para ano? Textmate sila? Updated sa isa't isa? Gosh, she could imagine herself blushing real hard now.

"I have it," anas nito, sumilay ang ngiti sa labi. "Ayaw ko lang na mabigla ka kaya hindi kita tinatawagan o tine-text man lang," dagdag pa nito.

Napamaang siya sa isiniwalat niyo. "Kumain muna tayo sa labas," biglang yaya niya para kahit paano'y makahinga ng not-so-sariwang hangin. Mas okay na iyon kaysa manatili sila sa loob ng opisina niya. Pakiramdam niya ay maliit na nga iyon pero mas lumiit pa ang espasyo nang silang dalawa na lang ni Vince ang nandoon.

Subalit pareho silang hindi natinag. She saw him gulped as he stared into her beautiful eyes. Mas lumapit pa ito sa kanya at niyakap siya na ng mahigpit.

"Sandali lang, Jase, hayaan mo muna akong yakapin ka," anas nito.

Para siyang matutunaw at dinig na dinig niya ang malakas na pagkabog ng kanilang mga dibdib. Pilit na kumawala siya rito.

"Don't move—" he sounded as if he was begging. As if he was depending on that hug. "—just for a while..."

Hinayaan niyang damhin at namnamin ang masuyong yakap sa kanya ng lalaki. Pakiramdam niya ay para siyang cellphone na nagre-recharge habang yakap-yakap nito.

Hindi siya gumanti sa yakap dahil para siyang tuod na napaloob sa matipunong braso nito. He bended a bit and his chin rested on her left shoulder while she rested hers on his neck. Hindi niya mapigilang samyuhin iyon. Ang bango...

"Mukhang pagod na pagod ka nga. Toxic ba sa ospital?" she asked so they would not be awkward.

Bumuntong hininga ito at aaminin niyang bahagya siyang nakikiliti sa tuwing dumadampi ang hininga sa bandang tainga niya.

Akmang lalayo siya pero mas humigpit ang yakap nito sa kanya.

"Please... Just few more minutes," his baritone sounded so tired.

"Tell me, what's wrong?" pilit niya. Nag-aalala na talaga siya at hindi siya naniniwalang walang nangyari.

Lumayo siya at hinayaan siya nito pero magkadikit pa rin ang katawan nila dahil hindi nito binitiwan ang bewang niya. Pagkuwa'y nag-angat siya ng tingin sa mukha nito. He just looked so angry about something and sad at the same time.

Nalungkot din tuloy siya.

"The kid I operated just died. Hindi niya kinaya ang operasyon," parang nanghihina ito nang sabihin iyon. Kaya ba ito nagagalit? Sa sarili nito? At malungkot dahil hindi naisalba ang buhay ng pasyente?

Napasinghap siya't humigpit ang yakap nito sa kanya. It must had been really hard for him. She knew he became a surgeon to save lives. Kaya hindi niya mawari kung gaano ito kalungkot ngayon.

He rested his chin on top of her head again as he sighed heavily.

She tapped his back lightly as she tightened the hug. Nagtanong pa siya at nalaman niyang nabangga ang bata, nabagok ang ulo. Malala ang kalagayan at alam ng mga ito na mababa ang tsansa na mag-succeed ang operation. But he still did it anyway, waiting for a miracle to be happen after the surgery.

"I know it's not alright so I'm not going to say it's alright. But I believe you did your best and the child did great at fighting, too. Sabi mo nga, sa mahabang oras ng operasyon ay malaki ang posibilidad na hindi na kayanin ng bata. Pero kinaya niya ang operasyon. Natapos mo nang maayos. Kaya lang, hindi naman natin kontrolado ang buhay ng tao..."

Bumuntong-hininga ito at kumalas sa yakap. "I'm sorry if you waited for hours..."

"Ayos lang. Kaya sa susunod, magte-text ka na para alam ko."

"I will. Tara, kumain na muna tayo."

Hindi na sila nagtagal pa sa loob ng opisina. Pabor sa kanya iyon dahil pakiramdam niya ay parang hindi na gumagana ang aircon dahil biglang umalinsangan.

"Saglit lang, ibababa ko lang ang breaker." Meaning, she would turn it off.

Si Vince na ang nagbaba sa switch ng breaker at ito na rin ang nag-lock sa pinto. Mabuti na lang at nandoon ang lalaki dahil hindi nga pala siya nakapag-book ng cab. Kung nagkataon, baka sa shop na talaga siya natulog imbes na umuwi.

"Ihatid mo na rin ako mamaya, pagkatapos nating kumain," lakas-loob niyang untag.

Alam ni Jasel na sa mga sandaling iyon, ang pader na binalak niyang patatagin sa pagitan nila ni Vince ay nagiba na... kahit hindi pa naman siya nagtatagumpay sa pagbuo niyon.