webnovel

CHAPTER 3

Ayon nandito ulit ako sa opisina at may pinipirmahan ulit akung mga papel at nakakainis dahil dalawang box iyon tas hindi pa ako kumakain eh. Napatigil ako sa pagpipirma ng pumasok ang isang lalaki sa loob ng walang katok-katok, wala naman si doruv.

"May kailangan po kayo?" Salita ko.

"Mr. Mac'allester says i gave this to you." Sagot niya.

"Ano ho yan?"  Ano ba kasi yang dala niya?

"Ahm, this is a food for your lunch." Nagulat ako kasi hindi naman nagpapadala ng kahit ano ang lalaking yun.

"Akin na po, paki sabi maraming salamat puta siya Ay! thankyou thankyou hehe." Napandol ata bibig ko hehe.

"Yee thanks then bye." Lumabas na ito.

Kaibigan yun ni doruv? Medyo masungit rin.

I text sir---- doruv nalang wala naman siya, ngayon ko lang ata narealize eh palagi ko naman siyang tinatawag na doruv pag ako lang hehe.

To:  Sir Doruv The Demon.

"Hello sir doruv, thankyou for the food. Magugunaw na ba ang mundo sir? Pero thankyou po talaga hehe."

Ang lakas ng loob kung etext yun haha, bahala na hindi naman personal. Wala ng hiya-hiya binigyan na tayo eh kaya dapat mag thankyou kasi sa lahat ng panahon na nandito ako sa opisina niya ngayon lang niya ako pinadalhan ng pagkain, magugunaw na nga talaga ang world. Nako naman doruv dapat mabait ka na palagi.

"Ay demonyo!" Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat.

Tumawag kasi si demony-- este sir doruv. Magugunaw na talaga ang mundo eh hindi naman natawag yun simula ng maging P.A niya ko.

"Ah-h hello sir demo-- ay este sir doruv? May kailanga-----"

"Your welcome..."  Putol niya sa sinabi ko.

*Toooot toooot toooot*

"Ano da-w?" Sabi ko kahit ako lang dito.

Magugunaw na nga siguro ang mundo, puta naman. Tumawag lang para mag your welcome tas binabaan ako ng tawag, abay kay bastos--- ay bastos naman talaga siyang kausap.

"Nag your welcome lang pala!" Napabulyaw ako, bat ako kinakabahan? Palagi naman akung kinakabahan eh pag siya kausap ko pero kasi ngayon kakaiba, wag naman sana ano lord. Hindi yun nagkakagusto sa tulad kung kasing pangit charot kasing ganda ng aking momy hehe. Maganda naman si momy tsaka gwapo ang dady pero yung anak nilang babae? Ako yun, pangit ko naman kaya bat niya ako magugustuhan.

Bat ba ako nagiisip ng ganito? Wala lang naman to, sana... Matagal-tagal narin itong gantong nararamdaman ko at tinatago ko lang ito dahil hindi pwede.  At ayokong aminin na hays. Gusto ko si sir demon-- este  doruv.

"Sinong nag your welcome becca?" Nagulat ako sa nagsalita, si Ms. Anne pala secretary ni Sir Doruv.

"Ha? An-o si, kaibigan ko nag tawag lang para mag your welcome tas binabaan na ako ng tawag kaloka." Sabi ko sabay kamot sa ulo sana effective.

"We? Talaga? Baka naman katawag mo si doruv ha?" Pang'tutukso ni  Anne.

"H-a?" Kumunot ang noo ko, charot.

"Sus aminin, natawag si Doruv no tas nag your welcome lang ganon?"

"Pano m-o nalam-an?" Utal na salita ka.

"Ayan umamin karin, alam mo hindi ka talaga nagsheshare ng nga kae'shusan sa buhay, ayaw pang aminin." Si anne.

"Eh sorry naman anne, eh nahihiya ako sayo eh tsaka yun nga nahihiya ako." Kumamot ulit ako sa ulo.

"May kuto ka ba? Nako magpa kalbo kana gurl." Natawa ako, hindi ko akalain na nakakatawa pala itong si anne kasama . Ngayon lang kami nag-usap ng ganito kasi hindi kami masyadong close ni anne dati nag uusap lang kami about sa trabaho.

"Teka nga? Bat ka napunta dito?" Oo nga naman, anong ginagawa niya dito.

"Ah, pinapacheck kalang sakin ni doruv kung okey kalang ba daw. Ayieeeee sana all." Napakunot ang noo ko.

"An-o?" Hindi ma process sa aking mind eh charot, paninigurado lang.

"Basta yun na yun ang akin lang wag kang manhid tsaka hays sana all. Siguro may something sa inyo ni boss ano?" Salita niya.

"Ano? Anong someth-ing?" Kunot noong tanong ko. Pinagsasabi niya? Ngayon nga lang nagkaka ganyan ang demony--- si sir doruv hehe.

"Basta ako hindi ako manhid tsaka, feeling ko talaga may gusto sayo ang boss natin tsaka kung makatingin sayo kahapon akala ko matutunaw ka,  mabuti nalang akala ko lang pala hays, kaloka ang lovelife niyo."

"Naloloka na ako sa pinagsasabi mo mabuti pa umalis kana at matapos ko na tong ginagawa ko." Sabi ko, ayokong mag assume mahehurt lang ang aking heart mga friend.

"Basta wag ka lang maging manhid at baka mahuli kana. Lapitan mo lang ako im here to advice you kagaya ng ganto lang, ikaw na magpropose kay doruv. Diba kay ganda ng suggestion ko? Ako na talaga." Natawa nalang ako, hays mabuti nalang andito siya napapatawa niya ako.

"Nakain ka naba? Ito yung pinadala ni sir Doruv kanina." Itinaas ko ang paper bag.

"Akin na yang one slice of pizza please." Hindi pa man ako nakakapagsalita kinuha na niya ito.

"Byebye, wag maging manhid muwah." Napakamot nalang ako sa ulo ko.

Ano bang pinagsasabi niya? Nakakaloka, actually naiintindihan ko naman ang pinagsasabi niya kaya lang ayoko talagang mag assume.

*Unregestered Number Calling....*

               *Kriiiiing Kriiiiiing*

Ito na naman siya, nag iisang buwan na itong unregestered number na ito eh. Ayoko talagang sagutin dahil alam kung sa ibang bansa ang number na ito at pauuwiin na ako. AYOKO   BAHALA SILA HMP nag tatampo pa ako tsk.

Wala si doruv dahil may out of town business meeting siya at sa susunod na araw pa ito uuwi. Kaya kay anne at sakin, pinapagawa ang lahat mabuti nalang at nandito ako kundi nako siguro mamayang hating gabie pa makakauwi si anne. Tas may cheka pang nalalaman kanina, natapos na namin ang lahat ng gawain lahat okey na dahil baka magalit ang boss namin pag may mali kaming nagawa.

Nagkakaintindihan kami ni anne basta business dahil may alam din naman ako jan dahil minsan pag wala si dady sa opisina ako ang back-up. Namimiss ko na sila kaya lang naiinis pa rin ako, magtatampo muna ako ng mabuti no e fefeel ko talaga hmp. Tsaka baka may pag'asa na kami ni doruv, charot lang.

"Thankyou sa paghatid anne, muwah." Nagbiso-biso kami, ngayon lang ata kami naging close ng ganto tsaka gusto ko siyang kasama dahil gumagaan at komportable ako sa kanya.

"Always and wag manhid muwah." Natawa nalang ako bago pumasok sa building.

Pauwi nako sa condo tsaka pagod na----

Teka? Sino yu-n? Nanliit ang mata ko at tinitigan ng mabuti ang nakita ko.

"Fvck!" Napatago ako sa pader, at bakit siya nandito?! Anong ginagawa niya sa bansang ito!? Fvck talaga.

Mabilis ang lakad ko at sumakay ng elevator papunta sa floor ng condo ko. Ano na namang gagawin niya? Hays nakakainis.

Nakarating ako sa condo ng matiwasay mabuti nalang at iniba ko ang pangalan sa list. Siguradong magtatanong yun, rebecca ang pinangalan ko roon but honestly im not rebecca.

Naligo ka agad ako tsaka nagblower din nagluto ng pagkain para sa sarili din tapos nanood ako ng tv. Sobrang tahimik at gustong-gusto ko ang ganito, pagkatapos kumain ay pumasok na ako sa kwarto, syempre naglock muna ako ng pinto pati pinto ng kwarto.

Nagkulikot ako sa cellphone ko ng may nag text sakin.

From: Isabella

"Couz, becareful nandyan sa pilipinas ang gago mong ex."  Thats it, so siya nga yun? Nandito na naman siguro para guluhin ako!

I call Isabella.

(Hey couz, how are you?) Napabuntong hininga ako.

"Im fine, hows dad and mom bella?"

(Their fine couz, ikaw kailan ka uuwi dito?)

"I dont know couz, okey naman ako dito. I can buy what i want naman pero may limitation."

(Gusto mo pahiramin kita ng pera?)

"Hindi na couz, basta bantayan mo lage si mom and dad ha pati mga kuya ko baka may mga girlfriends nayun."

(Oo naman.)

"Wala ka bang pinagsabihan na nandito ako sa pinas bella?"

(No one couz, but i dont know kung pano nalaman ni ezro.)

"Its okey bella, nagtitiwala ako sayo kaya keep your mouth shut okey?"

(Oo naman couz, para saan ang magpipinsan. Diba nag tutulungan? kaya dont worry.)

"Thankyou couz, take care always ha."

(Yes couz, ikaw rin call me anytime.)

"Ibababa ko na to."

(Okey couz , loveyou.)

"Loveyou."

   *Call ended.*

Hindi ko narin namalayan na nakatulog na ako .

Nagising nalang akung may nag dodorbell kaya dali dali skung bumangon kahit wala pa akung ayos.

"Whoa!" Napatakip ako sa katawan ko ng lalaki ang bumungad sa akin.

"Anong kailangan mo? Sino ka?"

"Your rebecca right?" Tumango ako.

"Anong kailangan mo?" Saad ko.

"Im here couz pinapunta ako ng boss mong demonyo." Tama siya sa demonyo.

"Bakit?" Taas kilayng sagot ko.

"Pinabibigay niya sayo." May inabot siyang paper bag.

"Para saan to?" Kumunot ang noo ko.

"Its a dress, he will fitch you here later before 7pm. Gotta go bye." Bigla nalang itong umalis ng hindi man lang ako nakakapagsalita.

"And wait." Bumalik ito ng isasara ko na sana ang pinto.

"Para san ba to?"

"Use that dress later, bye." Ano ba kasing meron? At bakit ako magsusuot ng damit na yan?! Nakakainis ha. Linggo na ngayon kay bilis ng araw kahapon sabado wala rin akung pasok o diba dalawang araw walang pasok hehe.

Linggo ngayon sabi ko nga ngayon-ngayon lang sorry naman kung paulit-ulit. Kaya wala akung trabaho, naglinis nalang ako sa bahay pagkatapos ay naligo na tsaka nanood ulit ng netflix tsaka nagluto ng adobo. Paborito ko ang adobo, tsaka nagkulikot sa cellphone.

Hapon na akung nagising, nakatulog ako dahil sa pagod. Paggising ko its already 5:45 PM tas ng kinulikot ko ang cp ko may nag text mga 3:20 PM yun.

From: Sir Doruv The Demon

Get up and fix yourself.

Yun lang yung text, dali dali akung pumasok sa loob ng cr at naligo, nako naman kasi ha, ano ba kasing meron? Bat biglang naging ganyan ang boss ko? Magugunaw na siguro talaga ang mundo sigurado na ako joke. Pagkatapos kung maligo nagblower ako ng buhok tas inayos ang sarili, pinlansha ko nalang ang buhok ko tsaka nag foundation, nagkilay tas nag lipstick hindi ako komportable sa lipstick eh liptint lang talaga pero kailangan.

Tas nagnoseline tas kunti lagay ng pink pink sa nagkabilang pisnge tas nicurve your eyes lashes tas iba iba pa basta ako, wala akung alam sa make-up make-up nayan kaya bahala na.

Maganda narin naman siguro ako 10% lang. Cheeez! , sinuot ko nang damit ko kulay abo ito at gustong-gusto ko tapos fit na fit sa akin. Kita yung likod niya tas medyo kita yung clevage ko hakhak tas ano hangang sahig ito tas kumikinang tas high heels iwan ilang inches iyon pero kasha at okey naman sakin tas kulay gold ito tas kumikinang.

Tapos pair of earings and necklace tsaka bracelet, one set  3500 po iyon lahat kaloka. Basta maganda lahat charot pati nagsout maganda rin syempre 'self love' mga friend. Tinignan ko ang sarili sa salamin at okey naman ako hindi naman mukhang naglayas ng bahay haha. Nagdala rin ako ng purse at nilagay ang cp ko don pero bago yun nagtext ulit ang demonyo kung boss.

From: Sir Doruv The Demon

   "I fitch you right now."

So ayun nakakaloka ang english niya, hindi ako mapakali habang naghihintay sa kanya dito sa loob ng condo ko. Ano ba kasing meron? At bakit hindi nalang ang girlfriend niya ang sinama niya bat ako pa? Baka pagtawanan lang ako don wala pa naman akung kilala don. Sanay na naman ako sa maraming tao tsaka maging friendly sa harap nila kaya ko silang sabayan kasi ganyan din naman sa state. Keep close to your enemy friend,  kahit hindi ko naman enemy charot. Namiss kung makipag halo'bilo sa maraming people hehe.

Agad akung tumayo at dahan-dahang binuksan ang  pinto pero naka silip lang ako dito nakakahiya.

"Lets go." Yaon ang bumungad sakin pagbukas ko ng pinto.

Napanganga ako sa harap niya, bat ang gwapo niya? Naka sout siya ng tuxedo tas magkakulay kami ng damit tapos yung buhok niya medyo wavy and sabog pero bagay sa kanya medyo mahaba kasi ang buhok nya,   bagay na bagay naman talaga tas ang bango bango ng boss kung demonyo tapos amp yung lips niya kay pink tas kissable ahmp, nako naman sir.

"What are you waiting for? Lets go." Hinila niya ako.

"Aray naman sandali!" Napasigaw tuloy ako baka magalit siya eh kasi naman nanghihila nagulat ako, magugulatin ako sobra nako naman kasi.

Nakasimangot ako habang nasakay kami ng elevator.

"Ano ba ka-si? San ba tayo pupu-nta si-r?" Sabi ko ang tahimik eh, sinuyod niya ako ng tingin tsaka malalim na bumuntong hininga. Ang lapit namin people ang bango niya talaga so manly, ngayon lang kami nagkatabi ng ganto ka lapit kasi ayokong lumapit sa kanya baka magalit buti nalang ngayon hindi.

"Just shut up." Sagot niya kaya tumahimik nalang ako at nag pout.

"Dont do that."  Kumunot noo ko.

"P-o?"

"Dont pout your lips, as if you want to be kiss."

---

Thankyou for reading, sorry for the wrong typos.

Iloveyouall sweetes!❤