webnovel

PERSONA: THE FIRST CHAPTER

Persona Series: The First Chapter Persona: You, yourself. Tag: Romance, Fantasy, Teen Fiction JeannPulido's Story line ©Copyright 01-02-18 @All rights Reserved Everything in this story is fictional. NAMES, PLACES and ETC are all part of the author's imagination. From JeannPulido: Dear loud and silent readers, thank you for your support and love! Please continue to show your hospitality. Teehee. PS, PLAGIARISM IS A CRIME! ^.^

_OTACOOL_ · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
14 Chs

PERSONA 4

Please do vote and comment. Negative or positive feedback, it's badly needed for progress and improvement :)

Anyways, enjoy the chapter guys!

*

Chapter 4

Eve's POV

Nang huminto na ang sasakyan ay agad kong tinignan ang napakalaking gate na nasa harapan ko. It's a 20 feet tall wi--------------------ide gate. Seriously. Black ang color at walang butas na masisilipan.

Kaya ayokong pumasok dito. It feels like a prison or something. Once you're inside, there's no turning back.

"Eve, are you ready?" tanong ni Ate Cash kaya naman hindi ako nakasagot kaagad

I'm nervous pero there's nothing I can do about it anymore.

Tinignan ko na si Ate Cash saka ako ngumiti.

"Of course not. Ipapa-pasok mo lang naman ako sa elite training school na 'to in the middle of their first semester. Di ako genius, Ate Cash. Paano ba ako hahabol sa mga natutunan na nila?" patanong kong sagot dahilan kung bakit siya natawa

"You are, dummy. Lumabas ka na at pumunta sa may gate. May mga signs na nakapalibot sa school so I'm sure you won't get lost given your sense of direction" sagot niya kaya naman kumunot noo ko

"Given my sense of direction, you say?" tanong ko kaya naman humalakhak siya

"Hahaha. Ikaw naman kasi eh. Ang memorya mo'y hindi mapapantayan ng kahit sino. Pero bakit pagdating sa dereksyon ay lagi kang nagkakamali at nawawala?" tanong niya kaya naman napairap na ako

"I don't know what you're talking about," sagot ko kaya naman natawa siya lalo

"And yeah, please do make sure you won't get into trouble immediately. Ang panget ng ugali mo eh. Ayus ayusin mo nga 'yan" sagot niya kaya naman nagmake face nalang ako saka binuksan ang pintuan ng kotse at lumabas na

"Take care, Eve" sabi ni Ate Cash kaya naman tumango nalang ako

"Ah. And Eve, one more thing" sabi niya kaya naman tinignan ko siya

Nang seryoso niya akong tignan ay umayos na ako ng tayo saka binalik ang tingin niya.

"About your first mission," hindi na ako nagsalita

I knew it. Hindi magiging madali ang pag-stay ko dito. *sigh

"Be sure to see me in my office by midnight. Don't be seen," sabi niya kaya naman tumango na ako

"Got it"

Sinundan ko lang ng tingin 'yung kotse ng magsimula na itong umandar at lumayo sa paningin ko. Pupunta ata sila sa Headquarters. Tss. Hindi nalang ako pinabayaan sa village.

Humarap na ako sa school saka tumangad dahil nga sa napakalaking gate. Tsk.

Pwede pa akong tumakas eh. Kung aalis kaya ako?

"That's right. It's Cash's fault for not making sure if I went in or not," bulong ko sa sarili ko

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad paalis.

"Eve Fluore?" napatingin ako dun sa nagsalita

Isang lalaking.. estudyante. Paano ko nalaman? Well, sa uniform niya lang naman. Haha. White polo with black linings, black vest, black pants with white linings and black shoes. Astig.

Tss. Wrong timing din 'tong lalakeng 'to ah?

And what? Floure? Eve Floure? Si Cash ba may pakana non?

Whatever. Pumikit ako at agad na bumalik sa poker-face mode ko.

"Ako nga. Ano?" tanong ko at mukhang nabigla naman siya sa inasta ko

Tsk. Nawala ang mood ko. Sa sunod na ko magpabait baitan.

"Ah. Inutusan ako ng Headmistress na i-tour ka sa school. I'm Neyo nga pala. Neyo Thindrel. Nice to meet you," sabi niya saka niya inabot ang kamay niya pero tumango nalang ako kaya naman awkward niyang ibinulsa ang kamay niya

Tour daw eh alam ko naman 'to. Tsk. Si Ate Cash talaga. Oo na. Edi ako na ang walang sense of direction.

"The headmistress probably told you about your keys pero hindi mo pa makukuha ang mga 'yon until this afternoon dahil maraming changes na nangyari. Hindi nila nagawaan ng action kaagad dahil bihira lang na magkaroon ng new student ang school" sagot niya kaya naman kumunot ang noo ko

Langya. So maghihintay pa ako ng ilang oras para lang sa mga susi na 'yon? Wala namang binanggit sa akin tungkol sa mga susi eh.

"Let's go," sabi niya saka siya nagsimulang maglakad kaya naman sumunod nalang ako

Nang pumasok kami sa may napakalaking gate, ang sumalubong lang sa akin ay ang isang forest. What the hell. Hindi pa rin pala nagbabago ang lugar na 'to.

Nakakailang lakad na kami ng makakita ako ng isang bench kaya naman huminto na ako sa paglalakad saka umupo dun at huminga ng malalim.

"Oh, you must be tired" sabi ni Neyo kaya naman tumango ako saka ngumiti

"I usually have slaves that carry me, so I don't have the chance to do anything even a meter-long walk" sagot ko saka ko siya nginitian ng painosente

Nung ngumiti siya ng pilit at tumalikod sa akin ay natawa nalang ako ng tahimik dahil sa sumunod na sinabi niya.

"Mataray pala. Napaka-sarcastic pa"

"Yeah. I get that a lot" bulong ko rin na halata namang narinig niya

"Tsk. Anyways.. we're both adults and trainees so there's no need for formality. Should we begin to get informal?" tanong niya kaya naman ngumiti na ako

He's impatient. It's not so bad. People need to be like him. Open-minded.

"I've been informal from the very start," sagot ko kaya naman natawa siya

"Yeah, I noticed" sagot niya

"Good for you then,"

"I have a question," sabi niya saka niya ako hinarap kaya naman tinignan ko siya ng diretso sa mga mata niya

"If it's hard to answer, you shouldn't force me to talk" sagot ko

Mukha namang hindi siya nakapagdecide kaagad dahil tumahimik siya ng ilang minuto.

"Fine" sagot niya kaya naman ngumiti na ako saka siya sinenyasan na lumapit sa akin

Naglakad na siya kaagad saka tumayo sa harapan ko.

"What's your relationship with the Headmistress that she even have to fetch you and send you here?" tanong niya kaya naman kahit nagulat ako sa tanong niya dahilan kung bakit din siya nagulat

"Anong nakakagulat dun?" tanong niya kaya naman natawa ako

"Di niya ba sinabi na kapatid niya ako sa ibang ina?" tanong ko pabalik dahilan kung bakit siya nabigla

Nang titigan niya ako ng seryoso ay natawa na ako.

"Joke lang 'yun. Wag mo sabihing nag-joke ako tungkol sa ganyan, baka babangon mula sa lupa si Tito Pisces at batukan pa ako eh" sagot ko kaya naman tinignan niya ako

"Tito Pisces? The former Headmaster? Ang tatay ng Headmistress?" tanong niya kaya naman tumango ako

"Tito Pisces and my dad were best friends. 'Yun ang relasyon namin ni Ate Cash" sagot ko kaya naman mas nagulat siya

"Ate Cash? Did she allow you to call her that?" tanong niya kay anamna tumango ako

"I see. Pero just to remind you, dapat Headmistress ang itatawag mo sakanya hindi Ate Cash, Cash or kahit ano pang informal way na pang tawag sakanya. It's too disrespectful to the name of the Headmistress" sagot niya

Tumango tango nalang ako saka nagdekwatro.

Kaya naman pala ang laki ng ulo ni Cash eh. Tsk.

"Pero wow, to think that you have connections here. Not to mention, the Headmistress herself" sagot niya pero tumawa tawa nalang ako

"My turn now," sabi ko kaya naman tumango na siya

"May rankings 'diba? Anong rank ang kailangan mo para mabigyan ng authorization ng Headmistress na tumanggap ng missions?"

"Hmm. I know that only the fifth year students have the Headmistress' authorization to be in missions. Mga Rank 50 hanggang Rank 1 ata. Hindi ako sigurado dahil wala pang nakakaalis sa 100th place pagdating sa mga first years" sagot niya kaya naman nagtaka ako

"Eh 'yung team na kung saan ay pinili mismo ng Headmistress ang mga estudyante?" tanong ko

"You mean.. the best team among the first years?" tanong niya kaya naman tumango na ako

"Ang leader ng grupo nila ay ang pang 101st rank, ang mga sumunod nama'y 102nd, 103rd at 104th na ranks" sagot niya kaya naman napatango nalang ako

I see. So malayong malayo pa sila sa level ng mga fifth year students.

"Ilan ba ang estudyante dito?" tanong ko

"Hmm. A total of 1302 students all in all. 1305 kung kasali kayong mga bagong mga estudyante. Though I don't know if the Black Listed Student are included in it. I'm not really sure" sagot niya kaya naman napatango na ako

Three new students? Now that's news to me.

"We should get going" sabi niya kaya naman tumango na ako

"Ah. Nga pala, first year ka hindi ba?" tanong ko at tumango naman na siya

"Anong rank mo?" tanong ko

"206,"

I see. So out of one thousand plus students, he's 206th. He must be pretty strong.

"Ilang taon ka na ba?" tanong ko kaya naman nabigla siya saka ako tinignan

"17. Why?" patanong niyang sagot kaya naman natawa ako

Whathehell. So I'm older?

"Ako? Anong year ako?" tanong ko dahilan kung bakit kumunot ang noo niya

"Under ka sa team ni Sir Law, diba? So you're still a first year. I mean, you are 17, right? Same tayo ng birth years" sagot niya kaya naman pilit nalang akong ngumiti

"T-tama pala. Nakalimutan ko kasi. 17" bulong ko saka ako huminga ng malalim

Mukhang iniba iba na ni Ate Cash ang information tungkol sa akin ah? Haha. Sabagay, hindi ko rin naman alam kung kailan ako pinanganak eh.

Tumayo na ako saka naunang maglakad kaysa sakanya. Dahil hindi na siya nagsalita ay lumiko na ako pakanan saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Where are you going?" tanong niya

"Sa pinakamataas na building dito. Nakakapagod maglakad. Ituro mo nalang para mas madali. Besides ayokong pinagtitinginan ng mga estudyante. If I remember it right, training days ang Friday at Saturday, since Friday ngayon, ibig sabihin either nasa field ang mga estudyante o di kaya'y nasa gym" sagot ko

"Wait," sabi niya kaya naman huminto na muna ako sa paglalakad

"Paano mo nalaman na may building sa direksyong 'to?" tanong niya kaya naman ngumiti ako dahil wala akong maisagot sakanya

Nung kumunot ang noo niya ay tumawa na ako kaagad.

"Come on. Nakasulat lang naman sa sign sa may gate banda" sagot ko pero mukhang hindi siya satisfied sa naging sagot ko

"You're kind of mysterious. Bagay ka nga talaga sa team nila Timothy," sabi niya kaya naman napa-tilt ang ulo ko

Timothy?

"Hindi mo nga pala siya kilala. Timothy. Siya ang Top 1 ng mga first years. Siya ang pinakaunang pinili ng Headmistress. In short, siya ang leader ng group nila"

"Ah. Yung sinabi mong 101st rank?" tanong ko kaya naman tumango na siya saka nagpatuloy sa paglalakad kaya naman sumunod nalang ako

Hmm. So all of them are also weird people like me?

Now that's interesting.