webnovel

Chapter 4

Di ko na alam ang sumunod pang nangyari. Basta ang pagkakaalam ko, nagising na lang ako sa lugar na di ko alam.

Pagmulat ko ng mga mata ko, nakita ko ang napakagandang kalangitan. Blue na blue ang kalangitan. Bumangon ako at nalaman kong natutulog pala ako sa ugat ng puno ng duhat. Wala pang bunga ang puno pero green na green ang mga dahon. Dumampi sa balat ko ang sinag ng araw. Nakakakili lamang pero di mainit. Tila humahalik sa akin ang araw at nagsasabing, magandang umaga. Tumayo ako at nakita ko ang malawak na lupain na punong-puno ng ubas. Hindi ko alam kung paano nagkaubas dito.

Saglit....

Tingnan ko ang damit ko at katawan. Ito parin ang damit ko at ito parin naman ang katawan ko. Nakaapa pala ako, sh*t! Ansakit nito sa paa. Di ko lang alam kung nasaan ako. Nakita ko ang daanang hindi pa sementado. Maputik at mabato ang daan pero napansin kong may mga parang footprints pero gawa ng gulong. Halatang kakatapos lang umulan kagabi.

Sinundan ko lang ang daan, syempre dumaan ako sa may damo, ayokong maputikan. Ang kati kaya sa paa pag nababad sa putik at matuyo. Habang naglalakad pa-hilaga, napansin kong napakalawak ng taniman ng ubas. Sino bang may-ari nito? Napakayaman nya naman.

Aray!

Wait, tiningnan ko ang paa ko kung anong parang tumusok sakin at ang sakit. Natusok pala ako ng tinik ng makahiya. Pinilit kong tanggalin ang maliliit na tinik. Walo yata yung natanggal ko at pinagmasdan ko lang ang halaman. Pinagpatuloy ko lang ulit ang paglalakad ko habang iniinda ang nananakit na paa. Huhu... Ansakit kaya! Parang sa sinasabi ng doktor na "parang kagat lang yan ng lamok/langgam" , kagat pa nga lang ng langgam masakit na, yung syringe pa kaya. Mga sinungaling!

Habang naglalakad, nakaramdam ako ng gutom. Kumakalam ang sikmura ko, di pa pala ako nag-uumagahan. Wala namang ibang pagkain dito kundi yung ubas. Wait, ubas? Napatingin ako sa mga namimilog at naghihinugang ubas. Ang lalaki ng mga bunga, halatang inalagaan ng maayos at malusog yung lupa. Tumingin ako sa kaliwa at kanan. Sa unahan at sa likuran, mission: kumuha ng ubas. Tama! Marami namang tanim kaya di naman yun mapapansin, wala namang makakaalam. Humakbang ako papalapit sa isang baging ng ubas. Grabe, ang sasarap nilang tingnan pag umaga at napakasariwa. Hinawakan ko ang tangkay ng may pinakamaraming ubas. Dahan-dahan ko yung hinila at pikit na tinatanggal sa pagkakapit. Aaarrrgghhhhh..... Ang hirap! Sinubukan ko ulit. Tama, isa pang subok!

"Binibini?"

Paktay...

Napapikit na lang ako sa sobrang kaba. Nakagat ko na lang ang labi ko at di ko alam kung anong gagawin ko. Ano kayang palusot ko? Pano to?? Bahala na nga. Wala akong maisip. Lumingon ako na tumambad sakin ng isang karwahe na may lamang naka-barong. Bumaba sya sa kanyang sinasakyan at tumabi sa kanya ang isang lalaking nakasuot ng white long sleeve at white pants. May nakatali sa kanyang bewang at sa gilid nito ang isang itak na nakatago sa lagayan na gawa sa kahoy. Mga Guardia civil nga pala ang nagsusuot ng ganun. Tsaka bakit nakakarwahe dito? Ano to, shooting?? Wait, baka nga shooting to! Baka ginagawan na ng movie adaptation yung Una't Huli ni Binibining A. Nakaka-excite naman! Pero teka, Nasaan yung camera? Nasaan sila direk? Nasaan yung ibang casts?

"Anong movie po ito? Tsaka nasaan po yung camera?"tanong ko sabay ngiting pilit. Sabi daw nila, kung gusto mong hindi mapag-usapan ang kahihiyan mo o kung anumang nagawa mong sa palagay mo ay makasira sa pagkatao mo, mag-change topic ka.

"Anong ibig mong sabihin? Moobi? Kamera?"tanong sakin nung lalaking naka-itim na pantalon. Dahan-dahan kong itinataas ang aking tingin patungo sa kanyang katawan. Maganda ang katawan nya, matipuno. Tinaas ko pa ang tingin ko at nakita ko ang maganda nyang kulay. Mestiso at kitang-kita ko din ang Adam's apple nya na sobrang nakaka-attract. Tinaas ko pa ang tingin ko at nakita ko ang magandang baba at panga nya. Napag-isip-isip ko, umiigting kaya panga nito?

Dahan-dahan kong tinaas ang tingin ko at nakita ko ang maganda nyang labi. Pulang-pula at halatang naalagaan. Ang sarap halikan, gosh! Nang tinaas ko pa ay nakita ko ang matangos nyang ilong. At nang itinaas ko pa, nakita ko ang kanyang mga mata. Sobrang nakaka-attract grabe! Ang ganda! Brown eyes, sino kayang actor to?

Di ko mapigilang mapatingin sa mga mata nya. Ang ganda kasi! Para akong baliw dito. Hindi nya inalis ang pagkakatitig sakin habang ako nama'y di kumurap. Di ko namalayang humahaplos na sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin at ang mundo'y tila tumigil sa mga oras na ito. Tumigil ka self, imposible syang magkagusto sayo kahit na halos magkasing edad lang kayo. Nagkatitigan lang kami ng ilan pang segundo nang....

Bruuuuhhhhhhhhhh......

Nakakahiya!!!!!

"Mukhang nagugutom ka na, kaya siguro balak mong pitasin ang bunga ng ubas." sabi nya kasabay ang nakakakilig nyang ngiti. Napatulala lang ako nang labi nya. Siguro, sya ang gaganap na Ginoong Mateo Monteveros na bida sa binabasa kong libro kagabi. Kung di ako nagkakamali, ito yung scene na pupunta sya sa birthday party ng kapartner nyang si Cecilia Villanueva. Nakakapagtaka lang talaga kasi wala man lang camera dito.

"Sumabay ka na sa akin nang ika'y makakain na't makapagpalit." alok nya. Ano daw? Palit? Ng ano? Damit? Excuse me, uso kaya to.

Pinagbuksan nya ako ng pinto at inalalayang makasakay. Nilagay nya din ang isa nyang kamay sa itaas na bahagi ng pinto. Ginagawa nya yata yun para di ako mauntog. Nekekeleg, enebe!

••••

Tanging ingay lang ng gulong ng karwahe ang naririnig namin. Hindi namin magawang magkausap. Tikom lamang sya at medyo may space between us. Naririto ako ngayon na nakasakay sa isang karwahe kasama ang isang napakagwapong lalaki. Pero di ko talaga alam kung nasaan ba talaga ako, hayyyssst.....

"Maaari ko bang malaman kung saan ka tutungo, binibini?"tanong nya sakin na di ko napansin. Busy kasi ako sa kakaisip kung nasaan ako. Wala naman na kasing ubasan dito sa San Jose kaya't papaanong may ubasan dito?

"Ahhh....ehh...."tanging mga salitang yun lang ang lumabas sa bibig ko.

Bruhhhhhhhhhhhh....

Nakakahiya, sh*t! Kahapon pa pala akong di kumakain kaya pala nanghihina na ako. Natulog ako maghapon at alas-9 ng gabi na yata ako nagising.

"Mang Obet, magtungo po tayo sa inyong bahay. Kailangan na pong makakain ng binibini.",utos nya sa kuchero.

" Subalit, Ginoong Mateo, kailangan na po nating magtungo sa ating pupuntahan, mahuhuli po tayo."ang sabi ni Mang Obet. Nakakahiya naman, maaabala ko pa sya. Ayoko pa naman ng may naaabalang tao dahil sa akin. Habang nasa karwahe ay nakaramdam ako ng sakit ng ulo. Hindi ko maimulat ng ayos ang mga mata ko. Naramdaman ko na lang na lumalambot ang mga tuhod ko hanggang sa hindi ko namalayang dumilim na ang aking paningin.

••••

N

ang magising ang diwa ko mula sa matagal na pagkakatulog o ewan, nakarinig ako ng dalawang taong nag-uusap. Nanatili lamang akong nakapikit at hinayaan silang mag-usap.

"Sino po ba yang dalaga, Ginoong Mateo?"tanong ng isang babae. Di ko maimulat ang mga mata ko dahil masakit pa rin. "Hindi ko po alam. Nakita ko lamang po siyang binabalak na pitasin ang mga ubas sa taniman ni Mr. Wilson." sagot ng isang pamilyar na boses, yung gaganap na Mateo yata yun.

" Hindi po ba kayo tutungo sa bahay nila Binibining Cecilia?" dagdag na tanong nung isang babae. "Hindi na po siguro, Aling Clarita." sagot naman ni Ginoong Mateo. Tama, sya nga yun. Boses pa lang nya alam ko na. Natutulog ba ako sa set? Nagsho-shoot yata sila e. Nasaan ba dito yung camera? Di ko din makita yung direktor.

Minulat ko ang mga mata ko. Nakahiga pala ako sa isang banig at unan na medyo matigas. Siguro mga pinaglumaang damit ang laman nito. Napansin ko din ang bahay. Nasa isa akong kubo. Nakita ko ang dalawa na nag-uusap sa sala. Nakita ko na medyo may katabaan yung babaeng kausap ni Mateo na sa palagay ko ay nasa 50 years old na. Gasera lang ang gamit nilang ilaw pero kahit na madilim ay kita naman ang ilang parte. Pinagmasdan ko pa ang buong bahay at sa palagay ko talaga, nasa set ako ng movie na to. Ngayon pa lang ay pinupuri ko na sila dahil maganda ang pagkakagawa. Very realistic!

By the way, si Aling Clarita ang isa sa kasambahay ng pamilya Monteveros. Ang pamilyang may pinakamalaki at malawak na lupain sa buong San Jose. Yes, kapangalan ng San Jose na bayan amin. Asawa ni Aling Clarita si Mang Obet at mayroon silang apat na anak. Kutsero naman ng mga Monteveros ang trabaho ni Mang Obet. Malapit kasi ang loob ni Ginoong Mateo sa pamilya nila. Napatingin ako sa mukha niya at umagaw agad ng atensyon ko ang magaganda nyang mata. Grabe, sana ol! Kitang kita ko na napakalinaw nito. Yung akin kasi, malinaw lang ang mata ko pag may gwapo.

"Ayos ka lang?"tanong nga. Luh, pafall? "Ayos lang ako. Ayos na ayos!hehe"sagot ko. Mukhang di ako makakatulog nito ah. "Aling Clarita, maaari po bang bigyan nyo kami ng makakain?"

"Sige po." Sagot ni Aling Clarita. Tumingin sya sakin at binigyan nya ako ng matamis na ngiti kasabay ng pagpunta nya sa isang kwarto. Siguro pupunta sya ng kusina, common sense self. "Masama pa ba ang iyong pakiramdam?"tanong nya. Napatitig ako sa kanyang mga mata at pilit na kumakawala sa pagkakapako ng aking tingin. Hindi ko mapigilang kiligin sa bawat niyang tingin. Para sakin, the best si direk. Nakakuha siya ng fit na fit na portrayer

~Akala ko'y di pa handang

Muling tumibok ang damdamin

Ngunit biglang kang

Dumating sa buhay ko

Hindi kailangang umimik

Nagdadaldalan lang sa tingin

Saan ka ba nanggaling bakit ngayong lang?~

"Wala na bang masakit sayo? Nahihilo ka pa ba?" sunod sunod na mga tanong nya habang nakaupo sya sa harapan ko habang ako naman ay nakatitig ako sa mga mata nya. Kitang-kita ko ang labis na pag-aalala nya. Ginoong Mateo wag ganyan. Walang ganyanan, mas lalo akong nafa-fall sayo e. Baka asawahin pa kita dito. Hindi naman ako nainform na dito ako makakapunta at makakasama ko pa sya, edi sana nakapagdala ako ng wedding gown di ba?

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang binatilyo na nakasuot ng camesa de chino, ewan ko kung yun nga ang tawag dun. Basta, T-shirt sya na may botones sa pababang gitna ng kuwelyo. Kayumanggi sya pero maganda din ang kanyang katawan, siguro ito si Joberto. Ang panganay na anak ni Aling Clarita at Mang Obet. Seventeen years old palang sya at isang trabahador ng palayan ng pamilyang Monteveros.

"Oh! Narito pala kayo,Ginoong Mateo! Buenas Noches! (Magandang gabi)" pagbati nya. " Sino yang babaeng kasama ninyo?"

"Hindi ko pa sya kilala, nakita ko lamang siyang nais kumuha ng ubas sa taniman ni Mr. Wilson."sagot naman ni Ginoong Mateo. Ba't ba nya pinagkakalat yung part na yun? Hayyyssst...

Bigla namang pumasok ang tatlong mga maliliit na bata. Sila siguro ang gaganap na tres marias nila Aling Clarita. Si Maria Gracia na palaging nakapuyod pero masayahin. Si Maria Isabel na palagi namang nakalugay ang buhok at medyo mataray. At ang pinakamakulit ay si Maria Juana. Nakakatawa yung pangalan nung pinakabunso. Parang illegal drugs di ba?

"Buenas Noches Ginoong Mateo!"sabay sabay na bati ng triplets sa lalaking nasa uanahan ko. " Sino po sya, Ginoong Mateo?" cute na cute na tanong ni Maria Isabel.

" Kasintahan nyo po ba siya, Señorito?"dagdag na tanong ni Maria Gracia. "Asawa nyo po ba siya?"pahabol na tanong ni Maria Juana na noo'y lumapit pa kay Ginoong Mateo para lang magtanong at nag-iwan sa amin ng makahulugang ngiti.

"Oyyyyyy....." Sabay-sabay nilang pang-eechoes samin. Kabata-bata pa ng mga ito, paluin ko kaya sila nitong hawak na pamalo ni Ginoong Mateo.

"Oh, sya.. sya.... Tama na iyan, magmano na kayo kay Inay." utos ni Joberto at sinunod naman nila ang kanilang kuya. Nagtungo sila sa kusina at bago iyon, lahat sila ay nag-iwan ng makakahulugang ngiti.

"Ginoong Mateo, kamusta naman ang inyong magpunta sa kaarawan ng babaeng inyong sinisinta? Naibigay nyo po ba ang inyong regalo para sa kanya?"tanong ni Joberto. Napansin ko ang mga mata ni Mateo, ang kaninang nag-aalalang mga mata nya ay napalitan ng kalungkutan. Kahit malungkot sya, gwapo pa din, gosh! Ako na lang kasi!

Dumating ang mag-iina na dala ang mga pagkain. Nilagay nila sa higaan ko ang ilang pagkain at naglagay naman ng upuan si Joberto para kay Jose. Umalis ang mag-iina sa harap namin at nagtungo sa kusina. Dumating na rin noon si Mang Obet na nagmula pa sa Hacienda Villanueva, ang haciendang pag-aari nila Cecilia, at sinabi nya ang pinapasabi ni Mateo.

Naiwan kaming dalawa lang, dito sa kwarto habang nasa harapan ko sya at kumakain. Gosh! Date ba to? Teka, nasaan ba yung selpon ko, magpapaselfie sana ako sa bebe ko.

Hindi ko maiwasang di mapatingin sa kanya dahil ang sexy nyang kumain. Sa bawat paglunok, kita ko ang paggalaw ng Adam's apple nya. Sa bawat pag-inom nya ng tubig, maingat nyang di matapon ang tubig. Kung may chocolate syrup lang dito, babalutin ko ang buong katawan nya ng syrup na yun at gagahasain ko to. Napansin kong natatawa siya sa akin na dahilan para mapakunot ang noo ko.

"Ganyang ka ba kumain ng saging?" natatawa niyang tanong sa akin. Wait, ano daw??

"Ha?"tanong ko. "Ang sabi ko, ganiyan ka ba kumain ng saging?"pag-uulit nya. Ano daw? Saging? Napatingin ako sa kamay ko at hawak ko pala ang saging. Kinakagat ko habang may balat, whhhaaaaaaahhhhhh!!!!!!

"Hehehe..."

At may humabol pang...

Pooooooooottttt.....

Nakakahiya! Yung saging may balat, aking kinakagat? Tapos sumabay pa ng bigla kong pag-utot. Gosh! Hoy, Catalina Sonata, umayos ka nga! Andumi-dumi na nga ng iniisip mo, umutot ka pa sa harapan nya, yan tuloy, napahiya ka na naman. Pero dahil shooting ito, sasabay na rin ako sa acting nila. Nag-acting na lang ako na nahihilo para iwasang mapahiya na naman. Ipinikit ko ang aking mga mata at dahan-dahang humiga. Then, tinuloy-tuloy ko na ang pagtulog. Napakaantukin ko pala, hayyyssst. Ikaw ba namang ilang araw na puyat.

••••

Kinaumagahan, madilim pa sa labas pero sigurado akong alas-5 na ng umaga. Sobrang lamig pala pag natutulog sa kubo. Nagising akong natutulog si Ginoong Mateo sa gilid ng higaan ko. Pinagmasdan ko ang pagtulog nya, gosh! Ang gwapo nya parin kahit natutulog sya!

Dahan-dahan kong inalis ang nakabalot na kumot sa aking katawan at dahan-dahang umalis sa higaan. Natutulog pa ang lahat kaya't bago pa sila magising ay nagpunta agad ako sa likod bahay at tumakbo papalayo sa kanila. Napadpad ako sa malawak na taniman ubas na naman. Tumakbo lang ako nang tumakbo habang papalit-palit ng tingin sa daan at likuran. Baka kasi nasundan nila ako.

Sa aking pagtatakbo at habang nakatingin sa likuran ko ay di ko namalayang may nakaharang sa dadaanan ko. Nauntog ako sa kanya at napatumba sa sobrang laki nya. Arayyy!! Ansakit ng ulo ko! Napahawak na lang ako sa noo ko habang iniinda ang sakit ng pagkakauntog.

"SINO KA?"tanong na nagmumula sa isang lalaking may malalim na boses. Napatingala na lang ako sa kanya at nakita ko ang isang matangkad na lalaki na maputi. May balbas sya at may malaking katawan. Magpapayat naman sya o di kaya ay magpataba sya, ansakit kaya ng ulo ko sa pagkakauntog sa tiyan nya.

Dahil sa malakas na pagkakauntog ko ay napagtanto ko lang ang isang bagay.Wait.

WHUUUUUTTTTT

NAGKATOTOO ANG PINAPANGARAP NG NAPAKARAMING WATTPADIAN?

SO IT MEANS...

NANDITO AKO SA LUGAR NA NAKASULAT SA LIBRO?

AT SA TAONG 1896?

Legit????

***********************************

—•••—

Your mind will answer most questions if you learn to relax and wait for the answer.

—Mr Ios

—•••—