webnovel

Chapter 3

"Welcome"

Salitang bubungad sayo bago ka makapasok ng bahay. Gaya ng maraming bahay, kadalasan mo itong makikitang nakasabit sa pintuan, nakadikit sa pintuan o di kaya, nakalagay na sa doormat. Nang makarating na ako sa pintuan ng aming bahay, agad kong hinubad ang sapatos ko at binuksan ko ang pinto. Nadatnan kong nasa sala si Note at nanonood ng Loud House.

"Note, nasaan si Mama?"pambungad kong tanong ko. Napalingon naman sakin si Note at ngumiti sakin. Pinakita na naman nya ang nakakagigil nyang ngiti. Kitang kita ko na naman ang matataba at bilugan nyang pisngi. Dahil sa panggigigil ko, lumapit ako sa kanya at kinurot kurot at pinisil-pisil ang pisngi nyang sobrang lambot.

"O, Ate Cathy, nandyan ka na pala. Maaaaaa.... Nakauwi na si ate. "salubong naman sakin ni Art na noo'y kakagaling palang sa banyo. Sya ang sumunod sakin at 15 years old na sya. Ang buo nyang pangalan ay Art Neon Sonata. Sa aming magkakapatid, sya lang ang may pinakamaisking pangalan. Mahilig syang magdrawing, magpinta at magdesign. Actually, lahat ng paintings at decorations sa buong bahay, sya ang may gawa. Mapa- Manga, mapa 3d art, mapa Landscape, mapa Portrait, mapa sketch at kung ano-ano pa, lahat yun, kaya nya. Mahilig din sya sa photography kaya andaming nagkakagusto sa kanya. Pero pag nakilala nila tong unggoy na to, baka sabihin nila, "Ang gwapo naman ng unggoy na nagpipintang yun!". Gwapo naman kasi tong kapatid ko, maganda ding pumorma at malinis sa katawan. Matured na din syang mag-isip, syempre mas matured ako.

Narinig ko ang ingay ng mantikang nagsisitalamsikan na nanggagaling sa kusina. Alam ko na kung nasaan sya. Tamang-tama, di pa ko kumakain ng tanghalian at alas-11 na. Agad kong pinuntahan si Mama sa kusina pero natigilan ako nang mapansing binuksan ng dalawa ang dala kong ecobag. Wait, ecobag?

Gosh!!!!

Di ko nabigay, umuwi pa naman ng probinsya si Med. Saktong pagbaba namin ng tren ay dumiretso na sya sa terminal ng bus. Hinihintay na kasi sya dun ni Tita Swerty at mukhang sa susunod na taon ko pa mabibigay sa kanya. Next year na nga lang.

"Ate, ano to?"tanong ni Art habang hawak-hawak ang libro na binili ni Med para sakin. I mean, nilibre nya sakin. Agad kong inagaw sa kanya ang libro at tinago sa likuran ko. "Ano yan? Ate ha?"nanghihinalang sabi akain ni Art. Ano bang iniisip nya?

"Ate Cathy, wala kang pagkain?"pacute na tanong ni Note habang tinitingnan ang dala ko. Agad ko syang nilapitan at ginulo ang buhok nya.

"Wala tsaka kakain na ah. Pakiss nga ang ate" sabay nguso sa kanya. Inilapat nya naman ang pisngi nya sa labi ko. Balak ko sanang kagatin ang malalambong nyang pisngi kaso baka umiyak. Magalit na naman si Mama.

Naabutan kong naggigisa si Mama Cise ng sibuyas, bawang, manok at binudburan nya ng paminta. Nilapitan ko sya sabay halik sa pisngi nya. "Musta ang gala? Anong oras na ah?"sermon is starting right now. "Hindi po kami naggala, may binili lang po kami."paliwanag ko habang naghahanda ng plato sa mesa.

" Sus, naggala pa din kayo."sabi nya. Ano ba sya, walang tiwala? Pumasok sina Art at Note dito sa kusina. Tinulungan nila akong maghanda ng gamit sa pagkain. "Ma, gumastos na naman si ate." Sumbong ni Art. Agad akong lumaput sa kanya at tinakpan ang madaldal nyang ngiti. Napalingon samin si Mama at nagtaas ng kilay.

"Anong meron?"nagsisimula na syang magalit nyan. "Bumele po si ate ng...ng... leb-Lebro." Sumbong ni Note. Tumingin ako sa kanya at binigyan sya ng humanda-ka-sakin-look. Humanda talaag tong dalawa sakin pag ako napagalitan dito. "Bumili ka ng libro?"nagtatakang tanong ni Mama.

" Pero..."

" Alam mo ba kung saan kinukuha ang pera pambili ng lahat ng gamit mo?"sumbat sakin ni Mama.

" Pero..."

" LIBRO? MAPAPAKAIN KA BA NG LIBRO MO?"

"P-pero...."

" NAGPAPAKAHIRAP ANG PAPA MO NA MAGTRABAHO DUN SA IBANG BANSA PARA LANG SUPORTAHAN TAYO. TINITIIS NYA ANG PAGOD NYA DUN TAPOS GINAGASTA MO ANG PERA MO SA WALA NAMAN KAKWENTA-KWENTANG BAGAY?"sigaw nya sakin. Naulit na naman. Sinigawan nya na naman ako nang hindi man lang naririnig ang side ko.

"Alam ko naman po yun e..p-pero ...."mangiyak-ngiyak kong sinabi sa kanya at napayuko na lang ako.

" ALAM MO NAMAN PALA E! BA'T BUMILI KA PA?"sigaw na naman nya sakin.

"P-pero..."tanging salita na lumabas sa bibig ko.

PERO

Apat na letra pero limang beses kong nasabi pero ni isa, di pinakinggan ni Mama.

Umalis ako ng kusina at nagkulong sa kwarto ko. Tinawagan ko si Med pero di sya sumasagot. Oo nga pala! Bawal nga pala na nakabukas ang cellphone sa eroplano. Kaya't sinarili ko ang sakit ng nararamdaman ko.

Ganyan palagi yan si Mama, akala nya palagi lahat ng iniisip nya tama. Mother's knows best? seriously? Kung alam nila ang dapat, bakit palagi nilang iniisip na tama agad ang hinala nila. Hindi pa nga nila nalalaman ang side ng anak, kung mangaral sila, kala nila tama sila. Tapos mananahimik na lang ang bata pag pinapagalitan. Di na lang iimik ang bata kasi nga, baka kung anong isipin. Tapos sasabihin ng nanay, ambastos kasi di sumasagot. So pag sinagot, sa tingin nila tama pa din kami? Triny kong sagutin sya, alam nyo sinabi nya?

"AH! SUMASAGOT-SAGOT KA NA!"

Kalmado akong sumagot nyan. Then, one time, nalate lang ako ng uwi kasi may theater practice kami at may sayaw pa. Sinigawan nya ako pero di ko pa nasasabi sa kanya ang rason. Agad nyang kinuha ang cellphone ko at di sakin binalik ng isang buwan. Oo, isang buwan akong manghihiram ng cellphone ni Med para lang makasabay sa pinapagawa ng iba naming prof. Nandun pa naman sa cellphone ko yung tugtog ng sayaw namin pati yung script. Kaya ayun, sinulat ko ang 140 pages ng script. Nakita nya yung mga papel na ginamit ko. Alam mo ba kung anong sinabi nya, nagsasayang lang daw ako ng papel. Hayyyssst...Saan ako lulugar? Hanggang kailan ba iisipin ng mga ina na hindi sa lahat ng oras, tama sila. Tama ang iniisip nila at tama ang ginagawa nila? Namimiss ko na si Papa.

••••

December 21,2019

♪♪Save your smile♪♪.....

Nagising ako nang marinig kong tumutunog ang phone ko. Tingnan ko at napansin kong alas-3 na ng madaling araw! Nakatulog pala ako,teka, nagmiss call pala si Med. Tinawagan ko sya at sinagot nya naman agad.

[Cathyyyyyyy!!!!!]

sigaw nya at hininaan ko ang volume. Nilayo ko din sa taenga ko ang phone.

" Oh?"walang emosyon kong tanong.

[Musta? Wait, may sakit ka ba?]

"Okay lang..."

[Sus, pinagalitan ka na naman ni Tita Cise.]

"Uhmm..."

[Anyare ba?]

"Ayun, nakita nya yung libro mo."

[Gosshhhh!!!! Di mo pa pala alam.]

" Ang alin? "

[Sayo na yang libro, alam ko namang gustong-gusto mo yan.]

" Huh?"

Saken?

"Hindi, ibabalik ko to pagbalik mo."walang emosyon kong pagtatanggi ko sa alok nya.

[Ummm.....]

" Anong Ummmm.... "

[Cathy, kaseee....]

" Anong kaseee? "

[Alam mo kasee...]

" ANO NGA KASE! SASABUNUTAN KITA!"sigaw ko. Kasee sya ng kasee dyan. Ayaw pang diretsuhin.

[Kaseee....Di na kasi ako babalik dyan sa Pilipinas]

Wait, what?

"Ha??? Anong ibig mong sabihin?"

[Kasee... Si Mama, dinala na nya ko papuntang Canada. Dun na kami titira.]

"Wow! So, kelan pa to?"

[Kasee... Nung isang buwan ko pa sana balak sabihin sayo.]

" Kala ko sa probinsya ka uuwi? So probinsya na pala ngayon ng Pilipinas ang Canada, ganun? "

[Hindi sa ganun, wala na akong nagawa nung sinabi ni Mama na isasama nya ako dun.]

" Kaya pala may paregalo..."

[Hindi sa ganun, Cathy...]

Pinatayan ko na sya. Dumagdag pa sya sa problema ko. Hindi daw sa ganun,hindi sa ganun, anong ibig sabihin nya? Ayaw pa diretchahin. Gusto palagi may pabitin. Sino sya, si Jessica Soho?

Napapikit na lang ako at inisip na sana... Sana lang... Sana lang talaga, kathang isip na lang 'to.

••••

Nandito ako ngayon sa attic namin para maglinis. Dahil bakasyon ngayon dahil magpapasko na, naka quarantine na naman ako dito sa bahay. Yes, quarantine! Di naman kasi ako lumalabas ng bahay dahil bawal lalo na't napagalitan ako kahapon. Lalabas lang kami kapag may pinapautos o may pinapabili. Dahil ayoko namang mabulok sa bahay at magmukhang patay na maghapong nakaburol sa kama, naisipan kong maglinis ng attic. Tagal na din nung huli akong nakapunta dito. Matagal na 'tong nakapadlock kaya di kami makaakyat. Dinekwat ko lang yung susi, di nya kasi alam na kinuha ko. Tsaka, di ko muna sya papansinin. Baka kada salita ko, sermon na naman marinig ko.

Bitbit ang mga panglinis gaya ng palangganang may tubig na hinaluan ng sabon, basahan, walis tambo, tingting at dustpan ay pinasok ko ang maalikabok na attic. Ganito na pala kagabok dito, sa bawat paghakbang ko, sumasabay ang napakakapal na alikabok na halos di ko na makita ang buong paligid. Dinukot ko sa aking bulsa ang facemask at ano pa nga ba ang silbi nito.

Sinimulan kong nang magwalis sa napakagabok at balot na balot ng dumi at sapot ng gagamba. Sa bawat pagwalis ko, agad na napupuno ang dustpan at nilagay ko ito sa garbage bag. Pagkatapos ng halos isang oras na pagwawalis, sinimulan ko namang magpunas. Pinunasan ko ang grandfather's clock, ito pala yung maingay na oras tuwing alas-12 ng gabi at tanghali. Sinunod ko naman ang lumang kabinet ni Lola Nene. Napakahalaga nito sa lola at kabilin-bilinan nya bago sya pumanaw, ingatan daw ang kabinet na yun. Ewan ko kung anong meron pero napakamisteryoso nito. Gamit ang basahang dala ko na binasa ko muna sa may sabong tubig, pinunasan ko ang pintuan nito pati na rin ang loob nito. Grabe! Sobrang dumi na ng mga gamit dito. Sa sobrang dumi, aakalain mo na lang na gabok yun na may korteng damit at gamit.

"Because I'm waiting for you, waiting for this..."paawit ko habang nakasuot earphone at habang nililinisan ang balot na balot ng alikabok na mga gamit. Mas nakakaenjoy maglinis pag may music. Nakakawala ng stress tsaka mas ginaganahan ako kapag paborito ko pa yung kanta. Kasabay ng pakikinig ang pagpupunas. Punas dito, punas doon, nangitim na ang basahan, di ko pa nalilinis ang kabuuan. Hayyyssst.... Bumaba ako para magpalit ng tubig at linisan ang basahan. Actually, hindi na sya basahan, gabok na din sya. Sinakop na ng mga gabok ang kabuuan ng basahan.

Pagbalik ko, pinagpatuloy ko ulit ang pagpupunas. Habang nagpupunas ng itaas na bahagi ng pinto ng cabinet, napansin kong may itim na bag na nakalagay sa itaas nito. Ahh!! Antaas, naghanap ako ng mapapatungan para abutin yun. Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan, tingin sa sulok ng ibang gamit, tingin sa magkabilang dulo ng attic pero walang mapagpapatungan. Naisip kong gamitin yung dustpan na panungkit at na yung walis pero antaas nya talaga. Di ko mareach, hawot lang. Sinubukan kong talon-talon pero di ko parin maabot, naalog lamang ang dede ko.

Napansin ko lang na mataas ay yung piano ni lola na katabi ng katabi nitong cabinet. Wala namang mamamakita pag ginamit ko tong patungan di ba? So ayun, inipod ko ng inipod hanggang sa makarating yun sa tapat ng cabinet na nililinisan ko. Hinubad ko ang suot kong tsinelas na pambahay para iwas gasgas sa piano. Sinimulan kong akyatin ang makinis at flat surface ng piano. Sinubukan kong abutin ang itim na bag pero habang ginagawa ko yun, ramdam ko ang biglang pag-uga ng pinapatungan ko. Sh*t! Ambigat ko na ba? 55 lbs naman ako, ang skinny ko nga pero bakit umuuga to? Dali-dali kong kinuha agad ang itim na bag at ...

BAAAAAANGGGGG!!!!!!!

Sakit!

Ahhh! Grabe, ansakit ng pagkakalaglag ko. Nagulat kasi ako nang biglang tumunog ang grandfather's clock. Pero teka, nasira ba yung piano? Patay na naman ako nito pag nasira ko yun. Buong pamilya namin mapapagalitan pag nasira to. Tiningnan ko ang piano, tiningnan ang gilid, ang taas, ang keyboard, hayyyssst...salamat naman at kumpleto. Pinindot ko lahat ng keys mula sa malalalim na Do hanggang sa matinis na Do o Ti yata yun. Tumutunog naman sa wakas. Pinindot ko ang mga chord ng Synesthesia. Ansarap talagang marinig ang piano version/cover ng Synesthesia.

Binalikan ko ng tingin ang bag, baka may nasira. Nilapitan ko ang bag at may diary pala dun. Nakita ko ring bukas na ito. Natanggal ang maliit na padlock na nakalagay dito. Paano nabuksan ang diary na yun? Nagpatugtog lang ako ng piano, nabuksan na? Hayyyssst... Baka nabuksan lang nung nahulog ako. Sana walang sira. Binasa ko ang nakalagay at nakabungad sa first page ang,

"Hanggang sa una't walang hanggang panahon ay hihintayin kita, Mahal. Hahanapin kitang muli sa susunod kong buhay. "

Napaluha naman ako sa handwritten note ni Lola Nene sa first page. Sino kaya yung tinutukoy niyang mahal? Tsaka, nakakagaan naman ng loob nang mabasa ko yung note nya. Sana ganun ka sincere ang pag-iibigan ng dalawang tao sa kasalukuyan. Para kasing mga sabay sa uso ang mga kabataan ngayon, kala mo naman ikinaganda o ikinagwapo nila. Every month ay bago, magwave ka lang at nagwaveback din, kala nila interesado na agad yung tao. Ano yun? Nagwaveback lang, crush ka na agad? Gusto ka na agad? Ilang minuto lang nagchat, ligawan agad? Kayo na agad? Pumayag lang na magpaligaw, tas sasabihin, 'so tayo na?'. Ambababaw nyo! Bibigwasan ko naman ang makita kong magganun. Payt me!

Ako kaya? Kelan ko kaya makikita ang mapapangasawa ko? Sabi kasi nila, pag nag-16 ka na, makikita mo ang taong mapapangasawa mo at makakasama ng panghabangbuhay. Mag-ti-20 na ako pero NBSB parin. Nabubuhay sa makalumang quote na "study first". Aral muna bago landi.

Isinara ko ang libro pero di ko pinadlock. Hindi ko alam kung nasaan ang susi nito kaya sinara ko kang. Bibalot ko ulit at mamaya ay babasahin ko ang nakasulat dun. Curious lang ako kung anong love story meron si Lola Nene nung panahon nya. 1902 pa yun at di ko na sya naabutan. Namatay sya bago pa ako maipanganak, mga 1982 yata yun. Lola-tiyaaa sya ni Lolo Arturo na tatay ni papa. Malaki ang ginampanan nya sa pamilya namin.

Ala-1 na ko natapos at kataka-takang walang nagyayaya saking kumain ng tanghalian. Arayyyy ko! Ansakit ng likod ko kakalinis. Bumaba na agad ako at nagtungo sa kusina para kumain. Grabe, buti apa yung hugasin, nagawa akong hintayin. Kumain na pala sila,hindi man lang nagyaya. Yung totoo, ampon ba ko? Di ba ko belong? Napansin kong walang tao sa kusina kaya pinuntahan ko sila sa sala, wala parin. Binuksan ko ang pintuan ng kwarto nila Note at Art. Nandun naman sila, naglalaro ng games sa cellphone.

••••

Pagkakain ko at pagkahugas ay agad ko namang nilinisan ang kwarto ko. Inayos ko ang higaan ko, pinunasan ang bintana, winalisan ang ilalim ng kama, inayos ang mga damit at nagpunas ng mga gamit. Pagkatapos nun ay binasa ko ang diary ni Lola Nene. Namangha ako sa pagkakagawa nito dahil kahit na lumang-luma at brown na ang bawat page nito ay buo pa rin. Kahit na may ilang pahina ang may sira, malinaw pa rin ang nakasulat dito. Binasa ko yun buong gabi.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

December 25

It's Christmas day, araw na dapat masaya. Araw na dapat kumpleto ang pamilya at magkakasama. Araw na dapat sama-samang kumakain ang buong pamilya. Kung pwede lang makawala sa magulong mundong to, tatanggapin ko.

—•••—

Kasabay ng sigaw ng mga tao ang ingay na dulot ng sirena. Nakatayo ako sa harap ng isang gusali. Isang gusali na kung saan makikita mo ang mga nagtatakbuhang taong nakasuot ng puting damit pang itaas at ibaba. Kabi-kabilang dating ng ilang sasakyan at kabi-kabila ding alingawngaw ng paghihinagpis, takot, sakit at pagluluksa. Sa lugar kung saan, kahit kailan, di ko natatandaang nakapasok ako. Oo, nasa isang ospital ako.

Nakatayo sa harap ng pininturahang puti na kitang kita mo kahit na madilim at gabi ngayon ang mga bahagi nito. Pinagmasdan ko ang paligid ko, tila lahat sila ay gumagalaw ng mabagal. Tila bumagal yata ang takbo ng mundo. Paano nga pala to nangyari? Bakit nga ba to nangyari?

**flashback**

December 22, 2019

Nagising ako sa ingay ng sasakyan sa labas. Sumilip ako at nakita ko ang isang truck na nakapark sa harap ng bahay.

"Excuse me.."sabi ng kung sinuman na nasa likod ko. Lumingon ako at nakita ko ang dalwang lalaki na bitbit ang piano ni Lola Nene. Tumabi naman ako para makadaan sila.

"Anong ganap? Bakit nilalabas ang mga gamit sa attic?"tanong ko nang makita ko si Mama na nagbabantay sa mga pumapasok.

"Pinapakuha ng Tiya mo, pinapadala sa bahay natin sa San Jose. Buti na lamang at nilinisan ni Art ang attic. Nakakahiya sa bisita kung makita nilang makalat at napakadumi dun."tuwang-tuwang sabi ni Mama.

Wait...

What????

Si Art ang naglinis? Pagkatapos kong malaglag kahapon at sumakit pa ang likod ko dahil sa paglilinis tapos si Art? Si Art?

Napatingin ako kay Art na noo'y nagwawalis sa sala. Saktong pagtingin ko ang pagtama ng tingin nya sakin. Tiningnan nya ako ng nakakainis na tingin at nagsmirk.

Huh! Sasapukin ko to! Gagawin kong panget pagmumukha nito! Binigyan ko sya ng humabda-ka-sakin-mamaya-look.

Ayoko talaga ng favoritism, lahat ng sinasabi ni Art pinakikinggan ni Mama. Palagi sya with high honor habang ako with lang. Palagi nila akong kinokompara sa bwisit na lalaking ito. Kesyo, panganay daw ako dapat mas matalino ako, kesyo babae ako dapat mas malinis ako sa katawan ko, di naman ako dugtong fyi! Palagi syang umuuwing may award kapag sumasali sya sa contest. Samantalang ako, palaging inaagawan ng selpon. Palagi daw kasi akong panay wattpad kaya napapabayaan ko na ang pag-aaral ko at kaya din nagbago ugali ko. Buti pa nga yung mga nanay sa Wattpad, mapagmahal sa anak. Marunong umunawa, marunong makinig at higit sa lahat, marunong magbigay ng pantay na pagmamahal sa kanyang anak. Kung nasa Wattpad lang ako, gagawa ako ng sarili kong version ng paborito kong kwento. Kung pwede lang sana.

"Ano pang ginagawa mo dyan? Kumain ka na kung gusto mo pang mabuhay. Maglinis ka ng kwarto mo para may silbi ka naman. Tingnan mo si Art, nagawang linisan ang attic. Mas masipag pa sya sayo. Ano nga palang ginawa mo kahapon ng tanghali? Puro ka na naman yata basa sa selpon mo, hilata ka na naman. Wala ka na namang ginawa! Pinapatawag kita kahapon para kumain, sabi ni Art, tinatawag ka daw nya pero di ka daw kakain at minura mo pa talaga ako, humanda ka sakin mamaya ha!"pambabanta ni Mama.

Seriously???

Huh! Ako pang walang silbi? Si Art ang naglinis? Mas masipag? E halos lahat nga ng gawain sa bahay ako gumagawa tapos sya puro lang selpon at laro ng legends in mobile! Tapos ako ang tatawaging puro selpon? Huh! Ako pa talaga! Tinatawag na kumain? Wala ngang nagyaya saking kumain kahapon tapos sasabihin di ko gustong kumain? Pag-uuntugin ko kaya tong dalwa! Sa tuwing magagalit si Mama di ko sya nagawang murahin kashit sa isip ko! Ako pa ang lumabas na masama at tamad, kung masioag pala sya edi sana siya na lang naghugs ng sandamakmak na hugasin! Sila kakain, ako maghuhugas? Humanda talaga sakin tong si Art! Di ko hahayaang matapos ang taon na hindi ko nabubugbog ang pagmumukha nya!

Nang makaalis na ang lahat ng mga lalaking nagbubuhat, agad kong tinungo ang kwarto nina Art at Note. Malakas kong tinulak ang pinto at nilapitan si Art na noo'y naglalaro ng online game. Agad kong inagaw ang selpon sa kanya at tinapon.

"Anong...."di na sya natuloy ang sasabihin nya nang agad ko syang sinunggaban at hinawakan ang unahang bahagi ng damit nya sa ibaba ng neckline ng suot nyang T-shirt.

"ANO PANG SINABI MO KAY MAMA? ANOOOOOO!!!!"sigaw ko. Wala na akong pakialam kung may masaktan ako, basta ang mahalaga, makaganti ako. Matagal ko nang guatong gawin to sa bwisit na lalaking to e!

"Bahala ka sa buhay mo!"nakangisi nyang sagot. Tila nanggagago pa tong hayop na to!

" Kahit na magalit ka sakin, ako parin naman ang papaboran."

Di ko na napigil ang sarili ko, umapaw na ang buong galit ko! Itinulak ko sya ng malakas. Saktong pagkatulak ko sa kanya ay naroon sa likod ang umiiyak na si Note. Natamaan sya ni Art nang papatumba pa lamang ito at tumama ang ulo nya sa sahig. Naistatwa ako sa kinatatayuan ko nang makita kong hindi magising si Note. Pilit syang ginigising ni Art pero kahit nakailang ulit ay di parin magawang magising ni Note.

Maya-maya pa, narinig kong nagsalita si Mama sa may pintuan.

"Anong nangyayari dito?"

"Ma!"sigaw ni Art habang ginigising si Note. Agad na lumapit si mama sa kanila at nanatili lamang ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pilit ko mang lumapit ay di ko magawa. Di ko maigalaw ang buo kong katawan. Paghawak ni Mama sa batok ni Note ay binalot ang kaniyang mga kamay ng... Dugo?

Dugo?

Dumudugo ang batok ni Note. May laruan palang tumama sa batok nya. Laruang may matalim na dulo. Laruang pakalat-kalat dahil bago ako pumasok ay naglalaro pala sya ng blocks.

**end of flashback**

Mula pa kahapon ay di ko oa nakikita si Note. Hindi ko malaman kung anong lagay nya dahil di ako pinapansin ni Mama. Pinagbawalan din akong lumabas ng bahay kaya't tumakas lang ako para bisitahin si Note. Ano bang lagay nya? Ayos lang ba sya?

Diyos ko! Wag naman po sana!

Di ko magawang pumasok dahil nandun pa si Mama. Hinihintay kong makalabas muna sila bago ako pumasok. Nagtago lang ako dito sa likod ng puno at maya't maya'y tudo silip ako kung papalabas na ba sila Mama. Ilang oras na akong nag-aabang dito. Alas-4 nung pumunta ako dito at ngayon ay mag-aalas-11 na. Wala pa akong kain simula kahapon dahil sa nangyari.

Maya-maya'y nakita kong lumabas na sila Mama. Nang makalayo na sila ay agad akong pumasok sa loob ng ospital. Kahit na nakapambahay lang ako ay pinikit ko paring pumasok. Tinanong ko ang nurse na kung saang room nakaconfine si Note at sinabi nya naman sakin. Hinanap ko naman kaagad kung saan yun, napakaraming pasikot-sikot pala dito at andaming tao. Nakita ko ang iba't ibang taong naririto. May buntis, may pilay, may sugatan sa katawan, may kritikal, may nagpapahinga lang, may mga nakaupo sa labas at naghihintay at bigla akong kinilabutan nang mapadaan sa harap ko ang mga doktor at nars na may hila-hilang kung anuman. Sakay nito ang isang nakabalot sa puting telang katawan. Katawan ng isang bata.

Wag naman sana....

Please.....

Tinanggal ko ang takip at nakita kong ibang bata. Agad na umalis ang mga doktor at nars kasama ang bangkay. Salamat sa Diyos!

Nakarating ako kwarto kung saan naroroon si Note. Parang nanigas ang mga paa ko nang makita ko siyang nakahiga kasama ang iba pang pasyente. Tulog sya at may nakabalot sa ulo nya. Parang tela yata yun. Napatitig lamang ako sa kanya at piangmasdan sya sa bawat paghinga nya.

"Ikaw ba ang ate nya?" Tanong ng isang babae na nasa kabilang kama. Nasa edad 40 na yata sya at binabantayan ang anak nya yata na babae. Napatango na lang ako at pinagmasdan ulit si Note.

"Pwede bang bantayan mo muna sya, nababanyo lang ako."paalam nya. Di ko magawang sagutin ang tanong nya kung kaya't tanging pagtango ang nagawa ko. Tumayo sya at lumabas.

Lumapit ako kay Note at napaluhod. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag may mangyari sa kanyang masama. Di ko mapapatawad ang sarili ko na mawala sya. Rinig ko ang malalim nyang paghinga na tila pinipilit habulin. Hinawakan ko ang maliliit at malalambot na kamay nya. Kahit may natutulog sya ay napakacute nya pa rin. Hinalikan ko ang kamay nya at di ko namalayang unti-unti nang pumapatak ang mga luha ko.

"Hi, Note!"sabi ko sa kanya habang pilit na pinipigilan ang pagtulo ng luha ko. Pilit kong pinapakitang masaya para sa kanya dahil ayaw nyang nakikitang umiiyak ako. Sya palagi ang nagko-comfort sakin sa tuwing pinapagalitan ako ni Mama. Palagi nya akong niyayakap at hinahalikan.

~It's not the end of the road.

We got a long way to go.

Just trust in God have some hope.

Don't worry I'll be there for you.~

"Sorry talaga, Note. Andito na si Ate Cathy. Sorry sa nangyari sayo ha."sabay halik sa malalambot at matataba nyang daliri. Naramdaman ko ang paggalaw nya ng kanyang daliri na sya namang ikinalukso ng dugo ko.

~Ohh, ohh, you gotta trust in me.

Don't worry I will be. Right there for you.

Ohhh, I'll be right by your side.

Together we will rise. Doing what we do. Ohhh.~

"Note, gumising ka na please. Miss ka na ni Ate. Sorry talaga, Note. "

At biglang tumigil ang mundo nang marinig ko ang mahabang pagtunog na ang ibig sabihin ay....

~Don't say goodbye. Just see you later yeah.

Don't say goodbye. I'll see you soon again.

'Cause if you really want me there.

I'll be there to take your hand.

Gonna tell you it's alright.

As long as you don't say goodbye.~

"Anong ginawa mo?"tanong ni Mama sa akin. Di ko namalayang pumasok pala sya. Parang bumagal ang paggalaw ng lahat. Dumating ang mga doktor at nars. Nakatayo ako ngayon sa harap ng kinahihigaan ni Note. Ilang hakbang ang layo mula sa kanya, kitang kita ko kung paano pilit na binabalik ng mga doktor ang buhay ng aking bunsong kapatid.

Ang oras na dapat ay kumakain na kami ng sama-sama, Ilang minuto bago magpasko, Ilang minuto bago maging masaya ang lahat,

~No matter how long it takes.

Even if my bones would break.

I'm gonna take in the pain.

Until I see you again.~

Ang oras na dating pinakahinihintay ko dahil ito ang oras kung saan, sabay kaming humihiling ni Note...

" Note Pianne Clef Sonata, Time of death 11:11."

Ang oras ng kanyang pagkawala.

••••

January 08,2020

1:06 am

Isang linggo na rin ang nakakalipas nang mawala sa amin si Note. Nakatulala ako sa kawalan habang ang bawat sasakyang makakasalubong namin ay patuloy lamang sa pag-andar. Madaling araw palang pero ang di na ako makatulog, masyadong matagal pa bago ako makarating. Mula nang mawala si Note ay di ko mapigilang umiyak at sinisisi ang sarili. Kahit nasa bus ako ay tinatakpan ko ang aking bibig para di nila marinig at mapansing umiiyak ako. Nang dahil sa nangyari, nagsimula nang mag-iba ang tingin ko sa mundo. Hindi na ako nakikipag-usap sa marami. Tanging tango at ngiti na lang ang sagot ko. Siyempre, ngiting pilit.

Pinauwi muna ako dito sa San Jose dahil ayaw munang makita ni Mama ang pagmumukha ko. Sinalo ko lahat ng sisi nila sa pagkawala ng bunso kong kapatid. Wala nang nagko comfort sakin. Di na din ako kinakausap ni Med. Walang nagtatanong sakin kung ayos lang ba ako? Kung kamusta ba ako? Kumain na ba ako? Ganun na ba talaga? Kapag may nagawa kang mali, parang ipagtatabuyan ka nila? Mag-isa akong bumiyahe pauwi at ang perang naipon ko na dapat ay pambili ko ng paborito kong libro ang syang ginamit kong pamasahe. Mula nang malaman ni Mama na bumili kami ng libro na tig-1200 ay di ko na nakita pa ang librong yun.

••••

9:00 am

San Jose

Sinalubong ako ni Tiya Merlita at tinulungan akong bitbitin lahat ng gamit ko. Dala ko ang apat na malalaking bag na laman ang lahat ng gamit ko. Parang pinalayas ko sa bahay. Daig ko pa ang nakipagtanan.Tuwang-tuwang syang makita akong muli after 10 years. Sampung taon na pala yun. Haha... Tumandang dalaga si Tiya kahit na nung kabataan nya ay napakaganda nya. "Kumain ka na, alam kong gutom na gutom ka na. Ampayat mo na at bakit parang malungkot ang iyong mga mata?"pag-aalalang tanong ni Tiya Merlita.

" Ayos lang po ako."sabay ngiti para di halata yung sakit. Narinig kong nag-alarm ang cellphone ko. Happy Birthday!! Bati sa akin ng cellphone ko. Buti pa to nakaalala. Naalala ko, ako nga lang pala nagset nito. Pagkatapos kong kumain ay pinagpahinga muna ako ni Tiya. Natulog ako sa dating kwarto ni Lola Nene. Kahit na napakaluma na ay napangalagaan naman ito ni Tiya. Buti pa tong bahay, pinapahalagahan.

••••

8:27 pm

Nagising na ako at tulog naman na si Tiya. Maaga talaga syang natutulog dahil pinalaki sya sa tradisyonal na paraan. Wala akong magawa dahil nakacharge pa ang selpon ko. Pinagmasdan ko lang ang kisame ng kwarto habang nananatiling nakahiga. Nakita ko ang dalawang butiki na magkasama. Langya, harutan pa sa harap ko e. Umahon ako sa pagkakahiga ko at nag-isip ng gagawin. Nakita kong bukas ang table lamp at iniilawan nito ang isang kahon na nakabalot sa itim na wrapper. Nilapitan ko iyon at nakita ko ang maliit na itim na card na may nakasulat na 'Happy birthday!' sa harapan. Binaliktad ko yun upang malaman kung kanino galing at nakalagay ang pangalang Mr. Ios.

Binuksan ko ang kahon at tumabad sa akin ang isang libro. Ang librong balak ko sanang bilhin pero hindi ko na nabili. Nakalimutan ko na ang laman nito dahil sa nangyari kahit na dati ay saulo ko na ang bawat part at ilang beses ko nang nabasa. Nanginginig ako habang dahan-dahang tinatanggalan ng balot ang libro. Nang matanggal ko na ang balot ay dinama ko muna ang cover nito habang hindi ko mapigilang mapaiyak. Binuklat ko ito at sa unang pahina ay nakasulat ang mga salitang....

"Maghihintay ako sayo hanggang sa ang dagat at kalangitan ay muling magkatagpo."

**********************************

Note: Ang San Jose na tinutukoy ay hindi San Jose, Batangas o ano mang lugar sa bansa. Pawang kathang isip lamang ito at hindi nag-e-exist sa bansa o sa kahit anong panig ng mundo.

______________________________________