webnovel

Pagkagat Ng Dilim I (Peculiar Love)

Isang tipikal na babae. Iyan si Liane. Maraming problema sa buhay. Sa sarili, sa pag-ibig, sa trabaho, at ang pinakamatindi ay ang problema sa pamilya na nakaapekto na sa kanya ng husto. Hanggang sa isang araw ay nakabuo siya ng isang desisyong tuluyang makapagpapabago sa takbo ng kaniyang buhay. Makakaya kaya niyang harapin ang lahat ng mga hindi maipaliwanag na pangyayari na kaniyang nasasaksihan? At magagawa ba niyang papasukin sa kaniyang puso ang katok ng pag-ibig? Gayong iba ito sa kaniyang nakasanayan. Paano kung matuklasan niya ang tunay na pagkatao ng mga ito? Kasabay ng nagbabadyang panganib sa kanyang buhay. Mananatili ba siya at buong pusong tatanggapin ang lahat? O lalayo at pipiliting talikuran at takasan ang lahat?

MissA_begail16 · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
46 Chs

SAMUEL

"Magbabayad siya sa ginawa niya kay Liane sa sandaling makita ko siya ulit." Nagtatagis ang mga bagang na sabi ko ng makita ang lagay ni Liane. Lalo na ng mapansin ang wala sa ayos nitong suot.

"Tama ka. Sisuguraduhin natin na pagsisisihan ng lalaking iyon ang ginawa niya," sang-ayon ni Chris at mas lalo pa naming binilisan ang pagtakbo para makarating agad sa bahay at ng magamot agad ang mga sugat ni Liane na walang tigil ang pagdurugo.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay at nagtuloy sa pinakamalaking bukod sa kwarto ng parents namin. At maingat na inilapag ni Chris ang wala ng malay na si Liane.

"Kukuha lang ako ng basang bimpo para malinis ang sugat niya." Hindi ko na hinintay ang sagot ni Chris at nagmadaling nagtungo sa banyong naroon din sa loob ng kwarto. Pagbalik ko ay naratnan kong hinuhubaran na ito ni Chris. "Ano'ng ginagawa mo, Chris?"

"Kailangan kong tanggalin ang mga suot niya dahil nalagyan na rin ang mga ito ng dugo," sagot nito na natanggal na ang suot na pantalon ni Liane. At ang tanging natira na lang ang mga panloob nito. Tahimik naman akong naupo sa gilid ng kama katabi ni Liane at marahang hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumakip sa mukha nito. "Punasan mo na siya maghuhugas lang ako ng mga kamay," sabi nito bago nagtuloy sa banyo.

Maingat kong pinunasan ang mga dugong nasa leeg ni Liane pero sa tuwing dumadaing si Liane dahil sa natamong mga sugat ay lalong nadaragdagan ang galit ko para sa lalaking gumawa nito sa kaniya.

"Huwag kang mag-alala, sisiguraduhin naming pagsisisihan ng lalaking iyon ang mga ginawa niya sa `yo…"

Nang malinis at mawala na ang mga dugo sa sugat ni Liane ay dahan-dahan kong pinaglandas ang dulo ng mahaba kong dila sa mga tusok ng kuko sa leeg nito. Upang mas mapabilis ang paghihilom ng mga iyon, dahil may taglay na kakaibang kemikal ang laway namin na nakapagpapabilis sa maghilom ng mga sugat na hindi gaanong malala.

Nasa ganoon akong ayos nang bumalik si Chris na tanging boxer shorts na lang ang suot at marahang sumampa sa kabilang panig ng kama at ginaya ang ginagawa ko.

Habang ginagawa namin ang pagdila sa mga sugat ni Liane ay narinig namin ang mahinang mga ungol nito at bahagyang napapaliyad. Ilang sandali pa ay napuno na ng mabangong amoy ni Liane ang buong kwarto, tanda na napukaw namin ang katawan nito. Hanggang sa tuluyan ng gumaling ang limang sugat na nakita namin

At dahil wala na kaming ibang pinagtutuunan ng pansin ay ang naging reaksiyon ng katawan ni Liane ang napagbalingan namin. Hindi ko na napigilang isubsob ang mukha ko sa leeg ni Liane para langhapin ang halimuyak nito.

Hanggang sa maramdaman ko ang unti-unting pagkabuhay ng pagkalalaki ko dahilan para mapadaing ako dulot ng pagkakaipit niyon sa suot kong jeans. Kaya itinigil ko muna ang ginagawa ko at tumayo para hubarin ang suot kong pantalon at isinama ko na rin ang t-shirt, at itinira ko lang ang boxer shorts ko.

Nang matapos kong maghubad ay nanatili lang akong nakatayo sa gilid ng kama upang pagmasdan ang ginagawang paghalik-halik ni Chris sa leeg ni Liane pababa sa dibdib nitong natatakpan ng itim na bra.

Hindi ko napigilang himasin ang aking harapan ng lalo iyong mag-umigting dahil sa nasasaksihan. Habang napapakagat-labi dahil sa tindi ng emosyong lumulukob sa aking buong katawan. Tila ba unti-unting tinutupok ng apoy ang loob ng katawan ko na dahan-dahang gumagapang sa bawat himaymay ng aking laman.

Kaya hindi ko na kinaya ang manood na lang at maingat na rin akong sumampa sa ibabaw ng kama. Upang gayahin na rin ang ginagawa ni Chris.

Dinampian ko muna ng magaang halik ang mga labi ni Liane na bahagyang nakaawang bago bumaba patungo sa leeg nito. Habang ang kanang kamay ko ay marahang humihimas pataas at pababa sa braso nito bago lumipat sa dibdib at sinapo ang kanang s*so mula sa ibabaw ng suot nitong bra, at marahang pinisil-pisil dahilan para mapaungol ito.

At ng sulyapan ko si Chris ay nakita kong nasa kaliwang hita na ni Liane ang mga labi nito habang humihimas naman sa puson ang kaliwang kamay nito. Naging mapangahas na rin ang aking mga kamay at walang pag-aalinlangang sinapo ang pagitan ng mga hita nito na natatakpan ng itim ding panty at marahan iyong hinimas-himas

Isang ungol ang umalpas sa aking mga labi ng makaramdam ko ang pamamasa ng suot nitong panty kasunod at mahihinang ungol. Napahinto si Chris sa ginagawa nito upang panoorin ang ako bago muling bumalik sa dibdib ni Liane at dahan-dahang hinila pababa ang isang strap ng suot nitong bra hanggang sa lumitaw ang isang s*so.

Nang tumambad ang isang n*pple nito ay wala ng inaksayang sandali si Chris at agad na isinubo iyon at marahang sinipsip na tila isang sanggol. Dahilan para umalpas ang isang ungol mula sa mga labi ni Liane kasabay ng pagliyad. Ramdam kong lalo pang namasa ang pagitan ng mga hita nito dahil sa ginagawa ni Chris.

Nasa ganoon kaming ayos ng makarinig kami ng malakas na kalabog mula sa ibaba ng bahay. Kaya agad kaming naging alerto at pumwesto sa paanan ni Liane at inihanda ang sarili sa kung sino man ang pangahas na pumasok.

Pero agad rin kaming nakampante ng bumungad sina Alexander at Jake na parehong hinihingal at halatang galing sa isang labanan dahil sa mga sugat at magulong kasuotan.

"Nasaan na ang pangahas na lalaking iyon?" Nagtatagis ang mga bagang na tanong ko kasabay ng panginginig ng aking katawan.

"Nakatakas ang walanghiya! Bigla na lang naglaho habang hawak ko!" Nanggigigil sa galit na sagot ni Alexander habang nangingislap ang pula nitong mga mata dahil sa matinding emosyon. At lalo pa iyong tumingkad ng magawi ang mga iyon sa direksyon ng wala pa ring malay na si Liane. "Kamusta si Liane?" Mahinang tanong nito habang marahang naglalakad palapit sa kama.

"Okay naman na. Naghilom na ang mga sugat niya. Mabuti na lang at mababaw lang ang mga sugat niya," sagot ni Chris.

Nang makalapit ito ay maingat itong naupo sa gilid ng kama at pinaglandas ang kanang hintuturo sa kaliwang pisngi habang masuyong nakatitig sa mukha nito.

"Kailangan na natin siyang maangkin para sa kaligtasan niya…"

"Sigurado ka ba? Ang sabi mo kailangan muna niyang maging kumportable sa lugar na ito," naninigurong tanong ko.

"Oo. Para mas madali nating maramdaman kapag may panganib na nangyayari sa kaniya. Lalo na at may banta sa buhay niya."

"Hintayin muna nating siyang magising para masabi natin sa kaniya ang kailangan nating gawin," suhestiyon ni Jake bago nagtuloy sa banyo. Paglabas nito ay tanging ang boxer shorts na lang ang suot nito. "Magpinis ka muna ng katawan mo, Alex. May mga dugo ka pa sa kamay."

Napahinto ito sa ginagawa at mabilis na tumayo at nagtungo sa banyo. Habang kaming tatlo ay naupo sa palibot ni Liane at tahimik itong pinagmasdan.

"Ano'ng kailangan nila kay Liane? Bakit pinagtangkaan siya?" Tanong ko na walang pinatutungkulan.

"May nabanggit ang lalaki tungkol sa harang at sa panginoon niya. Pero hindi namin alam kung anong kinalaman ni Liane sa mga iyon," sagot ni Jake. "At sa tingin ko babalik pa ang lalaking iyon."

"Hindi ko maintindihan. Paano siya nakapasok sa harang? `Di ba inilagay ang harang para walang makapasok na tagalabas?" Naguguluhang tanong ni Chris.

"Iyan ang kailangan nating alamin. Dahil mukhang may inilihim sila mommy tungkol sa harang." Narinig naming sabi ni Alexander na kalalabas ng banyo at nagtuloy sa binakante nitong pwesto sa tabi ni Liane.

Matapos ang usapang iyon ay natahimik na kami at nahulog sa malalim na pag-iisip habang hinihintay na magising si Liane. Na ilang sandali lang ay narinig naming napaungol at napadaing tanda na nagigising na ito.

"A-aray… ang sakit ng katawan ko…" daing nito na napasapo pa sa ulo habang unti-unting dumidilat.