Napansin ko ang pag-aalangan sa mukha ni sir Alexander matapos kong sabihin iyon. Na para bang ayaw nitong sagutin ang tanong ko.
"Sir?"
"Ahm... Alexander na lang ang itawag mo sa akin. O kung saan ka mas komportable," sabi nito na hindi makatingin ng diretso sa akin. Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari at tungkol sa lakbay-diwa na sinasabi ng lalaking hindi ko pa rin alam ang pangalan. Pero pilit kong iniintindi ang lahat dahil kahit marami akong hindi maintindihan ay hindi ako makapaniwala na nararanasan ko ang lahat ng ito. Na sa mga libro ko lang nababasa. Na ngayon ay nararanasan ko na.
"Wait, hindi pa pala kami pormal na nakakapagpakilala," sabi nang nakilala kong Chris kaya napatingin ako rito. "Ako nga pala si Chris, ang bunso at pinakagwapo sa aming magkakapatid." Malawak ang ngiting pagpapakilala nito na paluhod na lumapit sa akin sa ibabaw ng kama. At mabilis akong kinabig at niyakap ng mahigpit. Ramdam ko ang pag-iinit ng buong mukha ko nang masubsob ako sa hubad nitong dibdib.
"Hi..."
"Hoy, Chris! Bumitaw ka na nga. Naiilang na si Liane," saway ni Jake.
"Sorry naman. Masaya lang ako dahil nagkakilala na kami ng personal," sagot nito habang kumakalas sa pagkakayakap sa akin. At mabilis akong dinampian ng halik sa kaliwang pisngi bago tuluyang kumalas.
"Ako nga pala si Samuel, Sam for short. At tulad ng sinabi ni Chris, masaya rin ako at nakita na kita ng personal. Hindi man maganda ang naging dahilan." Pakilala nang lalaking sa wakas ay alam ko na ang pangalan. Pagkatapos ay sumampa ito sa kama at pagapang na lumapit sa akin, hanggang magtapat na ang aming mga mukha.
Lalong nag-init ang mukha ko dahil ga-hibla na lang ang agwat ng aming mga labi. Nanlaki ang aking mga mga ng walang sabi-sabing lumapat ang mga labi nito sa akin. At dahil sa pagkagulat ay napaawang ang mga iyon na sinamantala naman nito. Dahil naramdaman ko na lang ang pagpasok ng dila nito kasabay ng pagsapo ng kanang kamay sa batok ko upang mas dumiin pa ang halik.
Wala sa sariling napapikit ako dahil sa kakaibang pakiramdam na bumalot sa buong katawan ko. Kasabay ang pagdaloy ng mumunting boltahe ng kuryente sa bawat himaymay ng aking laman hanggang sa bumaba iyon at maipon sa bandang puson ko. Natauhan lang ako ng makarinig ng ungol, at sa nanlalaking mga mata ay naitulak ko ito. Dahil ang ungol na narinig ko ay nagmumula pala sa sarili kong mga labi.
"Woah! Ang daya mo, Sam!" Maktol ni Chris na masama ang tingin dito.
"Tsk! Slow ka kasi!" Asar ni Jake na lalong ikinalukot ng mukha ni Chris.
Hinihingal na napatakip naman ako sa aking bibig. Dahil pakiramdam ko ay namamanhid ang mga labi sa dulot ng katatapos lamang na halik. Natigil ang pag-aasaran nina Jake at Chris ng tumikhim si Alexander at pinukol ng masamang tingin ang dalawa.
"Akala n'yo ba nakalimutan ko na ang itinanong ko dahil sa nangyari? Gusto kong malaman kung ano iyong harang na sinasabi nila. At ano ang kinalaman ko sa lahat ng nangyayari?" Wala na akong pakialam kahit paulit-ulit na lang ang itinatanong ko dahil gusto kong maliwanagan sa lahat ng nangyayari na may kinalaman sa akin.
"Bago ang lahat," simula ni Alexander. "Natatandaan mo ba kung saan ka nagtago, Liane?"
Bigla ang malakas na pagkabog ng dibdib ko sa tanong na iyon. Kasabay ng paggapang ng kilabot sa buo kong katawan. "Ba-bakit?"
"Alam naming mahirap para sa iyo ito, pero alam naman nating lahat na hindi lang iyon isang masamang bangungot. At kailangan namin ng lahat ng bagay na may kinalaman sa bangkay para malaman ang pagkakakilanlan nito. At kung taga-rito ba ang biktima," sagot ni Alexander. Ilang sandali akong natulala at kahit anong pag-iisip ang gawin ko ay tila nabablangko ang utak ko. Dahil unconsciously ay ayaw na nitong balikan ang nakaka-traumang pangyayari.
"Liane? Alam naming mahirap pero kailangan naming malaman," pukaw sa akin ni Samuel. Napahigit ako ng hininga bago marahang tumango. Ilang beses muna akong napalunok bago ko nagawang makapgsalita.
"Hindi ko alam ang eksaktong lugar dahil madilim. Pero ang alam ko nagsumiksik lang ako sa maliit na espasyo ng dalawang bahay `di kalayuan sa pinangyarihan ng krimen. Pasensiya na, iyon lang ang naaalala ko."
"Huwag kang mag-alala. Ang mga tauhan ko na ang bahala." Napatingin ako kay Sam nang sabihin nito ang mga iyon. "Yes, isa akong alagad ng batas. At ako ang Superior." Tanging pagtango na lang ang naitugon ko bago muling tumitig sa kawalan.
Narinig ko na lang na may kausap si Sam, pero hindi ko gaanong pinansin iyon dahil alam ko na kung para saan ang tawag na iyon. Ilang sandali pa ay muling binalot ng katahimikan ang paligid.
"Okay. So? Saan mo gustong magsimula?" Narinig kong tanong ni Alexander kaya napalingon ako rito.
"Sa simula?"
"Right. Okay, sisimulan ko sa harang. Pero kung maaari sana makinig ka muna sa lahat ng sasabihin ko, namin. At saka ka na magtanong kapag natapos na kaming magpaliwanag. Okay?"
"Okay."
"So?" Bungad nito bago huminga ng malalim. "Mayroon talagang harang itong lugar namin. Isang invisible barrier na inilagay sa pamamagitan ng isang orasyon upang hindi makalabas ang kahit na sino o ano mang may buhay. Inilagay ang harang upang hindi na muling makapasok dito si... si..." Napakunot-noo ako ng mapansin kong tila nahihirapan si Alexander na sabihin ang pangalan ng taong iyon.
"Si Noel," sabat ni Sam. Napansin ko ang pag-igting ng mga panga nito matapos banggitin ang pangalang iyon. Bubuka pa lang ang bibig ko para magtanong ng magpatuloy sa pagsasalita ito sa pagsasalita. "Ang kakambal ni daddy Ian. Na daddy rin namin."
Dalawa ang daddy nila? Tanong ko sa sarili habang nakatitig sa mukha ni Sam.
"Ginawa iyon para sa kaniya," pagpapatuloy ni Alexander. "Dahil pinarusahan siya. Exile, dahil hindi kaya ni daddy Noel na patayin ang sarili niyang kapatid na katumbas na parusa ng krimeng ginawa niya. Ang sabi ni daddy Ian, walang sino man ang makakapasok sa harang. Kaya hindi namin maintindihan mung paano ka nakapasok."
"P'wede bang malaman kung ano'ng krimen ang ginawa ng da—, ng lalaking sinasabi n'yo?"
"Pumatay siya ng tao. Pagkatapos ay kinain ang laman-loob at ininom ang dugo," sagot ni Alexander.
"Gaya nang nakita kong ginawa no'ng nilalang na iyon..."
"Hindi n'yo alam kung may kahinaan ang harang?" Sabay-sabay na iling lang ang naging tugon ng mga ito. "Eh, ano'ng kinalaman ko sa mga ito? Bakit pinagtangkaan ako no'ng lalaki?"
"Hindi rin namin alam," mariing sagot ni Alexander na napahilamos pa sa mukha at halatang naiinis. "At iyon ang kailangan naming alamin."
"Kung narito lang sana sina mommy at daddy Ian. Mas madali nating malalaman ang sagot." narinig kong sabi ni Chris.
"Bakit? Nasaan ang parents n'yo?"
"Dahil sa nangyari kay... sa kambal ni daddy Ian kinailangan nilang magbakasyon dahil masyadong dinamdam ni mommy ang nangyari. At hindi pa rin sila bumabalik," sagot ni Jake.
"Bakit hindi ninyo tawagan?"