Pakiramdam ko ay namanhid ang aking buong katawan ng bigla na lang mawalan ng malay si Liane. At hindi namin malaman kung ano ang gagawin dahil pare-pareho kaming natulala.
"Liane!" Sigaw ni Chris na nagpabalik sa wisyo ko. At nakita ko na lang ito na kalong ang walang malay na babae.
"Chris! Umayos ka nga! Nawalan lang siya ng malay. Magigising ding siya mamaya!" Saway ni Jake na nakabawi na rin sa pagkatulala. "Iayos mo na lang siya ng higa at kumutan. Mukhang hindi niya kinaya ang lahat ng nangyari at nalaman niya sa araw na ito. Hayaan na muna natin siyang makapagpahinga."
Bantulot na inihiga ni Chris si Liane at inayos ang pagkakahiga bago kinumutan.
"Ang mabuti pa sa baba muna tayo. Kailangan nating pag-usapan ang tungkol sa sinabi nang lalaking iyon. At isa pa kailangan din nating maghanda ng hapunan dahil siguradong gutom na si Liane kapag nagising siya mamaya," sabi ko sa mga ito habang nakatitig sa maamong mukha ng nahihimbing na si Liane.
"Tama si Alex," sang-ayon ni Samuel na maingat na lumapit kay Liane at masuyong hinaplos ang mukha nito bago dinampian ng halik ang nakaawang nitong mga labi. Pagkatapos ay maingat ng bumaba ng kama at nagtuloy sa pinto.
"Sleep well, Liane…" bulong ni Chris bago dumukwang at dinampian din ng halik ang mga labi nito. Ikiniskis pa nito ang kanang pisngi sa kaliwang pisngi ni Liane bago tuluyang bumaba ng kama at nagtuloy sa pinto.
"Hay… Akala ko pa naman makakaiskor na tayo," nanghihinayang ng bulong ni Jake bago marahang lumapit kay Liane at hinalikan ang mga labi nito habang hinihimas ang kaliwang pisngi nito. Ilang sandali rin nitong tinitigan ang mukha ni Liane bago napagpasyahang bumaba ng kama at lumabas ng kwarto.
"Akala ko rin…" bulong ko nang kami na lang ang naiwan. "Ang daya mo talaga…* Ilang sandali ko munang pinagmasdan ang malalantik nitong mga pilik-mata habang tini-trace ang manipis nitong kilay. Pababa sa matangos nitong ilong, hanggang dumako ang mga mata ko sa nakaawang nitong mapulang mga labi. Na para bang nag-aanyayang halikan ito, kaya hindi ko na napigilan ang sariling kong ilapat ang mga labi rito. Pakiramdam ko ay para bang may malilit na boltahe ng kuryente ang nanulay mula sa magkahugpong naming mga labi patungo sa iba't ibang parte ng aking katawan. Bago bumaba at naipon sa bandang puson ko. Dahilan para mapadaing ako ng maramdaman ko ang unti-unting pagkabuhay ng alaga ko.
"Alex!" Sigaw na nagpabalik sa akin sa reyalidad. At doon ko lang namalayang nakakuyom na pala ang mga kamay ko sa nahihimbing na si Liane. Hinihingal na nag-angat ako ng mukha para muli itong pagmasdan at pagsawain ang mga mata ko sa mukha nito. Nang muli akong makarinig ng sigaw mula sa ibaba ng bahay.
"Tak! Istorbo!" Naiinis na bulong ko bago muling dinampian ng halik si Liane. At kahit ayaw ko pang tumayo ay pinilit ko na ang sarili kong bumaba ng kama at mabagal na naglakad patungo sa pinto. Ilang sandali ko muna itong pinagmasdan bago ko tuluyang isinara ang pinto.
"Alex!" Narinig kong muling sigaw mula sa baba.
"Bwisit ka, Chris! Ang ingay mo!" Reklamo ko habang pababa ng hagdan.
"Sus! Ayaw mo lang kasi maistorbo sa ginagawa mo. Madaya ka talaga." Nabungaran ko itong nakasalampak sa pang-isahang sofa at yakap ang isang throw pillow.
"Tsk! Nasaan sila Sam at Jake?" Usisa ko pagkatapos sumalampak ng upo sa mahabang sofa.
"Si Jake nagluluto ng hapunan. Si Sam naroon sa labas may kausap sa phone."
"Ang ingay mo kasi kaya kailangan pa niyang lumabas," sumbat ko rito pero sinamaan lang ako ng tingin.
At dahil wala pa naman ang dalawa ay nanatili lang kaming tahimik ni Chris habang nakatitig sa kawalan. At alam kong iisa lang ang iniisip namin, ang tungkol sa harang at kung sino ang panginoon na sinasabi ng lalaking iyon.