webnovel

Chapter 10

***

"Malapit na tayo." Nakangiting pagpaparinig ni tito sa aming lahat.

"Kuya." Tawag ko dito.

Tumingin lang siya sakin habang naka kunot noo.

"Pengeng kiss." Bulong ko dito.

Nang tignan ko siya ay nanlalaki pa ang mata habang namumula.

Tumawa nalang ako sa isip ko.

"Kuya." Pangungulit ko dito.

Ewan ah, Pero simula ng naging maayos kami hindi kona siya nahalikan. Pinagdadamutan na niya ko.

Tumingin lang siya sakin na hindi nagsasalita. Ano sinaniban naba si kuya ng masamang spirito?

Nang bigla nalang ako nakaisip ng kalokohan.

"Tignan lang natin kung hindi kita mahalikan." Bulong ko pa habang nakatingin sa kanya.

Palipat-lipat lang ang tingin niya, sakin at saka sa bintana.

"A-aray." Daig ko na alam kong siya lang ang makakarinig.

"Ang sakit." Dugtong kopa.

Tinignan ko lang siya sa gilid ng mata ko. Tama nga ako napukaw ko ang atensyon niya.

"Bakit? Anong nangyayare sayo? Anong masakit?" Agarang tanong niya, pero hindi ko siya pinansin nakayuko lang ako habang palihim na tumatawa.

Epektive ang plano.

"Kuya, aray ang sakit..." daig ko paren sakanya.

Hihiyaw na sana siya para tawagin ang mga magulang niya ng hiniklat ko siya papalapit saakin.

Hinalikan ko siya bigla ng mapusok na alam kung magugustuhan niya. Dahil hindi naman kami tanaw dito nila tito ay pinag-igihan kopa ang paghalik sa kanya. Tulog naman ang mga kapatid niya kaya malaya kaming nakakagawa ng milagro dito sa likuran.

Tumatawa akong bumitaw sakanya ng malapit nakong maubusan ng hininga.

Nakatulala lang siya dahil siguro hindi niya inaasahang hahalikan ko siya.

"BoOm kilEg." Pag iinsulto ko dito.

Nang mahimasmasan siya ay bigla nalang niya kong tinignan ng masama. Inirapan ko nalang siya, akala siguro niya siya ang mananalo, si peter kaya to! lahat ng gusto ko nakukuha ko.

Nabigla ako ng bigla nalang huminto ang sinasakyan namin.

Tatanungin kona sana sila tita ng biglang magsalita ang katabi ko.

"A-andito na tayo." Sambit niya na sa labas nakatingin.

Kung sabagay nakababa naman na kami sa eroplano kaya mabilis lang ang naging biyahe papunta mismo dito.

Nang bumaba nako ay siyang dating ng mga kasama namin.

"Omg!! Namiss ko tong tagaytay." Maarteng sambit ni jane, anak nila tito zleo at tita almira.

May isa pang anak sila tito zleo si kuya zack. Ang pagkaka alam ko mag bestfriend sila ni tito miko kaya nalilibre kami dito. Sa katunayan sakanila itong resort na ito. Ang kaso hindi naman nila pinupuntahan.

"Yes sis, namiss kona mag suot ng swim suit." Tiling saad ng bagong labas na si mika, anak siya nila tito justine at tita elizabeth. Gaya nila tito zleo ay may isa padin silang anak na si kuya renz. Pinsan ni tito mico si tito justine at kaibigan naman ni tito justine si tito zleo.

"Kahit kelan talaga, ang ingay ingay ninyo." Singit ni roter sakanila habang naglalakad papalapit samin. Anak naman siya nila tito martin at tita jessica. Gaya ng mga nauna may isa din itong kapatid at si ate camilla. Magpinsan din si tito martin, tito mico at tito justine.

"Ang kj mo talaga kahit kelan roter." Irap na turan ni michelle. Anak ni tito melvin at tita janine. Tulad din nila ay may kapatid din ito na hindi kopa nakikita. Gaya ng nauna kaibigan lang din niya si tito zleo at pinsan niya si tito mico, tito martin at tito justine.

Kami kami palang ang nandito malapit sa mansyon nila tito zleo dahil may inaayos pa sila dun. Ang iba naman ay tulog pa ata kaya hindi pa lumalabas.

Nang mapansin kami ng apat na babae ay ngimiti lang sa akin ang tatlo at inirapan ako ni jane, kaya kunot noo akong napatingin dito pero tinaasan lang niya ako ng kilay.

"Kuya ashton, ikaw naba yan? Omj ang gwapo mo talaga." Gulat na bigkas ni jane sabay tili habang patakbong lumapit samin.

Naiirita man kahit ngayon ko lang siyang nakasama ay nagsawalang kibo nalang ako.

Kitang kita ko kung paano mailang si kuya sakanya pero siya lapit lang ng lapit kay kuya. Hindi ba siya aware na baka may covid 19 siya? Tapos manghahawa pa siya dito.

"Naku hindi na kasi kami nakakasama dahil laging busy." Ilang na turan pa ni ash kay malanding jane na lintek kong makapulupot sa braso ni kuya.

"Selos." Tanong sakin ni roter. Nagtataka man kung pano niya nalaman ay nagkibit balikat nalamang ako.

"Bakit naman ako magseselos at kanino?" Pagalit na turan ko dito.

Tinawanan lang ako nito na siyang kinainis ko.

"Easy bro, relax hindi ako ang umaagaw." Natatawang sambit niya pa habang may pataas pa ng kamay.

Sa totoo lang hindi ko naman sila ganun ka close dahil pagkaka alam ko bata pa lang ako ng huli ko silang nakasama at dito din mismo sa tagaytay. Kaya nagtataka ako kung pano nalaman ni roter na..ano nagseselos ako.

"Ganyan talaga yang si zack napaka antukin, sa bahay nga kahit ilang alarm clock pa ang ilagay mo sa kwarto niya hindi nagigising." Pagkukuwento ni tita almira kila tita habang papalapit samin.

"Zack anak gisingin mo na din yang mga kuya mo. Maliwanag?"

"Yes mam." Humihikap na saad nito.

Ilang minuto pa ang lumipas ay kompleto na din kami kaso sila tita janine ay may hinahanap pa sa loob ng kotse nila.

"Mauna na tayo, matagal pa yang si tita janine ninyo, hayaan ninyo andun naman si marvin para tulungan siya" nakangiting pag aaya saming lahat ni tito melvin.

"Mabuti pa nga, tito sobrang init kaya." Pairap na sambit ni mika. Kaya nagsigalaw na ang lahat papasok sa mansyon.

Bakit parang wala lang sakanila ang kaartehan ng mga babae nato. Kung ako ang sabihan ng ganun, naku tiyak na maghihiram sila ng muka sa aso.

"Bro tara na, nasa loob na silang lahat." Anyaya sakin ni roter. Tumango nalang ako sakanya at sumabay na papasok sa mansyon.

Tanaw ko na sila papasok lalo si kuya ash na nakatingin lang sakin habang hinihila siya ni jane.

Ano paba magagawa ko? Edi, hindi nalang sila pansinin.

"Gaya ng dati sa taas kayong mga bata." Hayag ni tito zleo.

Sumunod nalang ako dahil umakyat nadin silang lahat sa taas.

"Bumaba din kayo pagka ayos ninyo ng gamit at nagpahanda na kami ng pagkain." Saad samin ni tita almira.

Nagkanya kanya na sila ng pasok kaya namili na din ako ng magiging akin.

Nakita ko si kuya na sa unang kwarto pumasok, na sinundan naman nila hanggang sa tatlo nalang ang natira at sa dulo pa.

Kaya pangalawa sa dulo ang napili ko.

Mapapansin mo naman pag may tao na sa loob dahil nakasabit sa pinto ang mga susi. Pag wala na dito may tao na sa loob.

Pagbukas ko ng pinto ay kasing ganda at luwang din siya ng kwarto ko kila tita liza.

Maganda ang pagkaka ayos dahil pansin mo agad. Saktong sakto kompleto ang gamit dito.

Nahiga na muna ako bago naisipan na ayusin ang gamit ko.

Nang lumipas ang minuto ay lumabas na din ako.

Saktong labas din naman nila kuya renz at ni roter. Nginitian lang ako ni kuya renz,

"Bro gala tayo mamaya ah!" Saad sakin ni roter. Tumango nalang ako at naglakad na kaming tatlo pababa.

Pababa palang kami ay rinig muna ang tawanan nilang lahat na pinangungunahan ni tita liza. Iba kasi si tita liza, parang may microphone ang bunganga.

Natatawa man sa naiisip ay nagsawalang kibo nalang ako.

"Kain na, asan yung iba?" Saad samin ni tita almira. Si kuya renz nalang ang sumagot na hindi pa lumalabas.

Si kuya ash at si zack palang ang andito, kompleto naman ang magulang nila at sila tita.

Marahil nabitin sila sa tulog kaya hanggang ngayon tulog pa sila.

Kumain nalang din ako ng bigla akong kinausap ni tita janine. "Peter anak mamaya ipapakilala kita kay marvin ah."

Tumango nalang ako kay tita at nakinig nalang sa usapan nila.

Kahit kelan talaga si tita, sobrang close ko kasi kay tita ewan ba ang gaan kasi ng loob ko. Madalas din kasi siya kila tita liza.

"Oo, dun din mag aaral yang si marvin, oh ayan napala sila, Marvin anak!"

Napalingon naman ako sa pintuan at nabigla kung sino ang pumasok.

'Si marvin sa party ni cloud'.

Naalala ko tuloy yung pangungulit niya sakin. Lagi niya akong inaaya lumabas pero lagi akong tumatanggi kaya tumatawag nalang siya sakin.

Nang magtama ang mata namin ay biglang kumabog ang dibdib ko, shit kinakabahan ata ako sakanya. Napaiwas nalang ako ng tingin saktong kila lovely at kobe. Nakangiti sila sakin kaya ngumiti nalang din ako.

"Marvin bilis, ang tagal ninyo ah! Umupo na kayo at kumain." Nakangiting saad ni tita janine sa mga bagong dating.

Dumiretso lang ang tatlong babae habang walang pake sa sinabi ni tita. Sumagot naman ang natira ng maayos.

Pansin ko na nakatingin sakin si marvin, kaya inangat ko ang tingin ko sakanya.

Ang lawak ng ngiti niya habang nakatingin sakin.

Hindi ko nalang sila pinansin at tinapos na ang pagkain.

Nang tapos na ang lahat ay tumayo nako at nagpaalam.

"Hindi ko alam na ikaw pala ang kinukwento sakin ni mama," tumatawang hayag ni marvin sakin. "Mas may pag-asa na pala ko.

-----