webnovel

I Saw You from a Far

Raphael's POV

INILIBOT ko ang paningin ko sa kapaligiran. Nasa loob ako ng isang magarang opisina.

Puno ng mga papeles ang mesa na nasa tapat ko, kompyuter na nakabukas sa windows, at mga sketch papers na may mga guhit na building designs. Damang-dama ang lamig ng air-conditioned na area. Kulay tsokolate't itim ang ginamit na kulay sa bawat kagamitan dito, magmula sa swivel chair na kaharap ng mesang gawa sa matibay na kahoy, at sa maliit na shelves na kinalalagyan ng iba't ibang kulay na folders. May maliit na mesa sa gitna na yari sa pinaghalong bakal at salamin ang disenyo. Sa harap nito ay magkabilaang pang-tatluhang tao ang haba na sofa na kulay itim din.

Hindi sa akin pamilyar ang opisinang kinaroroonan ko, pero base sa mga nakasabit na portrait na puro design ng lupain, at iba't iba pang mga building structure, alam kong arkitekto ang may ari nito.

Napatingin ako sa salaming pinto nang tumunog ito nang buksan ng isang lalaki. Nakikita ko ang katawan niya, ang bulto nito, pero hindi ko makita ang mukha. Sobrang blurred nito. Pinagmasdan ko ang babaeng kasunod niyang pumasok. May makinis ngunit morenang balat, mas mahaba lang nang kaunti sa balikat ang kulot nitong buhok. May kagalang-galang na mukha ang babae na bumabagay sa dress nito na pang-opisina, na siyang bumabagay sa magandang hubog ng katawan nito.

Tahimik lang sila, at ang tanging naririnig ko lang ay ang matunog na sapatos ng dalaga sa gawang tiles na sahig.

Nang ibuka ang bibig akala ko maririnig ko sila, pero hindi. Bigla akong naging bingi sa boses pero dinig ko ang bawat kilos.

Base sa nakikita ko ay alam kong may ino-offer ang dalaga sa lalaking walang mukha na malalaman lang na may ari ng opisinang 'to dahil nakasuot ito ng itim na formal attire.

Nangunot-noo ang dalaga.habang nakatingin sa lalaki. Mayamaya ay tumayo na ang dalaga hawak ang bag at folder na orange niyang dala magmula kanina.

Kumurap-kurap ako nang manlabo ang paningin ko. Pagkakurap ko ay nakita ko na lang na nakahiga sa sofa ang dalaga at nasa ibabaw ang lalaking pilit na idinidikit ang labi sa leeg niya habang hawak nang mahigpit ang magkabilang braso kapantay ng ulo. Kitang-kita ang paglaban ng babae ngunit nangingibabaw ang lakas ng lalaki.

Kita ko ang pag-iyak ng babae at alam kong pagsigaw nito. Hindi ko marinig ang boses niya, pero ang bawat galaw nila sa sofa ay naririnig ko. Ang malakas na pagkakabagsak ng sapatos nito sa sahig kakapilit na lumaban.

Hahakbang na sana 'ko para tulungan ang babae, pero hindi ko magawang igalaw ang o ihakbang ang mga paa ko, gayun din ang buong katawan at braso ko. Gusto kong tulungan ang babae ngunit hindi ko magawa. Tanging pagkuyom lang ng kamao ang nagawa ko.

"Raphael! Tulungan mo siya! Kumilos ka!"

Gustong-gusto kong sigawan ang sarili ko pero pati ang boses ko ay ayaw gumana. Nakatitig lang ako sa babae nang imulat niya ang luhaan niyang mga mata habang ang damit niya ay punit na.

Pagkamulat niyon ay dumirekta sa akin ang mga mata niya. Hindi bumuka ang bibig niya pero may narinig akong nanghihinang boses…

"Tulong…"

***

Napadilat ako pagkarinig ko sa nagmamakaawang boses ng dalaga. Tila hindi bagong gising ang pakiramdam ko. Gising na gising at tila nag-eherhisyo sa lalim ng pinapakawalan kong paghinga. Bumangon ako. Ramdam ko ang malamig na pawis na tumagas sa hubad kong katawan. Nakabukas ang electric fan pero hindi ko maramdaman ang hangin niyon.

Tiningnan ko ang kalangitan sa bintanang iilang hakbang lang ang layo sa kama ko. Madilim pa at maliwanag ang buan at napupuno ng makikinang na bituin, tanda na malalim pa ang gabi.

Naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko nang muling bumalik sa alaala ko ang napaginipan kong babae. Ang luha niya, ang mukha niyang umiiyak ang kamay niyang naghahanap ng makakapitan, ang boses niya…

Hindi ito ang unang beses na nakita ko ang babaeng iyon sa panaginip ko. Minsang sa loob ng isang linggo ay isa hanggang apat na beses ko siyang napapaginipan. Ang pinaka matagal na hindi ay isang buwan lang.

Madalas ay napapaginipan ko tungkol sa kaniya ay may magandang nangyayari at masama. Basta events ay nakikita ko. Ang hindi ko alam ay kung alin ang nangyari na at ang hindi pa.

Gusto kong isipin na imahinasyon ko lang iyon, pero alam kong hindi. Noong high school ay nangyari na ito sa akin at sa school mate ko. Una ko siyang nakikita sa panaginip ko, nang isang araw ay nakita ko siya sa school at nalamang schoolmate ko pala siya. Hindi ko pinansin ang mga nakikita ko sa panaginip ko, hanggang sa isang araw ay nakita ko sa pqnaginip ko na nahulog siya sa isang ilog at nalunod. Nagulat na lang ako nang makaraan ang ilang buwan ay ikinamatay nga iyon ng schoolmate ko.

Hindi ko alam kung bakit ko sila napaginipan o napapaginipan, hindi ko alam kung dapat ko bang tumulong. Ang tanging alam ko lang ay ayoko nang maulit ang nangyari sa schoolmate ko noon na hindi ko natulungan.

"Namumutla ka, puyat ka nanaman?"

Saglit na iniwan ni Ate Gabby ang niluluto niya sa kalan at kumuha ng tasa na sinalinan ng mainit na tubig galing sa thermos. Naupo ako sa stool kung saan kitang-kita ko ang ginagawa niya.

"Napaginipan ko ulit siya," sabi ko. Hinintay ko ang magiging reaksyon niya ngunit natigilan lang siya saglit saka nagbigay ng 'go on' sign.

Alam ni Ate Gabby ang tungkol sa babaeng napapaginipan ko. Wala naman kasi akong tinatago sa kaniya. Sampung taon na kaming ulila sa magulang namin, kaya naman naging sobrang lapit namin dahil kami lang ang sandalan ng isa't isa. Hanggang ngayong may lived- in partner na siya ay nagpapaka-Ate pa rin siya sa akin.

Madalas tuwing umaga bago siya pumasok sa trabaho ay dumadaan siya dito para ipagluto ako ng almusal. Ayaw niyang cereal lang ang kinakain ko, which is lagi kong almusal, kaya nagluluto na lang siya. Kagaya ngayon na halatang pagkatapos niyang magluto ay disiretso siya sa trabaho dahil suot niya na ang uniporme niya sa ilalim ng apron na suot.

Lumapit siya sa akin at nilapag ang tinimplang kape sa kaharap kong counter at binalikan ang nakasalang niya. Kwinento ko sa kaniya ang nangyari sa panaginip ko at tahimik siyang nakinig. Nang matapos ay hinarap niya 'ko dala ang tapos niya na ring lutuin na egg and beacon.

"And look, sa panaginip ko nasa opisina siya ng may kinalaman sa firm ng architecture, baka makita mo siya sa firm ninyo!" sabi ko na hinawakan pa siya sa siko para harapin ako nang ilapag niya sa harap ko ang niluto niya.

Nagpameywang ang isang kamay niya sa harap ko. Maamo ang mukha ni Ate, but for some reason ay may parte sa kaniyang mukhang strikta, kaya napakamot ako sa kilay ko.

"Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo, 'wag mo nang pakialaman ang babae diyan sa panaginip mo-"

"Ate," pigil ko. "Hindi biro 'yong napaginipan ko kagabi-"

Kaagad niya 'kong pinutol. "Exactly! Hindi biro kaya ayokong makialam ka pa, baka kakaganiyan mo pati ikaw madamay."

Napabuntong hininga 'ko. Nakita ko ang pagpungay ng mata niya. Alam kong hindi ko kailangangan magsalita para maintindihan niya ko. Alam kong alam niyang nakokonsensya ako.

Hinakbayan niya 'ko at pinatong ang ulo sa balikat ko. "Nag-aalala lang sa 'yo ang ate, pero 'wag kang mag-alala, kung sakaling makita ko siya sa firm, sasabihin ko sa 'yo."

"Talaga?" Nakatingin ako sa pader na may salamin upang makita ang mukha niya, doon din siya nakatingin sa akin.

"Oo naman, kaso i-drawing mo, hindi ko pa naman siya kilala sa mukha e," sabi niya nang nakasimangot.

Napakamot ako sa noo ko. Marunong akong mag-drawing ng mga space instructs pero hindi sketch ng tao. Tumawa siya na para bang alam na alam niya ang nasa isipan ko kahit hindi ko sabihin.

"Sige huhulaan ko na lang, kapag nakakita ko ng magandang mukhang kayang-kayang ibighani ang kapatid ko, malamang sa malamang ay siya na 'yon."

Umiwas ako ng tingin nang pakiramdam ko ay namula ang mukha ko. Ate Gabby knows me very well, and before I could recognized, she knew what I feel.

Nakita ko ang pagngiti niya sa salamin saka humiwalay sa akin. Kinuwa niya ang shoulder bag niya sa ibabaw ng counter kasama ang folder na sa tingin ko ay sketches ng building ang laman.

"Kumain ka na at male-late na 'ko sa opisina," sabi niya at tinap ako sa balikat.

Sinunan ko lang siya ng tingin nang maglakad na siya patungo sa wooden door.

"Good morning, the Assistant Marketing of Units Corp is here to present their offering to our company, let's welcome her," sabi ni Sir Allan na General Manager ng kompaniya.

Lahat ng may matataas na katungkulan sa kompaniya ay pinatawag sa conference room, kasama akong Civil Engineering ng kompaniya. Iisang kompaniya lang ang pinagtatrabahuhan namin ni Ate Gabby, pero sa magkaibang branch kami. Siya sa QC, at ako sa Bulacan. Noon dito rin siya, pero nilipat siya dahil doon naka-assign ang lived-in partner niya bilang Branch Manager sa main office. Halos isang oras lang naman ang byahe kaya naman nagagawa niya pang dumaan sa bahay bago bumyahe.

Magkakahilera ang upuan namin sa mahabang mesa. The table was made in a black glass, and high material yet classic style. Sa pinakadulo ng mesa ay doon nakaupo ang branch manager at sa likod niyon ang high class screen na ginagamit sa presentation.

Nilalaro ko ang swivel chair na inuupuan ko, halos paikutin ko ang swivel chair habang nilalaro ang ballpen sa mesa. Kanina pa kami pinatawag dito kahit na 30minutes pa bago ang exact appointment ng nasabing Assistant Marketing, kaya naman naiinip na 'ko. Isa pa ayaw mawala ng bago kong napaginipan sa utak ko.

She's wearing a midnight blue dress, to beautiful in her conservative style dress, yet classic. Sumakay siya ng taxi but unfortunately, modus lang ang masasakyan niya. Kukunin ang gamit niya at pagnanasaan na rin siya. Doon na natapos ang panaginip ko, ni-hindi ko alam kung talaga bang pinagnasaan siya o hindi. Kaya hindi ako mapakali, dahil iniisip ko pa lang ay nagagalit na 'ko. Bakit kasi siya naka-dress sa gabi tapos sa taxi lang pala sasakay?

Naglapag ng tasa na may lamang kape ang secretary sa bawat isa sa amin. Kasabay niyon ang pagbukas ng salaming pinto. Hindi ko tiningnan ang pumasok at humigop lang sa mainit na kape.

"Good afternoon. I'm sorry if I'm late, I don't know that you guys are little bit early."

Muntik na 'kong mapaso sa kape nang mapatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Her soft and tini voice, but a little bit difference because her voice were smiling, not begging for help.

Halos matulala ako at kaagad nawala ang paso sa dila ko, nang makita ko ang eksaktong ngiti na mayroon siya nang pumasok siya sa isang opisina sa panaginip ko.

"Its okay, Ms. Bautista," sabi ni Sir Allan matapos salubungin at makipagkamay sa babae. He turns on us and finally introduced her. "She's Nicola Bautista, the Assistant Marketing of Units Corp." Saka nagsimula ang whole presentation.

Its kindly bad, I should understood everything on her presentation, but its hard. All I can do is to focus on her humble smile with those tin lips and her eyes were speaking itself.

Huminga 'ko nang malalim nang magkatagpo ang paningin namin. Gusto kong habulin ang paningin niya nang ilipat niya ang mata sa iba.

"So, Sir Ramos, may I have your opinion?"

Napakurap ako nang muli niya kong binalingan at tinanong. I can't say that I don't have any idea of what she was saying, which is true. I just nod and agree. She smiles humble and thanked me.

Ikasisira 'to ng career mo, Raphael!

Gabi nang natapos ang meeting. Sa buong oras na iyon malalim lang pag-iisip ko hanggang sa nagsibalikan kami sa office floor at si Nicola Bautista ay kinausap pa sa office ni Sir Allan, mula noon ay hindi ko na uli siya nakita.

Bandang Alas-Otso ng gabi ay lumabas na 'ko ng firm nang matapos kong i-check lahat ng sketches. Patungo na 'ko sa kotse ko nang matigilan ako sa nakitang kong nakatayo sa gilid ng daan. Si Nicola Bautista. Nakatayo siya roon habang nakatingin sa cellphone niya. Sa nakatali niyang buhok ay walang kahit anong humaharang sa mukha niya, kaya naman kahit 10 meters ang layo ko ay kitang-kita ko ang mukha niya, at sa hitsura niya ay mukhang naiinis siya sa ka-text niya. Lalapitan ko na sana siya nang biglang manlabo ang paningin ko. Sa saglit na napapikit ako ay isang imahe ang nakita ko.

Nakatayo siya sa gilid ng daan nang may humintong taxi sa tapat niya, saka sumakay. Nang imulat ko ang mata ko ay halos walang pagkakaiba ang imahe. Nakasuot din siya ng midnight blue long sleeve dress high the knee at nakapusod ang kulot na buhok na nakaladlad lang sa likod.

Ang imahe na ito, nakita ko na 'to sa panginip ko. Kung saan modus lang ang taxi driver na masasakyan niya.

Pinara niya ang taxi na huminto sa tapat niya. Nang muli kong alalahanin ay alam kong ang taxi rin na ito ang nasa panaginip ko.

Malalaki ang hakbang na nilakad ko ang paggitan namin. Pinigilan ko ang kamay niya nang binuksan niya ang pinto ng sasakyan. Gulat na napatingin siya sa akin. Base sa mga mata niya ay hindi niya nagustuhan ang ginawa ko, ngunit hindi ko iyon pinansin at basta na lang sinara ang pinto.

"Excuse me? What are you doing?" Nakatingala siya sa akin para lang salubungin ang mata ko.

"Magta-taxi ka lang?"

Umiwas siya ng tingin at muling binuksan ang pinto ng taxi. "Hindi ako masusundo ng driver ko, nasiraan."

Nagpakawala ako ng hangin saka lakas loob na nagsalita. "Ako nang maghahatid sa 'yo."

Muli niyang naibalik ang tingin sa akin na nakakunot-noo. "Why should I? I mean, you're the Civil Engineering here, right?" nag-hands gesture siya sa building na nasa likuran lang namin. "As for I remember, nasabi ko na lahat ng dapat kong sabihin as a marketing –"

"Just please, come with me. Bogus 'yang taxi driver na 'yan!"

Nanlaki ang mga mata niya at tila automatic na napatingin sa bukas nang bintana ng driver. Hindi ko nakita ang reaksyon ng driver pero alam kong hindi maganda ang anyo nito base sa pag-iling ni Nicola saka ako pinandilatan uli.

"Ano bang sinasabi mo? Nakakahiya ka!" pasinghal ngunit mahina niya lang na sabi.

"Nicola-"

"Please stop! I'm tired and I wanna go home, so please, let me go!" Pagkasabi niya niyon ay nagmamadali na siyang pumasok sa loob ng sasakyan, at hindi ko na siya nagawang pigilan. Narinig ko pa siyang nag-apologize sa driver bago isara ang pinto at pinaandar na 'to.

Naibagsak ko ang balikat ko. Sinubukan ko siyang pigilan pero ayaw niyang magpapigil. Bahala siya. Binalikan ko na lang ang sasakyan ko at pumasok saka ito pinaabdar. Naaasar ako dahil hindi siya naniniwala sa akin. Napagpasyahan kong pabayaan siya, pero bakit ko siya sinusundan? Wala sa sariling sinusundan ko na pala ang taxi na sinakyan niya.

Na-imagine ko kung anong magiging reaksyon ng kapatid ko kapag nalaman niya ito. Palagi niya sa akin sinasabi na 'wag na 'kong makialam, nang sa ganoon ay hindi ako madamay. Pero hindi ko kayang hindi makialam, specially na ngayon ay kilala ko na siya nang personal.

Nangunot-noo ko nang sa madilim na daang kalye ay bumagal ang takbo ng taxi, kaya naman binagalan ko rin ang pagmamaneho. Hindi pa 'ko nakakapag-isip nang maaring dahilan ay bumukas na ang pinto at itinulak si Nicola palabas. Naipreno ko ang sasakyan ko nang makitang gumulong sa sahig si Nicola na natanggalan pa ng sapatos. Hanggang sa muling tumakbo nang mabilis ang taxi.

Nagmamadaling kinuwa ko ang cellphone ko at tumawag sa emergency hotline habang lakad-takbo kong nilapitan si Nicola nang makalabas.

Halos mamilipit siya sa sakit habang nakahawak sa braso niya. Halatang masakit din ang paa niya dahil nakatingin siya roon.

Kita ang pangingilid ng luha niya, at ang paghingi ng tulong sa mata niya nang makita ako. Pinutol ko ang tawag nang sabihin sa kabilang linya na sila na ang bahala. Halos maupo ako sa sahig nang daluhan siya. Nang tulungan ko siyang bumangon ay hindi niya napigilan ang pag-igik.

"Ang sakit," napapahagulhol niyang sabi at nanghihinang napakapit sa braso ko. Binulsa ko ang cellphone ko at kinuwa ang isang pares ng sandals niyang kumalat sa sahig.

"Its okay, dadalhin kita sa ospital," bulong ko, saka pinunasan ang naglalandas niyang luha sa pisngi.

Nilingon niya ang tinunguhan ng taxi. "'Yong mga papel, kailangan ko 'yo-"

"Shhh, pinaharang ko na 'yon, 'wag mo na munang isipin." Binuhat ko siya at siniguradong hindi masasaktan sa pagkakahawak ko.

Sa ospital na kami pinuntahan ng pulis para sa kaso ng taxi driver. Ayon sa testimonya ni Nicola ay may kakampi ang taxi driver sa pangbibiktima ng mga pasahero. Asawa raw ito ng lalaki na nakatago sa likod ng upuan. Sa ngayon ay aasikasuhin pa lang ang kabuuan ng kaso at sisiguruhin na makukulong ito.

Walang tinawagan na pamilya si Nicola. Ang sabi niya ulila na raw siya, at ang natitira niyang kamag-anak ay nasa probinsya. Kaya bandang huli ay ako na ang naghatid sa kaniya sa apartment na tinutuluyan niya.

Mag-isa lang siya rito, kaya naman hindi ko mapigilan ang mag-alala sa kaniya.

Tinulungan ko siyang makaupo sa malambot at mahabang sofa sa salas. Nilibot ko ang paningin ko. Yari sa kahoy ngunit magagandang materyales ang mga gamit niya, kagaya na lang ng lamesita, upuan at dining table na tanaw sa kinaroroonan ko, mga pasimano pati ang pinapatungan ng TV niya na medyo hindi na uso. May hindi naman kataasan na hagdan patungo sa second floor. Hindi ganoon kalaki ang apartment pero tama lang para sa kaniya.

"Salamat sa paghatid, pero may iba talaga 'kong motibo kaya sumama ko sa 'yo."

Binalingan ko siya at nakita kong nakaupo siya sa sofa habang nakatingala sa akin. Nakadiretso ang paa niyang nakabalot ng bandage, habang nasa kaliwang bahagi niya ang saklay na susuporta sa kaniya hanggang hindi pa gumagaling ang natamo niyang pilay sa paa. Good thing din na galos lang at bukol ang natamo ng kanan niyang braso, kaya naman hindi siya baldong-baldado.

Nag-aalangan man pero naupo na ako sa pang-isahang sofa na pinakamalapit sa gilid niya.

"Paano mo nalaman na modus lang 'yong driver na 'yon? I mean—nabiktima ka na ba?" Kitang-kita sa kaniya ang labis na pagtataka at pagkagulo. Mahirap man pero mukhang kailangan ko nang sabihin sa kaniya ang totoo. Baka sakaling matapos na rin ang mga nakikita ko tungkol sa kaniya.

Bumuga 'ko ng hangin. "Look, hindi ko alam kung papaniwalaan mo ba o iisipin mong kalokohan lang 'to," panimula ko. "Pero Nicola, bago pa kita makilala kanina sa meeting, nakikita na kita. Hindi ko alam kung nasaan ka, kung malayo ka ba o malapit lang, pero nakikita kita-"

"Ano? Diretsahin mo nga ako! Hindi ko maintindihan-"

"I dreamed of you!" putol ko sa kaniya. "I have a vision of you, I saw you in my dreams, and-"

"Umalis ka na." Natigilan ako sa sinabi niya. Inaasahan ko na 'to, na hindi niya 'ko papaniwalaan, pero hindi ko matanggap.

"Kailangan mong maniwala sa aki-"

"Sige, bakit hindi mo sa akin sabihin ngayon kung ano ang mga mangyayari pa sa akin, bad or good wala akong pakialam, just tell me! Ano pa ang nalalaman mo?" Sinusundan ng mata niya ang mata ko na para bang hindi makakawala ang kasinungalingan sa kaniya.

Hindi ko mabasa ang emosyon niya o ang iniisip niya, ang tanging malinaw lang ay ayaw niya 'kong paniwalaan.

Umiwas ako ng tingin, saka tumayo na. Kita sa peripheral vision ko ang pagsunod niya ng paningin sa kilos ko.

"Hindi ko pwedeng sabihin sa 'yo."

"Bakit hindi pwede?"

"Dahil mabubuhay ka na may takot, mabubuhay ka na may pag-aalinlangan. You'll live with a shadow of my vision if I told you!"

"And if you don't tell me, then I won't believe you!"

Muli ko siyang binalingan. Kitang-kita ko ang marahas niyang paglunok dahil sa pagkakatingala niya. Gayun din ang pagkunot-noo niya na senyales ng pagkainis o dismaya sa akin.

Huminga ko nang malalim. "Better not, then." Dumiretso na 'ko sa may pinto, ngunit bago ako tuluyang lumabas ay nilingon ko uli siya. Nanatili siya sa pwesto niya at hindi na 'ko tiningnan pa. Nilibot ko ang paningin ko sa bahay nang makita ko ang TV niya at may naalala.

"'Yang TV na 'yan, mapapalitan 'yan ng bago. Hindi ko alam kung sino o kailan, basta may magpapalit niyan." Hindi ko hinintay ang reaksyon o sagot niya at nagdiretso na palabas.

"Paano mo ba 'ko napasok diyan sa vision mo?" naiirita at naguguluhang tanong ni Nicola sa akin, na mabuti na lang bagsak lang ang buhok niya kaya madaling ayusin kapag nagugulo. Normal na siguro sa gesture niya ang galawin ang buhok kapag naguguluhan.

Tatlong linggo na ang nakalipas magmula nang una at huling beses kaming magkita ni Nicola. Nagulat na lang ako nang pinuntahan niya 'ko sa field para kausapin. Bago na raw ang TV niya kagaya nang huli kong sinabi sa kaniya. Rinegaluhan daw siya ng isang kaibigan na ayaw niyang sabihin kung sino. Kahapon lang daw iyon nangyari kaya nagpasya siyang puntahan ako ngayon.

Dinala ko siya sa coffeehouse na pinaka malapit sa field. Ayokong marinig ng mga tao ko ang tungkol sa vision ko, it was just a secret between me and my sister, and now with Nicola.

"I don't know! I can't even consider if this gift was given by demon's or God."

"Have you ever tried to pray? Or go to church?"

"Of course!"

"How does it feel? Is it hot? Have you ever feel like burning? Have-"

"Stop!" pagputol ko na sa kaniya. Nakita kong bumagsak ang balikat niya kasabay ng pagbuntong hininga.

"I'm sorry, I can't help it but it's confused me."

"I know, and its okay," I assured her. Mas lumapit ako sa mesa na nasa paggitan namin para kahit papaano ay makabulong. "But look, I had search about it, I also read a non fiction and fictional books, at lahat nang iyon ay iisa lang ang sinasabi; walang explanation kung bakit sa 'yo napunta ang gift na 'yan. Pwede kong mag-assume na may purpose ako sa mundo or ikaw ang purpose ko, pero lahat 'yon ay hula lang. Wala talagang makapagsasabi ng totoong rason nito."

"And you still don't wanna say what have you seen about me?"

Umiling lang ako. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya ang pinaka masamang napaginipan ko tungkol sa kaniya, pero paano? Makakaapekto iyon panigurado sa trabaho niya bilang Marketing Assistant. Alam kong hindi lahat ng makikita ko ay kailangang ipagsabi ko, dahil magugulo ang kasalukuyan at maging ang kinabukasan niya.

Kinuwa ko ang ballpen sa bag na dala ko at sinulat ang number ko sa maliit na papel na kasama niyon.

Ayokong makialam pero ayoko ring pabayaan siya, hayaan na mapahamak siya kagaya ng nasa panaginip ko.

Nilagay ko ang papel sa tapat niya na kaagad niya namang kinuwa at binasa.

"If something happened, just call me."

"Critique ko ba?" natatawa kong tanong kay Ate Gabby habang pinaglalaruan ko ang pahina ng sketch paad niya.

Nandito siya ngayon sa bahay para ipagluto ako ng almusal. Nagmamadali na nga siya dahil baka raw ma-late siya sa kliyenteng kikitain niya.

"Naku, no thanks. Inaprubahan na 'yan ni Joros 'no, nasa kaniya na nga ang final sketch e." Si Joros ay ang boyfriend niya.

"Alin dito? 'yong nasa dulo?" tanong ko habang tinitingnan ang mga drawing niya.

"Oo, 'yong pinaka huli kong drawing ng image background ng building." Nilapag niya sa harap ko ang platong may laman nang pagkain saka mabilisang hinubad ang itim na apron. "Nga pala, maganda 'yong idea na 'wag mo na lang pakialaman ang nakikita mo sa panaginip mo." Nagkibit balikat siya, "Nanghihinayang nga ako e, kung wala lang akong kliyente makikilala ko na sana siya dahil may meeting sila ni Joros. So next time na lang."

Naitikom ko lang ang bibig ko imbes na sumagot. Mula noon ay ayaw na ni Ate Gabby na intindihin ko ang nakikita ko sa panaginip ko, but I can't help it. Oo nagdesisyon akong 'wag nang makialam pa, pero hindi pa rin mababago na nag-aalala ko at nakokonsensya. Paano kung may mangyaring masama sa kaniya? Hahayaan ko na lang kahit alam kong mangyayari iyon?

Ipinilig ko ang ulo ko at binalingan na lang si Ate na nagpaalam na sa akin. Pinilit kong burahin si Nicola sa isipan ko, kaya naman pinagkaabalahan ko na lang ang sketch ni Ate Gabby na iniwan niya habang kumakain. Natigilan lang ako nang marating ko ang huling drawing ni Ate sa sketch pad niya.

Parang nakita ko na 'to, hindi ako pwedeng magkamali, nakita ko na 'to sa panaginip ko!

Itong design na 'to ang nakita ko sa ibabaw ng study table kung saan ko nakitang pagsasamantalahan si Nicola!

Kusang nag-echo sa pandinig ko ang huling napag-usapan namin ni Ate Gabby. Kung si Kuya Joros ang may-ari ng opisinang iyon, at kliyente rin siya ni Nicola-shit!

Nagmamadaling kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at basta na lang sinarado ang bahay nang hindi inila-lock iyon. Papasok na sana 'ko sa trabaho ko pagkatapos kong kumain, kaya naman bihis na 'ko, hindi lang kasing pormal ng sa opisina dahil sa field sana 'ko didiretso.

Nang makarating sa tapat ng building firm matapos nang halos isa't kalahating oras ay inihinto ko na ang sasakyan at hindi na nag-abalang i-park iyon sa tamang parking lot. Sinalubong ako ng guard pero hindi ko siya pinansin at nagtuloy sa loob. Bilang isa sa Civil Engineering ng kompaniya ay hindi na nakapagtataka na kilala na nila 'ko, marahil kaya hinayaan lang nila 'ko.

Habang nilalakad ko ang hallway ay pansin ko ang kaibahan nito ngayon kaysa sa noon, marahil siyang dahilan kung bakit hindi ko nakilala sa panaginip ko ang opisina ni Joros.

"Sir, may appointment po ngayon si Sir Joros kay Miss Bautista," maagap na tugon ng secretary ni Kuya Joros nang hanapin ko ang boss niya.

Naikuyom ko ang kamao ko. "I need to talk to him," walang pakialam kong sagot at nagtuloy sa opisina ni Kuya Joros. Sinubukan akong pigilan ng secretary pero hindi ko iyon pinansin.

Anyo pa lang ay alam ko nang soundproof ang office, kaya naman hindi na 'ko nag-abalang pakiramdamdaman ang loob at basta na lang pumasok.

Halos magdilim ang paningin ko sa naabutan kong kaganapan, na ikinasinghap din ng secretary na nasa likuran ko.

Nakaibabaw si Kuya Joros kay Nicola na halata ang paglaban sa hitang pilit sinasarado. Mabilis kong pinutol ang distansya sa kanila at saka marahas na tinulak si Joros na humampas ang katawan sa sahig. Saglit ko lang nakita ang hitsura ni Nicola, at lalong nagdilim ang paningin ko nang makita kong punit na ang pang-itaas na damit nito na pilit niyang tinatakpan habang umiiyak.

Pumaibabaw ako kay Joros at pinaulanan siya ng suntok sa mukha maging sa balikat.

"She was my mistress so I thought its okay to have a sex with her."

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makontrol ang panginginig ng kamay ko mula kanina sa naabutan kong senaryo sa opisina hanggang sa magbigay ng statement si Joros tungkol sa nangyari. Akala ko ang pagkababae lang ni Nicola ang gusto kong iligtas, ngunit matapos kong marinig ang sinabi ni Joros ay nangibabaw ang galit at pag-aalala ko para sa ate ko. Ibig sabihin matagal niya nang niloloko ang ate ko?

"Alam ko gusto mong maliwanagan," sa nanginginig na boses na sabi ni Nicola nang maupo siya sa tabi ko. Nandito kami sa police station para sa kaso. Hinihintay na lang namin ang confirmation ng chief na maifa-file na ang kaso.

Hindi ko siya tiningnan at nanatili lang sa kamay kong nakabenda ang mata ko.

"Hindi pa opisyal ang relasyon namin, pero sinusuyo niya 'ko at hinahayaan ko siya, kasi malaki ang matutulong niya sa job career ko, sa pera at sa buong pangangailangan ko. Sa katunayan nang unang beses tayong magkakilala, nang gabing 'yon dapat susunduin niya 'ko kaso imposibleng walang makapansin sa amin dahil Branch Manager siya, kaya napilitan akong mag-taxi. At 'yong TV, kaya hindi ko sa 'yo masabi kung sino ang nagregalo sa akin dahil hindi ko pwedeng banggitin sa kahit kanino na may koneksyon kami ni Joros, si Joros 'yong nagregalo sa akin-"

"Shhh," bulong ko at umiling-iling. "To much information, pero isa lang naman ang gusto kong malaman. Alam mo bang may girlfriend siya? Lived-in partner? Fiancee?"

Tanging pagyuko lang ang naisagot niya, tanda na alam nga niya.

"Nicola, wala akong pakialam kung magsisiraan ba kayo, maggagamitan ng pagkatao? Pero sana lang sa susunod 'wag doon sa paraan na may maaargabyado kayo, o may masasaktan, maloloko, kasi nakaka walang hiya!" bulong pero mariin kong bulong sa kaniya.

Tumayo ako nang makita ko si Ate Gaby na nagmumugto ang mga mata galing sa kung nasaan ngayon si Joros. Nang malaman ang balita ay dumiretso na siya dito para alamin ang kaso at makausap ang boyfriend niya.

Saglit niyang tiningnan si Nicola at paismir na nilipat ang paningin sa akin.

"Sa akin ka ba sasama o sasamahan mo siya?"

Saglit kong binalingan si Nicola saka nagpasya na sumama na kay Ate. Pero nakakaisang hakbang pa lang ako ay pinigilan na 'ko sa kamay ni Nicola. Nang balingan ko siya ay halos kumawala ang puso ko sa lakas ng kabog.

Hindi na niya kailangang magsalita, basa ko na sa mga mata niya na gusto niya 'kong manatili at samahan siya.

Pero alam kong kailangan din ako ni Ate Gabby, at siya ang hindi ko maaring ipagliban…

Humunga 'ko nang malalim. Ayoko man pero mas mahal ko ang kapatid ko kaysa sa lahat.

Binawi ko ang kamay ko saka naglakad palapit kay Ate Gabby at iginaya siya palabas…

(Wakas)