webnovel

One More Night (MayWard)

Dale asks her husband for one more night with him before granting him an annulment. Will Edward agree?

walakabampira · Famosos
Sin suficientes valoraciones
39 Chs

Chapter 9

Simula noon ay iniwasan na sya ni Dale.

Miserable sya sa hindi nya maintindihan na dahilan.

Parang may kulang.

Buti na lang at mabait si Lexie kaya kahit paano ay natutunan nya itong mahalin.

Ngayon na lang ulit sila nagkaharap ni Dale sa dinner na invited ang family nya.

Tapos na ang dinner.

Nakita nyang lumabas si Dale sa may pool area.

Sinundan nya ito.

Umupo sya sa tabi ng dalaga na nakalubog ang paa sa pool.

"Kumusta kayo ng BF mo?" basag nya sa katahimikan.

"Okay naman kami! BF ko pa rin sya." tugon nito na nakatitig sa tubig ng pool.

"Ahm,  btw Edward, about the wedding na sinasabi nila tito...don't worry, hindi totoo 'yon."

"Bakit? Dahil ba may iba ka nang future husband?"

Dale gave a nervous laugh.

"Nakakahiya! Naalala mo pa pala yon? I was such a brat back then!"

"You were so annoying!"

And cute.

"Sarap mo kasing asarin! Ang sungit sungit mo!"

And then Dale laughed.

Yung totoong tawa.

Hindi napigilan ni Edward ang sarili na mapatitig sa mukha ng dalaga na nakatagilid.

"I miss you..." bulong nya sa isip.

Napayuko si Dale.

"I miss you!" mga katagang gustong lumabas sa bibig ni Dale ngunit hindi pwede kaya napayuko sya at kinagat ang labi.

Tumayo na sya.

Nakatungo pa rin sya para iwasang tumingin kay Edward.

It hurts to even look at him.

"Pasok na ako." paalam nya kay Edward.

"Don't go!"

"Don't go!" mga katagang gustong marinig ng puso nya mula kay Edward pero imposible.

Tumalikod na sya ng walang marinig na tugon mula sa binata.

Tuluyan nang nakapasok sa mansyon si Dale.

"Please stay...." bulong ng binata sa umalis na dalaga.

"Choose me again!"

"Ako na lang ulit ang future husband mo..." bulong nya sa kawalan.

Tumayo na rin sya at bumalik sa loob para magpaalam.

Pagpasok sa loob nakita nya si Dale na kasama si Marco sa may sala.

Nakahilig si Dale sa balikat ng BF habang hinahaplos ang buhok ng dalaga.

"O bro! Andyan ka pala!" bati sa kanya ng panget na Italyanong hilaw na BF ni Dale.

Napansin nyang mas lalong sumiksik si Dale sa may dibdib nito.

"Don't you think this is an inappropriate place to make-out with your boyfriend Dale?" singhal nya.

"Ano bang pinagsasasabi mo dyan Edward?!?" hindi na napigilan ni Dale ang sarili na itanong.

Natigilan si Edward nang makitang namumula ang mga mata ni Dale at mukhang umiiyak ito.

Nagdilim ang paningin nya at bigla na lang sinapak si Marco.

"Edward ano ba?!!" sigaw ni Dale.

Hawak nya sa kwelyo si Marco habang pinipigilan sya ni Dale.

Lalo syang naiinis dahil nakangisi lang sa kanya si Marco.

"Bakit ba parang kinakampihan mo pa itong g*g* na nagpaiyak sa'yo?!?"

"Kung meron man nagpaiyak kay Dale hindi ako 'yon!"