webnovel

One More Night (MayWard)

Dale asks her husband for one more night with him before granting him an annulment. Will Edward agree?

walakabampira · Famosos
Sin suficientes valoraciones
39 Chs

Chapter 7

Habang palapit ng palapit sa bahay nila ay saka naman bumubuhos ang mga alaala nya rito.

Hindi naman sya nagka-amnesia pero bakit parang nakalimutan nya si Dale?

Si Dale na walang ginawa kundi mahalin sya.

Kahit na madalas ay ipinagtatabuyan nya ito.

Flashback

"I want you to be my escort sa debut ko."

"But what if I don't want to be your escort?" pang-aasar nya.

"Well, wala ka namang choice dahil ikaw ang gusto ko and that's final! Kahit itanong mo pa sa parents mo." mataray na sabi sa kanya ni Dale.

Walang choice?

"D*mn it! Bakit ba palagi na lang syang pinangungunahan ng parents nya? Nakakasakal na!" sigaw nya sa isip.

"Oh, I'll be your escort alright, just wait."

Nang araw na iyon ay hindi nya sinipot ang debut ni Dale.

Naghintay ito sa wala.

Pagkatapos ng debut ni Dale ay nagrequest sya sa parents nya na umuwi na sila.

Dapat sana ay mag-iistay pa sya kasama ng mga kaibigan sa hotel.

"Okay ka lang ba iha?" alalang tanong ng mama Lorrie nya.

"Why wouldn't I be?"

Hatinggabi na nang makauwi sila sa mansyon.

Dumiretso na agad si Dale sa kwarto.

Nagpalit sya ng pantulog at naupo sa harap ng dresser.

Nagsusuklay sya ng may marinig na tumama sa glass sliding door.

Lumabas sya sa balkonahe.

She saw a white rose.

"I'm sorry."

I'm sorry.

Kahit yata hindi nya sabihin yun kay Dale ay okay lang sa asawa.

Ganun kasi sya kamahal nito.

Kaya madalas ito ang sumasalo ng init ng ulo nya when it comes to his parents.

Kaya kampante sya na hindi sya iiwan nito kahit anong mangyari.

Flashback

"So kumpare, kailan nyo gustong ikasal si Dale at Edward?" tanong ng daddy nya habang nagdidinner sila sa bahay nila Dale.

Nagulat sya sa tanong ng ama.

Akmang magproprotesta sya nang hawakan sya sa kamay ng ina upang pigilan.

Tumawa ang daddy ni Dale.

"Sila ang dapat magdecide."

"Ahm Dad, ano ba kayo? May girlfriend si Edward kaya imposibleng ikasal kami!" nahihiyang sabi ni Dale.

Umismid si Edward.

"May utak rin naman pala ang spoiled brat na ito!" bulong nya sa isip.

Napasimangot naman ang daddy ni Edward.

"Eh di ba ikaw ang nagsabi na ikaw ang future wife ni Edward?" patuloy sa pang-aasar ang daddy ni Dale sa kanya.

"Dad naman eh! Bata pa ako noon!" namumula na si Dale at halatang umiiwas ng tingin sa kanya.

"Hahaha binibiro lang kita anak."

Aaminin ni Edward.

Nakakainggit ang pamilya na meron si Dale.

They let them do what she wants.

Hindi katulad ng pamilya nya.

Lalo na ang daddy nya na palaging nagdedesisyon para sa kanya.

"So iho, anong pangalan ng nobya mo?" tanong ng daddy ni Dale.

Bago pa sya makasagot ay nagsalita na si Dale.

"Si Lexie!"

"Lexie? Your best friend?" gulat na tanong ng daddy ni Dale.

"Yup! Kaya lagot yan sa akin si Edward kapag pinaiyak nya ang best friend ko!" pagbabanta pa sa kanya ni Dale pero hindi ito tumitingin sa kanya.