webnovel

once upon a baby

Zia hated Xander so much sa hindi maipaliwanag na dahilan. Siguro dahil feeling nya isa itong mayabang, masungit at ungentleman na lalaki. Pero nabago ang lahat ng dumating si baby Ziggy. Ang angel ng kanilang buhay.

pjdeelove · Real
Sin suficientes valoraciones
26 Chs

Chapter 26

Xander POV

Matapos naming pagusapan ang mga detalye sa prenup photoshoot ay nagpaalam na kami sa dalawang photographer. Inaya ko si Zia sa cottage na exclusive lang para sa owners ng resort.

"Are you tired?" tanong ni Zia habang naglalakad kami papuntang cottage.

"Nope" sagot ko sabay hawak sa kamay niya. Magkaholding hands kami habang naglalakad sa buhanginan. Pagdating namin sa cottage ay nagtungo na agad si Zia sa bathroom. Ako naman ay kinuha ang laptop para magcheck ng emails. Kahit nakaleave ako ay kailangan ko paring imonitor ang mga nangyayari sa kumpanya.

Ilang sandali pa ay lumabas na si Zia at umupo sa gilid ng kama. Lumapit ako at inamoy ko ang basa nitong buhok. "Ang bango" anas ko habang nakapikit ako.

"Go! it's your turn" pagtataboy naman ni Zia sakin.

"okay" i kiss her forehead before heading to the bathroom. Rinig ko ang pagbukas ng hair dryer, malamang pinapatuyo na nito ang buhok nya. Nang matapos ako sa pagligo, hinanap ng mata ko si Zia. At nakita ko syang nakatayo sa balcony ng kwarto at nakatanaw sa dagat. Nakayakap sa sarili na animo'y giniginaw. Lumapit ako at niyakap sya mula sa kanyang likuran. Bahagya pa itong nagulat pero hinayaan lang din nya akong yakapin sya.

"Penny for your thoughts?" anas ko na halos pabulong sa may dulo ng tenga nya.

"hmm.. Nothing, i just wanna feel the fresh air. Hindi ko kasi to nagagawa dahil sobrang nakafocused ako sa trabaho". sagot nito.

"akala ko nagdadalawang isip ka nang pakasalan ako." hinampas ako sa braso ni Zia sabay ngiti.

"actually i started to feel that already, kasi iniisip ko, hindi ba parang lugi naman ako?" pagbibiro nito sakin sabay tawa. Nakakainlove ang mga ngiti nya. Humarap sya sakin at niyakap ako.

"Wow! haha. Malulugi ka pa ba, sa gwapo kong to?" sabay pacute sa harap nya. Pinisil nya ang ilong ko senyales na nanggigigil sya.

"Ikaw talaga.." hinawakan ko ang kamay nya at hinalikan ito.

"No matter what happened, akin ka lang. I won't let anyone steal you from me. Hindi ko hahayaang mapunta ka sa iba." anas ko in a serious mode.

"i'm all yours mr. Alexander Villanueva" she smiles then she kiss the top of my nose. Niyakap ko sya bilang tugon. Hinaplos nya ang aking mukha at tumitig sa akin. "i love you Zia" unti unti kong nilapit ang mukha ko sa mukha nya. Pumikit sya ng maramdaman ang paglapat ng aming mga labi. Bumaba ang kamay ko sa kanyang likuran at niyakap sya. Yumakap din sya sa akin at pinulupot ang kamay sa aking batok. Para kaming uhaw sa isa't isa habang dinadama ang bawat halik na aming pinagsasaluhan. Matagal at kapwa kami hinihingal ng maghiwalay ang aming mga labi.

Pinagdikit ko ang aming mga noo at hinawakan ang magkabila nyang pisngi. I kiss her forehead and i whisper to her ears "i love you my soon to be mrs. Alexander Villanueva, i can't wait to see you wear your wedding dress" then i kiss her lips again and she hug me tight. "Let's go inside? Malamig na dito sa labas." Yaya ko sakanya. Tumango sya bilang tugon, nakaakbay ako sakanya habang naglalakad papasok ng kwarto. "Good night my soon to be wife" anas ko ng makahinga na kami sa kama.

"Good night my soon to be husband" siniksik nya ang mukha nya sa leeg ko at niyakap nya ako. Natulog ako ng may ngiti sa aking mga labi.

Madaling araw pa lang ay gumayak na kami para sa aming photoshoot. Lahat ay busy sa pagprepare sa mga gagamiting props, sa aming susuutin at sa magiging ayos namin. Si Zia naman busy na din sa pagaayos ng kanyang makeup at buhok.

Nang magumpisa ng sumilip si haring araw ay nagumpisa na din kaming magshoot. May kuha kaming magkasama at meron ding solo lang namin.

Matapos non, ay nagbreakfast muna kami bago ulit sumabak sa isa pang anggulo ng prenup photoshoot namin. Masaya kaming nagkwentuhan kasama ang mga photographer at mga staff ng resort. Tawanan at kwentuhan ang tanging naririnig sa resto ng resort. Ngayon lang ulit ako nakipagbonding ng ganito sa iba. Masarap parin talaga yung minsan tumatakas ka sa buhay na nakasanayan mo na.

Matapos ang masayang agahan ay naghanda na ulit kami ni Zia para sa sunod na photoshoot, this time sa mismong dagat na. Hindi na gaanong malamig ang tubig, kaya hindi na kami masyadong giginawin.

Natapos namin ang photoshoot ng alas dyes na ng umaga. Nakapagusap na rin kami ni Zia na bukas ng umaga na ang byahe namin papuntang baguio. Gusto muna naming ienjoy ang pagstay namin dito. At dahil nga bukas pa ang alis namin. Naisipan naming magbonfire mamayang gabi.

Samantalang umuwi muna kami sa cottage namin ni Zia para makapagpahinga.

"Are you tired?" tanong ko dito ng makarating na kami sa kwarto. Umiling sya at ngumiti sakin. "No, Ahm.. Actually, gusto ko sanang sumakay ng bangka. Kung ok lang sayo?" saglit ko syang tinitigan bago tumango bilang pagsang ayon sakanya. Ganun na lang ang kislap sa mata nya ng pumayag ako.

"thank you!" sabay halik sa aking pisngi "I'll go to the bathroom and change my clothes" excited nyang sabi at iniwan ako. Nagpalit na rin ako ng damit. Short na kulay khaki at white plain polo shirt lang ang suot kong outfit. Pagkatapos kong magbihis ay tinawagan ko ang crew ng resort.

Makalipas ang ilang ring ay may sumagot na agad "Hello sir? Anything you need?" anas ng nasa kabilang linya.

"paki prepare ang motor boat gagamitin namin ni Zia ngayon." utos ko sa kabilang linya.

"copy sir" at binaba na ang telepono.

Paglabas ni Zia nagulat ako sa outfit nya. Napatulala ako sa nakikita ko sa harap ko, what a perfect shape of body. She's just wearing a two piece with a sitru on top of it.

"Can you please change your clothes?" anas ko sabay bawi ng tingin. "Why? Is there something wrong with my swimwear?" balik tanong nito.

"There's nothing wrong, i'm just afraid what can i do to the men's outside when they see you wearing like that. That's for my eyes only so please, just put short and shirt on it instead of sitru" saad ko ng hindi man lang tumitingin sakanya.

"yun lang pala eh, okay, i'll change, sayang naman tong sitru na nabili ko" anas niya sabay pasok sa bathroom. Napangiti naman ako sa inasal nya. "ang cute mo talaga zia" bulong ko sabay iling.