webnovel

On Bended Knees Completed

ON BENDED KNEES (Revised) Warning:SPG/R18 She was a goody two shoes, straight A student plus a President in her school student council. She had her life planned accordingly. Get to her dream University, a degree and a job that could support her family. But on her last year of high school, she met new people that made her life turned upside down. Suddenly her plans wavered. Changed.. Because how could she say no to a hot shot CEO slash Engineer who was willing to give her everything? Plus the fact that he was making her heart beat fast and have the sweetest lips she ever had.. 17/7/20 REVISION 07/01/21 28/7/20 FINISHED 31/01/21

greighxx · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
37 Chs

Chapter 22

COUNTERCHARGE

Pagkatapos akong sabihan ni Ina ay bumalik siya sa sala para makipag usap kay Ashmere ng parang walang nangyari.

Kahit kailan talaga ay hindi niya ako kayang mahalin.. tapos ngayon sa harap ng boyfriend ko, kung umakto siya ay parang mahal na mahal niya ako.

She even cried and told me she'll miss me. And I should come back soon.

Gusto kong pumalakpak sa galing nyang umarte.

We ate at the first restaurant we went by and continued our trip. I stayed silent and i was glad that Ashmere didn't ask me anything about my crooked family.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa tagal ng byahe namin at nagising nang huminto kami sa isang parking lot.

Lumabas siya at pinagbuksan ako ng pinto. He then smiled tenderly at me when he found me looking at him and extended his hand to help me out. So I smiled back. And instead got out on my own and jumped on him.

Halatang nabigla siya pero hindi na nagsalita. Ipinalibot niya ang mga binti ko sa baywang niya habang inaabot ang maleta ko. Nanguyapit ako sa batok niya para hindi ako malaglag.

At nang sinubukan kong tanggalin ang pagkakapulupot ko para mahila niya nang maayos ang bagahe ko ay ibinalik lang nya ito ulit at pinagpatuloy ang paglalakad habang hila hila ang maleta ko.

"Ashmere ibaba mo na ako."

Umiling siya at humalik sa pisngi ko ng ilang beses.

"Nope. This is where you belong.. in my arms."he said smiling. Napakagat labi ako at hinalikan na rin siya sa pisngi.

Nang magbukas ang elevator ay napasubsob ako sa may leeg niya sa gulat dahil may dalawang babaeng papalabas mula dito.

"Nakakahiya Ashmere!"bulong ko at itinago ang mukha. I caught them smiling at us before walking to their car.

"We'll be doing this once we get married baby. There's nothing to be shy about." Sabi niya at pinindot na ang P button at nagtype ng numero.

Nangingiti na napakapit pa ako ng mahigpit sa batok niya nang itaas niya ako para mas maging komportable ako.

"Ginagawa mo akong bata Ashmere! Samantalang kaya ko nang gumawa ng bata!"Maktol ko at lumabi.

"Uh-huh.. but you're my baby at the moment so I have to treat you like one.. then we'll have our babies later.."banat na naman niya.

Kinikilig na kinagat ko siya sa leeg. Napaigtad siya at napamura pero hindi niya ako binitiwan.

"Baby.."ungol niya at lumabas na sa elevator na karga pa rin ako.

Napalayo na ako sa kanya at lumingon lingon. I found one big door just opposite the elevator. He then tapped his passcode on the keypad and the door opened. Para siyang nagmamadali na dumiretso sa hagdan paakyat sa isa pang floor. I saw two doors next to each other.

He opened one and gently laid me down on the big bed. I looked around while combing my long hair out of my face with my fingers. So.. this is his bedroom..

Napapalibutan ng glass wall ang kwarto niya. Kitang kita ko ang mga nagtataasang gusali na ngayon ay pawang walang ilaw. May dalawang pinto na magkadikit na hula ko ay walk in closet niya at bathroom. Sa bandang dulo ay gym equipment gaya ng treadmill, weights and bench. May bar counter din at maraming bote mg alak sa pader.

May nakita akong canvas na natatakpan ng puti tela sa may gilid at sa ibaba ay mga pintura.

Lumingon ako sa kanya para sana magtanong pero lumayo na siya sa akin at pinatunog ang leeg bago nagpaalam na maliligo muna.

"Feel at home baby."Sabi niya bago pumasok sa banyo at hinayaang bukas ang pinto.

I nodded then got out the bed to reach for my luggage.

Muli kong iginala ang tingin at lumabas na para i-unpack ang mga damit ko sa kabilang kwarto niya.

It was a simple white walled bedroom with a smaller bed but still soft and comfy. Two single sofa at round wooden coffee table. A desk and swivel chair. Bookshelf with full of books and a wardrobe closet. May sarili din itong bathroom. Pumasok ako sa banyo para magshower kahit giniginaw ako.

Nakakahiya naman kasing dumikit sa jowa kong bagong ligo.

I pulled my towel from the rack and dried my body after my quick shower. Then I put my pajama on. Lamigin kasi ako. Hindi ko kayang magbabad.

I saw another door on my way out of the bathroom that looked like a door leading to my closet?

Hindi ko napansin ito kanina so I opened it and found a dark room. Kumapa kapa ako sa dingding para sa switch ng ilaw.

May pinindot ako at biglang lumiwanag.

I looked around. It was his wardrobe closet full of signature clothes. Sobrang lawak! At gaya ng mga gamit niya sa Alaminos ay pawang mamahalin din ang mga ito ultimo medyas niya! Naeexcite akong inilibot ang mga mata. Baka may isa pa siyang closet!

Nanlaki ang mga mata ko nang may makita nga ako! Oh my!

I eagerly went to open the door. But I stopped halfway. Then I stepped back and grabbed the doorknob tightly to support my body from falling. I was shocked to see him for the second time naked.. With my heart beating so fast I closed the door gently and leaned on it.

Napahawak ako sa dibdib ko habang humihingal. I shouldn't have just open it without knocking.

Napapikit ako at muling bumalik sa isip ko ang nakita ko sa loob ng banyo. Ang nakapikit na mga mata ni Ashmere. Ang namumula niyang mukha pababa sa leeg. Ang tumutulong tubig mula sa shower pababa sa malapad niyang balikat pababa sa kamay niyang mabilis ang paggalaw habang nakahawak sa kanyang pagkalalaki. He was masturbating.. and it was so sexy and hot..

Nakaramdam ako nang pamamasa sa pagitan ng hita ko kaya mapadilat ako at dahan dahan na naglakad palabas sa closet niya.

Maybe.. I'll just need to get my mind busy with something else para hindi ko na maisip ulit ang ginagawa nya sa banyo.

Bumaba na ako para magbutingting ng iluluto.

The next day, Ashmere stayed with me in his penthouse all morning. And then, just after breakfast, we've got a visitor. Their family lawyer that would represent me in court. He asked for my story of what happened and promised us that he'll do everything to clear my name.

Since wala namang balak pumasok si Ashmere ngayon ay nagpasama na lang akong maggrocery. Halata kasing hindi dito kumakain si Ashmere dahil wala ni isang sibuyas sa double door fridge niya! Nagsasayang ng kuryente.

Napapantastikuhang palipat lipat ang tingin ko sa bawat kilalang brand na madaanan namin. Nasa Wright mall kami para maggrocery.

"Do you want something here?"Ashmere asked while looking at the Victoria Secret shop.

Napailing lang ako at hinila na siya pero hindi man lang siya kumilos.

Nang lumingon ako sa kanya ay mataman niyang tinitignan ang mga nakadisplay sa glasswall ng store.

"Let's see if you want something here baby."he then pulled me inside the store.

Napakagat labi ako sa excitement. Sa internet ko lang nakikita ang mga underwears nila..

Hila hila ako na sinuri ni Ashmere ang mga nasa estante. Nagsisunuran ang mga salesladies at malambing na kinausap si Ashmere. Gusto kong mapataas ng kilay sa inis. Bakit si Ashmere ang tatanungin nila kung ako ang may kailangan?

"This is our new arrival Sir. I bet your girlfriend will love this." Turo ng isang saleslady sa pulang set ng underwear.

Napatango tango ako. Maganda nga..

"Okay. I'll take that. And get me two dozens of red and black lace underwear. Hmm. Then maybe a dozen of your satin."

Ngiting ngiti na kumilos ang mga kasama ng saleslady.

"What size sir?"tanong nung isa na may hawak ng iba't ibang design na puro lace! Nanlalaki ang mga mata kong napatingin kay Ashmere.

Don't tell me..

He pulled me in front of him and looked at my breast and my lower body.

"Let's see.. hmm, 32C. Small."Napabuka ang bibig ko at tinakpan ang dibdib ko at pagkababae ko.

"Oh.. for her?"dismayadong tanong nong unang sales lady.

Kunot noong napatingin ako sa bwisit na babae.

"Yes. Maybe I'll buy you some lingerie too baby.."paos na sabi niya at hinila ako sa aisle nang mga pantulog.

"Nagayuma ba yong lalaki? Gwapo at mayaman tapos yong babae mukhang probinsyana."bulong nung isa.

Napalingon ako sa kanila sa inis.

"Halata nga eh. Tsaka natatandaan ko yong lalaki. Siya yong kaibigan nang may ari nitong mall. Nakita ko sa internet."tumango tango sila.

"Tanungin nyo kung pwede niyang ishare sa atin yong gayuma."pabungisngis na sabi nong pangalawa.

"Ikaw na ah. Bakit ako? Masaya na ako na maganda ako. Hindi ko na kailangang manggayuma gaya niya."pairap na sabi nong una.

Napahinto sila nang makita akong nakatingin sa kanila ng matalim.

Nagsiyukuan sila.

Mga bwisit.

"Kung ayaw nyong kulamin ko kayo, manahimik kayo!"Inis kong sabi at nagpahila na kay Ashmere na parang mas excited pa sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko nang manghila siya ng lace na pantulog.

"Hindi ako nagsusuot ng lace!hanggang cotton lang ako Ashmere!"protesta ko.

"Why not? You can only wear this whenever we're together."sabi niya na busy-ng namimili nang mga pantulog ko.

Nanahimik na ako. Akala ko pati sa bahay namin ay isusuot ko ito.

"Fuck. I can't wait to see you on this."he was smirking while pulling everything off the rack and handing it to the three sales lady.

Natatawa akong sumunod sunod na lang sa kanya. Halatang sanay na sanay sa pagbili dito sa shop eh.

I wonder if he went here with his other girls before..

Nang palabas na kami ay hindi ko mapigilang tanungin siya.

"Ashmere, palagi ka dito?"pasimple kong tanong. Dala niya lahat ng paperbags ng VS.

"Yeah. My mother and Shanelle always  ask me to buy something for them."nakangiti si Ashmere sa mga hawak nyang bag.

"Hindi para sa girlfriends mo?"kunwari ay pabale wala kong tanong.

Napahinto siya at hinablot ang pala pulsuan ko. Napahinto din ako at napaharap sa kanya. His eyes were very dark and serious.

"Now I get it. I never had relationship with any girls before you. You're my first girlfriend. And probably my last."dahan dahan niyang paliwanag.

Napakagat ako ng ibaba kong labi at tumango.

He then smiled at me and grabbed my neck to kiss me on my lips.

Napasinghap ako nang pakawalan niya ang mga labi ko. His eyes were now sparkling with excitement.

"Let's shop for your clothes baby. And your  family."

Napanganga lang ako at nagpahila sa kanya nang pumasok kami sa Gucci store.

On my second day in Manila, Ashmere got a call from Coles. Unfortunately, the CCTV recordings when the incident happened in the school were now missing. And the pair of scissors were clean of finger prints too. Yong inaasahan kong magsasalba sa akin ay nawala nang parang bula..

We were both quiet the whole day. Hindi ko alam kung anong pwede ko pang gawin. Puwing lang ako kumpara sa mga Sigua. Kaya madali nila akong maipapakulong.

Sa buong maghapon ay nasa office lang si Ashmere. May mga kausap dahil maya't maya ay tumutunog ang cellphone niya.

After dinner ay nagpaalam na si Ashmere para bumalik sa opisina niya.

I quickly took a shower and prepared his bath. He was so tensed the whole day. Probably, he was also having a hard time with my case.

When it was all set, i dried my hair, wore one of the satin lingerie he bought for me and went down to fetch my boyfriend. He needed a hot bath to relax him. And maybe some massage.

Kumatok ako sa pintuan niya na agad niyang sinagot.

Isinilip ko ang ulo ko. May kausap pa rin siya at napapatapik na siya sa mesa. Halatang nagagalit na. Sa buong maghapon ay ganito siya. Magkasalubong ang mga kilay, madilim ang aura, nag iigtingan ang mga panga at mabigat ang mga hakbang.

Nakakahiya na ke-bago bago nang relasyon namin ay binibigyan ko na siya ng problema.

"Baby.."tawag ni Ashmere sa akin at ibinuka ang mga braso. He was leaning on his swivel chair and looking at me with his tired eyes.

Wawa naman ang baby boy ko..

"Baby I prepared you a hot bath shall we quit it a night na?"mahina kong sabi at umupo na paharap sa kandungan niya. I then wrapped my arms around his nape. Then pulled his hair.

He was clenching his jaw while eyes tightly closed.

"Thanks baby. But I still have few more calls to make."

"Para ba sa akin yan?"nahihiyang tanong ko. He hesitated and looked away.

"Please tell me?" Alam kong kapag nag please na ako ay gagawin niya agad ang hiling ko.

"Yes."he answered quickly. Then put his arms around my small waist.

"You know what? Bakit hindi na lang tayo magbreak-"

"No way! What are you saying?"galit na sagot niya at hinigpitan ang yakap sa akin.

"Kasi bago pa lang tayo tapos namomoblema kana! Kung maghihiwala-"

"I said no way. Over my dead body baby. Your idea is trash. Rubbish. Stop this nonsense." He said angrily and stood up while carrying me. I held onto his nape tighter and wrapped my legs around his waist.

"Magbalikan na lang tayo kapag okay na ulit-"naputol ulit ang sasabihin ko nang hilain niya ako para sa halik.

Nalulunod na nagpaubaya ako. Madiin niyang hinawakan ang baba ko kaya napabuka ako ng mga labi. He then invaded my mouth with his hot tongue.

I held my breath when his kisses went down to my neck.

"Ashmere.."

"Take that back baby. Take that back."utos niya sa akin at sinipsip ang balat ko sa leeg.

"P-pero.. oh!"Napaungol ulit ako ng humawak siya sa pwetan ko at ikiniskis ang pagkababae ko sa bukol niya

"Baby.. please. Take that back. I don't want your idea."patuloy niyang pakiusap.

Napatango na ako at nanghihinang sinubsob ang mukha sa leeg niya.

"Oo na. Tayo pa rin.."

Ramdam ko ang malakas na pintig ng puso ko. I want something that only him can give it to me..

"Ashmere.."protesta ko nang ilapag niya ako sa kama niya.

"I'll have a bath and you'll massage me right?"Nakangiti na niyang sagot. He pressed my chin and let go.

"Pero sabi mo may kakausapin kapa?"

"Nah.. I'll do it tomorrow." He said then stripped his shirt off in front of me.

Napabuntong hininga ako sa ganda ng katawan ng boyfriend ko.

Sa huli.. siya ulit ang unang kumalas bago pa may mangyari sa amin.

Pinapasok ko na sa trabaho si Ashmere on my third day kahit ayaw niya. And my fourth day was just staying at home and watching random movies. Nagbigay siya ng black and platinum credit card na nakapangalan na sa akin kaya wala akong nagawa kundi ilagay ang mga ito sa wallet ko para itago. Wala akong balak gumamit ng perang hindi ko pinaghirapan.

Tsaka sangkatutak na ang mga damit, bag at sapatos na binili ni Ashmere para sa akin at sa pamilya ko. He was even planning to buy me a car on my eighteenth birthday without my knowledge. Nalaman ko lang nong aksidente kong nasagot ang tawag ng BMW car dealer.

Kinompronta ko siya at pinagalitan kaya hindi na niya pinilit pa. Nagsasayang lang ng pera. Kung pwede namang sa passengers seat na lang niya ako sasakay. Mas maganda pa.

I was checking my Facebook account when Ashmere came home from his long day at work.

Nilapitan ko na siya at humalik bago inabot ang mga gamit niya at inilagay sa coffee table.

Hinila ko siya papuntang kusina para kumain na.

"Baby.. what do you want to do this weekend?"We were eating our dinner. I cooked sinigang na hipon at adobong manok. He still eats like a girl. Slow and with finesse. But I noticed his appetite's better than before.

"Dito na lang tayo. Manood ng movies."tinatamad kong sagot.

"What about we go to an amusement park? You like that right?"

Napatango ako at napaisip. Siguro nga mas okay lumabas kaysa magmukmok.. hanggang ngayon kasi at wala pa rin akong balita kung anong nangyari kay Laila. Her parents were very strict with the visitation. Wala silang pinapapasok.

"Sige.."nakangiti kong sagot habang nagsasalin pa ng pagkain niya. Nakakataba ng puso na napapakain ko siya ng marami.

Nang matapos kami ay siya na ang nagligpit at nagpunta naman ako sa kwarto para makapag toothbrush. Late na akong naligo kanina kaya ayoko nang maligo ulit!

After I finished, i went down to the living room and switched the television on. Namili na ako ng papanoorin namin. It would be a sexy romantic comedy film.

Naupo na ako nang maiset ko ito ay pi-nause ko muna para hintayin si Ashmere.

Kinuha ko ang iPhone ko na bagong bili ni Ashmere at nilaro laro ito. Hindi pa rin ako sana na walang touch button sa ibaba kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa naililipat ang sim card ko.

Inabot ko ulit ang luma kong iphone para maglipat ng pictures para sa wallpaper ko.

Napakunot ang noo ko nang makita ang mahigit three hours na video sa photos ko.

So I watched it in curiosity. I couldn't remember taking a video this long! And I've never been this happy in my entire life!

"Ashmere! Oh my God! Ashmere!"paulit ulit kong sigaw nang pangalan niya.

I heard his reply but I couldn't understand it so I stood up and ran up the stairs.

Nakita ko siyang nagmamadaling magsuot ng boxer niya habang papalabas ng kwarto. Basang basa pa ang buong katawan.

"Fuck! What happened?!"nag aalalang tanong niya sa akin at pinaikot ako.

"Did you fall or hurt yourself baby?"tanong pa niya.

"N-nothing bad! I'm fine." Utal kong sabi dahil natutukso na naman ako sa abs niyang namumukol at pati na ang bukol niya sa ibaba!

"Then why you're calling me like that?"Napabuga siya ng hangin at nagpamaywang.

Napakagat labi ako at iniwas na ang mga mata sa katawan niyang makasalanan.

"May.. ano.. ah oo! May video ako nang nangyari sa amin ni Laila! Ito oh!"At ipinakita ang video sa kanya.

"Damn baby.. you're so clever.."he said then kissed me without even finishing the video.

I held his broad shoulders and jumped on him. He caught me with ease. And he wrapped my legs around his waist.

"It's time to countercharge them."