webnovel

On Bended Knees Completed

ON BENDED KNEES (Revised) Warning:SPG/R18 She was a goody two shoes, straight A student plus a President in her school student council. She had her life planned accordingly. Get to her dream University, a degree and a job that could support her family. But on her last year of high school, she met new people that made her life turned upside down. Suddenly her plans wavered. Changed.. Because how could she say no to a hot shot CEO slash Engineer who was willing to give her everything? Plus the fact that he was making her heart beat fast and have the sweetest lips she ever had.. 17/7/20 REVISION 07/01/21 28/7/20 FINISHED 31/01/21

greighxx · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
37 Chs

Chapter 21

CHARGES

Nagising ako ng maaga dahil sa malalakas na tawanan sa likod bahay namin. Ang akma kong bubuksan sana ang bintana ko ay nakita ko ang mga naglalakihang katawan ng mga kaibigan ni Tyong na nakapabilog at nag iinuman ay natigil. Sa kabilang gilid ay si Ina at ang mga amiga niya na naglalaro ng mahjong.

Di-nouble lock ko ang bintana ko at lumabas na nang kwarto para magluto at maghanda sa pagpasok. Masyado pang maaga pero mas gugustuhin kong umalis na kaysa manatili dahil baka mautusan lang ako na bumili ng kung ano-ano sa tindahan at hwag papasukin ni Ina.

Tinext ko si Ashmere na maaga akong aalis ng bahay ngayon dahil sa magulo naming bahay kaya paglabas ko ng bahay ay nasa harapan na namin ang puti niyang BMW.

Nang bumukas ang driver's seat ay lumabas ang ubod ng gwapo kong boyfriend na may sexy-ng ngiti sa mga labi. He was wearing a white polo ralph lauren fitted tshirt, adidas black shorts and a white adidas sneakers. Para siyang rarampa sa catwalk.

Napangiti ako at sinalubong siya ng yakap. Napakabango at bagong ligo.

He then guided me to his passenger's seat and kissed me before putting my seatbelt on.

"Where to baby?"tanong niya.

"Hindi ko alam.."alanganin kong sagot. It was only five o'clock in the morning. Nagulat nga ako ng magreply siya sa text ko.

Tumango lang siya at nagdrive na.

"Hindi mo naman ako kailangan puntahan ng ganito kaaga. Naistorbo ko pa tuloy ang tulog mo."nahihiya kong sabi.

"I'm used to waking up early in the morning baby. So don't worry." Sagot niya at ipinatong na ang kamay sa hita ko.

Nang huminto kami sa mansion nila ay hinila na niya ako palabas ng kotse nya at tahimik kaming umakyat sa second floor. Pangalawang beses ko palang nakakapunta dito. Dahil nong nagkalabuan kami ni Ashmere ay hindi ko na binalak tumapak sa mansion nila.

Sa itaas ng bahay ay nakasalubong namin  ang mayordoma nila na may malaking ngiti sa mga labi. Kaya ngumiti ako pabalik.

Kinakabahang huminto kami sa isang kwarto na ang hula ko ay kay Ashmere.

Binuksan niya ang pinto at hinayaan ako na kusang pumasok sa loob. Inilapag niya ang susi ng sasakyan niya sa desk at nagtanggal ng relo. He then cracked his neck and stretched his arms. His biceps were flexing. He was so hot..

Nang magtama ang paningin namin ay umiwas ako agad. Nakakahiyang makita niya akong pinagnanasaan siya.

Inilibot ko ang paningin sa malaki niyang kwarto.  The dominant colour were black and white.  Lumapit ako sa glass cabinet niya na punom puno ng mga medals noong nag aaral pa siya. There were also lots of pictures of him and his friends.

"Are you hungry?" He asked me while hugging me from my back. I stiffened when his hot minty breath fanned on my cheek.

"O-Oo!"tangi kong nasagot at bahagyang iniwas ang mukha.

Hindi na ako mapakali sa tuwing magkasama kami sa isang kwarto at kaming dalawa lang magmula nang makita niya ang hubad kong katawan.

Hanggang salita lang kasi ako. Malanding salita.

"Okay.. I'll get us some breakfast. Just stay here and we'll eat outside my balcony." he said then kissed me on my earlobe and left. Nakikiliting tumango na lang ako at nang mapag isa ako ay napahawak na ako sa dibdib kong kumakabog sa bilis.

Grabeng init..

Nagtanggal ako ng coat at long sleeves pati na ang boots ko at long white socks. I was only left with my cotton spaghetti strap and my above the knee skirt.

Tapos ay pinakialaman ko na rin ang aircon niya.Nagtingin tingin na rin ako sa loob ng walk in closet niya na punom puno ng mga mamahaling gamit.

Nakakaamaze lang dahil ang ganda nang mga taste niya..

I pulled out all his drawers and found watches, gold and silver chains and even bracelets. Sa mga relo pa lang ay aabot na sa daang milyon ang mga ito.. napakagat ako ng labi at isinara na ang drawers niya.

May mga tao talagang biniyayaan ng good looks, money and good family.

Samantalang ako? Good looks lang. 

Natatawang lumabas na ako at nakaramdam nang antok nang makita ang malaki niyang kama. Humiga ako nang dahan dahan sa kama niyang kaamoy niya at isinubsob ko ang mukha ko sa unan niya at inamoy ang bango.

I closed my tired eyes and decided to have a short nap.

Napadilat ako nang maramdaman ko ang mainit na hiningang dumadampi sa leeg ko. Kinakabahan na inilibot ko ang paningin at naalala na nasa mansion pala ako ng mga Monteverde. Akala ko.. nakapasok na si Tyong sa kwarto ko..

Bahagya akong lumayo at nakita si Ashmere na natutulog ng mahimbing habang nakayakap sa akin.

Nang mapatingin ako sa wall clock ay half past six pa lang kaya bumalik ako sa pagkakadikit kay Ashmere at yumakap ulit.

Pero hindi na ako makabalik sa pagtulog kaya hinintay ko na lang siyang magising.

Nakaramdam ako ng pagka ihi kaya tinapik ko na ang pisngi niya.

Umungot lang siya st mas sumiksik sa leeg ko kaya naghintay pa ako ng ilang minuto.

Nang hindi ko na makayanan ay itiningala ko na ang mukha niya at kinagat siya sa ibabang labi. Pero imbes lumayo sa akin ay iginalaw pa niya ang mga labi niya para halikan ako. Inatras ko na ang mukha ko at tinignan siya ng masama.

"What? You're the one who woke me up with your kisses."inosenteng sabi niya at naupo na habang sinusuklay ang buhok niyang humaba na. Pinatunog niya ang kanyang leeg at sumandal para panoorin ako.

"Hindi kasi kita magising! Tulog mantika ka." Naupo na rin ako at tumayo para umihi.

"Do you want help there?"he asked in humour.

"Tse!"sagot ko pabalik.

Buong araw kaming nagsaya dahil sa success ng auction namin. We gathered five million in total so our Principal decided to throw a party for all of us.

After lunch ay pinatawag kaming mga nagparticipate sa auction para mabigyan ng reward.

"A return trip to Boracay with one week hotel accommodation and pocket money worth ten thousand pesos." Hindi makapaniwalang basa ko sa binigay sa amin.

Napatango tango sina Megan. Halata rin ang excitement.

"So, may lakad na tayong mga girls sa sem break! Wala nang problema." Masayang sabi ni Shanelle.

"Sa hotel nyo ito ah.."muli kong pinaraanan ng basa ang papel habang si Arana ay nakipagusap sa iba pa naming kasama at nang bumalik ay umiling iling.

"Tayo lang ang pupunta sa Monteverde Hotel Pres. Yong iba ay sa beach house ng founder natin tutuloy. At napakalayo non sa hotel natin."

Napatango tango ako. May kinalaman kaya ang jowa ko dito?

"Magsabi ka nga bestie. Planado ito ng kuya mo no?"tanong ni Megan kay Shanelle.

Tigas sa pag iling si Shanelle kaya hindi na namin kinulit pa.

Kumakamot ako ng ulo na lumabas sa kwarto ko para makapaghanda na ng almusal at babaunin sa tanghalian. Isang linggo nang panay ang inuman at sugal nina Ina at Tyong sa bahay namin. Malalakas na tawanan at minsan ay may nag aaway pa.

At mas lumala pa ngayon dahil mas marami nang mga upuan at mesa.

Natatakot na akong lumabas pagsapit ng alas nueve ng gabi dahil baka may mangharang sa akin na lasing na kaibigan ni Tyong kaya nagkukulong nalang ako sa kwarto ko.

Mabilisan akong naghanda sa pagpasok at wala pang alas sais ay nasa school na ako. Wala ang guard kaya nagdire-diretso na ako sa office ko at tahimik na nagbasa basa ng mga lesson namin habang sumusubo ng almusal.

Nag selfie din ako at isinend ito kay Ashmere na nangungulit kung nasaan na ako. Masyado siyang praning at sobra ang pag aalala sa akin. Kaya minsan ay hindi ko na lang sinasabi ang mga ginagawa ko dahil kahit nasa meeting ay tatawag siya sa akin para tanungin ako ng tanungin.

Nang makarinig ako ng kalampag ay napahinto ako sa pagtatype ng reply ko kay Ashmere at pinakinggan ulit kung mag iingay pa.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makarinig ulit ng sunod sunod na kalampag.

Sa wakas.. mahuhuli din kitang walang hiya ka.

I set my phone to video and walked slowly down the stairs.

Natigilan ako nang makita kung sino ang salarin sa sakit ng ulo ko nitong mga nakaraang linggo.

"Laila.."pagtawag ko sa kanya ay binulsa ang phone ko sa may breast pocket at isinadaro ang coat ko para hindi niya makita na kinukuhanan ko siya ng video.

Napatigil siya sa akmang pagstaple sa isa niyang picture at lumingon sa akin ng dahan dahan.

Ngunit imbes na kabahan ay ngumiti lang siya ng mala demonyo. Baliw na talaga siya.. she was so obsessed with me. Obsessed of throwing me out of this school.

"I still don't understand why you hate me so much?"malungkot kong tanong.

"It's simple.. you're like everybody else. Masyadong papansin. Mapapel!"sigaw niya.

"Wala akong ginagawa sayo."

Tumawa siya.

"You remind me of my younger sister..she always get what she wants.. she always wants my parents attention not thinking of my sake.. and now.. she's gone.. i killed her. I drowned her just to end my misery!"nagulat ako sa confession niya.

"But they still can't notice me.. I did lots of things for them to pay attention to me. But nothing happened."naging malikot ang mga mata niya at ipinasok ang mga daliri sa bibig.

"Then napagisip isip ko.. kung hindi nila ako kayang mahalin, sa ibang tao ko kukunin ang pagmamahal na hindi nila kayang ibigay!"she wiped her tears from her cheeks while chewing her nails.

"And you know what? You happened! I couldn't make them to like me because of you. How I hate the likes of you and my sister!" Sigaw niya habang umiiyak.

Then she laughed demonically. I felt my goosebumps. She put the stapler and grabbed a pair of scissors in her plastic box.

"And now you'll be gone here..just like my sister..far away from me.."she stepped closer to me and raised her hand with her scissors and tried to stab me.

Napatakbo ako sa dulo nang hallway. She chased me around.

"Laila, huminahon ka. Makukulong ka kapag pinatay mo ako! You won't be happy inside the jail."hingal kong takbo habang sinusubukang kausapin siya.

"Please.. kung gusto ko akong mawala sa daanan mo, I'll step down as the President and I'll keep quiet!"nadapa ako sa rag na nakakalat.

Nanginginig na lumingon ako sa kanya na may ngising demonyo.

"This is your end Miss President.."tumatawa nyang sabi.

Sabay kaming napalingon sa entrance nang may marinig kaming masayang nag uusap.

"L-Laila.. please.. hwag ganito.. masisira ang buhay mo!"nakikiusap kong sagot.

She smiled triumphantly while looking at me.

"Either way.. it'll be your end Miss President."she said then stabbed herself in her stomach twice.

Nanlaki ang mga mata ko at napasugod sa kanya para tulungan siya pero hindi ko alam ang gagawin.

"Tulong!"sigaw ko at umiiyak na sinalo si Laila na nakangiwi at nanghihina na.

"Tulong please!"

The ambulance came immediately and rushed Laila to the nearest hospital.

Her parents accused me of trying to kill Laila and filed a case against me. I was sent to police station for investigation and my statement with my friends.

They invited my mother since I'm a minor but she was too drunk to talk to them so Tita Lydia and Tito Miguelito acted as my guardian.

Nakalalungkot lang na wala talagang pakialam si Ina sa akin. Tahimik lang akong nakaupo habang katabi sina Arana na nag uusap.

"Don't worry bestie. My dad can't detain you without a warrant. This is just for your statement."pampalubag loob ni Arana.

Tumango ako.

Kinapa ko ang dibdib kong nananakit at naramdaman ang cellphone ko sa breast pocket.

I placed it in my bag so I won't lose it and rocked my feet nervously.

Nang lumabas sina Tita at Tita ay nakangiti na sila at tumango sa amin.

Nakahinga ako ng maluwag. Lumapit na rin si Chief Ruiz at yumakap sa akin.

"I'll help you iha. Don't worry."mas napanatag ang loob ko.

Tahimik pa rin ako nang makarating sa bahay nina Megan. They were talking to me, trying to make me feel better. Pero hindi ko magawa. Nang tumunog ang cellphone ni Arana ay dali dali niya itong sinagot.

Then she came back with her grim expression.

"Siguas want you expelled. Our Principal will talk to the school board of directors about the matter."

Napakuyom ako ng kamay at mapait na ngumiti.

I'm nothing to them so obviously, kahit sabihin kong hindi ako ang may kasalanan ay hindi nila ito tatanggapin.

Money speaks.

"Alam na ba ni Kuya ang nangyari bestie?"

Umiling lang ako at inilabas ang cellphone ko pero lowbatt na.

Agad akong pinahiram ng charger ni Megan at nanatili kaming tahimik.

Napapalatak si Megan.

"I know what to do.. if we can get an evidence, you won't get expelled.. di ba naghabulan kayo ni Laila? So probably, may record non sa CCTV! Tapos yong gunting pa. Hindi mo yon hinawakan so wala kang finger print non.." napatingin ako sa kanya na may tinatype na sa phone.

She smiled when she found me staring at her. "Magpapatulong lang ako kay Coles.."

Humiga na ako sa kama niya at parang pagod na pagaod.

"You should go back to school besties.. okay lang ako. Uuwi nalang ako sa bahay.."

Umiling sila at humiga para sumiksik sa akin.

"Through thick and thin bestie."sabi ni Shanelle. Napayakap ako sa kanila at ipinikit ko ang nananakit kong mga mata.

Umuwi ako ng maghapon na. Pagbungad ko pa lang ay ang sigawan na nina Ina ang sumalubong sa akin.

Mabilis akong pumasok sa kwarto ko at nagkulong.

Nitong nagdaang araw ay paulit ulit na noodles, at sardinas na lang ang naluluto ko. Dahil ang pera na pinagbebentahan ng pwesto namin ay nauubos sa sugal at alak nila.

At ngayon nga ay nag aaway na sila tungkol sa pera. Biglang tumahimik ang bahay kaya nakahinga ako ng maayos. Mukhang nagkaayos sila ulit.

Binuksan ko ang cellphone ko at sunod sunod itong nagbeep.

Galing kay Ashmere lahat ng text messages. Sobrang pag aalala niya sa akin. Napaupo ako ng maayos ng tumunog ang cellphone ko sa tawag niya.

I swiped to answer his call.

"Baby!"Bungad ni Ashmere sa akin.

"Why didn't you call me about what happened today? If it wasn't for Coles, I would be clueless here."matigas na english niya.

"Ayokong maabala kapa.."mahina kong sagot.

"You're my girlfriend! I should be with you in times like this!"

"Sorry na.."namamaos kong sagot.

Narinig ko siyang nagmura. Napalabi ako.

"I'll be there in five minutes."nasabi niya.

"W-what? Pero Monday pa lang ngayon.."nasabi ko.

"I'll pick you up. I've heard that you're suspended at school so I'll bring you to Manila with me. I can't trust that Siguas. They might do something to you."he said in his hard tone.

Napabuntong hininga ako at nanatiling nakaupo.

Siguro nga.. mas makakabuting umalis muna ako sa bahay.. tutal wala namang pakialam si Ina sa akin. At sobrang gulo na nang bahay namin. Hindi na ako komportable.

Nagmadali akong pinaghuhugot ang mga damit ko at inilagay sa luggage ko.

Nang matapos ay naligo ako at nagbihis na rin sa loob.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Ashmere na kausap si Ina at Tyong sa may sala namin.

Napalapit ako ng mabilis nang hinugot ni Ashmere ang wallet niya at kinuha lahat ng cash para iabot kay Ina na tuwang tuwa.

"Nako iho! Ang gwapo mo na, ang galante mo pa. Akala ko hindi ka na magpapakita pa sa amin. Alam mo na, akala ko nagsawa ka na sa kapangitan.. i mean sa ugali ng anak kong si Gia. Isip bata pa kasi.. bakit hindi ka magstay para makapagluto ako ng hapunan."tuwang tuwa na nagbilang si Ina sa harapan ni Ashmere.

"Bente mil!"napatayo si Ina nang makita ako at hinila sa gilid.

"Pakisamahan mo ng maayos. Tiba tiba tayo dyan."gigil na utos ni Ina at umakbay sa akin para malapitan si Ashmere. Si Tyong naman ay tinuturo ang manipis na gintong bracelet ni Ashmere na agad nyang hinubad at inabot kay Tyong.

Galit akong tumingin kay Tyong na agad lumayo para isukat ito.

"Ashmere!"inis ko tawag sa kanya.

He just smiled at me lovingly and met me halfway to kiss me on my lips then settled me by his side.

"I want to take your daughter to Manila since she can't go to school this week Madame." Paalam ni Ashmere na agad tinanguan ni Ina at Tyong.

"No problemo iho. Kahit wag mo na siyang ibalik dito.. joke lang."tumatawang sagot ni Ina.

"Ano palang nangyari sa school mo?" Kunwari ay interesadong tanong niya sa akin.

"May nakaaway lang po."mahina kong sagot.

"Bueno.. kailan mo ba gustong kunin ang anak ko?"

"We'll go tonight Madame."kunwari ay nalungkot si Ina at lumapit sa akin para haplusin ang buhok ko.

"Nako naman iho.. agad agad? Baka pwedeng bukas na lang.. sakto uuwi ang panganay ko mamayang gabi. Ipapakilala kita sa kanya. Tiyak magugustuhan mo din yon."

Napakuyom ako ng mga kamay. Talagang gusto niyang ipush si Ate kay Ashmere.

"I'll meet them when we come back."

"She's more gorgeous and sexy."pambebenta pa ni Tyong. Napapatango na sumang ayon ni Ina.

"Sampaguita's the most gorgeous of them all. And I love her."madilim na sagot ni Ashmere at tumayo na kasabay ako.

Pati sina Ina ay napatayo na rin. Napipi sa sinabi ni Ashmere.

"Kukunin ko lang yong maleta ko."paalam ko. He squeezed my waist then let me go.

Sumunod agad si Ina sa akin.

"Anong pinakain mo don at gustong gusto ka? Inayawan ang ate mo!"hindi makapaniwalang tanong ni Ina.

Umiling lang ako at inilagay na sa sling bag ko ang cellphone ko at wallet na galing pa kay Shanelle.

"Magpabuntis ka na para kahit hindi mo siya makatuluyan, pwede kang humingi ng sustento."

"O kaya naman pikutin mo na habang gustong gusto ka pa para makatulong ka naman sa mga gastusin sa bahay."

Bumuntong hininga lang ako at tahimik na lumabas ng kwarto. Pero hinila niya ako pabalik.

"Kapag hindi ka nagtagumpay, ipapakilala ko na si Ate mo sa kanya dahil ayokong mapunta pa siya sa iba. Kailangan natin ang pera niya para mabuhay tayo nang maalwang."Napalunok ako at nakahinga ng maluwag ng bitawan niya ako.

"No hard feeling Sampaguita. Si Ate mo ang nakikinita kong nababagay sa kanya. Hindi ikaw."walang pusong dagdag niya.