© xiarls
All rights reserved
**
8
Hindi ako pinansin ni Vien magmula nung magpakilala si Jev. Eh ano ba naman ang ginawa ko? Hindi naman naging kami, di ba? Eh bakit sobra akong defensive sa kanya? He don't want to hear any explanations naman daw, edi 'wag!
Tinuon ko na lang ang pansin ko sa pagrereview ng mga quizzes, assignments, at projects ko. Pero kanina pa ako nagbabasa wala naman akong maintindihan! Lalo akong na-stress!
Magkaibigan lang kami ni Jev. Pero siya bakit ang tindi ng tampo niya sa akin? Hindi ako sanay na walang nang-iirita sa akin araw-araw. Napabuntong hininga na lang ako at kumain ng junk foods na nakatambak sa tabi ko. Dito ako sa labas ng bahay.
Pero hindi ako mapakali habang nagbabasa. Ilang araw na ang nakalipas, hindi pa rin siya nagpapakita sa amin. Nagselos lang saka na ako iniwan. Psh. Mas sanay na akong siya ang kasama ko kaysa ganitong nawawala siya na walang paalam!
Ngumunguya ako ng chips habang nakataas ang paa ko sa coffee table. Dumaan naman si Cyrus sa labas kaya tinawag ko siya. Lumabas ako sa gate kaya tumigil siya sa paglalakad. Hinarap niya ako. Doon ko lang namalayang naka-uniform siya.
"Punta ka bang school?" tanong ko, "Eh si-" tumango siya. Hindi man lang ako pinatapos magsalita.
"Si Vien ba? Hindi pa rin nakabalik eh," sagot niya. "Di bale, pag dumating siya, sasabihan kita agad. Sige na, Ren. Una na ako." Sabi niya at umalis. Napayuko ako at bumalik sa loob ng bahay na bagsak ang magkabilang balikat ko.
Nagbihis na rin ako para pumunta sa school. At kahit naglalakad ako, siya pa rin ang nasa isip ko. Timang na ba ako?
Dumaan ako sa canteen para kumain ng lunch at para mag-prepare na rin para sa report na gagawin namin. Sinamahan ako ng groupmates ko sa table, tapos na silang kumain kaya dini-discuss na lang nila sa akin kung ano ang mga gagawin.
Tumabi na rin sa akin si Jev. I just rolledmy eyes at him at hindi siya pinansin. Itinuloy ko ang pagkain ko habang nagbabasa ng notes pati nakikinig sa mga kwento ng classmates ko.
Yeah, I looked rude but I can't really eat because of he's staring at me like crazy. Sinamaan ko na lang siya ng tingin at niligpit ang pinagkainan ko. Ngumisi siya at ginulo ang buhok ko habang kinukuha ko ang gamit kong kinuha niya rin sa akin habang palabas kami ng canteen.
Tinampal ko nga ang braso niyang nakaakbay na naman. "Ano na naman ang problema mo?" tanong ko. Nakakailang na naman ang mga tingin ng ibang estudyante. Nakita rin ako ni Cyrus at tinaasan ng kilay para tanungin kung sino ba 'tong jerk na nasa tabi ko.
"Text kita mamaya," I mouthed Cyrus at sinundan si Jev papunta sa room. Pagkapasok namin, kinuha ni Jayna ang bag ko sa kanya. Pinaupo na rin ako ni Rhea sa tabi niya at tinaasan ako ng kilay!
"Anong problema niyo, girls?" Umayos ako ng upo at kinuha ang notes sa bag.
"We should be the one asking you that. What's your problem? At bakit sunod ng sunod siya sa 'yo?" sabi ni Rhea at tinuro si Jev na nakatayo pa rin sa pinto ng room. Napataas naman ako ng kilay.
"Bakit ka pa nakatayo dyan?" Tanong ko, umiling siya at pumasok naman. Inirapan niya sina Rhea dahil ang sasama ng mga tingin nila kay Jev. Hindi niyo sila masisisi. Kusa na lang siya sumulpot dito at walang pasabing ginugulo ang mga araw ko... pati ang pagkawala ni Vien dahil sa nagseselos na siguro 'yong isa dahil sa kanya. Possible nga bang nagselos talaga siya? O ako lang itong assuming at sinasabing nagseselos talaga siya?? Ewan! Ang gulo ko rin minsan.
Buong maghapon tahimik lang si Jev habang nakikinig sa mga teachers. Madalas kasi dinadaldal niya ako noong mga nakaraang araw. Pero ngayon sobrang tahimik niya. Parang ang lalim ng iniisip. Eh ano naman pakialam ko?
Matapos ang klase, as usual, nakabuntot na naman siya pero hindi siya kumikibo. Mas lalo akong naging curious dahil sa pananahimik niya hanggang sa makarating kami sa labas ng mall habang naglalakad. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pumasok kami sa loob.
"Hoy, anong gagawin natin dito?" Tanong ko habang pilit kong binabawi ang kamay ko pero hindi niya ako binitawan.
"Let's eat dinner, libre ko." Sabi niya.
"Sure ah. Hinila mo ako dito eh." Sabi ko.
Dumiretso kami sa food court at siya na ang nag-order. Malamang libre niya dahil siya naman ang nanghila sa akin papasok dito.
"Anong gusto mo?"
"Kahit anong may sabaw. Huwag lang 'yung may sea foods."
"Okay, hanap ka na lang ng mauupuan natin."
Gaya nga ng sabi niya, naghanap ako ng table.
Pagka-order niya, diretso kain na kami. Hindi kami nag-uusap. Para saan pa? alam kong paglabas namin dito, aayain niya akong mag-usap kami. Given na 'yon.
Pagkatapos naming kumain, naglibot muna ako sa dept. store at naningin. Magkatabi kaming naglalakad. Marami akong gustong bilhin pero wala akong budget. Ang ending, bumili na lang ako ng tatlong ballpen sa NBS.
Matapos no'n, lumabas na kami sa mall. 9:00 PM na rin.
"Let's go home, hatid na kita." Sabi niya at kinuha na naman ang bag ko para siya na ang bumitbit.
"Wow, gentleman ka na ulit ngayo? Saan napunta 'yung jerk side mo no'ng magkasama tayo sa Europe, ha?" Sarcastic kong tanong. Sinamaan naman niya ako ng tingin. "Jerk ka pa pala talaga hanggang ngayon—"
Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. He gave me a smack kiss on my lips! Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hinigit niya ang kamay ko at naglakad na.
"Better!" He smirked. "Gentleman naman talaga ako," panimula niya. Naglalakad kami papunta sa bahay. "Nagbago ako dalawang gabi bago mo nakitang nakikipaghalikan ako sa tatlong babae."
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Gusto ko siyang tanungin pero umurong ang dila ko. Napatingin siya sa akin at ngumisi sabay ginulo ang buhok ko. Siniko ko siya saka niya binitawan ang ulo ko.
"Stop it! Ba't mo trip talaga buhok ko?"
"Wala lang, masama?"
"Oo! Eh kung sabunutan kita dyan?" Napaatras naman siya sa sinabi ko at natawa. Ready n asana ang kamay ko para abutin ang buhok niya.
"Hahaha, chill babe!" Hinawakan niya ang kamay ko sabay hila sa akin papunta sa plaza malapit sa bahay.
"Babe mo mukha mo!"
"Kung ayaw mo sa buhok, pwede naman 'to, di ba? Hindi ka nga nagrereklamo kanina pa." Sabay tawa niya na kulang na lang gumulong siya sa kalsada. Binatukan ko nga.
"Bwisit! Tigilan mo ko!" Sigaw ko. Umupo kami sa bench nang hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.
Doon ko lang napansin 'yong kamay niyang kanina pa nakahawak sa akin. Maski ako parang ayaw kong bitawan ang kamay niya kahit naiirita ako.
"Wait lang," binitawan niya ako at umalis. Pagbalik niya, may dala-dala na siyang steet foods. Siomai, kikiam, fishball, at fries.
"Alam kong paborito mo mga 'to." Sabay ngiti ng nakakaloko. Umupo siya ulit at pinagitna ang mga pagkain. Tahimik lang kami hanggang sa maubos iyon atsaka siya nagsalita ulit.
"Gusto mo bang malaman kung bakit ako naging bastardo sa paningin mo?"
"Bakit ba?"
"Hindi naman ako bastardo noon. Do you remember the day of your accident?" I just nod. Kapag iniisip ko ang nangyari no'n parang naghihina ako.
"That was the day I made the biggest mistake of my life." Huminga siya ng malalim.
"I had a girlfriend before. Ayos naman ang relasyon namin, walang problema sa amin. Habang tumatagal, lalo lang naming minamahala ng isa't isa. 'Yung tipong kung saan siya, doon din ako. But months after, nagkakalabuan kami. Halata sa kanyang nagbago siya. Hindi na siya 'yong dating tumatawag o nagtetext every hour. Kahit may classes, magka-text kami. Hindi na rin siya 'yong pala kwento sa mga nangyayari sa araw niya."
"Kaya kahit bawal lumabas sa room, lumabas pa rin ako para tawagan siya." Napalunok siya saglit. "At kahit magkaiba kami ng school, pinuntahan ko siya para alamin kung bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag at text ko. And then I saw her, nasa likod ng school building nila, nakikipaghalikan sa dalawang lalaki. At mas malala pa do'n, inaya siyang makipagtali sa mga gagong 'yon. Hindi ko siya magawang lapitan at sumbatan. Ginago niya lang ang sarili ko. Ginawa ko ang lahat sa kanya. Minahal ko siya ng buo pero ginago niya ang nararamdaman ko."
Pumiyok na siya. Nakatungo ang ulo niya sa paanan at hinilamos ang mukha. Pulang-pula na rin siya sa galit at pag-iyak.
Napasandal ako at hinagod ang likod niya. Hinayaan ko na lang muna siyang umiyak. Hindi naman ako makaimik sa mga sinabi niya. Masyadong awkward para sa akin ang mga confession na nangyayari ngayon.
Sumandal siya at tumingin sa langit.
"I get drunk that night. Winalwal ko ang sarili ko sa sakit ng puso ko... until the night I meet you. Hindi naman ako katulad ng ibang taong nang-iiwan ng mga nangangailangan ng tulong. Ginawa ko 'yon dahil minsan na rin akong tinulungan sa aksidente." Ngumiti na lang ako. "Gusto kitang kilalanin after ko kayong ihatid sa ospital pero 'yon din ang oras ng alis ko papuntang Europe." He smiled again, pero alam kong malungkot pa rin siya.
"I meet you again there. Naging sandalan natin ang isa't isa sa mga problema. Naging magkaibigan tayo. Pero hindi pa rin nawala 'yong sakit sa unang minahal ko. Kaya kahit sinaktan ko ang nararamdaman mo para sa akin, alam ko sa sarili kong may gusto rin ako sa 'yo noon, Rena. Hindi ko lang masabi kasi nauna mong nakita 'yong foursome sa gitna ng daan. Hindi ko rin naman ginusto 'yon." Nilingon niya ako at nagulat akong pinahid niya ang mga luha kong dumadaloy na rin. Katulad ko, umiiyak rin siya.
"I'm so sorry Rena for what I've done for those months we've been together." Hinawakan niya ulit ang kamay ko at marahang pinisil iyon. "Can we be friends again? Kahit iyon na lang ang ibigay mo para sa akin. I do really need a second chance for us." Ngumiti siya habang patuloy pa rin ang pagluha niya. Pinunasan ko iyon at saka marahang tumango sa kanya.
"I forgive you, Jev."
"And I'm really changing, Rena. That's all because of you."
Bigla niya akong niyakap.
Fck, ang sarap rin naman pala sa pakiramdam na patawarin ang taong nanakit sa 'yo... at masaya ako para sa kanya dahil sa mga sinabi niyang unti-unti niyang binabago ang sarili niya.
"Shhh, tahan na boy. Ang bakla mong tingnan." I joked.
Humiwalay niya ng tingin at nilapit ang mukha niya sa akin.
"You want to know that I'm not a gay, right?" Maloko niyang sabi.
Bigla naman akong namula at umiwas ng tingin siya kanya. Pero nilapit niya pa rin ang mukha niya sa pisngi ko.
And unexpectedly, he kissed me on my lips, for the second time, in 5 seconds.
"I think I can't move on from you, Rena. I always like you."
"I-I should go." Tumayo ako at iniwan siya dun sa plaza. Pero ilang hakbang palang nasa tabi ko na siya at saka ako inakbayan.
Habang naglalakad, naramdaman ko na lang na humangin at tumaas lahat ng balahibo ko sa braso. Hindi ko na lang pinansin dahil malamig naman dito kapag gabi. Nasa tapat na rin kami ng bahay.
"See you tomorrow," sabi ni Jev at hinalikan na naman ang pisngi ko.
"Hoy! Kung makahalik ka ah?" Sigaw ko pero ngumiti lang siya. "Ingat sa pag-uwi." Sabi ko at ako na ang kumuha sa braso niyang nakaakbay.
"Sige Miss. Good night."
"Good night."
Sinarado ko na ang gate at binuksan ang pinto ng bahay. Nilingon ko siya. "Alis na, masyado nang gabi. Ingat!" Sigaw ko.
"Bye."
I waved at him at umalis na rin siya. Sinarado ko na ang pinto at umakyat.
At hindi ko namalayang may itim na pusa sa bintana ng kwarto ko... malalim ang tingin sa akin na parang hinahalukay ang buong pagkatao ko.
"Alis!" hindi naman siya natinag at umalis na rin sa bintana.
Alam kong sinarado ko lahat ng pinto at bintana ng kwarto ko kaninang umalis ako. Bakit ngayon may pusa dito?
...to be continued