webnovel

11.1

© xiarls

All rights reserved

**

11

I don't know how I feel right now. Hindi ako makatingin ng diretso. Parang ang sakit lang sa mata ko ang mga nakikita ko ngayon.

I'm so hurt. You can or can't blame me. Pero sobrang lungkot ko nang hindi niya ako pinapansin. Ano pa magagawa ko? Hindi naman kami, 'di ba? Eh bakit ako nasasaktan?

Nanginginig ang tuhod ko kaya inakay ako ni Jev para maupo.

Tiningnan ko lang sila sa malayo. Bigla na namang tumulo ang luha ko nang hindi ko namamalayan. Pinunasan iyon ni Jev. Tumingin ako sa kanya, alam niyang malungkot ako kaya niyakap niya ako. Napahagulhol naman ako ng iyak.

Tinawagan ako ni Elise dahil sa nakita niya. Totoo ngang maganda ang pakikitungo niya sa babaeng kasama niya ngayon. Nagtatawanan at nagngingitian sila. Kahapon, sinaktan niya ako't pinakawalan. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin tanggap ang mga nangyayari.

"Tara na," sabi ko kay Jev.

Tinignan niya lang ng masama yung dalawa habang hinahatak ko siya paalis sa café.

Bigla nalang tumulo ang luha ko at pinahid iyon ni Jev.

"Shhh, calm down, Rena. Hindi mo deserve umiyak para sa kanya." Sabi niya at saka ako niyakap.

"Rena!" napabitaw ako sa yakap ni Jev nang tawagin ako ni Elise.

Pinahid ko ang luha ko at hinarap siya. "Oh Elise," ngumiti ako pero alam kong peke ang ngiting iyon.

"May problema ba?"

"Alam mo, ikaw itong tumawag kay Rena na pumunta dito kaya alam mo namang problema yung haharapin niya. Bakit ka pa nagtatanong?"

Napanganga si Elise sa sinabi ni Jev.

"Ha?"

"Ha? Ha? Ka pa dyan. Nasa loob sina Vien at Angel. Tapos tatawagan mo pa siya?!"

"What?? Hindi iyon ang ibig kong sabihin!" sigaw ni Elise sa kanya. Tumingin siya sa akin ng seryoso. "Rena, may naghahanap na matanda sa 'yo dito kanina. Gusto ka niyang makausap tungkol sa pagkatao mo."

"Aba't! Ba't hindi mo agad sinabi?" Iritang sabi ni Jev.

"Bakit? Hindi naman ikaw si Rena! Bakit ka nandito, bakla ka?!"

Matanda? Tungkol sa pagkatao ko?

Hindi ko na alam ang mga sasabihin ko sa kanilang dalawang nagtatalo na. Tumalikod ako't umalis pauwi sa bahay.

Sumalampak ako sa kama ko at umiyak nang umiyak.

--

Weeks past... hindi pa rin nagpapakita yung matanda na tinutukoy ni Elise. Dalawang lingo na rin akong naghihintay sa kanya na pumunta dito sa café pero wala namang may lumapit sa akin para makausap, liban nalang sa mga customers at classmates ko.

Nag-eencode ako ng data sa laptop ko para sa project namin nang tumabi sakin mga best friends ko.

"Musta ka na?" Tanong ni Abby.

"Ayos naman."

"Naka move on ka na ba?"

"Heh, move on ka dyan?! Eh ikaw musta kayo ng bf mo?" Sagot ko kay Rhea.

"Ayon, staying strong."

Buti pa sila...

"Okay, back to you seats!" Biglang singit ni prof.

"Be ready for the most exciting moments for you!"

"Ano po yon?"

"Whole day walang pasok bukas kasi may teachers meeting at pwede rin kayong umuwi after 1 hour. So, let's start the class."

Yon naman pala eh. Edi maganda! Pahinga ng bongga!

AS usual, coding ang tinuro ni Sir. Masakit sa kamay pero kakayanin.

After 20 minutes, nakaramdam ako ng sakit sa tiyan so I excused myself to bathroom. Medyo malayo sa hallway kaya madadaanan ko pa yung room nila Louis... at saktong palabas rin siya sa pinto.

"Ohh, san ka punta?"

"CR. Ikaw?"

"Ito sa office namin. Kumusta ka naman?" Medyo naguluhan ako sa tanong niya. "Musta araw mo?" Tinignan niya ako ulo pababa. "Parang namumulta ka?"

"Wala 'to, pagod lang ako sa dami ng projects. Sige, una na ko." Tumakbo ako papasok sa CR. Pero kay malas naman ng araw na 'to.

"Rena, dito ka ba?" Boses ni Leanna.

"Yes Yan, bakit?"

"Nag-dismiss na. Dinala naming bag at laptop mo."

"Sige Yan. Akin na bag ko. Salamat."

Iniabot niya rin sa akin. Buti nalang may dala ako kaya inayos ko ang sarili ko bago lumabas.

Nagkakagulo silang lahat sa labas ng CR pagkalabas ko pero biglang natahimik at tinignan ako ng diretso sa mata at labi ko.

"Why? May problema bas a itsura ko? Tara na."

Lumakad na ako pero bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at hindi ko na alam ang sunod na nangyari.

--

Louis POV

Nang makita ko si Rena habang naglalakad, lumabas ako sa pinto ng room namin at sinamahan siyang maglakad papunta sa kung saan man.

Pero napapansin kong maputla siya kaya .

"Louis. Bakit ka nandyan sa labas ng CR?" Tanong ni Abby kasama si Leanna.

"Si Rena, parang maputla, nasa loob siya." Sabi ko sa kanila. "Call me if you have problems. Pupunta pa ako sa office."

"Sige, kami na bahala."

Naglakad na ako papunta sa office. Pinapatawag ako ni Dean dahil may balita daw siya.

"May lead na ako tungkol sa mga bampira dito sa campus." Sabi ni Dean. "Now, you should do what is best for the safety of the students."

Medyo naguluhan ako sa sinabi niya pero alam ko na kung ano ang ibig sabihin noon.

Masasaktan na naman si Rena sa magagawa namin.

... to be continued