webnovel

Of The Rainbow's Will

Sea_Kween · LGBT+
Sin suficientes valoraciones
9 Chs

Chapter 5. Tagapagtanggol ng inaapi

Christian's POV

Eight years ago

"Sa wakas! Nakauwi na rin!" Sabi ko.

Nakakapagod ang byahe papauwi dahil magiimpake ka pa tapos dadaanan mo muli yung maalong dagat at matrapik na kalsada. Ewan ko ba sa iba kung bakit ang hilig nilang maglakwatsa sa ibang lugar.

"Christian. Halika ka dito." Sabi ni Mama habang nakaupo sa balkonahe

"Yes ma?" Sabi ko habang umuupo din sa isang extrang upuan.

"Kumusta pag aaral mo? Top ka ba sa school?" Tanong ni Mama.

"Okay lang naman ma pero bottom po ako at hindi top. Bakit mo po natanong?" Tanong ko din sa kanya.

"Ay joker tong anak ko. Pero pag nalaman ko na bumagsak ka sa kahit anong subject baka magbiro akong palayasin ka." Kalma na Sabi ni Mama.

Dito ako natatakot dahil kalma lang magsalita si mama pero ang pakiramdam ko nasa Antarctica na ako. Di ko na sinabi na medyo kulelat sa Values Education na subject. Oh diba pwede naman Math pero sa Values talaga.

"Opo ma." Sabi ko.

"Meron ka nabang nagugustuhan sa school niyo?" Tanong niya.

Bigla akong nayamot dahil maghaharap pa pala kaming tatlo pagkatapos ng sembreak.

"Wala naman ma. I'm okay pa rin na single ako ngayon." Sabi ko.

"Siguraduhin mo lang anak. Distractions lang yan sa pag aaral mo." Payo ni Mama.

"Opo ma." Sabi ko.

Di ako makatulog sa gabi na iyon. Kahit tatlong araw nalang bago ang pasukan ay hindi ako mapakali kasi di pa ako handang makita silang muli.

Naalala ko tuloy yung sinabi ng estranghero na dapat maging busy para merong distraction.

"Sumali kaya ako ulit sa Campus Ministry? Sabihin ko naging lalaki na ako." Sabi ko.

Naalala ko tuloy nang nalaman ng presidente ng Campus Ministry na beki ako kaya ayun ligwak ang ate niyo.

"Argh. Wala naman akong talent eh. Mag drop out nalang kaya ako o susunugin ko nalang buong eskwelahan." Sabi ko.

Habang ako nakatulala sa kisame, may biglang nag text sa akin.

Elaine: Christiaaaan! Musta? Gusto mo sumali sa theater guild? Open kami sa pagbabalik-klase. Text me lang para ma accommodate ka namin.

"Theather guild? Anong gagawin ko dun? Maging acacia? Baliw." Sabi ko.

Pero deep inside interesado ako kahit takot akong majudge dahil katabaan ko.

--

Gumising ako ng mga alas diyes ng umaga. Ang rami ng text at missed call ni Jason sa akin magkikita daw kami. Tinawagan ko nalang kesa mag reply.

"O ghorl, anong ganap?" Tanong ko.

"Ghorl, punta ka sa amin may birthday kain tayo." Sabi ni Jason.

"Cge try ko. Dapat masarap at healthy pagkain niyo dyan." Sabi ko.

"Gago, ano ka city health? Hahahaha! O sya text ka lang." Sabi ni Jason.

Pagbaba ko ng tawag ay siyang nagtext si Elaine tungkol pa rin sa theater guild.

Elaine: Ano may desisyon ka na? Isasali na kita.

"Luh, paladesisyon? Atat?" Sabi ko.

Pinagisipan ko talaga kung sasali ako. Maganda din itong opportunity na sumubok ng bago kasi all these years kay EJ umiikot mundo ko. Ang loyal ko naman pero ayun nahopia.

"Ma try ko ngang sumali." Sabi ko.

Nagreply ako kay Elaine na sasali ako at agad naman itong nagreply na may meeting kami ngayon. Wow, atat din si ate.

Nagmamadali akong naligo at nagbihis. Nanghingi kay mama ng pamasahe patungo sa meeting namin. Kinalaunan ay narating ko rin at ang ganda ng rest house parang konting laki ay magiging mansion na ito. Sinalubong ako agad ni Elaine at ang iba pang kasama ng theater guild. Doon kami sa may function room nagkita-kita.

"Magkano reservation dito Elaine?" Tanong ko.

"Ay hindi ito resthouse, Christian. Bahay to ng lolo ko." Sabi niya.

Napa-ahhh nalang ako. Alam ko na isa sa mga pinaka mayaman sa eskwelahan namin si Elaine pero di ko alam na ganito pala sila kayaman. Sa hindi nakakaalam, si Elaine ay kaibigan din ni Anne at mag classmates sila sa section 1 habang kami naman ni EJ sa section 2. Kung wala si Anne sa classroom nila ay si Elaine naman ang habulin ng mga lalaki. Maputi, malaki ang dede, magandang chinita, pero di nga lang katangkaran.

"Pasok na tayo, Christian." Sabi niya.

"Sure!" Sabi ko.

Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang isang malaking bulwagan na merong napakagarang chandelier na hugis diyamante sa kisame nito. Nahiya ang dining room ng Harry Potter sa laki at maluwang na espasyo ng bulwagan pero nakakatakot kasi parang merong nagmamasid sa'yo tuwing naglalakad ka. Konti lang ang mga tao kasi meeting lang ng theater guild o baka ito lang talaga ang bilang ng mga miyembro nito.

"Okay guys! Before we start our agenda for today, nais ko munang ipaalam sa inyu na meron tayong bagong miyembro ng theater guild." Sabi ni Elaine.

"Tangina! hindi ako handa. Ano sasabihin ko?" Sabi ko sa sarili ko.

"Christian, halika! wag kang mahiya! Palakpakan naman diyan." Sabi ni Elaine.

"Hi po, ako po si Christian. You can call me chan. Nice to meet you po!" Sabi ko.

"Anong talent mo? aside sa pagkain?" Sabi ng isang babae sa ikalimang mesa sa likod.

Nagtawanan lahat ng mga tao at mas lalo akong nahiya. Sakto ba ang desisyon ko na sumali dito? Eto talaga kinatatakutan ko eh yung pangungutya ng mga tao. Pero hindi ngayon!

"Bakit kayo tumatawa?" Sigaw ko.

Nagsitigil lahat at tumingin sa akin.

"May naririnig ba kayo? Kinikiliti ba kayo ng demonyo? Sinu yan sa likod mo ate? Demonyo ba yan?" Gulat na sabi ko habang nagkukunwaring nasasaniban.

Natatakot na ang lahat. Yung iba umiiyak na pati yung babaeng nangungutya sa akin.

"HAHAHAHAHAAHAHHAHAHAAHAH." Tumatawa ako habang iniiba ko boses ko. Natutunan ko to kay Lola noon.

Nagsigawan na silang lahat. Si Elaine natatakot na din sa akin.

"Bow! At yun po ang talent ko." Biglang sabi ko.

Nagsitigil muli ang lahat. Pinuna ako ng mura at kantyawan. Yung iba naman ay nagsipalakpakan.

"Bravo! Christian! Di namin ine-expect talent mo." Papuri ni Elaine

Nang matapos na akong ipakilala ay ipinagpatuloy ni Elaine ang kanyang agenda para sa meeting ng theater guild. Ako naman ay umupo sa bandang likuran ng venue. Siyempre alam ko nang gagawin.

"Wag makipaghalubilo. Bago ka palang. Iwas away at kantyaw." Sabi ko sa sarili ko.

"Hey, what do we have here?" Sabi ni Paul kasama ang pangkat niya. Bakit ba sila nandito? di naman to archery club meeting ah.

Si Paul ang karibal ni EJ sa Archery club nila. Kasing gwapo at kasing tangkad lang sila pero mas mabait lang talaga si EJ. Nasabi ko rin ba na siya ang pambansang bully ng eskwelahan namin?

"Nasaan na'yong laging nagtatanggol sa'yo? Iniwan ka na ba? Ang baho mo kasi! Baklang kanal!" Sabi niya at tumawa ang kanyang mga kasama.

Konti nalang at talagang matatamaan ko tong mokong na ito pero hindi ko magawa kasi kamag anak nya prinsipal namin. At saka bakit tinawag niya akong baklan kanal? Alam ba niya? Minabuti ko nalang na hindi magsalita.

"Ano? Pipi ka na ba? Sagot! Sabagay di ka pa nagto-toothbrush ano? Ambaho pare! Eck, yuck!" kantyaw pa niya.

Di ko na kayang mag timpi! Aakto na sana akong susuntok ng may narinig akong pamilyar na boses.

"Pre, layuan mo yang kaibigan ko. Baka maamoy nya putok mo." Sabi ni EJ na sobrang lakas.

Bigla itong narinig ng mga taong nasa meeting at nagsitawa lahat. Nahiya si Paul at saka itong umalis. Ako naman natataranta kasi nandito na si EJ at hindi ko pa alam kung anong sasabihin ko sa kanya matapos yung insidente sa confession niya kay Anne.

"Christian? Okay ka lang ba?" Tanong ni EJ.

"Ahhhhh okay lang ako. Wait tinatawag ako dun sa meeting." Natatarantang sabi ko.

Nagmamadali akong sumali sa meeting ng mag announce si Elaine ng kung anong gagawin ng club this year.

"Okay, napagdesisyonan ng lahat na ito ang gagawin nating dula para sa taong ito na ang pamagat ay 'Ikatatlo ng Disyembre'. Magsisimula na tayo sa pag-audition today. Si Joy ang magbibigay sa inyo ng practice script ng mga karakter na gagampanan niyo pansamantala." Sabi ni Elaine.

Naglibot si Joy para mag abot sa mga practice scripts. Lumapit siya sa akin para humingi ng tawad sa akin dahil sa pagkantyaw niya sa akin kanina.

"Christian diba? Paumanhin kanina medyo napasobra ata ako. Ako nga pala si Joy at taga section 1." Sabi ni Joy.

"Naku, okay lang yun. Sanay na naman ako eh, Di ko kayo masisisi." Sagot ko.

"Eto yung practice script mo." Sabi ni Joy sabay abot sa practice script ko.

Binasa ko ang script at nagtaka ako kasi ang bigat ng role na gagampanan ko. Di ko ito kakayanin kasi di talaga ako marunong umarte. Tinawag ko si Joy.

"Joy! Jjjoy! Sakto ba tong binigay mo sa akin?" Tanong ko.

"Opo, sakto yan! May pangalan nakalagay sa likod ng script." Sagot niya.

"Ay tangina oo nga! Sige! Salamat Joy!" Sabi ko.

Ang nakuha kong karakter ay si Aries na isang discreet na may pagtingin sa kanyang best friend na si Ben. Si Ben naman ay basketbolistang kinagigiliwan ng lahat ng mga babaeng pero maliban sa isa na si Cynthia na kinagigiliwan din niya. Si Cynthia ang matalinong at magandang dilag na may sekretong pagtingin kay Aries.

"Tangina to ah, bakit parang pamilyar ang setup?" Tanong ko.

"So natanggap niyo na ang script, memoryahin nyo na yan ngayon para sa darating na pasukan ay wala na tayong papel na dinadala tuwing practice. Yung mga bagong members, may workshop tayu starting bukas. Naiintindihan ninyo ba ako?" Sabi ni Elaine.

"Pwede pa bang sumali?" Tanong ni EJ.

Hala, tama ba narinig ko? Sasali si EJ? Panu yan? Panu na yung mga plano ko?

"Meron kanang archery guild at ginogroom ka na as presidente doon, sure ka bang sasali ka?" Sabi ni Elaine.

Go Elaine! Pigilan mo sya!

"Okay lang naman, I can handle everything. The great Emanuel John Barcelo. Diba Christian?" Sabi nya. Dinamay pa ako sa kahambugan niya. Di ako kumibo.

"O sya, sayo na si Ben. Ang main male character ng dula." Sabi ni Elaine.

Tangina! Binigay pa talaga sa kanya yung role ni Ben. Pano na to? Magquit nalang kaya ako. Ba't role pa ni Ben kasi eh! Ito talagang si Elaine!

"Sure, kaya yan!" Sabi ni EJ

"Gusto mo lang ata makasama si Christian eh." Tukso ni Elaine.

Namula sa hiya si EJ. Ako naman tinatago ko ang nararamdaman kong kilig na may halong pangangamba sa mga susunod na araw.

Pero d i ko inexpect sagot niya.

"Oo naman. Alam kong mahina pa ang loob niya kaya ipagtatanggol ko siya sa mga nang aapi sa kanya." Sabi ni EJ. Nagkantyawan lahat.

Bigla akong nag walk out at pumunta ng CR. Nanghilamos ako ng mukha at humarap sa salamin para matauhan sa mga pangyayari kanina. Inuulit ko sa sarili ko na malabo na mangyari ang iniisip kong baka may pag-asa pa sa aming dalawa ni EJ.

Pumasok bigla si EJ saktong aalis na sana ako sa CR. Pinigilan niya ako.

"Ano ba ang problema mo? Lagi mo na akong iniiwasan. Maski text o tawag ko di mo sinasagot? May problema ba tayo?" Tanong ni EJ.

Ang sarap isigaw na nasaktan ako nung gabing yon. Ang sarap sumbatan na naubos halos yung saving ko dahil sa pagkabagok ko sa kalye dahil sa pedicab. Ang sarap umamin na mahal ko sya matagal na!

Pero hindi ko kaya.

"Wala, nagbakasyon kasi kami ng pamilya ko sa Camotes Islands." Sabi ko.

"Hala di ba nangako ka na isasama mo ako?" Sabi niya.

"Ay hahaha oo nga pala. Sorry ah. Medyo naging exclusive kasi sya kaya di kita naisama pa. Hayaan mo sa summer punta tayo doon." Sabi ko. Sinadya ko talagang di siya ininvite para at least malayo ako sa kanya.

"O sya, basta wala tayong problema ha." Sabi niya.

"O, wala. Sige, mauna na ako." Sabi ko.

Paglabas ko sa CR ay nakita ko si Elaine.

"Elaine! Buti nakita kita." Sabi ko.

"Oh, Christian, anong maitutulong ko? About ba to sa script? Nako kaya mo yan!" Sabi ni Elaine.

"Hindi. Gusto ko sanang mag quit." Sabi ko.

Nagulat si Elaine sa mga sinabi ko. Kapag di pa ako mag quit sa theater siguradong makakasama ko ang taong nanakit sa puso ko.

"Bakit naman? May iniiwasan ka ba sa grupo? Si EJ ba?" Tanong niya.

"Huy, hindi ah. Sadyang di talaga ako bagay sa teatro. Baka mabigo ko kayo lalo na at 2nd male lead role nakuha ko." Sabi ko.

"Naku, ikaw lang nag-iisip nyan. At saka isa ang theater guild sa mga nagbibigay malaking grades sa mga teachers. Alam ko rin medyo nangungulelat ka rin sa Values Education." Sabi ni Elaine.

"Hala, bakit mo nalaman? Totoo ba iyang sinasabi mo?" Tanong ko.

"Isa si Ms. Fuentes sa mga advisers ng theater guild natin, yung teacher sa values education mo. Isa pa, i grab mo na to. Please!" Pakiusap ni Elaine.

"Ahm, okay sige na nga. Di na ako magki-quit." Sabi ko. Mas takot ako sa mama ko kesa kay EJ at saka nakakahiya kung babagsak ako sa Values Education. Tao pa ba ako nun?

"That's the spirit! O sya, may gagawin pa ako. Kita kits tomorrow workshop natin ha!" Sabi ni Elaine. Nagsiuwian narin ang iba pati na rin si EJ.

At naghiwalay kami ng landas. Nakatunganga lang ako sa jeep papunta sa amin. Hindi ko alama kung anong gagawin ko sa darating na pasukan o sa workshop namin bukas. Kaya ko ba to? Makakasurvive pa ba ako? Ewan medyo naguguluhan ako, hays!

Paguwi ko binasa ko nalang lahat ng pinagdadaanan ni Aries - ang karakter na gagampanan ko.

-------------------------------------End of Chapter 5 ------------------------------------

Ano kaya ang mangyayari kay Christian sa pagsali niya sa theater guild. Abangan sa susunod.

Hi guys, pasensya at medyo natagalan. Susunod na rin ang Chapter 6 mamaya. Salamat sa pagtangkilik at ingat kayo.