webnovel

Oblivion Memories

LGBT+
En Curso · 12.1K Visitas
  • 6 Caps
    Contenido
  • valoraciones
  • N/A
    APOYOS
Resumen

Chapter 1Prologue

Prologue

Naglalakad lang si Ross sa loob ng bahay-bakasyunan. Sa bawat paghakbang niya ay pinaparaanan niya ang kanyang daliri sa pader ng bahay.

Napaka-pamilyar sa kanya ang mga maga-gandang kagamitan nito. Sinama siya ni Rie dito at tama nga ang dalaga. Sobrang ganda ng bahay at pati ang mga paintings dito.

Napatingin siya sa isang pintuan. Bahagya itong nakabukas at bigla siyang na curious. Lahat kasi nang naraanan niyang pintuan ay nakasara. Pero itong dulo ng pintuan ay bahagyang nakabukas at medyo madilim din naman.

Humakbang siya patungo roon at ng tuluyan nang nakalapit ay tinulak niya pabukas ang pintuan.

Dahan-dahan siyang pumasok at bumungad kaagad sa kanya ang maraming laruan at...

Bumilis ang tibok ng puso niya nang makita ang malaking painting. Pamilyar din ito sa kanya.

She slowly walked towards the wall kung saan nakasabit ang malaking painting.

Hinawakan niya ito pagkalapit niya. Isang...

"Who...are you?" Nabitin sa ere ang kamay niya at nagulat siya.

For the first time may nagsalitang ganoong lingguwahe, kaya naman naintindihan niya iyon.

"Who are you?"

She heard his footsteps towards her direction at mabilis nga itong nakalapit sa kanya. At sa gulat niya ay naramdaman niya ang paghawak nito sa braso niya.

Napatili siya at malakas na tinulak ang lalaki. Mabilis siyang nakawala.

"Hey!"

También te puede interesar

March 2020/1 (Tagalog Boys Love Story)

Synopsis/Introduction: Paano kung isang araw, paggising mo, wala na ang taong pinakamamamahal mo? Oo, alam ko. Masakit, at mas gugustuhin mo pang mawala nalang din kaysa mabuhay nang hindi siya kasama. Pero, paano kung mayroong paraan? Paano kung may paraan para baguhin ang nakatadhana? Handa ka bang harapin at isugal ang buhay mo para sa buhay ng taong pinakamamahal mo? Ito ay isang kwento na ang simula ay tungkol kay Jin na nakatanggap ng isang balita na namatay na ang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay — si Chris. Namatay si Chris noong March 21, 2021. At simula noong araw na iyon, wala nang ibang ninais si Jin kundi ang makabalik sa oras at panahon upang mailigtas niya si Chris mula sa hindi nito inaasahang pagkasawi. Gamit ang isang time machine, isang proyekto ng company na siyang pinagtatrabahuhan ni Jin, naniniwala siya na sa wakas, may sagot na sa kanyang mission na mailigtas si Chris sa pangalawang pagkakataon. 6 years ang itinagal bago natapos ang time machine. Tumanda na rin ang itsura ni Jin. Ngayon, 27 years old na siya. Sa araw na ito, naka-set na ang lahat at handa na siyang bumalik muli sa March 21, 2021 upang iligtas si Chris, at makabalik sa kasalukuyang buhay niya kapiling ang buhay na Chris. Nagsimula na ang pagpapaandar sa time machine. Ngunit, sa hindi inaasahang pagkakataon, nabago ang pagkakaset ng oras nito. Imbis na mapunta si Jin sa tamang panahon at oras, ay napunta siya sa maling timeline. Dinala siya ng kanyang time machine sa March 21, 2020, isang taon bago nangyari ang insidente. Dahil maling oras ang kanyang napuntahan, nais niyang i-set ulit ang time machine sa March 21, 2021, ngunit may isang malaking problema at ito ang hindi napaghandaan ni Jin. Hindi siya makakaalis dahil wala pa ang time machine sa panahon na ito. Ang buong akala ni Jin ay kasama niya ang time machine kahit saan mang oras niya nais pumunta. Makakaalis lamang siya sa oras na mabuo muli ang time machine. Napagpasyahan niya na lamang na manatili at maghintay, hanggang sa dumating ang oras na kanyang ikinatatakot. Naisip niya, dahil mas matanda na siya kay Chris sa mga panahong ito, hindi siya pwedeng makilala nito o ng kahit sino pa man. Kung magkataon, may malaking epekto ito sa kasalukuyan. Maaari ring may mangyaring hindi maganda sa kanya, at tuluyan na siyang hindi na makabalik sa tunay niyang oras. At dahil mananatili siya sa taong 2020, hindi maiiwasang magtagpo silang dalawa ng batang Jin sa taong 2020. Aaminin niya sa batang Jin na siya ito mula sa hinaharap upang tulungan siya, ngunit hindi niya rin maaaring sabihin ang lahat ng mangyayari upang protektahan ang kanyang sarili. Magpapanggap silang dalawa bilang magkapatid, at magtatago siya bilang si Jon, ang nakatatandang kapatid ng batang Jin. Sa isang taon na kanyang ilalagi, marami siyang bagay na matutuklasan sa pagkamatay ni Chris na hindi niya inaasahan.

Gonz0 · LGBT+
Sin suficientes valoraciones
36 Chs

valoraciones

  • Calificación Total
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de Actualización
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Contexto General
Reseñas
¡Guau! ¡Si dejas tu reseña ahora mismo, sería la primera!

APOYOS