webnovel

Shitsuren

LGBT+
Terminado · 60.6K Visitas
  • 17 Caps
    Contenido
  • valoraciones
  • NO.200+
    APOYOS
Resumen

This is a story is not just your ordinary love story, the story revolves on Raye and Cindy both female, but has a very strong feelings about each other.

Etiquetas
3 etiquetas
Chapter 1Chapter One

Paano kung yung taong mahal mo ay may mahal ng iba?

And to make things worst yung mahal niya matagal ng wala?

Pano mo ipapakita sa kanya na kaya pa niyang magmahal ng iba?

Panu mo papatunayan sa kanya na di na siya masasaktan ulit?

Chapter ONE

"OMG late na ako! Damn sabi ko na nga ba at di ko naiset ung alarm ko eh... lagot nanaman ako neto kay Ms. Karandang..." sabi ko habang tumatakbo papuntang school, mga 15mins lang naman kasi ang layo ng bahay namin sa school kaya pedeng lakarin, yun nga lang kailangan maaga ako para keri parin maglakad. Malapit na ako sa school di ko napansin na may tao pala sa may gate kaya.... BAAAMM!...

"araaayyy...." sabay hawak sa may butt ko, tinignan ko agad kung san, sino, ano

yung nabanga ko... grabe naman kasi ba't kasi nakaharang sa gate eh alam namang daanan yun... sympre katulad ko natumba rin siya... pero wala naman siyang imik, kahit na ata aray e wala akong narinig sa kanya. Nakatulala lang siya nakapatong yung kamay niya sa sahig, medyo natakot ako... kasi baka mamaya mas malakas yung pagkakabanga namin tapos talagang nasaktan siya or what. Kaya tumayo na ako at nilapitan ko siya, inabot ko yung kamay ko sa kanya para tulungan siyang tumayo.

Tumingin lang siya sakin or rather sa kamay ko, pero di siya nagabalang humawak sa kamay ko. Yumuko siya at tumayo... ang rude diba, tinulungan na nga deadma pa... hmp!

"Sorry miss nagmamadali kasi ako... kaya.... di kita napansin, nasaktan ka ba? Gusto mo punta tayo sa infirmary?"

sabi ko sa kanya, pero di pa rin siya sumagot. Tumingin lang siya ulit sakin, medyo nagsmile naman kahit papano... though it's a weak smile, like there's something wrong with her pipi kaya siya?

"Uhm... sige kung ok ka naman, mauna na ako ha late na kasi talaga ako... sorry ulit"

sabi ko nalang sa kanya, dahil talagang LATE na ako.... as in 45mins late na ako... 20mins nalang at matatapos na yung first class ko... shhhhhyyyyyyeeeetttt.....

Pagdating ko sa classroom ayun 10mins nalang tapos na yung class kaya naman di na ako pumasok... tumambay nalang ako sa may restroom malapit sa room, nung marinig ko na mga classmate ko lumabas na ako. Pagpasok ko agad akong sinalubung ng mga barkada ko... since highschool magbabarkada na kami, kaya hanggang college ayun classmates at barkada parin. Same din naman kasi yung pinili naming program. Photography and Graphic Arts, at pang 3rd year na namin to.

"Hoy! raye! late ka nanaman anu ba naman yan, baka maiwan mo pa tong minor subject na to ha. Remember by next year 4th year na tayo!" sabi sakin ni Karen sabay hampas sa braso ko.

"Aray naman, eh kasi akala ko naiset ko na yung alarm ko eh hindi pala... hehehe" sagot ko sa kanya, sabay dila.

"Naku ikaw talaga, palagi ka nalang ganyan. Dapat kasi sumama ka nalang sa apartment namin eh tutal wala ka namang kasama dun sa bahay niyo" sabi naman sakin ni Migs

"hahaha kunwari ka pa Migs eh gusto mo lang maka-moves dito kay Raye, alam mo namang wala ka ng pagasa sa kanya... di kayo talo noh! Hahaha!" Sabi naman ni Myles sa kanya.

"Huy! Sobra ka gentleman naman ako e... tska anung di talo?! Lalake ako babae siya oh... anung kaso dun?" Sagot ni Migs

"eh kaso, etong si Raye sa babae nakatingin, mas cool pa nga siya sayo eh hahaha!" Pabirong sagot ni Myles, habang nakaakbay sakin.

Napakamot nalang ng ulo si Migs at nagtawanan naman yung iba. Matagal ng pumoporma tong si Migs sakin highschool palang kami wala ng tigil talagang di marunong sumuko, kahit na alam naman niya na "i belong to the third gender" eh tuloy parin siya. Hindi daw siya sususko, magaantay lang daw siya hanggang sa dumating yung time na magkakagusto na ako sa kanya. Sa totoo lang mabait naman si Migs eh gentleman, maasikaso, at walang bisyo kaya lang lam niyo naman di naman matuturuan ang puso eh. At saka sadyang di lang ako naaatract sa oposite sex hehehe.

Maagang natapos ang mga klase namin ngayon, gaya as usual nagkayayaan ang barkada magpunta sa park tambay lang daw relax relax,

"mauna na kayo daan lang muna ako sa bahay may kailangan lang ako kunin" sabi ko sa kanila.

Wala naman silang angal, ngumiti lang at sabi bilisan ko lang daw. Actually uwi lang ako para iwan ung gamit ko. Medyo mabigat kasi eh ayaw ko namang iwan sa locker kasi malapit na ang exams kailangan ng magaral. Pagdating ko sa bahay kaagad kong nilapag gamit ko, pumunta ako saglit sa may kusina para uminom ng tubig. Tapos sa may likod ng pinto sa main door kinuha ko yung skateboard ko. Oo marunong akong magskateboard, minsan pa nga pag maaga pa ako nag skateboard nalang ako papasok. Wala namang kaso kasi wala naman kaming uniform kaya ok lang kahit magskateboard pa ako papasok. Naramdaman kong nagvibrate yung phone ko, pagtingin ko si Migs nagtext na. Nasan na daw ako kanina pa daw nila ako iniintay, kaya naman pagkabasa ko nung text niya kinuha ko na susi ng bahay at yung maliit na bag ko pagkatapos ay nilock ko na pinto ng bahay. Ako lang kasi nakatira sa bahay since nasa states both parents ko pati na din yung brother and sister ko.

Habang nagskate ako papunta ko sa park, nakita ko ulit yung kanina sa school namin, yung babaeng nabungo ko.... nasa may upuan siya nakatulala, parang nakatingin sa kawalan na parang may tinitignan naman siya. Medyo malapit lang din sa park yung kinauupuan niya, yung tipong dulong part ng park kaya medyo walang tao. Makikita mo siya kagad kasi di naman ganun kadami yung puno kasi medyo dulo na. Nakatingin parin ako sa kanya habang nags-skate, maganda siya, maputi, mahaba ang buhok bilugan yung mga mata niya pero di naman kaaganong kalakihan sakto lang, medyo mapula din yung pisngi niya pero yung pagkapula parang natural lang...

"RAYE!!!"

Sigaw sakin, pagtigin ko sa harapan ko may pusang tumatawid kaya bigla kong iniliko yung skateboard ko tapos...... BAAAAMMM! tumama naman ako sa may damuhan. Bagsak naman pwet ko, kanina pa nabubugbug pwet ko ah... tumatakbo sila palapit sakin.

"Raye!! ok ka lang ba? San ka ba kasi nakatingin" nagaalalang tanung ni Migs sakin

ngumiti lang ako sa kanya. Inalalayan niya akong tumayo, ako naman pag tayo ko una kong nilapitan skateboard ko. Medyo matagal na kasi sakin yung skateboard kaya napamahal na ko, haha ang wierd ko noh. Inuna ko pa yung skateboard ko kesa sa sarili ko... tumingin ako kay Migs para magpasalamat

"haayy naku ito talagang si Raye palagi nalang tayong pinagaalala... halika na dun tayo may mga pagkaing binili si Migs at Myles kanina para may pagkain tayo habang nakatambay" sabi ni Ram

ngumiti lang ako sa kanila, tapos naglakad na kami papunta sa pwesto nila kanina. medyo malawak yung park, may part na madamo may part naman na nakasimento, may mga ramp din, kaya medyo madami ding tumatambay na skaters sa park.

Habang nakatambay kami, naiisip ko nanaman yung babae. Grabe ha pangalawa na akong na-aaksidente dahil sa kanya. Wierd din kasi eh kung saan-saan sumusulpot tapos lagi nalang tulala. Bakit kaya siya ganun, anu kayang nagyari sa kanya. Weird lang talaga...

También te puede interesar

valoraciones

  • Calificación Total
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de Actualización
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Contexto General
Reseñas
¡Guau! ¡Si dejas tu reseña ahora mismo, sería la primera!

APOYOS