webnovel

NOATHAST ACADEMY (SCHOOL OF DEATH)

(TagLish) An evil monster needs a heart that truly loves him in order to make him fully human again, but how is this mystery connected to the most prestigious school in town?

envieve · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
13 Chs

Chapter 11: New friend

Chapter 11

PALABAS na ako ng Noathast Academy nang may mapansin ako. Nakita ko sila Janessa and friends na may inaaway na babae.

Nagulat ako ng itulak ng isa sa mga julalay yung babae at inuutusang punasan nito ang sapatos niya. I really do not want to meddle with them. But my conscience won't let me leave with that scene.

"Wala talaga kayong ibang magawa kundi mang-away at mang-alipusta, ano?"

Napairap si Janessa ng makita ako.

"Here goes the other hampaslupa in Noathast. I can't imagine how the academy even let you guys in," tila nandidiring sabi ng isang impakta—the girl na puro LV ang tatak ng gamit. We're also classmates but I don't know her name. Hindi kasi ako palatandain sa mga names, lalo na kung wala akong pake sa tao.

"But hey, she's kind of different compare to other slapsoils here. I have to admit she has a good sense of fashion and she's pretty—" natahimik ang isa nang samaan siya ng tingin ng dalawa niyang kaibigan. Eto naman yung girl na pinaka-naive sakanila tingnan at gullible.

At least, nakatanggap ako ng papuri mula sa kaaway. Nagkaroon tuloy ako ng confidence kahit papaano.

Tiningnan ko yung babaeng binubully nila. Tinulungan ko siyang tumayo tapos kinuha ko ung bag niyang nahulog sa sahig at pinagpagan ito. Napa-"ohh" ako sa isip nang makita ang tatak nito; YSL. Ang ganda ng bag at halatang mamahalin at original.

I understand na inaalipusta ako ng mga brat kids na ito dahil mahirap ako. But this girl? Oh, I think maybe because she kinda looks nerd. At oo nga pala, I'm not sure if they know already na I'm a scholar here. Feeling ko hindi pa. Kasi inaaway lang nila ako at sinasabihang hampaslupa kasi I have the guts to interact with Hades. They never yet mentioned me being poor.

Like duh? Sapilitan ba yung pakikipag-usap ko kay Hades? May reasons naman bakit kami nag-uusap non and it's not like ako ang nauunag mang-approach. Kinakausap ko nga lang yung kapag kinakausap niya ako. Hindi naman ako papansin tulad nila.

"Thank you," sabi sa akin ng babaeng tinulungan ko.

"Wow, do you think you're a hero now? Do you want some tribute?"

"Will you offer me one if I said so?" sarcastic na sagot ko kay Janessa.

Napairap nalang uli siya. Sobra na siguro ang pagkapikon nito sa'kin kanina palang dahil partner kami ni Hades.

May mga sinabi pa siya. Rants about sa pagiging seatmate ko at sa pakikipag-usap ko kay Hades pero hindi ko siya pinansin. Ni hindi ko pinakinggan yung mga sinasabi niya. Tinulungan kong pagpagan ang uniform ng babaeng inaway nila.

Hanggang sa lalong nainis si Janessa at nag-walkout. Natawa nalang ako habang pinapanood siyang umalis palayo.

"Thank you uli. May I know your name?"

Ngumiti ako. "Chandria. Ikaw?"

"I'm Lillian. Nice meeting you." Nakipagshake hands siya sakin na tinanggap ko naman. "Uh, by the way, ang dami kasing sinabi ni Janessa sa'yo. Is it true that you are close with Hades?"

"We're classmates but I can't tell we're close enough. OA lang talaga si Janessa, binibigyang malisya magtinginan lang kami ni Hades. Siya lang gumagawa ng insecurities niya sa katawan."

Tumango tango si Lillian. "It's completely understandable na mag-frantic si Janessa kung may makita siyang babae na malapit kay Hades... knowing him."

Napakunot ang noo ko. "Don't tell me, may crush ka din kay Hades?"

Hindi siya nakapagsalita pero I caught her off guard. Nanlaki ang mga mata niya at namula sa simpleng tanong ko. Well, that expression of hers answers my question.

"Lahat naman ata," sabi niya mayamaya. Totoo naman. Kahit maraming mga artista, model at influencers ang nag-aaral dito, si Hades ang pinaka-nagugustuhan ng mga kababaihan or halves. "Ikaw ba?" tanong niya sa akin pabalik.

Napaisip ako ng kaunti. Nasabi ko kaninang crush ko si Hades pero kaunti lang. Napaka-attractive niya kasi, hindi ko maitatanggi. Pero mas crushable si Malcolm. Lalo na nang makausap ko siya kanina.

"Iba yung crush ko dito sa school." Ngumiti ako ng matamis sakanya.

Tumango-tango siya habang nakangiti, looking all relieved na hindi kami same ng crush.

Bigla kong naalala ang oras. Sinipat ko ang wrist watch ko. "Kailangan ko na palang magmadali may work pa ako."

"Work?"

"Hmm-mm. I'm doing a part time job in a coffee shop. By the way, I can give you my number so you can text me if you have no one else to be with." This is actually the first time I'm offering a friendship with someone.

"Ahm, yes, please. Wala kasi akong friends dito at palagi akong walang kasama mag-lunch." She handed me her phone.

"Same," sabi ko sakanya at nilagay na yung number ko sa phone niya. Binalik ko na ito sakanya at nagpaalam.

Tumakbo na ako palabas ng academy.