webnovel

Witch

Editor: LiberReverieGroup

Isabelle.

Naisip na ni Marvin na siya ito, pero bahagya pa rin itong nagulat noong sa bibig na mismo ni Isabelle nanggaling.

Hindi niya inaashan na makikita niya ito sa lugar na ito.

Iniligtas niya ang batang babae mula sa gang ilang buwan lang ang nakalipas at ngayon malaki na ito.

Hindi ito kapani-paniwala.

Bago ang Great Calamity, dinala ni Marvin si Isabelle sa Assassin Alliance para mahasa ang kanyang kakayahan, pero nawalan na siya ng balita tungkol dito.

Masyado siyang abala noong mga panahon na iyon at hindi na niya nahanap ito,

Hindi niya inakalang direkata itong tuturuan ng Winter Assassin.

Ngayon na mag-isa na ito kasama si Marvin, wala nang itinago si Isabelle at pinalabas na ang Wisp.

Ang kawawang Winter Assassin ay hindi lang tumulong sa laban, ipinakita pa nito ang sarili kay Marvin.

Lalo pa at isang malaking kahihiyan na ang isang kilalang Legend ay ginawang Wisap ng isang masamang Witch.

Mabuti na lang at malakas ang pag-iisip ng Winter Assassin dahil ilang taon na rin siyang ganito.

At tuwang-tuwa ito kay Isabelle, kaya noong hiniling niya ito, nagsabi ito nang maraming sireto kay Marvin.

Matagal na natahimik si Marvin matapos nitong makinig.

Kaya naman pala ang bilis lumaki ni Isabell…. Dahil ito sa pagkakaiba ng daloy ng oras.

Ang daloy ng oras ay isang nakakatuwang konsepto.

Ang dalay ng oras sa bawat plane ay magkakaiba. Sa Feinan lang nanatili si Marvin kaya natural lang na magkaroon ng pagkakaiba.

Pero matapos kunin ng Winter Assassin si Isabelle, nanatili sila sa isang espesyal na lugar para hasain ang mga Assassin Technique nito.

Kahit na ilang buwan pa lang ang lumipas sa Feinan, higit sa sampung taon siyang nagsanay sa lugar na iyon.

Isa na siya ngayong eleganteng babae.

Naiiba na siya sa batang nanghihingi ng pera para mailigtas ang kanyang ina.

Ang hindi lang nagbago sa kanya ay ang mahinahon at dedikado niyang pag-uugali, at ang dalawang mapulang mata niya.

Ang simbolo ng mga Hammon.

Napabuntong-hininga na lang dahil sa pinagtagpo sila sa lugar na iyon ng mapagbirong tadhana.

Natutuwa si Marvin sa batang babae na ito. Marahil ganoon ang lahat ng mga Hammon. Nakikita ni Marvin ang imahe ng batang lalaking kasamang lumaban ni Marvin dati.

Hindi maaaring maliitin ang kasalukuyang lakas ni Isabelle.

Sa tantya ni Marvin, ang lakas nito ay maiituturing na pambihira sa Feinan.

Kasama pa ang kanyang innate gift, na Flicker, sadyang naabot na niya ang pinakamataas na potensyal ng isang Assassin.

Kahit si Marvin ay hindi masasabing kaya niya itong talunin.

At syempre, hindi pa niya ipinamalas ang tunay na lakas niya rito. At ang oagpatay sa Dream Guardian gamit lang ang tatlong atake ay ka-level na ng isang Plane Guardian.

Ang pinakatumatak sa kanya sa laban ay ang biglang pagbagsik nito.

Isa itong nakakatakot na kabagsikan na hindi kinaya ng depensa ni Swift, kaya naman nagawang patayin ito ni Isabelle nang ganoon-ganoon lang.

At ang bagsik na ito ay hindi kay Isabelle nanggaling mismo.

Kahit na ang kanyang Teacher, ang Winter Assassin ay naging isa nang Wisp dahil sa isang Witch, naroon pa rin ang kabagsikan nito kahit na nawala ang karamihan ng lakas nito.

Ang pagpapakawala ng kaunti sa isang laban ay sapat na para sa karamihan ng kalaban.

Matapos makinig sa paliwanag ni Isabelle, napahinga lang si Marvin dito at sinabing, "Main Character" Build!

Dahil may kasama pa itong ninuno, sadyang napakalakas nito.

Matapos na bahagyang mainggit ni Marvin dito, isang malaking tanong ang pumasok sa isip ni Marvin.

"Gumamit ka ng Flicker…"

"Sandali, gaano na lang katagal ang buhay na natitira sayo?"

Biglang naging seryoso ang kanyang mukha.

Ngumiti si Isabelle at sinabing, "Sapat lang para gamitin."

Sumimangot si Marvin. Kahit na Innate Assassin ang mga Hammon, may matinding kapalit ang kanilang innate gift.

Hinanap ni Marvin ang tubig ng Fountain of Youth para mapahaba ang buhay ni Isabelle.

Kahit na nag-advance na ito ngayon sa Legend rank at malakas na ang katawan nito, tila hindi siya ganoon kasigla.

"Wag ako ang tingnan mo, bata." Naiinis na sabi ng Wisp, "Pilit ko siyang pinipigilan sa paggamit niya ng innate gift niya, pero hindi niya ko pinapakinggan."

"Naibigay ko na lahat ng mayroon ako para mapanatili lang ang haba ng buhay niya, pero lagi niyang sinasabi na hindi niya kailangan ng mahabang buhay. Sapat na raw na nagagamit niya 'to, anong klaseng pag-iisip 'yon, hindi ba?"

Tiningnan ni Marvin si Isabelle at tapat na hiniling dito na, "Pwede bang wag mon ang gamitin ang innate gift mo kung hindi mo naman talaga kailangan?"

"Hindi ka niyan pakikinggan, "sabi ng Wisp.

Pero biglang naka-ngiting sumang-ayon si Isabelle, "Sige."

Biglang sumabot ang Winter Assassin!

Kahit na nakakatuwang nakita niya muli ang isang kaibigan sa lugar na ito, ayaw pa rin magtagal ni Marvin dito masyado.

Masyadong maraming tauhan ang Dream Shrine sa Hunting grounds. Kung bibitawan ni Wayn ang kanyang pagmamataas, at humingi ito ng tulong sa Cleric at mga Paladin, siguradong malaking pagsubok na naman ang haharapin ni Marvin.

Napatay ni Isabelle si Swift dahil sa pagsamantala nito sa bagsik ng Winter Assassin at ang kanyang innate gift para masurpresa ito.

Kung hindi niya ito minaliit, hindi magiging ganoon ka-epektibo ang pag-atake ni Isabelle.

Magkasamang naglakbay ang dalawa, at mabilis silang kumilos.

Hindi naman sila nabagot dahil sa daldal ng Winter Assassin.

Hindi na nagpipigil ito. Wala na itong tinatago kay Marvin at sinabi na nito ang lahat ng nalalaman nito sa lugar na ito.

"Edi nagpunta talaga kayo dito sa lugar na 'to para sa Cold Light's Graps?"

Bahagyang nasurpresa si Marvin. Noong una ay inakala niyang hinigop lang din papasok si Isabelle, pero sinadya pala nitong pumasok sa Wilderness Hall.

"Wala akong magagawa, sinong nagsabi sa Witch na iyon na ang tanging paraan lang para matanggal ang kanyang Witchcraft ay ang pagkuha ng Cold Light's Grasps?"

Kahit na tila walang magawa ang Wisp, sinabi nito, "Kahit na hindi ako sigurado kung totoo ba ang sinabi niya, sino ba naman ang hindi susubok, hindi ba?"

"Isa pa, ang mga dagger na 'yon ay makapangyarihang artifact. Nagawa ko pa nga na i-ambush ang isang god noong kalakasan ko dahil sa lakas ng Artifact na 'yon. Kailangan ni Isabelle ng sandatang babagay sa lakas niya."

Tumango si Marvin.

Pero mayroong siyang kakaibang pakiramdam sa istoryang ito.

Gaano kalaki ang kinalaman ng mga Witch dito?

Sabi ng Winter Assassin, isang Witch ang nagnakaw ng Cold Light's Grasps isang araw at nagpunta ito sa Crimson Wasteland at iniwan ang Artifact sa Wilderness Hall.

Hindi naman malinaw ang tungkol sa kung paano ginawang Wisp ng Witch ang Winter Assassin.

Pero bakit naman ito mag-iwan ng paraan para makabalik siya sa dati.

Lalo na kapag muling lumitaw ang Wilderness Hall, dahil sa mga tauhan ng Wilderness God, at nakuha niya ang Cold Light's Grasp ay mawawala ang Witchraft nito.

"Bakit dinala ng Witch na 'yon ang Cold Light's Grasps sa Wilderness Hall?" Bahagyang nagtataka si Marvin, "Ano nga palang pangalan ng Witch na 'to?"

Nagngalit na ang Winter Assassin at bumitaw ng isang pangalan:

"Hathaway"