webnovel

The 6th Pearl

Editor: LiberReverieGroup

Apat na elven guard ang nagdala sa bata sa capital. Walang ideya si Marvin kung anong pangalan nito.

Mabilis ring umalis si Ollie dahil kailangan niyang pangalagaan at protektahan ang Thousand Leaves Forest. Kailangan niyang mahuli kaagad ang Outlaw of the Crimson Road na nakapasok dito at hindi natakot sa kalalabasan ng kanilang pagpatay.

Kahit na wala siyang laban dito, kailangan niya pa rin itong gawin.

Dalawang gwardya naman ang naiwan para samahan pabalik ng teritoryo ng mga Stone Giant si Ivan.

Walang sino man ang mangangahas na lumabag sa utos ni Nicholas, ganoon na din si Ollie.

Pero tiningnan ni Ivan ang dalawang elven guard na may awa sa kanyang mukha, "Ginalit niyo ba si Ollie? Ang babaeng 'yon na makitid ang utak?"

Dismayadong nagkatinginan ang dalawa at pilit na ngumiti, "Kamahalang Ivan, wag niyo na po sana kaming pahirapan."

"Wag kayong mag-alala," Sagot ni Ivan.

"Bang!" Inilaglag niya sa lupa ang kanyang espada.

"Wag niyong sabihing pinahirapan kayo, kita niyo naman wala akong sandata. Pagkakataon niyo na."

Kinindatan ni Ivan ang dalawang elven guard at tila walang magawa ang dalawa. Mabilis na nilapitan ng mga 'to si Ivan!

Ang pag-aresto sa prinsepe ay isang bagay na ayaw na ayaw ng mga ito, mas nanlulumo sila dahil alam nilang isang henyong naka-abot na sa pagiging Half-Legend ito 30 taon na ang nakakalipas.

Kahit na na-seal n ani Nicholas ang ilang bahago ng kapangyarihan nito, ito'y isang bagay na hindi pa rin kakayaning gawin ng dalawang Elven Iron Guard.

Ito ang dahilan kung bakit tinanong ni Ivan ang dalawa kung galit ba sa kanila si Ollie.

Parang kidlat sa bilis ang pagkilos ni Ivan habang nakikipaglaban ito sa dalawa. Sa isang iglap, naagaw niya na ang sandata ng isa sa mga gwardya.

"Eh?"

Si Marvin, na inaayos pa ang mga natitirang gamit na makukuha niya kay Black Jack, ay nagulat sa kanyang napanuod.

Nakakamangha talaga ang galaw na ito…

Para maagaw ng direkta mula sa kamay ng kalaban ang sandata nito, siguradong isa 'tong malakas na skill!

Alam ng mga taong may sapat na karanasan na delikadong magtagpo ang kamay at ang talim ng isang espada. Hindi magiging mabuti ang malamig na talim nito sa mainit na kamay ng tao.

Pero walang kahirap-hirap itong nagaw ani Ivan, ang pag-agaw ng sandata ng kalaban sa isang kumpas at pitik lang ng kamay.

Napakaganda at napakahusay pa ng pagkakagawa nito.

'Nararapat lang sa isang Elven Prince, baka innate skill…' Hula ni Marvin.

Nakakakita na rin siya ng skill na kagaya nito sa mga Martial Monk at Pugilist. Pero hindi pa niya ito nakikitang gawin na para bang napakagaan lang ng espada.

Habang pinaglalaruan ng prinsipe ang dalawang elven guard, tinapos n ani Marvin ang pagkuha ng gamit ni Black Jack.

Maingat na tao si Black Jack. Karamihan ng mga gamit nito'y nasa storage item.

May kasama ring self-destruct device rin ang storage item na 'to. Matapos mamatay ni Black Jack, kusang nawasak ang mga gamit sa loob ng dimensional storage item na 'yon. Napunta ang lahat ng laman nito sa void.

Pero kahit na ganoon, may mga nakuha pa ring ilang bagay si Marvin kay Black Jack.

Isa na dito ang mga dagger na ginamit nito. Mas mabigat ang pares ng dagger na 'yon, mas mabigat pa ito sa mga pangkaraniwang dagger. Sa advancement tree ng mga Ranger, tanging isang [Dark Murderer] lang ang may kayang gumamit sa ganoon kabigat na dagger. Kahit na hindi ito magagamit ni Marvin, inilagay pa rin niya ito sa Void Conch. PWede na lang niya itong iregalo o ibenta.

Ang kalidad ng mga dagger na iyon, na kilala bilang [Annihilations], ay halos pareho lang sa [Fangs].

Mayroon ding supot na gawa sa balat ng water lizard. Napakarupok lang nito kaya minabuti nitong itago ito malapit sa kanya. Mukhang may espesyal na kahulugan ito sa kanya, marahil regalo ito sa kanya ng isang taong malapit sa kanya… Pero hula lang ni Marvin ang lahat ng ito.

Hindi ito nasira dahil hindi tinatablan ng apoy ang balat ng water lizard. Naniniwala si Marvin na hindi masusunog ang mga bagay na may tunay na halaga at tanging ang mga walang kwentang bagay ang masusunog.

Pero nagulat si Marvin sa dami ng gintong nakita niya nang buksan niya ang supot!

'Kahit na alam kong maraming pwedeng ilagay sa isang supot na gawa sa balat ng water lizard…'

'At kahit na alam kong malaki ang kinikita ni Black Jack sa pagiging killer…'

'pero…'

Walang masabi si Marvin nang makita ang lamang ginto ng supot.

'Pero imposbile namang umabot ng 200 ginto?!'

Katumbas nito ang 200,000 na pilak!

Anong klaseng chamber of commerce ba ang ninakawan ni Black Jack para makakuha ng ganito karaming pera?

'Sandali..'

Biglang may naisip si Marvin. Dating miyembro ng Shadow Spider Order si Black Jack, pero nagdesisyon itong mag-advance bilang Outlaw of the Crimson Road… Ibig-sabihin inabandona siya ng Shadow Spider Order.

Pinapatay ng Shadow Spider Order ang sino mang miyembrong hindi sumusunod.

'Sobrang daming pera ng taong 'to… Hindi naman niya siguro ninakawan ang ilang subdivision ng Shadow Spider Order, hindi ba?'

Agad na nakaisip ng koneksyon si Marvin.

Kahit saan pa man ito galing, mapapakinabangan ito ni Marvin. Kahit papaano'y mapapagaan na ni Marvin ang problema sap era ng White River Valley.

Kahit na malaki ang pakinabang ng mga gintong ito bago ang Great Calamity, mawawalan ito ng halaga pagtapos nito. Kaya kailangan na niya itong magamit kaagad.

Bukos sa water lizard pouch, may nakita rin si Marvin na sunod na piraso ng bakal na may pulang pintura. Isa itong token ng Outlaw of the Crimson Road.

Ang huling item ay isang uncommon na kwintas.

Ang kwintas ni Marcin ay ang Mark of the Moon, na binibigyan siyang kakayahang makakita sa ilalim ng liwanag ng buwan, pero ngayong may Darksight na siya, Pwede na niyang itago ang Mark of the Moon.

Pangkaraniwan lang ang epekto ng uncommon na necklace na ito, nagbibigay lang ito ng 3 beses na paggamit ng [Clean] araw-araw. Ayos naman ito at mukhang magugustuhan ng mga kababaihan.

Noong nag-aatubili si Marvin kung isusuot niya ba 'to o hindi, bigla siyang may nakitang hindi inaasahan!

Kulay itim ang lahat ng perlas ng kwintas na ito bukos sa nasa gitna, na putting-puti ang kulay.

Sa loob ng puting perlas, parang may isang maliit na isda ang makikitang gumagalaw-galaw. Pero kapag tinitigan ito ng matagal na panahon, malalaman na wala naman palang isda sa loob.

Napatalon ang puso ni Marvin habang tinitingnan ang perlas.

Inspect!

[Inspect (35) used…]

[Inspect failed…]

[Inspect results:Maaaring may magandang pinanggalingan ang perlas na ito o maaaring wala rin itong pangalan. Kakailanganin mo ng opinion ng isang pearl appraiser kung gusto mong malaman ang iba pang detalye tungkol dito.]

Inspect Failed!

Napangiti si Marvin.

Hindi niya inaasahang makakakuha siya ng putting perlas dito!

Pamilyar si Marvin sa bagay na 'to. Kung hindi siya nagkakamali, isang tagong kopya ang perlas na ito. Isa sa mga susi ng [Cursed Pearl Island]!

Sa kabuoan, mayroong 6 na magkakaparehong perlas, at karamihan sa mga ito ay nakakalat sa Jewel Bay.

Noong iniipon ni Marvin ang anim na perlas, kinailangan niyang magbayad sa isang dahuyang manlalaro para lang mabili ang huling perlas. At ayaw sabihin ng nagbenta kung saan niya ito nakuha.

Sigurado si Marvin na ito ang 6th pearl! Dahil na rin ito sa gumagalaw na isda.

Ang Pearl Island, kahit na may sumpa ang lugar na 'yon, marami pa ring kayaman doon!

Lalo na ang legendary item na 'yon!

'Mukhang kailangan ko nang isama ang Jewel Bay sa mga pupuntahan ko!'

Maingat na itinabi ni Marvin ang 6th Pearl.

"Nakakabagot naman. Alam naman na siguro kung ano ang kakahinatnan nito pero lumaban pa rin sila. Mukhang nauto ang mga ito ng matandang 'yon."

Walang kahirap-hirap na itinumba ni Ivan ang dalawang Elven Iron Guard.

Nakatayo lang doon si Marvin habang tinitingnan ang Elven Prince, "Masyado ka naman atang malupit sa isang babaeng mahal na mahal ka, hindi ba parang sobra na 'yon?"

Saglit na natigilan si Ivan, at mapaglarong tiningnan si Marvin, "Paano mo napansin, bata?"

"Kahit naman tanga mapapansin 'yon. Masyadong halata, lalo na sa kung paano ka tingnan ng babaeng 'yon."

"Ayos! Matalinong bata," tumawa si Ivan. "Mabait si Ollie, tsaka maganda pa."

Tumango si Marvin na sumasang-ayon sa kanya.

"Kaya naman para hindi siya mamatay dahil sa Outlaw of th Crimson Road na 'yon, kailangan mong gamitin ang tunay mong skill."

"Tulungan mo kong hanapin ang Outlaw of the Crimson Road na 'yon."

Sumimangot si Marvin. "Anong ibig mo ng sabihin?"

"Hindi mo na kailangan magpanggap." Kumislap ang mga mata ni Ivan. "Nakikita ko ang karagdagang Night Monarch's blessing sa katawan mo."

"Makakatulong sa paghahanap ng kalaban ang skill mong [Night Tracking]"

"Hindi naman ako mananatili dito ng matagal hanggang sa dumilim kung hindi dahil diyan."

Sa mga oras na 'yon, palubog na ang araw.