webnovel

Night of Slaughter

Editor: LiberReverieGroup

Pinagmasdan siya ng Thief at nakitang walang bahid ng takot o kaba ang kaniyang mukha. Hindi niya inaasahan na mananatiling mahinahon ang isang noble sa isang sitwasyon na katulad noon.

Malawak ang dalampasigan ng Pine Cone River. Sigurado si Marvin na kaya niyang makatakas sa Acheron Gang kung doon siya dadaan. Tanging ang sparse tree sa grove ang pag-asa niya. 

"Totoo ba to?" Bulong Thief na kalmadong kalmado rin. Sinalubong niya ang mga parating na mga kasamahan niya at agad na hinabol si Marvin.

Hindi sila makapaniwala na papalpak silang hulihin ang isang noble na walang combat class. Hindi dapat siya nakatakas lalo pa at hindi ganoon kakumplikado ang pasikot-sikot ng grove.

Ginamit ni Marvin ang kadiliman pagpasok niya ng grove. Agad siyang lumapit sa mayabong at malaking puno.

'Masyado ata silang kampante. Hindi man lang sila tahimik sa paggalaw'

Sumandal si Marvin sa punong nasa likuran niya, inaabangan ang thief na papalapit na may hawak ring dagger. Ngumisi siya dahil alam niyang nasakanya pa rin ang alas.

Nagulat at nabahala si Marvin nang makita ang mga miyembro ng Acheron Gang ngunit hindi siya nataranta at nanatiling mahinahon sa kabila nito. Dahil alam niyang hiigit pa sa sapat ang kanyang battle experience bilang dating Ruler of the Night. At kung tutuusin, wala pa sa kalingkingan ang mga ito upang maturing na mga adventurer. Kahit na mas mataas ang value ng lakas ng mga thief kumpara kay Marvin ay mas mahalaga pa rin ang experience.

Lalong lalo na sa masusukal na lugar!

Matapos makuha ni Marvin ang Ranger class, naging maingat siya sa pag-gamit ng kanyang Ranger badge. Itinago niya ito at hindi niya ito basta-basta isunusuot. Kaya malamang ay hindi alam ng mga iyon na, tulad nila, nakuha na ni Marvin ang kaniyang adventurer class.

Ito ang lamang niya sa kanila.

'Gusto niyo akong patayin? Basta walang sisihan sa magaganap.'

Tahimik niyang kinuha ang kaniyang dagger mula sa kaniyang baywang. Kung nais nilang kumitil ng buhay ay nararapat lang na handa rin silang mamatay.

Noong lumitaw na ang Acheron gang ay hindi na niya naisip tumakas, bagkus ay gusto na lang niyang malaman ang dahilan sa likod ng pagtatangka sa kaniyang buhay.

Walang sino man sa kanila ang makakalabas doon ng buhay.

Kumulo ang dugo ni Marvin habang iniisip niya ito. Matagal na panahon na rin nung huli niya itong naramdaman. Huling beses siyang nakaramdam ng ganito ay noong tinatapos niya ang God Title quest. Kung saan kinailangan niyang kalabanin ang 10 half-gods na humahabol sa kaniya.

...

May kaliitan ang grove kung kaya't walang gaanong ispasyong maaaring galawang si Marvin.

Kailangan niyang tapusin ang isang ito bago pa man makahabol ang iba pang miyembro ng Acheron Gang. Naniniwala siyang ang lalaking ito, na hindi gumagamit ang stealth, ay ang nag-iisang thief sa kanilang lahat. Dahil doon alam niyang siya ang pinakamalaking banta sa buhay niya sa ngayon. Ang wisdom at perception ng isang thief ay mataas, kaya siguro nahanap siya ng agad ng lalaki.

Basta mapatay na niya ang thief ay marami nang paraan upang tapusin ang iba pa nitong kasamahan.

Lumapit pa siya ng kaunti sa pine tree.

[Hide cast!]

Sadyang nakamamangaha ang Ranger skill na ito. Sa pamamagitang ng kaniyang kapaligiran ay tila humalo ang katawan ni Marvin sa pine tree. Walang kaalam-alam ang thief na pasugod na siya. Hinigpitan ni Marvin ang hawak sa kaniyang dagger at pinigil ang kaniyang paghinga.

Tamang-tama lang ang 41 points sa [Hide] at ang + 9 points na mula naman sa sika deer badge para gumana ang [Night Blessing], ang additional effect ng [Hide] na skill.

[Night Blessing]: +5% effect kapag ginamit ang [Hide] sa gabi.

Madalas minamaliit ang mga 5% effects tulad nito. Kadalasan, sapat na kahit 1% increase lang para mabago ang takbo ng isang labanan.

Dating PK expert si Marvin. Dahil dito, bukod sa walang thief ang makakapantay sa kanya, ay kabisadong kabisado rin niya ang lahat ng iba pang classes. Kaya naman nakakuha agad siya ng karagdagan 50 points sa [Hide] para sa additional effect na iyon.

(T/N: PK – Player Kill)

Hindi lang niya inaasahan na magagamit niya rin ito kaagad.

Mas mababa pa sa inaakala ni Marvin ang perception ng thief na kaniyang kalaban. Naging thief lang siguro ito hindi dahil sa kaniyang angking talento kung hindi dahil sa ilang taong pagsama sa gang at pag-te-training.

Nang nalampasan ng lalaki si Marvin ay may narinig na sigaw na nagmula sa pasukan ng grove.

"Tangina, Jack! Nasaan ka ba? At nasaan na ang noble na iyon?"

Nabuburyong sumagot si Jack ng: "Nandito ako! Hindi pa nakakalayo iyon at hindi iyon makakatakas!"

Tahimik na hinintay matapos ni Marvin ang sinasabi ng Thief. Matapos ay palihim itong pumunta sa likuran nito, tinakpan ang bibig ng thief gamit ang kaliwang kamay habang ginigilitan niya ng leeg gamit ang kanang kamay na hawak ang curved dagger.

Agad na sumirit ang dugo sa paligid habang sinusubukang pa rin ng thief lumaban.

Nakatakip pa rin ang kamay ni Marvin sa bibig ng Thief at sa puntong ito ay walang maaninag na emosyon sa mukha ni Marvin. Sinusubukan pa rin pumalag ng Thief pero wala na itong magawa.

[Basic Attack Successful!]

[Critical Hit! Basic Attack upgraded to Critical Attack]

[Target eliminated! 18 Battle Exp received]

Hindi inalintana ni Marvin ang mga battle reports na lumalabas. Sa halip, mas dama niya ang unti unting pagbigay ng katawan ng kalaban niya hanggang sa mamatay ito.

"Masyado pa akong mabagal" dismayadong sinabi ni Marvin.

Walang gaanong nailabas na power si Marvin dahil limitado siya ng parehong katawan at class na mayroon siya. Ang ginamit niyang technical move ay ang trademark combo ng mga [Phantom Assassin] na [Shadow Steps] + [Cutthroat]. Kung matagumpay na magawa ay siguradong mataas ang damage nito. Isa itong mainam na paraan para mabilis na tapusin ang kalaban.

Maari pa rin talagang magamit ni Marvin ang mga alaala niya para magamit ang mga technical move na iyo. Sa kabila nito ay hindi siya masaya sa kanyang pagkakagawa nito. Hindi skill ang nagawa niya dahil mano-mano ang paggamit niya dito, kaya naman hindi ganoon kataas ang attack bonus nito.

Level 2 na mayroong 42 HP ang Thief. Kung hindi dahil sa critical hit na ginawa ni Marvin malamang ay mas nahirapan siyang patayin ito. Gayunpaman, ang rank 1 classes ay walang resistance sa mga critical hit. Kapag tinamaan sila nito ay panguradong mamatay sila.

Hindi maganda ehemplo ang Thief na ito sa mga low level Thief dahil masyado siyang pabaya. Marahil naisip niyang walang kakayahan si Marvin at hindi inasahan na isa palang expert assassin ang kaniyang balak biktimahin.

Kinapkapan ni Marvin ang katawan nito at nakakita ng isang pitaka at ilang patibong.

"Ay...Kawawang nilalang..." 5 pilak lang pala ang laman ng pitaka.

Taliwas sa kaniyang inaasahan, kapaki-pakinabang naman ang mga nakuha niya. Kaya naman sinamantala niya na ang pagkakataon at itinago ang katawan ng Thief at naghanap muli ng malaking puno na maaaring pagtaguan.

Tumingala siya at nakitang may maitim na ulap ang humaharang sa buwan; mahihirapan siyang makakita nito.

Ang gabing ito ay magiging gabi ng pagpatay.

...

May 4 pang gangster na natitira. May mga hawak silang sulo habang papasok sa grove. At dahil sa liwanag na dala ng apoy, lumiwanag ang mga sparse tree.

Paniguradong mababawasan ang effect ng Hide ni Marvin dahil sa liwanag na dala ng mga sulo. Ang masama pa dito ay maaaring makita na nila ang bangkay ng Thief. Hindi kasi maayos ang pagkakatago ni Marvin dito dahil tinakpan niya lang ito.

Kapag nangyari iyon ay bababa na ang posibilidad na magtagumay si Marvin dahil magiging mas maingat na sila at malalaman nilang hindi siya isang simpleng noble.

"Letseng Jack iyan. Hinayaan niyang makatakas ng grove ang noble na iyon." bwisit na sinabi ng isa sa mga gangster. "Ngayon naman hindi na niya tayo sinasagot, ano bang balak ng hayop na iyon?" dagdag pa niya.

"Baka mabilis tumakbo yung bata kaya hinahabol niya pa rin hanggang ngayon."

"Hindi man lang siya nagiwan ng mga palataandaan para malaman natin kung saan sila papunta. Nagsasayang lang tayo ng oras dito. Kailangan nating magawa ang utos ni boss ngayong gabi. Kailangan mamatay ang batang noble na si Marvin!"

Kitang kita ni Marvin kung nasaan ang apat dahil sa sulong dala ng mga ito. Mahinahon niyang pinakinggan ang yabag ng kanilang mga paa. Wala siyang hearing skill kaya naman mahina ang kanyang perception sa aspeto na ito. Subalit katulad ng naunang thief ay hindi rin maingat ang mga ito. Wala silang pakialam sa lakas ng yabag nila, dahil dito madaling tukuyin ang kanilang kinalalagyan.

Apat na tao: dalawang matangkad, isang mataba, at isang binabae.

Nalaman niya ito ng hindi ginagamit ang kaniyang mga mata.

Tuwang tuwa si Marvin dahil nagtatalo na ang apat habang papalapit na ang mga ito. Mas natuwa pa siya noong naghiwa-hiwalay ang apat.

Mukhang kampante ang mga ito sa angking lakas nila. Akala nila na madalli lang ang paghuli sa isang noble na walang combat class.

Naghiwalay na nga ang apat. Nasa malapit lang ang isa habang ang tatlong iba pa ay papunta na sa iba't ibang direksyon.

Nagkubli si Marvin sa mga anino ng puno para maiwasan ang tatlo -- naranasan na niyang matugis ng mga bihasang tao sa loob ng isang masukal na kweba o kagubatan. Halatang hindi sila sanay sa mga ganitong bagay dahil sa dami ng blindspot na maaring gamitin ni Marvin para sa kaniyang [Hide].

Naghahanap pa rin sa iisang lugar ang pang-apat sa kanila, kaya naman naghintay si Marvin ng pagkakataong sumalakay. Matapos lang ang 30 segundo ay dumating ito.

At tulad ng nangyari sa Thief ay ginawa niyang muli ang [Shadow Step] at sinundan ng [Cutthroat].

[Basic Attack Successful!]

[Critical Hit! Basic Attack upgraded to Critical Attack]

[Target eliminated! 11 Battle Exp received]

Ngayon naman ay isang level 1 na [Thug], na karaniwang nakikita sa mga gang sa siyudad. Ang Thug class ay mayroong mga bonus attributes at abilities para sa street fighting ngunit ang mga ito ay walang bisa sa kagubatan.

Mas mababa ang panganib na dulot nito sa kaniyang buhay kumpara sa Thief. Ang tanging ikinatuwa ni Marvin ay mas marami ang pera ng Thug na ito ng kaunti dahil 12 na pilak ang laman ng pitaka nito.

Ipinagpatuloy lang ni Marvin ang ganitong pamamaraan para maitumba ang dalawa pang gangster. Bumalot sa grove ang amoy ng dugo.

Nakakuha si Marvin ng 26 na pilak at 30 battle exp mula sa dalawa. Sa kasamaang palad, hindi napanatiling tahimik ni Marvin ang isa sa dalawa dahil sa tangkad nito. Kahit na ang cutthroat ay epektibo sa gangster, nagawa pa rin nitong sumigaw.

Narinig naman ito ng huling gangster at dali-daling pumunta sa lugar kung saan nanggaling ang sigaw.

Hindi na muling nakapagtago si Marvin dahil sa bilis ng pangyayari.

Gulat na tinitigan ng matangkad na lalaki ang bangkay na nasa paanan ni Marvin at sinabing: " Masyado ka naming minaliit"

Hawak niya ang sulo sa isang kamay at mahigpit na hawak ang isang itak sa kabila. At sinabing: "Mamamatay ka ngayong gabi".

Mahinahong gumamit ng [Inspect] si Marvin.

[Inspect (35) cast...]

[Wisdom Check… ]

[Inspect Failed! You are unable to get any additional information]

Inspect failed!

Isa lamang ang ibig sabihin nito, ang kalaban niya ay hindi baba sa level 3 adventurer!

Ngumisi ang matangkad na lalaki at sumugod habang iwinawasiwas ang itak na tila gustong tadtarin si Marvin.