webnovel

Eternal Night Imprint

Editor: LiberReverieGroup

"Paano nangyari ito!"

"Anong nangyayari?"

"Bakit ang tanda ko na!"

Tinitingnan ni Marvin ang kanyang sarili sa lawa, gulat na gulat. Pinilit naman niyang pakalmahin ang sarili.

Ang Log!

Hindi niya makita ang sarili niyang data panel.

May naisip si Marvin. 'Hindi kaya isang ilusyon 'to?'

Pero anong klaseng ilusyon ang makakapagdulot na hindi niya makita ang kanyang logs?

Nararamdaman niyang unti-unting nawawala ang kanyang lakas.

Bawat hakbang sa bundok ay dahan-dahan siyang pinatatanda.

Ito ang Endless Mountain, at maliwanag na ito rin ay Death Mountain!

Natuliro si Marvin sa nangyari.

Ngayon lang siya nakaranas ng ganito.

Magmula nang mag-transmigrate ito, nagagawa niyang intindihin ang lahat dahil sa mga logs.

Pero ngayong ay hindi niya ito makita sa misteryosong Endless Mountain na ito.

Ano ba talagang nangyayari?

Tumingala siya at tiningnan ang Endless Mountain. Tanging katahimikan ang maririnig sa tuktok na hindi pa rin makita hanggang ngayon.

Panandaliang nagpahinga si Marvin, at nagawa naman nitong makabawi ng kaunting lakas.

Huminto siya malapit sa lawa panandalian bago kinuyom ang ngipn ang tuluyang nagdesisyon.

Ano man ang nangyari, dahil pinili niya ang landas na ito, wala na siyang magagawa kundi ituloy ito. Wala nang atrasan ito.

Kahit na mamatay siya ay hindi siya susuko.

'Hindi ako naniniwalang maglalagay ng nakamamatay na pagsubok ang Night Monarch para sa mga pumasa Thorny Path!'

Hindi na nag-atubili si Marvin at hindi na niya ininda ang katawan niyang tumatanda niyang katawan. Pinagpatuloy niya ang pag-akyat, paisa-isang hakbang.

Sa tabi ng pugon, tumigil na ang blacksmith sa pagpapanday.

Seryosong tiningnan ng dalawa ang maliit na anino ni Marvin na patuloy na umaakyat!

Ito rin nag unang beses na nakita nila ang maalamat na Endless Mountain!

"To… totoo ba ito?" Kinakabahang tanong ni O'Brien. "BAkit parang nararamadaman kong unti-unting nawawala ang kanyang lakas!"

NAnatiling tahimik ang matanda.

"Wala pa akong nakikitang impormasyon tungkol ditto!"

"Si Marvin pa lang ang nakaka-abot sa puntong 'to."

"Mukhang patanda nga siya nang patanda habang umaakyat siya. Hindi magtatagal mamumuti na ang buhok niya."

Nagdesisyon na si O'Brien. "Hindi ko siya pwedeng pabayaang mamatay dyan."

"Paano kung bahagi ito ng pagsubok? Biglang tanong ng matanda. "Alam niyang pagsubok iyan, pero may posibilidad na mamatay siya habang pinapanuod niya ang sarili niyang mabilis na tumatanda. Iilang tao lang ang haharapin ito ng walang takot, hindi ba?"

"Pero paano kung hindi pala ito pagsubok, at isa palang parusa mula sa Night Monarch dahil sa paglabag ng patakaran kanina?" nakasimangot na tanong ni O'Brien.

Kinuyom ng matandang blacksmith ang kanyang kamay at hindi na nagsalita.

Makikita ang pag-aalala nito sa kanyang mga mata.

Dahil hindi niya rin alam kung ano ang mangyayari!

Patuloy pa ring gumagapang paakyat ng Endless Mountain si Marvin.

Tila nalimutan na niya ang lahat ng kanyang iniisp o marahil pinili na lang niyang wag isipin ang mga ito.

Isa lang ang natatandaan niya.

At iyon ay nagpupursigi siya. 

Ito ang landas na pinili niya. Kailangan niyang ipagpatuloy ito hanggang sa dulo.

Kahit na ibuwis niya pa ang buhay niya rito.

Ang unti-unti niyang pagtanda ay nagsimula nang bumilis.

Matapos ang ilang sandal, muli siyang nagpahinga at napansin niyang naging kulay abo na ito.

Kumukulubot na rin ang kanyang mga balat, lumiliit na ang kanyang katawan, at nanghihina na ang kanyang mga buto.

Habang patuloy ang kanyang pag-akyat, mas humahaba ang kanyang pagpapahinga.

Mabuti na lang at hindi gaanong matarik ang bundok na ito, at mayroong mga patag na bahagi.

Kung hindi, hindi na makakapagpatuloy si Marvin dahil sa sobrang hingal niya.

Pinilit niyang pagalawin ang matanda at nanghihina niyang katawan. Nagpatuloy sya, paisa-isang hakbang.

Kalaunan, isang magandang pakiramdam ang namuo sa kanyang puso.

Tila humihiwalay na ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawa. Tiningnan niya ang kanyang katawan at dahan-dahang umakyat pa hanggang sa matumba na ito.

Nagpalutang-lutang siya sa bundok habang pinapanuod ang kanyang katawang unti-unting nalalanta, ang pagtanggal ng kanyang balat, at ang kanyang buto ay naging abo na.

Sumanib siya sabundok.

'Totoo ba? Namatay ako dahil doon'

Litong-lito na siya sa nagaganap at wala na siyang lakas para panatilihing buhay ang kanyang isipan.

Pero ipinagpatuloy pa rin niya ang pag-akyat.

Ginagawa pa rin ng kanyang kaluluwa ang lahat ng makakaya nito para magpatuloy at hindi umatras.

Nang biglang may isang boses ang umalingawngaw sa kanyang dibdib. "Anong ibig sabihin nito? Ang ganitong klaseng pagpupursigi ay imposibleng magtagumpay."

Natutuliro na si Marvin, hindi na niya maisip kung paano sasagutin ang tanon.

Ipinagpatuloy niya lang ang pag-ayat.

Tila ikinagalit ng makapangyarihang nilalang ang ganitong pagpupursigi.

Nang umihip ang hangin ay halos tangayon na nito ang kanyang kaluluwa.

Mas naging malinaw ang kanyang isipan.

Muling nagsalita ang boses, "Ano bang ibig-sabihin nito?"

Ibig-sabihin?

Tahimik na ang-isip si Marvin. 'Hindi lahat ng pagpupursigi ay kailangan bigyan ng kahulugan.'

'Kung gagawa ka nang desisyon, kailangan mong panindigan ito hanggang sa dulo.'

Nanghihina na ang kaluluwa nito at halos mawala na.

Noong mga oras na iyon, isang ginintuang liwanag ang biglang lumabas mula sa dilim!

Isang Golden Eagle paikot-ikot na bumaba mula sa kalangitan, at biglang lumiwanag ang mundong ito.

Sa unang pagkakataon naliwanagan ang buong Eternal Night Kingdom. Ang mga balahibo nito ay kunikinang-kinang at nakakasilaw, nasisinagan ng liwanag ang lahat.

Mabilis itong lumipa pababa at agad na kinuha si Marvin.

Sa susunod na sandal, ipinagapas na nito ang kanyang mga pakpak at lumipad sa kalangitan!

Dinala ng Great Eagle si Marvin sa mga ulap.

Sa pagkakataong ito, naramdaman ni Marvin na dahan-dahang bumabalik ang kanyang sigla.

Bumalik rin ang pisikal na katawan nito, bumalik na rin sa dati ang kulay ng kanyang buhok at nagsimula nang mawala ang mga kulubot niyang balat.

Naging maliwanag na muli ang kanyang pag-iisip.

Malumanay siyang hinawakan ng Great Eagle. Agad siyang nakakita ng mga tanawin mula sa mga itim na ulap!

Ibang-iba ito sa mga naramdaman niya kanina. Bawat Ulap ay kinikisap-kisap ng iba't ibang kulay.

Hindi makita ni Marvin nang malinaw kung ano ang nangyayari pero para sa kanya ay napakaganda nito.

Matapos makalagpas sa huling patong ng mga ulap, tumingala siya at nakita ang tuktok.

'Mayroon naman palang dulo ang Endless Mountain,' ito ang inisip ni Marvin. Nang biglang bumilis ang Great Eagle at dahan-dahan siyang nilapag sa tuktok ng bundok.

Tumayo siya sa tuktok ng Silver Mountain, kitang-kita mula rito lahat. Sa malayo ay makikita rin ang napakaitim na karagantan.

noong mga oras na iyon, may isang pares ng matang maliwanag ang lumabas. .

Alam ni Marvin na ito na ang will ng Night Monarch.

'Nagtagumpay ako!'

Nakita niya ang lahat ng nangyari sa mga log at natutuwang kinuyom ang kanyang mga kamao!

Sa tabi ng pugon, ang dalawang pinuno ng mga Night Walker, na ilang pagsubok na ang nalampasana, ay walang nasabi.

Hindi na nila nasundan si Marvin pero nang magpakita ang Golden Eagle, alam nila na nagtagumpay na si Marvin.

Alam nilang natanggap na niya ang basbas ng Night Monarch.

Dahil kilala nila ang Great Eagle na ito.

Isa ito sa mga malapit na kasamahan ng Night Monarch.

Matapos umalis ng Night Monarch, nagpunta ang Golden Eagle sa loob ng Eternal Night Kingdom. Nanumpa itong poprotektahan niya ang lugar na ito magpasawalang-hanggan.

"Mukhang kailangan ko nang magretiro," panunuya ni O'Brein sa kanyang sarili, "Tama ka, talaga ngang pambihira ang batang iyan."

"Kwalipikado na siyang maging pinuno ng mga Night Walker."

Subalit, tinapik ng matandang blacksmith ang kanyang balikta. "Hindi pa ito ang tamang oras."

"Si Marvin ang pag-asa natin, siya ang kinabukasan natin."

"At ikaw naman ang kasalukuyan. Kung wala ka, mawawalang ng napakahalagang haligi ang mga Night Walker sa Feinan. Naiintindihan mo ba?"

Tumango si O'Brien.

"Panuorin natin kung ilang himala ang magagawa ng batang iyan."

Sa tuktok ng bundok, nagtitinginan si Marvin at ang pares ng mga mata.

Isang malalim na boses ang umalingawngaw, "Ikaw na baa ng tagapagmana ko?"

Walang emosyon namang sumagot si Marvin, "Hindi ko alam. Nakadepende 'yon sayo."

Kumurap ang mga mata bago sinabing, "Dahil nalagpasan moa ng aking mga pagsubok, kwalipikado ka na para tanggapin ang aking ipamamana."

Biglang naging isang ang dalawang mata, naging isang kakaibang imprenta ito at pumasok sa dibdib ni Marvin.

Napakaraming impormasyon ang biglang pumasok sa kanyang isipan.

[Eternal Night Imprint] ang tawas sa imprentang ito.

Ito ang simbolo ng tagapagmana ng Night Monarch.

Gamit ang Eternal Night Imprint, maaari na siyang maglabas-pasok sa Eternal Night Kingdom!

At maaari na niyang ma-summon ang Great Eagle na si Belas para tulungan siya sa loob ng Eternal Night Kingdom.

Ang mas ikinagulat at ikinatuwa niya ay nang pumasok ang Eternal Night Imprint sa kanyang katawan, binigyan siya ng Night Monarch ng temporary blessing.

Napakalakas ng temporary blessing na ito!

[Night Monarch's temporary blessing: Strength +15, Constitution +15 (Duration: 3 minutes)]

Tatlong minuto lang!

Mabilis mag-isip si Marvin at naunawan niya kung para saan ito.

Sa sumunod na sandal, ginamit niya ang Eternal Night Imprint para mabilis nama-summon ang Great Eagle Belas!

PAgtawag ditto ni Marvin, agad namang lumusong pababa ang Great Eagle. Tumakbo ng ilang hakbang si Marvin at tumalon sa likod ng Great Eagle.

"Puntahan natin ang Sea of Darkness!" Malumanay na hinawakan ni Marvin ang mga malambot na balahibo sa leeg ng Great Eagle habang sinasabi ito.

"Woosh!"

Lumipad nang napakabilis ang Golden Great Eagle, patungo sa Sea of Darkness, na para bang isang patalim!

Paglipas ng isang minute, bumaba na sa baybayin ang Great Eagle.

Sa hangganan ng dalampasigan, ay mayroong napakabigat na stone sword.

Nauunawan ni Marvin na isang pasasalamat ang espada na ito para sa Eternal Night Imprint.

'Dalawang minuto na lang ang natitira…'

Limitado lang ang Strength at Constitution nito!

Kailangan niyang magmadali!

Habang iniisip ito, agad siyang pumunta sa tabi ng stone sword at hinawakan ito mahigpit, saka niya ito binunot!

Napakabigat ng espadang ito. Kung wala ang 15 na puntos ng Strength mula sa Night Monarch, hindi ito mahuhugot ni Marvin!

Walang kahit anong attribute ang stone sword na ito, at mayroong lang itong isang espesyal na epekto.

At ito ay ang hatiin ang Sea of Darkness sa dalawa!

Huminga nang malalim si Marvin at nararamdaman niya ang pagtugon ng espada dahil sa Eternal Night Imprint.

Agad siyang lumapit sa tubig at mabagsik na hiniwa ito.

Agad namang nahati ang tubig ng dagat.

Nahati ito sa dalawang alon na palayo sa isa't isa!

Nagsimulang umahon ang mga istatwang mukhang mga tao mula sa dagat!

Ang labing-siyam na mandirigma, na ilang taong tulog, ay muling bumangon!

Bumagsak ang stone sword sa lupa habang isa-isa namang minulat ng mga mandirigma ang kanilang mga mata, at tiningnan mabuti si Marvin.

Lumuhod sila, gaya ng pagluhod nila dati sa Night Monarch.

Hindi man nila taglay ang lakas ng isang Legend gaya noong bago sila matulog, subalit wala pa ring makakatalo sa mga mandirigmang ito.

Nakahinga nang maluwag si Marvin.

Siguradong magtatagumpay na sila sa digmaang ito sa tulong ng mga mandirigmang ito!

"Ano?!"

"Wala si Baron Marvin sa White River Valley?"

Sa loob ng malamig na karwahe, isang babaeng may suot na magarang damit ang sumimangot. "Kung ayaw niya akong makita, bakit hindi na lang niya sabihin. Bakit kailangan pang gumawa ng mga dahilan?"

"Hindi ko talaga alam kung bakit gusto kong ipakasal ni ama sa probinsyang tulad nito."

"Young Miss, huminahon po kayo. Mukha mang nagdadahilan lang ang Baron pero nabalitaan kong mahilig maglakbay sa labas ng kanyang teritoryo si Lord Marvin." Sabi ng isang knight sa labas ng karwahe.

"Si Master ho mismo ang nag-utos sa amin. Hindi ho naming pwedeng suwayin ang utos niya, kaya kailangan nating maghintay rito."

"Teka teka teka, maghintay hanggang kalian?" Nabubugnot na sabi ng babae, "Kung hindi lang dahil dito, hindi naman ako pupunta sa walang kwentang lugar na ito!"

"Kailangan niyo pong habaan ang pasensya niyo, Young Miss," sagot ng Knight na bahagyang tumawa. "Noong mga panahong iyon, ninakaw ng lolo ni Lord Marvin ang isa sa pinakamahalagang bagay sa pamilya niyo at saka ito umalis ng Lavis. Sinubukan naming siyang hanapin pero hindi naming siya makita."

"Hindi naming inaasahang makikita naming ang apo niya. Kaya kailangan nating mag-ingat."

"Kahit anong mangyari, kailangan nating mabawi ang kayamanan. Sa ganitong paraan, gaganda ang tingin sa inyo ni Master."

"Bakit hindi na lang natin sapilitang kunin?" Hindi mapigilang tanong ng babae.

"Nakitang kong kakaunti lang ang mga tao sa teritoryong ito, kaya siguradong walang expert. Kayang-kaya nating sakupin ang palasyo nila dahil sa mga kasama nating mga Knight. Saka natin hanapin sa buong palasyo ang kayamanan."

Pero ngumiti ang Knight at sinabing, "Young Miss, ano man ang mangayari, bahagi pa rin ng pamilya ng mga Cridland si Lord Marvin."

"Kahit na nakagawa ng pagkakamali ang lolo niya, wala naman itong kinalaman sa kanya. Baka nga hindi niya pa alam ang tungkol ditto."

"Isa pa, kung titingnan ang bloodline, bagay na bagay ang inyong mga bloodline."

"Base sa mga patakaran ng clan, hindi maiiwasan ang pagpapakasal niyong dalawa. Gusto mob a talagang atakihin ang palasyo ng mapapangasawa mo?"

Walang nasabi ang babae, at wala itong magawa kundi suntukin ang pader ng karwahe.

Noong mga oras na iyon, isang tao ang dumaan sa mga karwahe at nagtatakang tiningnan ang mga ito.

Biglang naiinis na sumigaw ang babae, "Anong tinitingin, tingin mo?!"

Nagulat si Marvin. "Teritoryo ko to, wala kang karapatan sabihan ako kung saan ako dapat tumingin!"