webnovel

Encounter

Editor: LiberReverieGroup

Unti-unti nang natatapos ang labanan sa kasukalan.

Hindi na nakatakas ang Leopard mula sa mga nakapalibot na Adjucator dito.

Matapos pumalya ang huling pag-atake nito, umatungal an Leopard at nawala.

Ngumisi ang Cleric, itinaas niya ang kanyang kamay at lumabas mula dito ang kulay berdeng liwanag at nabalot siya nito.

Divine Spell – Dream Cage!

Biglang nahulog ang Leopard mula sa kalangitan.

Mabilis naman na lumapit ang isang Paladin, walang habas na inatake nito ang Leopard gamit ang longsword na hawak nito.

Walang dumanak na dugo, pero unti-unti naman na lumabas ang using Hunter Imprint, at pumasok sa kamay ng Paladin.

"Ayos, ituloy na natin ang pag-iipon ng Imprint."

Bahagyang ngumiti ang Clerci, "Oo nga pala, tawagan niyo si Sir Swift."

"Sabihin niyong nakita na natin ang taong hinahanap nila at patungo siya ngayon sa dakong kanluran."

.

Natigilan ang ibang Shrine Paladin pero hindi sila nag-alinlangan. Ang isa sa kanila ay gumamit ng isang pamamaraan na ginagamit ng Dream Shrine para gawin ang inuutos ng Cleric.

Tanging ang reaksyon ni Griffin ang biglang nagbago.

Nakangiting tiningnan ng Cleric ang Paladin na tila hindi isang tunay na ngiti, "Mukhang wala kang sapat na paniniwala sa Shrine namin."

"Kaibigan mo ang taong 'yon?"

Kinuyom ni Griffin ang kanyang kamao, bago muling ibinuka ito.

Pumikit siya at seryosong sumagot, "Ang usapan ay tutulungan ko lang kayo sa misyon na ito. Pagkatapos kong sumailalim sa ritwal, tatanggalin niyo ang Curse ni Molly, iyon ang kasunduan natin. Hindi ko kailangan magpaliwanag pa sayo."

Tumawa ang Cleric, "Tama ka."

Pagkatapos ay nagkibit balikat ito, "Sadyang may ilang bagay na mababago."

"Nabalitaan ko na ginalit ng batang 'yon ang 1st Divine Servant Ambella, kaya naman, gagawin ng Dream Shrine ang lahat para hanapin siya sa buong Universe habang nabubuhay siya."

"Pagkatapos noon, mamamatay siya."

Matapos sabihin ito, naging malagim ang boses ng Cleric.

"Hindi naman naming misyon ito, misyon 'to nina Dream Guardian Swift at Dream Guardian Wayn. Kailangan lang naming tapusin ang misyon namin."

Mayroong malaking ngiti sa kanyang mukha ang Cleric.

Iwinagayway nito ang kanyang kamay at tumango kay Griffin, "Tara na, Dream Paladin."

Kumibot ang mat ani Griffin, huminga nang malalim ito at makikitang wala itong magawa.

...

Sa dakong kanluran ay maburol na bahagi ng Hunting Grounds.

Pinagpatuloy ni Marvin ang paggamit sa kanyang Stealth, isa itong magandang gawain.

Ang kasalukuyan niyang skillset ay nagbibigay sa kanyang ng kakayahan na manatiling naka-Stealth kahit na naglalakbay. Ang Autumn Hunting Ground ay isang mapanganib na lugar. Minsan, hindi pa rin masisiguro ng Stealth na hindi ka mahahanap ng ibang tao.

Mayroong dalawang halimaw na nakasalubong si Marvin.

Pero wala siyang ginawa.

Base sa kanyang Perception, napakabagsik ng dalawang halimaw na ito.

Wala silang mga Legend Characteristic, pero ang katawan nila ay higit pa sa limitasyon ng isang ordinaryong Legend Monster.

Idagdag pa na hindi alam ni Marvin kung ano ang mga ability ng mga ito, kaya hindi siya nangahas na kalabanin ang mga ito.

Kinailangan ng grupo ng Dream Shrine ng ilang Adjudicator para lang malabanan ang isang Beast na may Imprint.

Balak niyang siyasatin kung paano kumilos ang mga Beast bago siya kumilos.

Ito ang kadalasan niyang gamiting istratehiya sa laro, pero matagal-tagal na niya itong hindi nagagawa.

Matapos siyang mag-Transmigrate, ang kanyang karanasan ang pinakamalaking alas niya, at makikita naman ito sa mabilis na pagtaas ng kanyang level.

Sa paggamit ng mga impormasyon na nalalaman niya, marami siyang mahirap na pagsubok na nalamanpasan.

Pero sa teritoryo na ito, nabura ang alas niyang ito.

Nalaman ni Marvin na ang karamihan ng mga Beast sa Autumn Hunting Grounds ay mga Ancient Wilderness Monster na inilalarawan na lang sa mga ancient book.

Bali-balita na ang puno raw ng ganitong mga nilalang ang mundo dati, Noong mga panahon na iyon, ang Feinan at ang maraming mga Secondary Plane ay masukal pa at lumalaki pa lang ang Plane Will. Nilabanan ng mga Race ang isa't isa at lumaban sila para mabuhay.

Maraming mga God ang namatay noong ancient time dahil sa pagkalaban sa mga halimaw na ito.

Kahit na ang mga Beast sa Autumn Hunting Ground ay hindi kasing lakas ng mga tunay na Ancient Mythical Monster, hindi pa rin pangkaraniwan ang mga pinalaking Beast ng Wilderness God sa lugar na ito. Kaya kailangan maging maingat ni Marvin.

Pero mayroon siyang masamang kutob sa kanyang dibdib.

Hindi mawala ang pag-aalinlangan sa kanyang isipan, at hindi niya maalis ang mga ito.

Ano ba talagang gawin ni Lich Bandel?

Anong plano ng Dream God?

Mukhang mayroong malaking planong nakatago sa likod ng muling paglitaw ng Wilderness Hall. At hindi ito katulad ng nangyari sa Tomb ng Dragon God.

Noong oras na iyon, kasama at katulong ni Marvin sina Professor at ang iba pa. Marami rin silang nakuhang impormasyon tungkol sa mga Chromatic Dragon at mga Evil Dragon.

Sa pagkakataon na ito, hindi niya sinasadyang masangkot dito kaya naman walang siyang alam at wala siyang magawa.

Hindi siya komportable sa ganitong pakiramdam.

Marahil ay nasanay na siya na marami siyang nalalaman tungkol sa mga bagay-bagay.

Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na huminga nang maalim. Nakatulong naman ito para huminahon siya.

Pero bigla na lang bumilis ang tibok ng kanyang puso!

Isang nagmamadaling boses ang narinig niya sa kanyang isipan, "Umalis ka na, bilis!"

Biglang nagulat si Marvin.

Boses ito ni Paladin Griffin.

Lumingon-lingon si Marvin, gamit pa rin niya ang kanyang Stealth, at napansin ang dalawang aninong mabilis na papalapit.

Mga Dream Guardian!

'Pucha! Nahanap pa rin nila ako!'

Agad naman na tumakbo papalayo si Marvin!

Kahit na hindi niya alam kung ano ang nangyari, alam niyang nabunyag na ang kanyang lokasyon.

Kahit na pinaalalahanan siya ni Griffin, nakita na siya ng dalawang Dream Guardian.

Alam ni Marvin na hindi siya mapoprotektahan ng Stealth sa paningin ng dalawang ito.

Wala siyang magagawa kundi umasa na hindi sapat ang bilis ng dalawang ito para habulin siya dahil sa pagkawala ng epekto ng Legend Law sa lugar na ito.

Pero malupit ang kapalaran.

Bukod sa hindi na mas mabilis si Marvin sa dalawang Dream Guardian, unti-unti na siyang nahahabol ng mga ito. Ang bilis nila ay may kinalaman sa kanilang blessing at mukhang lumakas pa ang blessing na ito noong pumasok sila sa Hunting Ground.

'Mukhang mapipilitan akong lumaban.'

Tahimik na inilabas ni Marvin ang Hunting Knife.

Tumigil na siya sa pagtakas, sa halip ay tumayo lang siya sa isang burol, hinihintay ang pagdating ng kanyang mga kalaban.

Hindi maaaring magamit ang mga Legendary Weapon, umasa si Marvin na masusurpresa ang mga ito sa matalas na Hunting Knife na ito.

Mabilis naman na lumapit ang dalawang Dream Guardian, sa loob ng ilang segundo ay nakahabol na ang mga ito kay Marvin.

Nagharap ang mga ito sa isang maliit na ilog.

Maliwanag tingnan ang ginintuang buhok ni Swift, at tila ba pagod na pagod ito. Subalit, isang sabik na reaksyon ang lumitaw sa mukha nito nang makita si Marvin.

"Bakit hindi ka tumatakbo, bata?"

Hindi pa bumubuka ang bibig ni Marvin, isang malumanay na boses na ang kanilang narinig mula sa malayo.

"Kalaban mo ba sila?"