webnovel

Elemental Life Mark

Editor: LiberReverieGroup

Nang makita ni Marvin ang pigurang walang emosyong nakatingin sa mga nanghihimasok, ang una niyang naisip ay ang Earth Sovereign!

Dahil parehong-pareho ang itsura nito sa nakita niya sa laro.

Ang malaking paa na nakapigil kay Tiramisu ay gumagamit ng Earth Essence nng Earth Sovereign.

Syempre, ang Earth Sovereign lang ang mayroong ganoon purong Earth Essence na kayang pigilan kahit isang Time Dragon!

Pero ang pinagtaka ni Marvin, ay kilala man ang Earth Sovereign sa pagiging mahigpit, kilala rin ito sa pagiging mabuti.

Bakit naman siya lilitaw dito sa Collapsed Earth, at bakit naman niya aatakihin ang Eternal Time Dragon nang walang dahilan?

Lalo pa at wala namang kahit anong koneksyon ang mga Elemental Plane sa God Realms, kaya imposible ginagawa ito para sa kanila!

"Lapastangan! Pakawalan mo ang gwapong Dragon na 'to!"

Nanggagalaiti sa galit si Tiramisu.

Ang kanyang buong katawan ay nadadaganan ng napakalaking paa na gawa sa bato!

Tila ang lupa sa Elemental Plane of Earth ay mayroong nakakatakot na epekto dahil nagawa nitong pigilan kahit ang isang Eternal Time Dragon! Nasa puso sila ng Elemental Plane kung saan kayang gumamit ng malakas na kapangyarihan ang Earth Sovereign!

Nanlamig ang puso ni Marvin.

Ang Elemental Plane ang pinakamalakas na pwersa. Mabuti na lang at ang Four Elemental Sovereign ay walang ninanais. Ang gusto lang nila ay mapanatili ang balanse.

"Anong nangyayari?"

'Hindi kaya kahit ang mga Elemental Sovereign ay hindi mapigilan ang pagnanasa nila? Kaya kahit kilala ang mga Sovereign na ito na kilalang walang ibang hinahangad ay natukso ng Fate Tablet?"

Inalala ni Marvin nag karanasan niya sa Elemental Plane of Water at sa nanghihinang Water Sovereign. Nararamdaman niya rin na mayroong mali sa awra ng higanteng baton a nasa harap niya. Halos mahulog ang puso ni Marvin.

Hindi pinansin ng Earth sovereign ang mga sinasabi ni Tiramisu at tinitigan lang si Marvin.

"Bagay…Ibigay…."

Mabagal na lumabas ang mga salitang ito na nasa Common.

Huminahon ang puso ni Marvin.

Iba ito sa naalala niyang Earth Sovereign!

Kahit na ang mga Elemental Sovereign ay walang koneksyon sa mundo sa labas, matalino ang mga ito at mabilis itong matuto. Walang sino man sa mga Elemental Soverein ang hindi marunong magsalita ng Common.

Pero ang nilalang na ito na nasa harap niya ay hirap sa pananalita.

At kakaiba rin ang pagbigkas nito. Kung hindi mahusay ang pandinig ni Marvin, baka hindi pa nito naunawaan ang sinasabi ng Elemental na ito!

"Bagay? Ang Fate Tablet ba ang ibig mong sabihin?" Tanong ni Marvin.

Tumango ang napakalaking bato at muling nagsalita na mayroong masamang tono, "Ibigay… kundi…patayin kita…"

Lalong nakasigurado si Marvin dahil sa kanyang narinig!

Imposibleng ito ang Earth Sovereign!

Kahit na pareho ang itsura nito, imposibleng hindi marunong gumamit ng salitang Common ang Elemetal Sovereign.

Nanginginig ang pannalita nito, na tila ba probinsyano ito na mayroong tono. Kakaiba ang tono na ito.

Isa pa, kung gustuhin mang ng tunay na Earth Sovereign ang Fate Tablet, hindi niya kakausapin si Marvin. Sa halip ay agad na kikilos ito!

Makapangyarihan ang mga Plane Guardian!

Pero ang mga Elemental Sovereign ay ang pinakamalalakas na nilalang sa buong Universe. Sinasabi pa nga ng iba na ang lakas ng mga ito ay higit pa sa lakas ng maraming Ancient God, at pumapangalawa ang mga ito sa makapangyarihang si God Lance!

Dahil dito, mas naging mahinahon si Marvin.

Bigla niyang siniyasat ang ilang bahagi ng Rock Monster.

Nakakita ng impormasyon si Marvin tungkol sa Earth Sovereign sa laro, at parehong-pareho talaga ang itsura nito.

Pero hindi niya naramdaman ang pwersang dapat naramadaman niya dahil sa presensya ng isang Elemental Sovereign.

Ang pwersa ng isang Elemental Sovereign ay mas malakas pa kesa sa Dragon Might at Divine Pressure. Kahit anong nilalang na mayroong Essence ay nasa ilalim nila!

Kahit na mayroong asvanced False Divine Vessel si Marvin, tatablan siya nito!

Kaya sigurado siyang hindi ang Earth Sovereign ang umatake sa kanila!

Pero siguradong may relasyon ito sa Earth Sovereign. Dahil kung hindi, ang Eternal Time Dragon ay hindi magagawang pigilan nito!

Lalo pa at isa itong nilalang nanagawang sampalin ang War God nang tatlong beses!

Huminga nang malalim si Marvin. Mukhang kailangan niyang harapin ito nang mag-isa.

Dahan-dahan niyang inilabas ang Sodom's Blades.

Galit na sumigaw ang Rock Monster, "Patayin…"

Sa isang iglap, nahulog ang mga bato na nasa paligid patungo kay Marvin na parang isang Meteor Shower!

Kung ibang tao ito, marahil walang magagawa io kundi salagin ang mga bato.

Pero matapos maabot ang Plane Guardian level, at nabuo ang Night Ring, naging mas higit pa ang kanyang Post-Godly Dexterity!

Ang kanyang anino ay makikita nagpapabalik-balik, minsan ay tumatalon, minsan ay nawawala. Ang malawakang pag-atake na ito ay hindi gagana kay Marvin!

Mas ikinagalit ng Rock Monster ang pagkilos ni Marvin. Malalim ang pag-atungal nito at nagsimulang mag-chant sa lenggwaheng hindi maintindihan ni Marvin kahit na natutunan na nito ang lahat ng lenggwahe sa Feinan.

Sa pagkakataong ito, mayroong napagtantong kakaiba si Marvin.

Tiningan niya ang bandang dibdib ng Rock Monster at nakitang naglalabas ito ng malamlam na itim na ilaw.

Tila pamilyar naman kay Marvin ang itim na ilaw na ito.

Bukod sa itim na ilaw, mayroon ding itim na bilog-bilog na nakapalibot sa Elemental.

"Ito ay… ito ang Elemental Life Mark?'

'Nakikita ko ang Elemental Life Mark?'

Nagulat si Marvin.

Ang Elemental Life Mark ay makikita sa mga Elemental na nilalang.

Kadalasan, ang pinakaepektibong paraan para patayin ang isang Elemental ay putulin ang kanilang Elemental Life Mark.

Pero kadalasan ay nakatago ang mga Elemental Life Mark.

Sa lao, ang Elemental Life Mark ay lalabas lang kapag 5% HP na lang ang natitira.

Kapag nangyari iyon, sunod-sunod nang sasali sa laban ang mga rogue.

Dahil ang pag-atake nang mabilis at sa iisang lugar ay ang trabaho ng mga Assassin at ng mga Ranger!

Pero ngayon, walang ginawa si Marvin para makita ang Elemental Life Mark.

'Anong nangyayari?'

Naguguluhan si Marvin.

Pero alam niyang isa itong pagkakataon. At noon pa man ay mahusay nang magsamantala ng pagkakataon si Marvin!

Bigla siyang nawala!

Night Boundary!

"Wooosh!"

Biglang mabilis na umatake ang kanyang katawan, at muntik nang tamaan ang Rock Monster!

Sa isang iglap, naramdaman niyang mayroong malakas na pwersang itinataboy siya!

Pero umatake pa rin si Marvin at sinaksak ito!

Ang Spatial Slash ng Sodom's Blades ay tumama sa Elemental Life Mark!

Kailangan mayroon siyang masira.

Tumingin si Marvin. Sa kaninang 9 na Elemental Life Mark, 8 na lang ang natitira!

Epektibo ang kanyang pag-atake!

Ang nag-cha-chant na Rock Monster ay natakot sa pag-atake kay Marvin at nakatamo ito ng pinsala dahil doon!

Umatungal ito, nayanig ang kabuoan ng Collapsed Earth.

Lumipad ang buhangin sa paligid, dumikit ito sa katawan nito, na tila gumagawa ng proteksyon.

"Mahina ka naman pala…"

"O nagamit mo na ang lahat ng lakas mo para pigilan si Tiramisu dahil akala mo madali lang akong kalabanin?"

Mukhang naisip nga ng Rock Monster na hindi niya maaaring pakawalan ang Eternal Time Dragon.

Tumawa si Marvin, makikita ang bagsik sa kanyang mga mata.

Sa sumunod na sandali, muling umatake ang Sodom's Blades!

Sinira ng pulang patalim ang buhangin!

Nahati nito ang isa pang Elemental Life Mark.

At noong oras na iyon, biglang nakita ni Marvin ang pinagmumulan ng itim na liwanag.

"Ang Book of Nalu?!"