webnovel

Acheron Gang

Editor: LiberReverieGroup

[Bagong Buhay na Ranger]: Patataasin ang iyong Ranger badge effects ng 1%

Iyon ang epekto ng title na iyon. Kung si Marvin ang tatanungin, mas mabuti na ito kesa wala. Noong natapos niya ang kanyang thief class quest nakuha niya ang titolong [Gifted Criminal] sa sobrang galing nito.

[Gifted Criminal]: Lahat ng Thief class skills ay +10

Naging madali ang mga unang laro ni Marvin dahil sa titolong 'yun at dahil rin sa dexterity skill na [Wall Climb]. Ibang-iba siya sa ibang mga Thieves dahil kung ano mang pagkukulang sa lakas ay kayang-kayang punan ng titolo at skill na'yun.

Sa "Feinan Continent", malaki ang pagkukulang sa lakas ng mga Thief na nasa early stages. Mas tinuturing silang explorer kesa mga adventurer. Dalubhasa sa pag-iwas sa patibong sa loob ng dungeon, pagbubukas ng mga baul, at umatake ng palihim ang mga ito. Kung di dahil sa napakalakas na burst damage ng advance Thief class [Assassin], marami na sigurong Thief ang sinukuan ang class na ito. 

Bukod kay Marvin, na ibang klase ang BUG sa early stages, karamihan ng mga Thief ay kaya lang humugot ng exp sa kanilang mga kasamahan. Wala rin namang ibang kapakipakinabang na skill ang mga ito bukod sa paminsan minsang pag bukas ng mga baul at pag iwas sa mga patibong. Sa early games, maraming class ang pwedeng piliin pamalit sa Thief, tulad na lang ng Ranger at Druids.

Iyon ang mga dahilan kung bakit isinuko niya ang pinakamamahal niyang Thief class kahit na labag ito sa kaniyang kalooban. Makakukuha nga siya ng pera dahil sa pagnanakaw pero mas mahalaga ngayon ang pagpapalakas ng kaniyang fighting abiilities.

Kung sabagay, isa sa mga advancement branches ng pagiging Ranger ay katulad rin ng final advancement path para maging [Ruler of the Night]

Bawat tao ay maaari lang gumamit ng isang title, at walang magagawa si Marvin dahil naturally equipped sakanya ang [Newborn Ranger].

...

Matapos ipasa ni Marvin ang recommendation letter sa Ranger Guild, nakatanggap siya ng novice Ranger Badge. Mayroong tatlong badges na maaaring pagpilian ang mga novice Ranger: ang wild wolf badge, noble hawk badge, at ang sika deer badge.

[Wild Wolf Badge]: Taming +5

[Noble Hawk Badge]: Long range vision +3

[Sika Deer]: Hide +9

Bawat isa sa mga badge ay pinatataas ang isang skill effect, at pumili agad ang magaling na si Marvin.

Napakalakas sa kagubatan ang [Hide] ng isang Ranger. Kung ang [Hide] skill ay 100 o higit pa, ang epekto nito ay halos katulad na ng [Strong Stealth] ng isang 2nd rank Assassin. Kahit na ang [Taming] at ang [Long Distance Vision] ay parehong kapaki-pakinabang, ay hindi sila kasing kapaki-pakinabang ng [Hide].

Mahalaga ang [Hide] sa mga Ranger tulad ng kahalagahan ng [Stealth] sa mga Thief.

Tumaas ng 11 na puntos ang kaniyang HP noong matagumpay na siyang naging isang Ranger., Nakatanggap rin siya ng libreng attribute point, at mayroon 96 skill points kaagad.Nagbago rin ang kaniyang character window:

[Adventurer Class: Level 1 Ranger (0/50)]

Ginamit niya agad ang kanyang libreng attribute para sa dexterity dahil dexterity at intellegence ang main attributes ng isang Ranger. Nagiging mas maliksi at mas mahusay ang mga Ranger dahil sa dexterity habang maaari naman silang mag cast ng spell dahil sa intellegence. Sa ngayon, mas mahalaga sa advancement path ni Marvin ang Dexterity kumpara sa intellegence.

Sadyang napakahalaga ng puntos ng attributes. Bukod sa isang puntos na makukuha niya sa level 1, makakakuha lang siya ng isa pang puntos kada dalawang level na malampasan. Kaya naman mabilis ring naubos ang kanyang 96 skill points. Hindi nagtagal ay ganito na ang kaniyang skill tab:

Hide – 41(+9)

Stealth – 20

Inspect – 35

Likas na sa mga Ranger ang pag gamit ng mga punyal at pana.

Kaya naman naging ganito na ang stats window ni Marvin:

Name: Marvin

Race: Human/?

Attributes:

Strength – 11

Dexterity – 17

Constitution – 9

Intelligence – 14

Wisdom – 14

Charisma – 13(+1)

Class: Noble Rank 3 (150/200)

Adventurer Class: Level 1 Ranger (0/50)

Title: Newborn Ranger

Health Points: 37/37

Exp: 40 (Noble) [Unused]

SP (Skill Points): 0

AP (Ability Points): 0

Class Skills:

– Noble (Baron):

Dignity – 25

Management – 31

Perception – 16

Diplomacy – 19

Accounting – 28

Horsemanship – 30

– Ranger:

Hide – 41(+9)

Stealth – 20

Inspect – 35

Equipment:

Badge (Sika Deer)

...

"Sa wakas mayroon na akong combat class!" Pagka alis ni Marvin sa Ranger Guild, tuwang-tuwa siyang madama ang lakas na dumadaloy sa kaniyang katawan.

Nadama niya ang sigla ng kanyang katawan. Matagumpay niyang nadaya ang pag gawa ng "reccommendation letter". Nagkaroon uli siya ng pag-asa dahil dito. Naging malaking tulong sakanya ang dati niyang kaalaman. Walang pagkakataon ang ibang classes na gamitin ang paraan na iyon dahil, sa lahat ng classes, tanging Ranger lang ang pwedeng makakuha ng kanyang class mula sa reccomendation letter ng isang senior Ranger. Nalaman niya na dating Senior Ranger ang pulubi sa panunod lang ng kilos nito. At dahil doon ay nagawa niyang gamitin ang isang bote ng ginintuang alak para suhulan ito. Hindi siya ang nakaisip ng diskarteng ito kung hindi ang karanasan mismo ng kaniyang kaibigan sa kaniyang dating buhay.

Isa ring god level na manlalar ang kaibigan niyang iyon. Habang hirap na hirap ang karamihan sa kani-kanilang 2nd advancement quest, kagulat-gulat na naabot ng taong iyon ang third rank na [Forest Guard]. Natutuhan din ni Marvin sa kaibigan niyang iyon na mayroong ganoong uri ng lusot sa base Ranger class. Maaari niyang dayain ang recommendation basta makuha niya ang badge ng isang Ranger na mas mataas ang level.

Walang ibang tiningnan ang Ranger Guild kung hindi ang mismong recommendation letter at hindi man lang tinanong ang mga tao gumawa nito, kaya nagkaroon ng pagkakataon na mapadali ang prosesong piagdaanan ni Marvin.

Ang matagumpay na pagkamit ng Ranger class ay nangangahulugang maari pa rin niyang magamit ang mga dati niyang kaalaman. Kahit na hindi siya ganoon kapamilyar sa River Shore City, ay nagawan pa rin niya ng paraan na makakuha ng pera at palakasin ang sarili matapos niyang balikan ang kaniyang mga dating alaala. Kung dito nga ay nagawan na niya ng paraan malamang ay mas mapapadali ang kaniyang buhay kung sa [Jewel Bay], ang dati niyang siyudad, siya napunta.

Mabilis naubos ang pera niya, mayroon na lang siyang 30 na pilak na natira matapos bumilli ng isang Common Curved Dagger² sa isang panday sa business district.

Masyado pang mababa ang stats ng common curved dagger. 2-5 na Attack lang ang meron ito, at halos hindi ito sapat upang ipagtanggol ng isang tao ang kaniyang sarili… kailangan ng matinding lakas para makatalo ng isang halimaw.

Kailangan ni Marvin na madagdagan agad ang kanyang lakas, pero hanggang ngayon ay kulang pa rin siya ng pera. Hindi rin niya nalimutan ang kanyang sariling layunin. Hinihintay pa rin siya ni Anna, ang half-elf butler na kasama na niya mula noong kanyang pagkabata, sa Fierce Horse Inn. Kaya mayroong natatanging lugar sa kaniyang puso si Anna.

Iaalay niya ang kaniyang buhay kung kinakailangan, maipagtanggol lang siya.

Matapos makapasok ng dalawa sa River Shore City, nagastos ni Marvin ang naipon nilang pera. Kaya naman araw-araw na nagtrabaho si Anna sa bahay ng kaniyang walang kwentang tiyuhin kapalit ang kakarampot na halaga. Kung hindi dahil kay Anna, maaring napagdiskitahan na siya ng isa sa mga gang na gustong nakawin ang kanyang pera.

Masasabing mula't sapul ay inaalagaan na ni Anna si Marvin.

Panahon na para gumawa ng mga pagbabago.

Bitbit ang kanyang curved dagger na nakasukbit sa kaniyang baywang, sinamantala ni Marvin ang pagkakataong hindi nakasara ang lagusan ng River Shore City at mablis siyang umalis ng siyudad.

...

Ang kagubatan ng Feinan Continent ay isang mapanganib na lugar. Maaaring may biglaang lumitaw na halimaw sa kalsadang nasa pagitan ng mga siyudad. Kung tutuusin, maaari pa ring lumitaw ang isang halimaw sa isang kalsada kahit na palagi itong nililinis. Sapat na ang isang ogre o kahit ang maliit na goblin para patumbahin ang isang Level 1 Ranger na tulad ni Marvin.

Pero kahit papaano ay ligtas naman ang kapaligiran dahil na rin sa mga gwardiyang araw-araw na nagbabantay sa mga siyudad

Subalit, hindi lumabas si Marvin para sa leveling, lumabas siya para kumita ng pera.

Sa labas ng River Shore City, ay mayroong isang malaking ilog na kilala sa pangalang Pine Cone River. Ang Pine Cone River ay nahahati sa dalawa. Ang kahating ilog naman nito ay kilala sa pangalang White River habang ang Lupain naman ni Marvin ay tinatawag na White River Alley na matatagpuan sa White Lake.

Ang Pine Cone River ay nasa labing isang libo at anim na daang kilomtero ang haba, napakalawak at payapa, na mayroon mga mabuhanging dalampasigan.

Ang Grodon Plateau's loess ay dumadaloy panana sa ilog, kung kaya may namumuong silt na dahilan ng matabang lupa dito.

Paminsan-minsan ay may maliliit na alimangong tinatawag na [Blue Glow Crabs] na nangaggaling sa Pine Cone River. Isang pambihirang pagkain ang blue glow crab, kayang dagdagan nito ang mental power ng mga wizard. Kaya naman ang alimangong ito ay napakamahal sa merkado. Kung tama ang pagkaka-alala ni Marvin, ang isang blue glow cab ay nagkakahalaga ng 20 na pilak.

Kaya naman noong hating gabi ay umalis siya sa bayan upang manghuli ng alimango

Ang mataas na halaga ng blue glow crab ang dahilan kung bakit puno ang Pine Cove River ng mga taong sumusubok manghuli nito.Subalit karamihan sa mga ito ay hindi mahusay sa panghuhuli. Umaasa lang sila sa suwerte at sa pagkapa kung saan sila hahanapin. Kahit na buong araw sila maghanap ay hindi ibig sabihin ay makahuhuli na sila. Sobrang liit ng mga alimangong ito kaya hindi sila madaling makita kahit sa umaga, lalo pa kapag gabi.

Kaya naman, walang katao-tao sa Pine Cove River tuwing gabi, at yun ang gusto ni Marvin. May alam siyang paraan upang makapanghuli ng glow crabs na tuwing gabi lamang gumagana. At dahil walang ibang tao ay walang sasagabal sa kanya.

Hindi nagtagal ay dumating rin siya sa paroroonan.

Nang biglang may narinig siyang mga yabag sa kaniyang likuran!

"May sumusunod sa akin?"

Pinanghinaan ng loob si Marvin. Isang malaking pagkakamali ang kaniyang nagawa.

Hindi na siya ang makapangyarihang Ruler of the Night at ang kaniyang Wisdom ay hamak na 14 points lang. Halos walang nilamang sa pangkaraniwang tao. Kasama ang 16 niyang perception, naabot niya lang ang level na malinaw at matalas lang ang mata.

Dahil sa pagiging ranger niya ay naging pabaya na siya. Hindi man lang niya naisip tingnan kung mayroong sumusunod sa kanya.

Isang anino ang lumitaw habang kinuktya siya. Hindi katangkaran at ang mga kamay niya ay may hawak na maliit na punyal.

Isang Thief!

[Inspect (35) skill has been used...]

[Wisdom Check…]

[Inspect Successful]

Ang mga pangunahing impormasyon ng Thief ay agad nakita ni Marvin.

Level 5 Commoner / Level 3 Thief – Hp 42

"Lord Noble, hindi magandang kaugalian ang pag-alis ng siyudad ng mag-isa" Biglang humagalpak sa tawa ang thief at sinabing, "Sa tingin mo ba dahil may dala kang punyal ay kaya mo nang ipagtanggol ang sarili mo? Para sa isang walang kuwentang maharlika, dapat mong ikarangal na mamatay dahil sa Acheron Gang"

Biglang, nagdatingan pa ang ilan pang anino mula sa main road.

Nagngalit ang ngipin ni Marvin 'Letse! May kasama siya?'

'Acheron Gang? Wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Bakit nila ako papatayin?"

Ngunit hindi iyon ang tamang oras para magisip. Agaran siyang tumakbo, at pumunta sa grove na katabi ng river shore.

_____________

1, T/N: Noble Hawk ang pagsalin ng latin name ng Noethern goshawk

2, - T/N: Para lang malinaw, iyon ay isang curved single-edged knife na parang kukri.

Curved dagger kapag pinaikli.