webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
213 Chs

Chapter Twenty-One

"YAAAAAAAAH!! Hubby!! Umuulan!!" napabagon ako sa duyan.

Tumayo na si Timothy at hinila ang kamay ko. Tumakbo na kami papasok sa bahay. Wala rin, nabasa ako pati sya.

"Hubby basa ka na rin oh!" may nakita akong twalya sa may sofa. Ginamit ko 'yon at pinunasan sya.

"Ako na." Kinuha nya sa'kin ang towel at ipinunas naman sa'kin.

"Mas nabasa ka Hubby," reklamo ko. Pinupunasan nya ang tuktok ng ulo ko.

"Okay nang ako ang magkasakit hwag lang ikaw. Baka hindi kita maalagaan nang maayos," tuloy sya sa pag-pupunas sa'kin.

"Ayiie! Ang sweet mo talaga Timothy! Kaya kita love eh!" naka-ngiti kong sabi.

Ngumiti lang sya. Pumanhik na muna kami sa kwarto para mag-bihis. Nasa loob ako ng banyo na nasa kwarto namin. Sya naman nasa labas. Nang matapos akong magbihis naghintay muna ako ng ilang minuto bago lumabas, baka kasi hindi pa sya tapos sa pagbibihis.

Pero ano kaya? Ako nalang kaya ang magbihis sa kanya? Wala naman malisya! o(>///<)o Pero hwag na nga lang. Tapos na kaya syang magbihis? Hmm. Silipin ko kaya? TAMA! Bulag naman sya kaya hindi nya malalaman. Ano?

Hinawakan ko na ang door knob at maingat kong pinihit. Tiniyak kong walang ingay. Unti-unti kong binuksan ang pinto. Nang mabuksan ko na. Malayo sa inaasahan ko ang nakita ko.

Nakita ko sina Ami at si Timothy na magkalapat ang mga labi. Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko. Galit ako at nasasaktan, hindi ko alam kung ano ang mas matimbang sa dalawa.

Hindi ko na namalayan ang ginawa ko. Itinulak ko si Ami palayo kay Timothy. Sinampal ko sya nang malakas sa pisngi. Naiinis ako, nagagalit ako, nasasaktan ako. Bakit nya 'yon ginawa? Ano'ng karapatan nyang gawin 'yon?! Bakit nya hinalikan si Timothy?!

Nagdidilim ang paningin ko. Nakita ko nalang si Ami na nasa sahig at nakahawak sa pisngi nya at ako na nasa gitna nila ni Timothy. Nakita ko ang mata nya. Parang hiyang hiya sya at gulat na gulat. Mabilis syang tumayo at lumabas ng kwarto namin ni Timothy.

"Miracle?"

Ang sikip parin ng dibdib ko. Naramdaman ko ang kamay ni Timothy na humawak sa balikat ko.

"Miracle."

Humarap ako sa kanya. "She kissed you! I can't believe she just did that! She kissed you! SHE KISSED YOU!" Mabilis ang paghinga ko. Para akong kakapusin. Napahawak ako sa noo ko.

"Try to calm your self Miracle," pinaupo nya ako sa kama.

"HOW CAN I DO THAT?! I JUST SAW SOMEONE KISSING YOU! IN FRONT OF ME! INSIDE OUR BEDROOM! HOW CAN I CALM DOWN?!"

"I know. I know," seryoso ang mukha na sabi nya. Huminga sya nang malalim.

"How dare of her," nagngingitngit kong sabi.

Kinuha ko ang unan at itinakip sa mukha ko. Doon ako sumigaw. "AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!!"

"Miracle. Miracle. Stop that," kinuha nya ang unan.

Naiinis talaga ako. Hindi, nagagalit ako! Naluluha na nga ako sa sobrang galit eh! Ang sakit kaya!

"It was just a kiss," mahinang sabi nya.

Gulat na napatingin ako sa kanya. Just A Kiss?

"Sabihin mo sa'kin. Alam mong si Ami ang humalik sa'yo pero hindi mo sya pinigilan?"

Natahimik sya. Bumuntong hininga muna sya bago sumagot.

"Alam ko na sya ang nasa harap ko bago pa man nya ako halikan."

"And yet you didn't even stop her?"

"I—"

"Do you like her?!" sigaw ko.

"What?! No! Miracle of course—"

"Then why?!" naiiyak na tanong ko sa kanya. Natahimik sya saglit. "Nevermind. Wala naman magbabago kahit na magpaliwanag ka pa! Hinalikan mo rin sya kahit na alam mo'ng hindi ako 'yon! At ang sa'kit non!" binato ko sa kanya ang unan.s

Mabilis akong lumabas ng kwarto. Narinig ko pa syang isinigaw ang pangalan ko pero hindi ako bumalik. Tumakbo nalang ako palabas ng bahay kahit na naulan pa.

Alam nyang si Ami 'yon pero ni hindi sya lumayo! Ano'ng ibig sabihin non?! Na gusto rin nya?! Napahinto ako sa pagtakbo. Hindi kaya may nararamdaman na rin sya para kay Ami? Na-inlove ba sya kay Ami dahil sa pagsasama nila sa loob ng dalawang taon? Gano'n ba 'yon? Hindi. Hindi 'yon pwede. Sabi nya sa'kin ako lang ang mahal nya. Pero paano kung hindi pala? Paano kung mahal nya rin pala si Ami? Sumilong muna ako sa cottage. Umupo ako at niyakap ang binti ko.

Pano na? Kaya ko ba? Ilang oras din ako na naka-upo hanggang sa tumila na ang ulan at nakita ko na madilim na pala ang paligid.

Tumayo na ako at naglakad pabalik sa bahay. Dati kapag nawawala ako hinahanap nya ako, ngayon hindi na. Para namang kinurot ang puso ko don. Naiinis ako sa kanya, sa kanilang dalawa. Pumasok ako ng bahay at nakita ko si Timothy na naka-upo sa sala.

"Miracle please let's talk," lumapit sya pero lumayo ako.

"Ayoko." Nilagpasan ko sya at pumanhik ako sa itaas.

"Miracle it's not what you think okay? Just please listen to me—"

"She kissed you at alam mo na hindi ako 'yon! Wala kang ginawa! Hindi ka umiwas alam mo ba iniisip ko nga eh, pano kaya kung hindi ko kayo naistorbo siguro nakarating na kayo sa kama no! Well SORRY sa ISTORBO! Bakit hindi nyo nalang ipagpatuloy ang ginagawa nyo kanina?!" may tumulong luha mula sa mata ko at inis ko itong pinunasan gamit ang kamay ko.

Pumasok ako sa loob ng kwarto, nakasunod sya.

"Wifey just please," mukha na syang nahihirapan humanap ng tamang salita para magpaliwanag "Let me explain first."

"Just don't call me that! I HATE YOU NOW!"

Kinuha ko ang ilang pamalit kong damit at lumabas ulit ng kwarto. Nabunggo ko pa sya paglabas ko.

"Miracle where are you going?" medyo natatarantang tanong nya.

"Ayokong matulog sa tabi mo! Si Ami nalang patulugin mo dyan!"

"Miracle are you leaving me?" nakasunod sya sa likod ko.

Napahinto ako. "Is that a suggestion?" matabang kong tanong. "Bukas nalang ha, pagod na kasi ako." Binuksan ko na ang pinto sa kabilang kwarto at pumasok. Agad kong ini-lock.

Kinatok nya ang pinto nang paulit-ulit. "Miracle mag-usap muna tayo. Miracle."

"Leave me alone!" sigaw ko.

But Timothy being his usual self hindi nya tinigilan ang pagkalampag sa pinto.

"Ayoko makipag-usap! Umalis ka na—!" napapiyok ako. Naiiyak na talaga ako. Nakakainis naman eh! Bakit ba kasi nangyari pa 'yon?! Pinahid ko na ang luha ko.

"Miracle please."

Hindi ko na sya pinansin sa kabilang pinto. Tinakpan ko ng unan ang tenga ko para hindi ko sya marinig. Ayokong marinig ang mga sasabihin nya, baka mas masaktan pa ako. Dahil kahit na ano'ng sabihin nya, wala paring magandang dahilan para halikan nya si Ami. Lalo na kung nasa malapit lang ang girlfriend nya! Hindi ko pinansin ang boses nya. At nagpatuloy lang ako sa pag-iyak.