webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
213 Chs

Chapter One Hundred Twenty-Eight

Natapos ang party ng 2AM. Nakaalis na lahat ng bisita. Pagod na pagod akong humiga sa kama ko at tinitigan ang kisame. Naalala ko ang mga sinabi ni Red kanina. Dumapa ako sa kama ko para mapigilan ang sarili ko sa pagtili. Sobra akong kinikilig kapag naaalala ko ang mga nangyari kanina sa party.

Haaayy... Napaupo ako sa kama. Tinignan ko ang kwintas na bigay nya sa'kin. Kumikislap sa ganda ang mga dyamante na nakadikit sa kwintas. Puso nya daw 'to. Ingatan ko dahil ayaw nyang mapunta sa iba. Dumapa ulit ako at pinaghahampas ang unan. Kinikilig talaga ako! Lalo na kanina nang kumanta sya! Pakiramdam ko mamamatay ako sa sobrang saya.

Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Bigla akong napaupo sa kama ko at umayos.

"Pasok."

Pumasok si Mama. "Samantha nakita mo ba ang kapatid mo? Wala sya sa kwarto nya."

"Ah. Baka po nasa kusina na naman."

"Oh." Napahawak sya sa kanyang dibdib.

"Ako nalang ang pupunta don Mama, magpahinga na po kayo." Tumayo ako at lumapit kay Mama. "Alam ko na napagod kayo sa party kanina."

Ngumiti si Mama. "Thank you sweetheart," hinalikan nya ako sa pisngi bago umalis. "Oh and please tell your brother not to eat too much sweets."

"Opo Mama, good night."

"Goodnight."

Bumalik na si Mama sa kwarto nila ni Papa. Kinuha ko ang robe ko at isinuot. Ang lamig kasi. Lumabas ako ng kwarto ko at pumunta sa kusina.

"Angelo?" tawag ko. Wala sya sa kusina. Pinuntahan ko sya sa entertainment room. "Angelo?" Wala rin. Sunod kong pinuntahan ang game room. Binuksan ko ang ilaw. Wala parin sya. Nag-alala ako. Nasaan kaya sya?!

"Miss Samantha may kailangan po kayo?" tanong ng butler na si John.

"Si Angelo?"

"Huli ko po syang nakita sa Perez Hall."

Ano'ng ginagawa nya don? Bakit nandon sya?! Tapos na ang party ah? Wait! Baka naman tumutulong na naman sya sa pagliligpit don para makakuha ng mga matatamis? Madalas nyang gawin yon dahil nakaka-sungkit sya ng mga matatamis na pagkain. Sinabi nang bawal sa kanya ang masyadong matamis! Pinuntahan ko sya sa hall.

"Angelo?" tawag ko.

May mga natitira pang tao sa hall na naglilinis.

"Si Angelo?" tanong ko sa isa sa kanila.

"Nandon po sya Miss Samantha," turo ng babae na napagtanungan ko.

"Salamat." Pinuntahan ko ang tinuro sa akin ng babae. Angelo bakit ba kasi ayaw tantanan ang pagkain? Dapat natutulog na sya ngayon eh! "Angelo?" tawag ko.

Medyo madilim sa veranda dahil nakalugay na ang mga kurtina. Kakaunting liwanag nalang ang nalabas mula sa loob.

"Mommy! I'm here!"

Napatingin ako sa kanya. "Angelo—" natigilan ako nang napansin kong hindi pala sya nag-iisa. "S-Sino ka? Kanina pa tapos ang party."

Nakaupo sya sa harap ni Angelo para maging pantay sila. Nakatalikod sya sa direksyon ko pero alam ko na nakasuot sya ng formal attire. White.

"Mommy! You found me! Yay!" Lumapit sa akin si Angelo at kumapit sa kamay ko.

Tumayo ang lalaki ngunit hindi parin humaharap sa akin. Kinabahan ako. "Kanina pa tapos ang party. Bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong ko sa estranghero. Hindi sya umimik. "Nasiraan ka ba ng sasak—"

"You..."

Agad akong tumahimik nang marinig ko ang boses nya.

"...look really beautiful..."

Unti-unti syang humarap sa akin. Napasinghap ako at napatakip ang dalawa kong kamay sa bibig ko.

"...in that dress..."

Tumingin ako sa kanyang mga mata na tila nanghihigop ng kaluluwa. Ang mga mata na hinding hindi ko makakalimutan kahit na ilang bwan o taon pa ang dumaan. Halos hindi ako makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa pagharap sa taong hindi ko nakita nang lagpas kalahating taon.

"Miracle," pagtatapos nya ng may tipid na ngiti.

Hindi ako makapagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala na nandito na sya sa harap ko. Sa sobrang daming emosyon na nararamdaman ko hindi ko na alam kung ano ang mas nangingibabaw. Nanghihina ako. Parang anumang oras ay bigla nalang akong babagsak. Nandito ba talaga sya sa harap ko ngayon o nananaginip lang ako?

"Timothy."