webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
213 Chs

Chapter Ninety-Six

Don't die on me.

Please don't die.

Don't die on me, Jared.

Don't die.

I'm begging you.

Please don't die.

Don't you dare die on me, Jared.

Don't you dare.

"DOC!!" narinig ko na tawag nila.

"Sino ang kamag-anak ng pasyente?" tanong ng doktor na lumabas.

Agad akong tumayo at nilapitan ang doctor. "Fiancee niya po ako, ano na po ang lagay niya?"

Umiling ang doktor sa akin. At ang mga sunod niyang sinabi ay nakapagpadurog sa puso ko.

"He lost too much blood," umpisa ng doctor. "Tinamaan ang ibang ugat ng puso ng pasyente."

Hindi ko na kinayang pigilan ang aking mga luha.

"Nagkaroon ng internal bleeding sa katawan niya dahil sa tinamaang minor arteries. Natahi na namin iyon at naalis ang bala pero nagkaroon ng bara ang isa sa mga major arteries ng pasyente. I'm sorry pero nasa kritikal na kondisyon siya ngayon," paliwanag niya. "He's in coma."

"P-Pero Doc, magigising pa naman siya 'di ba?" lakas loob na tanong ko.

Alam ko na isinusugal ko ang pag-asa ko sa simpleng tanong na 'yon pero kailangan kong malaman ang lagay niya.

"I'm sorry, hija but the chances are too slim. Kailangan niyo na ring ihanda ang sarili niyo dahil maaaring hindi na siya magising pa. His body is experiencing some major trauma na nakapagpalala sa condition niya. Hindi rin ito ang unang beses na nabaril siya ayon sa medical history ng pasyente," tiningnan niya ako na parang sobra niya akong kinaaawaan. "Mananatili siya sa ICU under a life support."

Parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa narinig ko. Life support. Makina na lang ang magbibigay buhay sa kanya. No. No. Hindi pwede. Hindi siya pwedeng mawala. Hindi pwede. Hindi.

"Princess, be strong," sabi ni Kuya Lee sabay yakap sa'kin.

"K-Kuya, sa akin dapat 'yon. Ako dapat na nasa kamang 'yon at hindi siya," umiiyak na sabi ko.

"Princess, please don't blame yourself. Hindi mo kasalanan ang nangyari."

"Kuya. Si Red, kuya..." umiling ako. "Hindi siya pwedeng mawala. Hindi pwede," walang tigil sa pagpatak ang aking mga luha.

Halos hindi na ako makahinga sa sobrang sikip ng dibdib ko. Ako dapat ang tinamaan ng bala. Ako dapat 'yon at hindi siya. My God! Jared Dela Cruz, bakit mo ginawa 'yon?

"P-Princess!"

Dumilim ang paligid ko.

'Sam... m-mahal kita.'

Jared.

***

"Mommy, please buy me another pony," hiling ng batang si Sam sa kanyang ina matapos ang kanyang piano practice.

"Oh, she's here. Mare! Haha! Come here sweetie," aya ni Selene sa anak habang nakaupo sa puting sofa at may hawak na teacup.

"Ang cute naman ng anak mo, Selene," saad ng kausap ng kanyang ina.

"Kanino pa ba magmamana, hindi ba?" mahinhin na tawa ni Selene sa kausap.

Lumapit ang batang si Samantha sa ina. Tiningnan niya ang babaeng kausap ng kanyang Mommy. Nakangiti ito sa kanya na paran tuwang tuwa.

"Sweetie, say hello to your Tita Laura."

Nahihiyang ngumiti si Sam sa babae na kasing edad ng kanyang ina.

"Hello, how'd you do?" bati niya.

"Nakakatuwa naman siya. Ang sarap pisilin ng kanyang pisngi, sobrang cute!"

Agad siyang nagtago sa likuran ng kanyang Mommy dahil natatakot siyang pisilin uli ng babae ang pisngi niya. Ilang beses na rin kasi itong nangyari sa mga parties na dinadaluhan nila ng ina.

"Hahaha! Huwag mong takutin, Mare. Hahaha! Teka nasa'n na ba ang mga anak mo?"

"Ahh si Audrey, nagpaiwan sa hotel. Mukhang napagod yata sa byahe namin. Pero dala ko naman ang unico hijo namin," kumindat ang tita niya sa kanyang Mommy. "Jared, anak?"

Walang dumating na Jared sa harap nila.

"Hmm." Tumingin ang dalawang babae sa paligid. Walang nagpakitang bata sa harap nila.

Pinatunog ni Selene ang kanyang maliit na bell at agad namang may dumating na butler.

"George, pakihanap ang anak ni Laura."

"Nasa garden po siya, Madam," sagot ng butler.

"Ah! Samantha hija, pwede mo bang tulungan si Tita na tawagin ang anak ko? Please?" pakiusap sa kanya ng kaibigan ng kanyang Mommy.

"Sige na sweetie, tawagin mo na si Jared," nakangiting utos sa kanya ng kanyang ina.

She pouted her pink lips. Bakit sa kanya ipinapatawag eh ang dami nilang utusan? Naiinis siya. Gusto niya ng bagong pony pero hindi siya pinapansin ng kanyang Mommy.

Tumalikod na siya at naglakad palabas ng bahay. Narinig niya na nagtawanan ang dalawa habang palayo siya.

"She's so cute. Hahaha!"

"Bagay sila ng anak mo."

"I hope magkasundo agad silang dalawa."

"Mabait naman ang anak mo, Mare. Panigurado magkakasundo sila."

"Sana nga. So Selene, kailan ang kasal? Hahaha!"

"Soon, Laura. Soon."

***

"Sammy? Sammy?"

"China, huwag mo siyang gisingin, ano ka ba?"

"Kasi parang nananaginip siya eh."

"Ow! Bakla, huwag mo akong hawakan dyan, masakit kaya."

"Ay sorry, oo nga pala, may sugat ka dyan."

"Wow, nakalimutan mong nabaril ako? How thoughtful, Chinz."

"Hehe! Daplis lang naman 'yan eh, arte nito."

"Nasan si Michie?"

"Nasa labas kasama si Lee. Humiga ka nga muna, Maggz."

"Ayoko. Gusto kong makita agad ako ni Sam kapag gumising na siya."

"Haay, mukhang na-trauma na yata si Sammy. Kawawa naman."

"Sinabi mo pa, pero mas kawawa si Red."

"Tsk Tsk! Oo nga eh."